webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Teen
Not enough ratings
69 Chs

Sa Ilalim ng Itim na Payong (3)

Tumawa lang naman siya at napailing na lang ako. "So ano na? Nasaan na ang congrats ko?"

"Mamaya. Magkwento ka muna," sabi ko sa kanya. "Kompleto ha. Full details."

Ngumiti si Lance pero bago pa siya makapagsimula magkwento, may nagsalita sa likod naming dalawa, "Close pala kayong dalawa."

Hindi ko na kailangan lumingon dahil naglakad kaagad si Keith sa harap namin. May ngiti sa labi niya pero seryoso ang mukha niya kahit naka-ngiti siya. Walang sumagot sa aming dalawa ni Lance at buti na lang dumating na si Jesse at may kasama siyang ibang third years na mukhang parte ng costumes production. Tumayo agad ako, "Sige Lance, congrats. Next time mo na lang ikwento."

Pagkatapos noon ay umalis na agad ako at nagpunta sa direksyon ni Jesse. Wala na din akong pakailam sa iisipin ni Keith. Alam naman niya siguro na iniiwasan ko siya. Maya-maya dumating na din sina Aya at Mia. At hindi nagtagal nagsimula na ang practice. Si Stan? Late na dumating.

Isang jeep na kakaunti ang sakay ang tumigil sa harap namin ni Keith na nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Ako ang unang sumakay at salamat na lang na hindi sa akin tumabi si Keith pero hindi din siya malayo. Nasa kabilang upuan siya. Nagbayad agad ako ng pamasahe. Konting kwentuhan at ang malakas na patak ng ulan ang pumuno sa buong byahe. Lumipas ang mga ilang minuto at natanaw ko na ang pupuntahan ko kaya maya-maya pumara na ako.

Ang ikinagulat ko ay si Keith ang unang bumaba. Dito din ang punta niya? Pagkababa ko, andoon si Keith at nag-aantay. Pinayungan niya ako. Hindi na ako tumanggi dahil malakas pa din ang ulan. Nagpunta kami sa sidewalk bago ko siya tinanong kung dito din ang sinabi niyang pupuntahan niya. Nasa may harap kami ng ng St. Gregorian University. Dito din kasi gaganapin yung competition, sa music hall nila.

Hindi niya ako sinagot at naglakad kami papunta doon sa may gate kung saan nandoon yung guard. Pagkatapos namin mag-iwan ng id, pumasok na kami saka ko lang narealize na dito nga pala napasok yung girlfriend ni Keith. Nang nakarating kami sa daan na may bubong na papunta sa main lobby, sinabi ko kay Keith, "Sige, una na ako. Salamat nga pala."

At dali-dali akong naglakad palayo sa kanya. Nawala sa isip ko na ang girlfriend niya, si Angelie Gomez ay dito nag-aaral. Ang tanga tanga ko. Muntik na akong mag-assume na bumaba at inantay niya ako para hindi ako mabasa, na ginawa niya yun para sa akin, para sa akin lang at wala ng ibang dahilan pa. Nang makarating ako kung saan nasa sina Miss Martha, medyo kalmado na ako. Nasa isang meeting room sila sa main building. Hindi ito ang first time ko sa St. Gregorian University dahil nakapunta na ako dito kasama si Miss Martha dati.

Tinext ko si Miss Martha at lumabas naman kaagad siya. Mabilis naman natapos ang ipinunta ko dito. Nakabunot kaagad ako ng number ko. Mga ilang minuto lang ang inuupo ko sa malambot na upuan sa meeting room.

"May dadaanan pa ako dito pero kung gusto mo antayin mo na lang ako sa lobby," sabi ni Miss Martha pagkalabas namin.

"Hindi na po," sagot ko sa kanya, "Baka naman po tila na ang ulan pero kung hindi pa, mag-tetext po ako sainyo."

Inilabas ko na ang cell phone ko pagkatapos kong magbuntong hininga ng ilang beses dahil isang malaking pagkakamali na umaasa ako na tumila na ang ulan. Malakas pa din ang buhos nito. May mga ilang estudyante na napapatingin sa akin dahil sa uniform ko pero hindi ko na lang pinansin. Bago ko pa mai-send ang text kay Miss Martha, natanaw ko ang uniform namin at mukhang natanaw din niya ako dahil palapit na siya sa akin. Nasa kamay niya ang itim niyang payong na tumutulo.

"Ihatid na kita, Risa," ang mga unang salita na sinabi niya sa akin.

Mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin sa ekspresyon ng mukha ko dahil ipinaliwanag niya ang gusto kong malaman. "Gusto sana kitang makausap."