webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
107 Chs

Chapter 13- The Pressure

BAR CODE...

"ELLAH?" Kumabog ng husto ang dibdib niya.

"Ikaw ba 'yan?" ibinuka ng binata ang mga mata at unti-unti ng luminaw ang nakikita.

Umiiyak ang dalaga sa driver's seat habang hawak ang isang kamay niya.

Napamulagat ang kanyang mga mata at hindi agad nakakakilos. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang ang amo ang makikita niya.

"I'm sorry Gian!"

Saka pa lang siya parang natauhan at mabilis itong naitulak palayo.

Parang binuhusan ng tubig si Gian at nagising sa kalasingan!

"Gian please, patawarin mo ako," naluluhang saad ng dalaga habang lumalapit.

"No!" Humalukipkip siya sa gilid ng bintana.

Hindi niya kayang ipaliwanag ang kahihiyang nararamdaman.

"No! Stay away from me lady!"

Mabilis niyang tinawagan ang kaibigan.

"Pare pumunta ka ngayon dito sa bar, pumunta ka na dito ngayon na!" Ibinagsak niya ang cellphone matapos i- off.

"Narinig mo lahat ng sinabi ko?"

Tumango ang dalaga.

"Tang...aaaahh!" sigaw niya at napapikit sa kahihiyan.

Napaatras si Ellah.

Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng matinding kahihiyan!

Muli niyang tinawagan ang kaibigan.

"Nasaan ka na?"

"Nasa labas na."

"Hintayin mo ako papunta na ako diyan," binuksan niya ang pintuan.

"Tulungan na kita." Mabilis bumaba ang dalaga para alalayan siya.

"No!" Iwinaksi niya ang kamay nitong humahawak.

Pa ekis ekis ang mga paang humahakbang si Gian patungo sa kotse ng kaibigan.

"Gian hindi mo kaya!"

"Umalis ka na! Hindi kita kailangan. Layas!"

Nanlilisik ang mga mata ng binata habang sinisigawan ang dalaga kaya muli itong napabalik sa loob ng kotse saka nilisan ang lugar.

Napaiyak si Ellah habang nagmamaneho pabalik.

Sinadya pa niyang puntahan ito para lang pala sigawan siya!

"Ang kapal talaga ng mukha! Hindi na marunong rumespeto! Kung makasigaw akala mo katulong ang binubulyawan!"

Napabuga ng hangin ang dalaga.

Akalain ba niyang mangumpisal ito sa kanyang harapan?

Hindi nga lang ng kung ano pa man kundi dahil sa sakit na nararamdaman.

Sakit na siya ang dahilan.

Napagtanto ng dalaga kung gaano ka tindi ang idinulot niya!

"Pero kahit na, hindi niya pa rin ako dapat tratuhin na parang tauhan, ako ang amo pero ako ang sumusunod sa kanya!"

Ang ginagawa nito sa kanya ay sobra-sobra pa!

Nasa loob na ng sasakyan ang binata nang buksan ni Vince ang pinto.

"Ay palaka!" gulat na gulat nitong sabi.

"Saan ka galing wala ka sa loob ng bar?"

"Iuwi mo na ako pare." Pakiramdam niya kasi nilalamig na siya ng husto at bahagya ng nanginig ang mga labi niya.

Idinantay ni Vince ang mga palad sa kanyang leeg.

"Pare! Napakataas ng lagnat mo!" Hinubad nito ang kanyang suot na jacket at nakita nito ang mga pasa niya.

"Sinong gumulpi sa'yo?"

"Mamaya na ako magpapaliwanag gusto ko ng umuwi."

"Hindi, sa ospital tayo pupunta!"

"Huwag na kaya ko ang sarili ko hindi ako magpapa..."

"Gian pare!"

Tuluyan ng nagdilim ang paningin ng binata at wala na siyang matandaan.

---

CIUDAD MEDICAL DE ZAMBOANGA...

Nagising siyang may benda sa ulo at iba pang parte ng katawan.

Napabangon siya.

"Pare, nasaan ako?"

"Nasa langit pare kasama ko."

"Gago!"

Tumawa si Vince.

"Okay ka na ba? Dinala kita sa ospital dahil nilagnat ka, sabihin mo nga sino ang may gawa niyan?"

"Nagugutom yata ako pare."

"Sige sandali at ipaghahanda kita. Ang hirap talaga ng walang girlfriend mantakin mong ako ang nag-aalaga sa'yo?"

"Sige na, daming reklamo."

