BATTLE OF TWO KINGDOM

HALLOWPOP VILLAGE:
NANG pumutok ang bukang liwayway pinatunog ng mga elfs ang kanilang tambuli mula sa tore ng kastilyo ni haring rieuin tiriin. Pinatutunog lamang nila iyon kapag mayroong paparating na panganib.
"Ama!may natanaw na mga orcs ang ating mga espiya na tumatawid ng ilog patungo sa teruvron"
Saad ni haring fiurin laktanger ang anak ni haring rieuin tiriin,siya ang susunod na hari ng mga elfs.
"Wala na ang kanilang hari at ang diyos nila!sino naman ang mangangahas na pamunuan ang teruvron ng isang evilder?Wala silang mga utak at Sunud-sunoran lamang sila sa hari na may utak!"
"Opo ama!tama kayo!"
Iniwan ni haring fiurin laktanger
ang kanyang ama na nakaupo sa trono, tinungo ng batang hari ang tore ng kastilyo at tinanaw ang alikabok mula sa kabilang lupain. Matolin na tumatakbo ang mga ocrs patungo sa itim na lupain.
Nilakbay ni tamberow laurhrim ang mahabang desyerto patungo sa hallowpop village,tatawirin niya rin ang isang ilog na hindi umaagos at kulay itim ang tubig.
Ayon sa mga alamat ang ilog ng hallowpop village ay may tinatagong halimaw, mayroon daw sa ilog na iyon na isang nilalang na natutulog at walang nangangahas na gambalain ito.
"Tabi!tumabi kayo sa aking daraanan pasaway na mga bata!"
Kumakaripas ang kabayo ni tamberow laurhrim ng mabilis patungo sa kubo ni wyener pepertok.
Nakita ni tandang wyener pepertok ang salamangkero na naglalakad papasok sa kanyang harden. Abala naman sa paliligo ng kambing si tandang wyener pepertok noong umagang iyon.
"Ang matandang si wyener pepertok ay pinapaliguan ang kanyang alaga hanggang sa dumating ang isang estranghero sa kanyang tahanan"
"At binati ito ng estranghero ng magandang umaga kaibigan!"
Naiiyak na tumakbo si tandang wyener pepertok sa matandang salamangkero,yinakap niya ito ng mahigpit. Halos tatlong dekada nung huli nilang pagkikita.
"Kaibigan ko!Buti naman at dinalaw mo ako dito!"
"Wyener!tatlong dekada na ang nakalilipas!hindi pa kumakalahati ang edad mo sa hari ng mga dwarves pero mas mukha ka pang matanda dito!ano ang pinaggagawa mo?"
"Nag-aalaga!nakikita mo ang malawak na sakahan na iyan?ako ang nagbabantay riyan!ang hari ng mga dwarves ay nakaupo lamang sa gintong trono at naghihintay ng nakakain!"
"Hahaha hindi ka pa rin nagbabago wyener pepertok!ang pelosopiyang manunulat noong ikalawang digmaan sa tarzanaria!"
Pinapasok ni tandang wyener pepertok si tamberow laurhrim sa bahay nito. Inabutan niya rin ito ng mainit na tsokolate at kamote.
"Masarap pa rin ang tsokolateng ito gaya ng dati!hahaha sabihin mo sa'kin kumusta ang buhay na nag iisa dito sa maliit mong kubo?"
"Mula nang sumama ako sa iyo sa digmaan!hindi na ako nag-asawa at inilaan ko na lamang ang aking sarili sa paglikha ng mga teyorya!ang matandang gaya ko ay wala ng silbi!"
Tumayo si tamberow laurhrim at hinawakan nito kamay ni wyener pepertok. Kinausap niya ito ng mahinhinan upang hindi mabigla at matakot.
"Kaibigan ako ang salamangkerong matagal mo ng kilala! Ang matandang gaya mo ay malaki ang silbi sa nuhrim eartin kung tutulongan mo akong hanapin ang singsing ng kadiliman na nagtatago dito sa hallowpop village! kaibigan handa ka bang samahan ako sa panibagong misyon?"
