webnovel

Thieves of Harmony

Melizabeth has been cruel to the world. She was a murderer, an assassin, a thief, but no one knew about it. She was disguised. Perhaps, only the Gods knew about her. She knew that even if she's cruel, strong, and fast. She can never beat the Gods, and that she wanted to do. She trained herself to becoming a Semideus, a mortal favored by the Gods. She wanted to go to the Olympian world, but she did not want to belong. She only seeks for answers, truth and revenge. Will she do it despite of being so smitten in love?

lostmortals · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
62 Chs

A Favor from the Thief

Melizabeth's Point of View

Napatingin ako sa sarili kong bed chambers. Hindi ko maalala kung paano ako napunta rito, ang huli kong naalala ay pinitik ako sa noo ni Yiannis.

Nagbuntong-hininga ako, at tiningnan sa kalendaryo ang date. Oohhh, it's saturday. Day-off ko na from training. That would mean sasamahan ko na si Lycus ngayon. Kahit hindi ko naman alam kung pasaan kami. Basta kay Melinoe.

I took a quick bath, and put on my usual mortal outfit. Black pants, black shirt, and black boots. Napansin kong medyo nawawala na rin ang kulay ng aking buhok. Nagiging black na siya ulit, at hindi ako natutuwa. Huhu. Mas gusto ko ang red!

Naisip ko na medyo matagal nga pala ang lakarin kung lalakarin ko palabas itong Underworld Palace. Maybe it's time to use some little magic?

Pumikit ako, at inisip na mapateleport sa Olympus Gates. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko makikita si Lycus, at saan kami magkikita, but this was my first instinct. Alam naman nating lahat na malalakas ang instinct ng girls.

Napangisi ako nang makita si Lycus na nakasandal sa punong dati kong pinagbagsakan. Siya yong tumulak sa'kin sa punong 'yon eh.

"Lycus," bati ko sa kaniya. "Pasaan tayo?"

"Basta, sumunod ka nalang and do me a favor, Melizabeth," sagot niya at lumapit sa'kin.

He brushed his brown hair, and his tan skin was kissed by the sun. Yern, sunkissed! Dahil den sa sinag ng araw kaya't mas lalong naging golden ang mata niya.

Napatitig naman ako, pero hindi dahil gusto ko siya. I'm a loyal and faithful one. Chikang jowa.

"Sasakay tayo ng kabayo, pero sa isa lang kasi sa isa ko lang magagamit ang abilidad ko," paliwanag niya before snapping. Mula naman sa malayo, ay may isang black horse na parang cheetah kung tumakbo.

Ano ba 'yon, cheetah o kabayo? Nakakalito huh. Medyo weird.

"What do you prefer? Back or front?" tanong ni Autolycus habang nakangisi. Umirap naman ako, "back. Ayokong mahawakan mo ako."

"So you like to hold me instead?" nang-aasar na tanong niya naman habang umaakyat sa kabayo. He held out a hand for me, but because I am a strong independent woman, hindi ko iyon tinanggap. Umakyat ako mag-isa at humalukipkip.

"Hind mo talaga tinatanggap ang kamay ko since day 1," sabi niya sa'kin. "But I hope you'd do me this favor."

"Dami mong satsat, tara na po," sabi ko at umiling.

"Okay, then. Hold on tight, Lady," sabi niya at nilatigo ang kabayo. Kaagad naman akong napahawak sa balikat niya dahil sa sobrang bilis. Ok, cheetah itong kabayo.Confirmed.

Dahil sa bilis ng kaniyang takbo feeling ko yung mukha ko parang yung kapag nahulog ka sa ekstreme tower gan'on. Then hindi ko na alam kung nasaan ba kami kasi sobrang bilis talaga feeling ko makafastforward yung paligid at dinadaanan namin.

Lumipas ang isang minuto (approximately, kamalayan ko ba) at nagulat ako nang sabihin niyang, "We are here."

