webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
49 Chs

chapter 41

BATTLE OF TWO KINGDOM

WHITE COUNSEL:

NAGLAKABAY si tandang wyener pepertok patungo sa lupain ng mga elves.

Wala pang tatlong araw ay agad na nakarating si tandang wyener pepertok sa tarangkahan ng white counsel of elves.

"Sa wakas nakita ko rin ang puting bundok!bulwagan ng mga diyos at mga sinaunang gabay!"

Biglang napaatras si tandang wyener pepertok dahil sa isang gintong palaso ang tumama sa harapan ng tarangkahan. Isang babala na huwag lalapit ang matandang estranghero.

"Isang tao?ano ang ginagawa mo dito?"

Saad ng isang kawal kay tandang wyener pepertok, Sinagot niya at sinabi nito na nais niyang makausap ang punong diyos ng white counsel.

"Ang mahal na diyosa ay hindi magpapakita sa gaya mo!hindi ka parte ng kunseho!hindi ka hari at hindi ka rin isang salamangkero,nagsasayang ka lang ng oras para makita siya!"

Mahabang saad ng kawal sa pelosopiyang manunulat na si tandang wyener pepertok,matatalino at hindi basta-basta nagtitiwala ang mga elves sa kahit kanino kaya't gan'on na lamang ang kanilang pagtanggap sa matanda.

"Sabihin mo sa punong diyos na ako si wyener pepertok ang matalik na kaibigan ni tamberow laurhrim!"

Tinungo ng kawal ang tanggapan ni lady qenhrin at sinabi nitong may isang tao na nagpupumilit na makita siya.

"My lady!nur wen teriin tazin tarzanaria! kaibigan niya raw po ang matandang salamangkero na si tamberow laurhrim!"

"Papasokin siya!"

"Masusunod po!"

Pinapasok ng mga bantay si tandang wyener pepertok sa kaharian ng mga elves. Dahan dahang nagbukas ang gintong tarangkahan at saka naglakad papasok ang matanda.

Naglakad patungo sa mataas na tore si tandang wyener pepertok upang makita ang punong diyos ng white counsel.

"My lady!lady of moon! high elves!paumanhin po kung nagambala ko ang inyong pahinga!" Paghingi nitong tawad sa punong diyos ng white counsel.

"Ano ang nais mo?ano ang kailangan mo dito sa white counsel?wyener pepertok"

"Narito po ako upang humingi ng tulong!ang kaibigan kong si tamberow laurhrim ay nasa mga kamay ng kadiliman at kasalukoyang hawak siya ng pitong summoneras!"

Biglang napatayo ang mahal na diyosa at hinawi nito ang kurtina at nagtungo sa matanda, sinabi ng mahal na diyosa kung bakit nangyari iyon.

"Hinahanap namin ang singsing nang biglang magpakita ang mga summoners,malakas ang kanilang mahika dahil hindi natalo ni tamberow laurhrim ang kanilang salamangka!" Saad ni tandang wyener pepertok sa punong diyos.

Naglakad patungo sa kanyang trono si lady qenhrin at hinima-himas nito ang gintong korona na nakapatong sa mesa na nasa harapan niya.

"Nagparamdam na ang singsing at isa lang ibig nitong sabihin!mamimili na siya ng hari para sa elves!bilang isang punong diyos ng white counsel tungkolin kong pangalagaan ang trono ng susunod na hari ng puting bundok!napapanahon na para wakasan ang binabalak ng kadiliman!"

Nagpadala si lady qenhrin ng mensahe sa mga hari na kailangang magkaisa para sa huling digmaan.