"Oo na!"

Saglit lang kumakain na siya, inilang subo lang niya ang ihinanda nito sa sobrang gutom.

"O tapos ka ng kumain ha, baka pwede ka ng magkwento?"

"Gusto kong magbanyo pare."

"Lintek!"

Natawa ang binata. Ngunit inalalayan pa rin siya nito papuntang banyo.

Nang makatapos ay nahiga siya uli umupo naman ito sa tabi niya.

"O ano magkwento ka na."

Pumasok ang nurse.

"Excuse me sir, gising na pala kayo, i check ko muna kayo sandali" wika ng nurse.

Napakamot ng ulo si Vince.

"Well, okay na uli ang mga vital signs niyo sir, baka bukas pwede na kayong ma discharge."

"Sige ho salamat," sagot niya.

Nang makalabas ang nurse ay muli siyang kinulit ni Vince.

"Buti na lang pare makakalabas ka na bukas sige na magkwento ka na."

"Ganito kasi 'yan..."

"Kumustang pakiramdam mo nahihilo ka pa ba?" tanong ng doktor pagkapasok nito.

Hindi na maipinta ang pagmumukha ni Vince.

"Hindi na ho dok."

"Good"

Bimilinan siya nito ng instructions.

"Sige ho dok salamat."

Nang makaalis ang doktor nainis na ang kaibigan.

"Mamaya darating dito ang nanay mo ang tatay mo lintek! "

"Ano? Patay na ang mga binabanggit mo!"

Napakamot ng ulo si Vince.

"Pare, hindi mo ba ito ipapaalam sa opisina?"

"Hindi na, buhay naman ako eh."

"Paano mo maipapaalam kung patay ka na?"

Humugot siya ng malalim na paghinga. "Nakasagupa ko ang anak ni congressman Dela vega pare."

"Ano? Pare sa dinami-daming tao bakit siya pa ang napili mo? Kilala mo sila hindi ba?"

"Ang pamilya nila pero hindi ang anak."

"Teka nga malabo eh, bakit ba kayo nagkita ng lalaking 'yon?"

Ikinuwento niya ang nangyari.

"Akala ko bugbugan lang pero may mga baril kaya hayun nagkabakbakan."

"Whoa! dahil sa babae kaya ka nagkaganyan?"

"Wala eh, hindi ko maatim na makikita siyang nasasaktan."

"Naks! Pag-ibig nga 'yan pare!"

"Trabaho ko 'yon bilang bodyguard niya."

"Buti na lang nakaligtas kayo. Ano reresbak ba tayo? Sabihin mo lang ako ang kikilos."

"Huwag na, sa tingin ko mananahimik na ang mga 'yon."

"Sabagay malapit na ang eleksyon tiyak palalagpasin ni congressman ang nangyari kaya tatahimik na nga ang mga 'yon."

"Tahimik sila kapag ganyang kritikal ang sitwasyon. "

Hindi na ito umimik. May punto si Vince dapat niyang ipaalam subalit natatakot siyang baka pag nalaman ng head nila ay aalisin na siya kapag nagkataon paano na si Ellah?

Saludo talaga siya sa kabaitan ng kaibigan kaya natutuwa siyang naging magkaibigan sila.

"Pare, maraming salamat dahil lagi kang nandiyan, sa hirap man o ginhawa lagi kitang maaasahan, napakalaki na ng utang na loob ko sa'yo."

"Pare, huwag kang ganyan para kang namamaalam. Sige ka 'pag namatay ka ako ang papalit sa posisyon mo pati na rin sa trabaho. Malay mo ako pala ang nakatadhana para kay Ellah."

" Sa palagay mo papayag ako?" galit niyang tugon.

Nagkatawanan sila.

"Tigilan mo nga ako!"

"Aba! Buhay na noon, nagagalit na eh."

"Sira-ulo!"

Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ng mahigpit ng kaibigan.

"Pare, sana naman sa susunod ingatan mo rin ang sarili mo, iisa lang ang buhay pare kaya kahit trabaho natin ang protektahan ang iba isipin mo naman ang sarili mo."

Tinapik-tapik niya ito sa balikat.

"Salamat pare, salamat sa pag-alala."

Tumunog ang kanyang cellphone.

Kumalas ito sa pagkakayakap.

Napatingin siya sa kaibigan at kabadong nagsalita.

"Pare, si don Jaime tumatawag."

Iniloud-speak niya ang cellphone dahil sa utos ni Vince.

"Good morning sir."