Bumaba siya at nilahad ulit ang kamay niya. Umirap ako at bumaba mag-isa. Ngumisi na naman siya, at binaba ang kamay.

Tiningnan ko ang paligid. The place looked familiar but strange at the same time. There were greek abandoned buildings, and cabins. Napansin ko namang nakatitig siya sa'kin.

Nagtaas kilay ako, "Bakit?"

"This is where Melinoe vanished," sabi niya. "It wasn't a lie when I told you that we ran away from Olympus and decided to live here in the mortal world."

Tumango naman ako, so?

"You see, Melinoe is soulbound with me," sabi pa niya at ngayon ay hinawakan niya ang dalawa kong balikat.

Naningkit ang mata ko, "Soulbound? Yes, familiar ako roon sa term na iyon. Ano naman ang pinaparating mo? Get straight to the point, Lycus."

"Now that she vanished, may posibilidad na someday, magvanish din ako. To be honest, nararamdaman ko na nga, Melizabeth," sabi niya.

He tilted his head, yumuko siya para malebel ang kaniyang mukha sa akin. Ginagawa mo?

"Now, the only thing to keep me alive, is you," sabi niya sa'kin na ikinabigla ko naman.

Umirap ako at tumawa, "It can't be me, Lycus. Kamukha lang ako ni Melinoe, but I will never be someone who could replace her."

Kinalas ko ang sarili ko mula sa hawak niya, does he really think I'd be his rebound or something?

"Melinoe vanished because of you!" napasinghap naman ako sa sinabi niya. Binigyan ko siya ng masamang tingin, "What the underworlds do you mean?"

"The Eleusinians created you with the help of Melinoe. She vanished because of you, and you have part of her soul. That's why nakakakita ka ng mga multo, at kaya siya rin ang pinaka-kamukha mo sa lahat," nanginginig na wika niya sa'kin.

Nagtaas-kilay ako, at ngumisi, "How do you know that, Lycus? That was from the past life. Galing ka ba sa nakaraan?"

"Yes," nahihirapan niyang sambit.

"How can I keep you alive, Lycus? Why should I keep you alive?" Tanong ko sa kaniya at nilapitan ko siya. Taas-noo ko siyang tiningnan. Hindi natatakot kung ano mang gawin niya.

"Create a soulbound with me," sabi niya at inilahad muli ang kaniyang kamay. Tiningnan ko ito, at tiningnan ko ulit ang mata niyang puno ng sinseridad.

"The soulbound won't mean anything, Melizabeth. You can still love the one you love. Jjst create it with me, to save me, Melizabeth," sabi pa niya at mas lalong nilapit ang kamay.

"In return of the soulbound, I swear to protect you with all of my life. Kahit ano pa ang gusto mo, plano mo, o gawin mo. I owe you my life."

Bahagya akong umatras. Seriously, does he think those are enough reasons? Magsasalita na sana ako nang bigla naman siyang magbanggit ng pangalan.

"Thanatos," mariing wika niya. I flinched with just the mention of his name. This time, it caught my attention.

"Alam mo kung anong mangyayari sa kaniya, hindi ba? Kaya kong pagawan ng paraan iyon sa mga Eleusinian. I can request to make him a mortal, so that he would not vanish, Melizabeth," sabi pa niya.

"How sure are you na kaya mong gawin 'yon?" Tanong ko naman, being interested in his deal.

"Eleusis. That was my name," nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin siya ang binabanggit ni Yiannis sa'kin!

"Eleusis, son of Hermes. Hero of Eleusia. May utang na loob sila sa'kin, at kayang-kaya kong gawin ang gusto mong mangyari, Melizabeth. Just take my hand, and create a soulbound with me," malumanay ngunit persuasive niyang sabi.

Napatingin naman ako sa kamay niya bago ko ipikit ang aking mga mata. At isang bagay lang ang naisip ko, I hate you, Thanatos. You're making everything hard for me.