"Hey… mag-ingat kayo sa mga sinasabi ninyo," nang binaba ng reporter ang telepono, agad niyang sinubukan na pigilan ang mga tao sa paligin niya.
"Ang lalaking ito ay si Jones, 'The Father of Sci-fi..."
"Ano?" ang ibang reporter ay agad na tumingin sa biography sa kanilang telepono at natigilan.. "Oh God, anong ginawa natin?"
Bilang resulta, isang maliit na grupo ng reporters ang nakadiskubre kung sino si Jones. Gayunpaman, ang mga reporter na direktang nakatayo sa harap ni Tangning at ang matandang mag asawa ay patuloy pa rin silang pinipilit na magsalita.
Pagkatapos ng oras na iyon, pinagtanggol ni Jones si Tangning at humakbang patungo sa karamihan. Pagkaraan ay sinabi niya ito gamit ang salitang ingles, "Hindi ako kailanman nakaranas ng ganitong kawalang hiyang pagturing. Talaga namang iminulat ng media ng Beijing ang aking mga mata!"
"Hey, foreigner, bumalik ka na sa US. Ito ay Beijing! Hindi mo ito teritoryo!"
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com