webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
69 Chs

Sa Ilalim ng Itim na Payong (4)

Kulang ang gulat na gulat para sa naramdaman ko. Anong ginagawa niya dito? Gusto kong tumakbo at isipin na hindi nangyari ang lahat ng ito. Walang Keith na nagyayang ihatid ako. Walang Keith na gusto akong makausap. Ni wala akong ideya kung anong gustong niyang pag-usapan namin. Ah. Hindi. Hindi yun. Nag-concentrate ako sa pag-iisip na isang panaginip lang ang lahat. Walang Keith na may hawak na itim na payong. Walang ex-boyfriend sa harap ko. Walang Keith Garcia na nakatingin sa akin at nag-aantay.

"Risa, please," sabi ni Keith ng medyo pabulong.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko pwedeng hindi pansinin si Keith. Hindi ko siya matatakasan. I can't possibly escape this forever. Kahit hindi pa ako ready para pag-usapan kung ano man dapat ang pag-usapan namin. Alam ko na kailangan ko din marinig 'to. Natatakot ako pero paano ako makaka-move on kung hindi ko siya papakinggan.

Tumango na lang ako sa kanya. Naglakad na kami papunta sa daan na may bubong papuntang gate. Tahamik lang kaming dalawa. Madilim na lalo na't naulan pa din. Itinago ko na ang cell phone ko sa bulsa ng blazer ko. Takot at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko sigurado kung mabilis ang tibok ng puso ko o mabagal na parang titigil sa kahit ano mang oras. Malamig ang simoy ng hangin pero pinagpapawisan ang mga kamay ko.

Nakarating na din kami sa may guard at kinuha na namin ang id namin. Binuksan na ni Keith ang payong niya at inantay akong pumunta sa ilalim nito bago kami naglakad sa ulanan. Nang nakalabas na kami ng tuluyan ng gate saka niya ako tinanong, "Okay lang ba sayo na maglakad tayo?"

Malayo ang sa amin kaya medyo napaisip ako. Mukhang narealize niya kung ano ang iniisip ko kaya nag-suggest pa uli siya, "Kung gusto mo mag-dinner muna tayo."

"Hindi na," sagot ko agad sa kanya. Hindi ko kayang kumain sa harap niya na kaming dalawa lang. "Sa bahay na ako kakain," dagdag ko.

"We can talk while walking. Magsasakay agad tayo pagkatapos natin mag-usap," sabi ni Keith, "Please, just like old times."

I cringed when I recalled the memories. Mas madalas na mag-usap kami habang naglalakad dati, parang kami lang ni Stan. Ah, shit! Sabi na nga ba hindi dapat ako sumang-ayon dito. Pero bago pa ako makatanggi nagsalita siya, "I broke up with my girlfriend."

What the f? Maraming bagay ang biglang pumasok sa isip ko. Bakit sila nagbreak? Bakit niya ako iniwan? Bakit gusto niya ako kausapin? Mahal pa ba niya ako? Mahal ko pa ba siya? Bakit niya sinasabi sa akin 'to? Sa sobrang daming tanong ko at dahil litong lito ako sa nangyayari, hindi ko namalayan na naglalakad na pala kami. Wala pa din ako sa sarili at kaya muntik ko nang mabangga ang tao sa harap ko na naglalakad din. Buti na lang hinila kaagad ako ni Keith.

Saka ko lang napansin na medyo madami pa din ang naglalakad kahit naulan. Buti na na lang hindi nagbabaha dito. Bukas na din ang mga ilaw ng bawat store, bahay o kainan na dinadaanan namin. Nang nakita ko ang reflection ng mukha ko sa isa bintana ng isang tindahan na nadaanan namin, nagulat ako. Mukha akong nalugi na parang malapit ng maloka sabagay ganun naman ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"Doon muna tayo sa 7/11," biglang sabi ni Keith na umabala sa aking pag muni-muni. Sumunod lang ako sa kanya dahil biglang lumakas ang ulan. Basa na ang aking balikat, bag at medyas.

"Patila muna tayo ng saglit," paliwanag niya pagkapasok namin. Dumiretso naman kami doon sa mesa sa gilid. Buti na lang wala masyadong tao. Pinatong ko agad ang aking bag sa lamesa at hinubad ang aking sapatos.

Si Keith naman hindi umupo. Lumingon lang ako sa kanya ng tinanong niya ako, "May gusto ka bang kainin?"

Napaisip ako saglit saka umiling. "Hot choco na lang."

Umalis na kaagad siya bago ko pa nasabi na babayaran ko na lang siya mamaya. Tumingin na lang ako sa labas at napabuntong hininga na lang ulit. Hindi talaga magandang ideya ang lahat ng ito. Hindi worth it na mabasa ang medyas ko sa kadahilanang alam ko na walang patutunguhan ang magiging pag-uusap namin. Maya-maya ay bumalik na siya at naupo sa tabi ko. Inabot niya sa akin yung hot choco ko at inabot ko sa kanya ang inihanda kong bayad.

"Hindi na, libre ko na," sagot niya sa akin ng hindi niya tinanggap ang pera. Hindi ko na din pinagpilitan dahil sa ayokong makipagtalo at ayokong tumanggi sa libre.

Sa wakas, medyo naiinitan na ng konti ang aking sikmura pero hindi pa din ako komfortable dahil sa medyas ko. Tahimik lang kaming dalawang nainom. Kape naman ang sa kanya. Nang naubos na namin ang aming inumin may bigla siyang inabot sa akin, plastic ng 7/11. Hindi ko na tinanong at binuksan ko na lang. Bagong medyas ang laman nung plastic. Tiningnan ko lang siya ng blangko.