"Natutuwa akong marinig 'yan!teka!maghahanda ako ng mga gamit ko at tayo'y maghanap na ng mga kasagutan! Hahaha!"
Tuwang tuwa si tandang wyener pepertok dahil mayroon pang nagtitiwala sa kanya at naniniwala. Ngayon ay abala ito sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin niya sa paglalakbay.
Lingid sa kaalaman ng lahat na si tandang wyener pepertok ay isa sa mga nakasaksi sa digmaan noon sa tarzanaria. Siya ang pelosopiyang manunulat na may iisang hangarin ito ay ang kapayapaan at kabutihan.
Dati rin siyang mensahero ng hari,isa siya sa mga mabuting tagasunod ng hari hanggang sa iwan niya ang pagiging mensahero nito.
Inabot ng gabi ang dalawa sa pagbabantay sa hallowpop village, kailangan nilang magpaabot ng gabi upang makita at maramdaman ang mahika ng singsing.
"Dito mo na tayo maghihintay sa puno ng balete! tignan mo lang ang mga kabahayanan kung may kakaiba ba na nagaganap!"
"Sige!titignan ko!"
Makalipas ang tatlong oras ay biglang naramdaman ni tamberow laurhrim ang salamangka ng kadiliman.
"Tamberow!may mga evilders sa himpapawid!ano ang ginagawa nila dito?"
"Narito sila para sa singsing!huwag kang mag-alala ako ang bahala sa mga halimaw ng dark lord!"
Nagpakita si tamberow laurhrim sa mga alagad ng kadiliman,nakita siya ng mga ito kaya't ang mga dragon na may tatlong ulo ay sunud-sunod na sumigaw dahil upang magising ang mga tao sa hallowpop village.
"Ang sakit ina!"
"Ama!ang sakit!"
"Anong klasing tunog ba ito!ang sakit pakinggan!"
Nagsisigawan ang mga tao sa hallowpop village, habang si tandang wyener pepertok ay namimilipit sa sakit dahil sa boses ng mga dragon.
"Yu re nen porta en der lor poer kun shadow of light! lumayas kayo kampon ng kadiliman!"
Itinaas ni tamberow laurhrim ang tungkod nito at lumikha iyon ng salamangka. Isang nakasisilaw na liwanag ang kumalat sa buong paligid,ang mga summoners ng kadiliman ay isa isang nag-alisan ngunit ang pinuno ng pito ay naiwan at nanatili sa himpapawid.
"No wan der per! shadow return to the light of vrun!hindi mo ito kayang pigilan salamangkero!"
Saad ng pinuno ng pitong summoner's, hinugot nito ang espada mula sa kanyang likod at itinuro iyon sa matandang salamangkero.
Lumikha ng usok ang espadang iyon na siyang tumama sa matandang salamangkero,hindi naman tinablan ang salamangkero bagkos ginamit niya rin ang kanyang mahika upang kontrahin ang usok na pilit na nilalamon siya.
"Ang lakas niya!hindi ko kayang pigilan ito!"
Unti unting nalusaw ang liwanag na nagmumula sa tungkod ng salamangkero. Hanggang sa tumambad sa harapan ni tamberow laurhrim ang pinuno ng mga summoners at hinawakan siya nito sa leeg at nilamon ang dalawa ng isang makapal na usok na nagmumula sa ilalim ng lupa.
"Tamberow!!!"
Sigaw ni tandang wyener pepertok sa kanyang kaibigan ngunit tuloyan ng naglaho ang dalawa.
Sinakyan ni tandang wyener pepertok ang kabayo ni tamberow laurhrim patungo sa white counsel, kailangan niya ng tulong upang iligtas ang salamangkero.
Kung pakikinggan siya ni lady qenhrin ay mas mabuti ngunit kung hindi mamamatay ang kaibigan niyang salamangkero.
-BATTLE OF TWO KINGDOM-