"Yes Gian, nasaan ka pwede mo bang pagsilbihan ang apo ko ngayon meron siyang importanteng meeting eh, pwede ka ba?"

Hindi nakapagsalita ang binata.

"Gian nandiyan ka pa ba?"

"Sir? Ah, pasensiya na ho sir, medyo masakit kasi ang katawan ko."

"Katawan? Bakit nahihirapan ka bang magmaneho?"

"Ah, hindi ho sa gano'n don Jaime, a-ang ulo ko pala ang masakit."

"Mr. Villareal nagdadahilan ka na ba ngayon? Sabihin mo lang kung gusto mo ng palitan!"

Nagkatinginan ang magkaibigan.

Galit na inagaw ni Vince ang cellphone.

"Hoy ano ba! Akin na 'yan!"

Pinilit niyang maagaw subalit lumayo ito at nakipag-usap na.

"Don Jaime, si Vince ho ito kaibigan ni Gian, nasa ospital ngayon ang kaibigan ko dahil sa gulpi at barilang nangyari kahapon ng gabi, kung hindi niyo ho alam, 'yon ay dahil sa inyong apo. Muntik ng mamatay ang kaibigan ko hindi niyo alam!"

Natahimik si Gian bagaman at nagpapasalamat siya sa ginawa nito ay naiinis siya sa kaibigan.

"Bakit mo sinabi? Hindi mo alam ang pinagsasabi mo pare!" galit niyang bulyaw matapos itong makipag-usap.

"Pasensiya na pare pero hindi ko maaatim na aalis ka ng ospital ngayon dahil lang sa utos ng isang don Jaime."

"Kahit na hindi ka dapat makialam!"

"Alam mo tama ka, 'yang ikamamatay mo ay ang apo ni don Jaime!" galit na nitong sigaw.

Natahimik ang binata.

Natauhan din si Vince.

"Ayoko lang naman na abusuhin mo ang kalagayan mo hindi ka pa magaling."

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang nahiga. Inalalayan pa rin siya nito para makapwesto ng maayos.

"Ayoko lang isipin ni don Jaime na napapabayaan ko ang apo niya."

"Napabayaan? Eh 'di sana patay na siya? Eh ikaw nga 'tong muntik ng mamatay! Wala siyang pwedeng isumbat sa'yo, oras na may marinig akong panunumbat lalabas siya dito ng naka wheelchair!"

"Naka wheelchair na talaga 'yon."

"Eh 'di stretcher!"

"Puro ka kalokohan, kaya ayokong malaman niya dahil tiyak lalala ang kundisyon ng matanda. Ngayon dahil sa sinabi mo nakakasigurado akong inuusisa na ngayon si Ellah."

Natahimik si Vince.

Muli siyang napabangon nang kapain ang ulo.

"Pare ang sumbrero ko?" nakatingin siya dito.

"Sumbrero? Wala ka namang suot pare."

Bigla siyang nataranta. " Tangna! Pare balikan mo ang bar ngayon at tiyak kong naiwan doon."

"Bakit? Gaano ba ka importante ang bagay na 'yon at natataranta ka diyan?"

"Bigay ni Ellah 'yon eh, nag-iisang bagay na ibinigay niya!"

"Ano ngayon, eh 'di humingi ka uli! Teka bakit ka niya binigyan?"

"Sa akin na lang 'yon."

"Wow! May sekreto ka na ngayon? Sabihin mo muna kung bakit ka niya binigyan at hahanapin ko."

"Vince naman!"

"Malayo pa ang birthday mo Gian, pati na ang valentines kaya bakit ka niya binigyan, kayo na ba?"

Napabuga ng hangin ang binata.

"Ibinigay niya 'yon para pagtakpan ang mukha ko."

"Ano? At bakit daw?"

"Ayaw niyang maraming nakatingin sa akin kaya niya 'yon ibinigay."

"Ibang klase pala 'yang boss mo, bakit takot ba siyang makita ng iba ang gwapo mong mukha kaya niya tinakpan? Gusto ba niya siya lang ang makakakita sa mukhang 'yan? Mapipigilan ba niya ang iba na humanga sa kagwapuhan mo eh talaga namang gwapo ka."

"Pero hindi niya 'yon nakikita."

" Kaya ka nga niya pinagtakpan hindi ba? Ibig sabihin alam niyang gwapo ka!"

"Hay ewan, basta pare, hanapin mo ang sumbrero ko ngayon na, at bilisan mo baka tuluyan na 'yong mawala!"

