Noong una, napagkasunduan na maaaring umuwi si Tangning sa gabi nang araw na iyon. Ngunit, dahil sa sinasadyang subukan ng matandang lalaki na pahirapan si Tangning, maaari lamang niya na utusan si Song Yanshu na sabihin kay Mo Ting kung ano ang nangyayari. Hindi kailanman nakikialam si Mo Ting sa kanyang mga desisyon, pero, alam niya kung sino ang matandang lalaki na ito.
Kinakailangan lamang maghintay at manood ng matandang lalaki na ito; ang kabuang halaga ng paghihirap na nararasana ng kanyang asawa ngayon, ipapatikim ito ni Mo Ting sa kanya sa mga susunod na panahon. Gayunpaman, sa kasalukuyan, may mahalaga na makilala muna ni Elder Mo si Tangning.
Kaya, ang maaari lamang niyang sabihin kay Song Yanshu ay ang isulat ang lahat ng magiging paghihirap ni Tangning; bawat maliliit na insidente hanggang sa pinakapinong detalye.
...
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com