"Oo na! sumbrero lang eh!" Napapakamot ng ulo na umalis ang kaibigan.

Natatawang pinagmasdan niya ito habang palabas.

Saka naman sumagi sa kanyang isipan ang dalaga.

---

LOPEZ MANSION...

"Nasa ospital daw ngayon si Gian hindi mo alam?"

Mapanganib ang tono ng don dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari at wala namang sinasabi itong magaling niyang apo!

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"Saang ospital lolo, pupunta ako!"

"May alam ka ba kung bakit siya nandoon?"

Hindi ito umimik.

"Huwag mong subukang magsinungaling, buti na lang kaibigan niya ang nagsabi sa akin dahil tiyak kong pagtatakpan ni Gian ang nangyari kaya sabihin mo bakit na ospital ang bodyguard mo?"

Nakakahiya sa hepe na ipinagkatiwala sa kanya ang asset nito ngunit itong apo niya ay hindi man lang pinahahalagahan.

Napayuko ang dalaga.

"Lolo, I'm sorry kung binigo ko po kayo. Ayoko ho sanang malaman niyo pa ito pero nabibigatan na rin po ako lolo, parang hindi ko 'to kakayanin mag-isa." Naiiyak ng wika ng apo at ikinuwento ang totoong nangyari.

Wala siyang kaalam-alam na nagkaroon pala ng barilan noong ipinagtagpo niya ang apo sa anak ng congressman!

Wala siyang alam na muntik na palang mawala sa kanya ang nag-iisang unica hija!

Wala man lang itong binanggit sa kanya.

Nilihim nito ang lahat sa pag-aalalang masasaktan siya!

"Kasalanan ko ito!"

"Hindi po lolo, ako ang may kasalanan, na late po ako ng mahigit kalahating oras kaya siya nagalit ng husto, kinaladkad po niya ako at ibinalya sa dingding."

Nang dahil sa narinig ay tila sumabog ang kanyang utak. "Nasaan ang hayop na 'yan? Alex! Alex!"

Humahangos na dumating ang tinawag. "Don Jaime bakit po?"

"Gusto kong makausap si congressman Dela vega!"

"Lolo, huwag na po, nananahimik na 'yong tao kaya please palagpasin na lang natin 'to."

"Hindi pwede! Dahil sa kanya nasa ospital ngayon ang bodyguard mo, ako ang kumuha sa kanya kaya kargo ko si Gian!"

"Lolo please!"

"Alex sabihin mo kay congressman makipagkita sa akin. Kung kinakailangang gamitin ko lahat ng impluwensiya at koneksyon natin gagawin ko para matalo lang sa eleksyon ang hayop na 'yon!"

"Yes sir!"

Nabaghan si Ellah sa narinig. Alam niyang hindi magbibiro ang abuelo pagdating sa kanyang kapakanan.

"Lolo naman please, nagmamakaawa ako, alang-alang kay Gian, patahimikin naman natin 'yong tao nasa ospital na nga eh natatakot akong babalikan kami ng anak nila."

"Huwag kang mag-alala dahil ipapakulong ko ang hayop niyang anak!"

"Lolo, hindi niyo ba naisip na malalagay tayo sa alanganing sitwasyon? Makapangyarihan po sila, kapag nalaman ni congressman na ipinakulong niyo ang anak niya sa tingin niyo po ba mananahimik 'yong tao?"

"Natatakot ka ba sa mga Dela vega hija?"

Umiling ang dalaga.

"Natatakot po ako sa magiging kahihinatnan noon sa inyo lolo, kayo na lang ang nag-iisang karamay ko, ayokong pati kayo ay mawawala rin, hindi ko kakayanin lolo, ikamamatay ko!" napahagulhol ang dalaga.

Naaawang niyakap siya ng matanda.

"Tahan na hija, o sige na, alang-alang sa kapakanan mo hindi ko na itutuloy basta ba mananahimik lang sila ng tuluyan."

Napayakap siya sa kanyang lolo.

"Salamat po."

"Nabaril ba ang bodyguard mo? "

" Hindi po"

"Mabuti naman, maghanda ka na pupuntahan natin siya."

"Opo lolo, maraming salamat."

Nakahinga ng maluwag ang dalaga dahil naipagtapat na rin niya sa kanyang lolo ang nangyari.

Masakit pa rin sa kanya ang mga sinabi ni Gian subalit ngayon mas nakakahinga na siya ng maluwag dahil nalaman niya ang mga saloobin nito nang hindi sinasadya. Alam niyang may nararamdaman ito sa kanya.

---

CIUDAD MEDICAL DE ZAMBOANGA...

Ilang sandali pa nasa hospital na sila. Nag-aalangan ngayon ang dalaga kung makikipagkita ba o hindi dahil maging siya man ay nahihiya na rin dito pagkatapos ng pagtatalo nila.

"O, hija, halika na, mukhang wala kang balak makita ang bodyguard mo? Alalahanin mo itinaya niya ang buhay niya para sa'yo kaya magpasalamat ka."

"Opo lolo"

Pumasok na si don Jaime.

Nakita niyang bumangon si Gian habang may benda sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan.

Naitakip niya ang mga kamay sa sariling bibig.

"Kumusta ka na Gian?"

"Kayo pala don Jaime, pasensiya na ho at hindi ko masasamahan ang inyong apo sa ngayon."

"Wala 'yon andito nga siya eh, ipina kansela ko na ang meeting. Ikaw kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay na ho ako sir, bukas makakalabas na ako dito."

"Teka nasaan na ang kaibigan mo?"

"Ah, may pinahahanap lang ho ako sandali."

"Ano 'yon? Baka matulungan kita, ipapahanap natin sa mga tauhan ko."

Napangiti si Gian sabay kamot sa batok.

"Hindi na ho sir, ang totoo sumbrero ho 'yon eh, naiwan ko yata sa kung saan."

"Sumbrero? Para 'yon lang hahanapin mo pa?"

Hindi na umimik si Gian.

Tuluyan ng napaluha ang dalaga.

Nang dahil sa sumbrero na 'yon muntik na itong mapahamak. At ngayon nasa ospital na nga, ang inaalala pa rin nito ay ang sumbrero!

Kinakain siya ng kunsensiya, lahat ng ginawa nito biglang nagbalik lahat sa kanya.

Muntik na nitong ibuwis ang buhay para sa kanya.

Nakahanda itong protektahan siya kahit kapalit ang kaligtasan nito.

Parang hindi niya kayang pumasok sa loob.

"Ellah, hija, nasaan ka ba?"

Napalunok ang dalaga.

"Gusto ko sanang maparusahan ang gumawa nito sa inyo pero mahigpit 'yon na tinutulan ng apo ko. Pero sige palalagpasin ko ito pero oras na muli kayong babalikan, uubusin ko ang kayamanan ko mapatay ko lang ang mga hayop na 'yon!"

"Maraming salamat ho don Jaime."

Hinawakan ng matanda ang kamay ng binata.

"Magpagaling ka agad, alam kong kaya mo 'yan pero buti na lang hindi ka tinamaan ng bala, hindi nga ako nagkamali sa pagpili sa'yo, magaling ka na maingat ka pa."

"Wala ho 'yon sir, trabaho ko ang protektahan ang apo ninyo."

"Pero huwag mong kalimutan ang sarili mo."

"Opo sir"

"Huwag kang mag-alala sagot ko lahat ng gastos mo."

"Ho? Nakakahiya naman po 'yon."

"Hindi, ako ang may kasalanan kaya nararapat lang na ako ang sasagot sa'yo."

"Maraming salamat ho."

"Sige na, pasensiya ka na hijo pero hindi ako makakatagal sa amoy ng ospital eh, alam mo na matanda na tayo."

"Okay lang ho don Jaime."

"Huwag kang mag-alala babantayan ka ng apo ko."

"Huwag na ho, nakakahiya."

"Gian hijo, malaki ang utang na loob namin sa'yo sa pagliligtas mo sa apo ko para sa isang simpleng pagbabantay ay hindi namin magawa."

"Salamat ho don Jaime."

"Ellah hija, nasaan ka na ba? Pumasok ka nga dito at bantayan mo muna si Gian, wala siyang kasama."

Hindi na alam ni Ellah ang gagawin, nahihiya siya na natatakot din ngunit kailangan niyang magpakita dahil utos 'yon ng kanyang lolo!

Walang makakabali sa salita ng isang Don Jaime!

Walang imik na pumasok ang dalaga.

"O, lalabas muna ako, dito ka muna at bantayan mo si Gian, wala raw ang kasama niya at naghahanap ng sumbrero."

" S-sige po lolo. "

"Gian, sa labas lang muna ako."

" Sige ho sir, salamat."

Lumabas si don Jaime.

At ngayon sila na lang ang naiwan kaya tumalikod si Gian.

Hinaplos ng dalaga ang benda niya sa noo.

Agad umiwas ang binata!

"Kumusta ka na?"

Hindi umimik si Gian at nananatiling hindi nakatingin dito.

Hinawakan nito ang kamay niya ngunit pasimpleng inalis niya 'yon.

"Gian, galit ka ba sa akin? I'm sorry, I'm really sorry, patawarin mo ako please."

Nanatili siyang hindi umiimik.

Ano pa ang mukhang ihaharap niya dito gayong alam na nito lahat ng kanyang hinanakit at nararamdaman.

"Alam kong galit ka sa akin, sige sumbatan mo ako, oo hindi kita kilala, at tama ka, pero hindi kita minaliit dahil bodyguard ka lang kundi dahil diyan sa mga prinsipyo mong wala sa lugar."

Nagpanting ang kanyang tainga at humagkis ang tingin sa dalaga.

"Umalis ka na hindi ko kailangan ang masasakit mong salita," muli siyang tumalikod.

"Muntik ka ng mapahamak dahil sa sumbrero na 'yon at ngayon nasa ospital ka na, sumbrero pa rin ang hinanap mo. Paano kung napahamak tayo ng dahil lang doon?"

"Hiindi ka naman napahamak hindi ba? Can't you just say thank you and get out?"

"Thank you! Ngayon naiintindihan ko na ang mga hinanakit mo, buti na lang nagkamali ka ng taong sinabihan at ang maling taong 'yon ay ako. Alam kong masakit na walang katugon ang damdamin mo para sa akin pero tatapatin na kita, hindi ako magnonobyo, mag-aasawa magkakaanak at higit sa lahat hindi ako magpapamilya!"

Napalingon siya sa dalaga.

"Niloloko mo ba ako? Nakita kitang may kahalikang iba tapos sasabihin mo ang ganyan? Higit sa lahat naghahanap ka ng mapapangasawa! Naglolokohan ba tayo dito? Pwes wala akong panahong makinig sa mga kalokohan mo!"

Napabuga ng hangin ang dalaga.

"Gian sabihin mo nga may gusto ka ba sa akin?"

Natigilan siya at hindi kumibo. Wala rin namang patutunguhan ang nararamdaman niya.

"Ano? Sumagot ka!"

Marahas niya itong nilingon.

"Ano naman ngayon? Oo gusto kita ano ngayon?!"

Nabigla si Ellah, napapailing sabay atras.

"Ah hindi lang pala kita gusto."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

"Damn it!"

"H-hindi mo ako pwedeng magustuhan. Hindi ikaw ang nararapat para sa akin."

Puno ng hinanakit na tinitigan niya ang dalaga.

"Kung gano'n umalis ka na."

"Ano?"

"Umalis ka na! Hindi ko kailangan ang tulad mong ipokrita!"

"Mr. Villareal sino ka para sabihin sa akin ang bagay na 'yan?" Galit na tumayo ang dalaga.

"Kahit kailan, kung lalapitan ko ang isang babae, yayakapin at hahalikan tiyak na meron akong nararamdaman para sa kanya, napakalaki ng pagkakaiba natin, dahil nagagawa mong makipaghalikan at yakapan sa iba ng wala kang nararamdaman! "

"Kaya maghanap ka na ng iba!"

"Wala kang karapatang utusan ako. Tauhan mo ako pero dahil lang sa trabaho, hindi mo hawak ang damdamin ko kaya wala kang karapatan na kontrolin ang nararamdaman ko!"

"Wala ka ring karapatang pilitin akong magustuhan ka dahil kahit kailan hindi ko 'yon gagawin!"

"Hindi kita pinilit na magustuhan ako, kahit kailan hindi ko isiniksik ang sarili ko sa'yo Ms. Lopez kaya mahiya ka naman kahit kaunti sa mga pinagsasabi mo!"

Napalunok ang dalaga, biglang tumulo ang mga luha nito.

"Bakit ka umiiyak diyan? Huwag mo akong pakitaan ng ipokrita mong luha, nandidiri ako sa'yo!"

Hindi na ito nagsalita pa at pinipigilan ang mga luhang palaglag na, tumingala ang dalaga para pigilan 'yon.

Maya-maya ay may pumasok.

"Pare, nakuha ko na! Ito ba ang sumbrerong sinasabi mo?"

Itinaas ni Vince ang kamay na may hawak na sumbrero.

"Ayos 'to ah? Tiyak mamahalin 'to! O heto na!"

"Itapon mo."