webnovel

Love 12:

Xylie left at hindi ko alam kung saan siya pumunta kasi tinawagan ko na ang mga kaibigan niya hindi daw pumunta doon si Xylie.

Hindi rin daw nila alam kung saan ito pwedeng pumunta gabing gabi na kaya hindi na ako pinayagan pa nila Mamila at Dadilo na maghanap.

Na misinterpret niya at kahit alam kung naipaliwanag ko na sa kanya at may doubts pa rin siya.

And Im worried.

Pagkagising ko sa umaga ay hahanapin ko siya ngayon dahil wala naman kaming pasok today dahil weekends.

Pagkababa ko nasa dining sila at kumakain na ng almusal.

"Apo kumain ka muna at may sasabihin ako pagkatapos"sabi ni Dadilo.

Kumain kami at pagkatapos ay nag usap na.

"Sinabi mo na Lopez si Xylie kagabi sa amin at sa tingin ko alam ko kung saan mo siya pwede makita"sabi ni Dadilo

"Saan po Dadilo?"

"Sa Museleo de Lopez"sabi nito.

"Museleo de Lopez?"

"Oo sa sementeryo sa kabilang bayan mo ito matatagpuan makikita mo ito kaagad dahil ang Museleo de Lopez ang pinakamalaking Museleo doon at iyon lang ang malaking Museleo na ang mag asawang Benedictus and Ophelia Lopez lamang ang nandoon"

"Salamat Dadilo"

Umalis naman kaagad ako ng bahay at nag drive papunta sa sinabi ni Dadilo. Hindi naman ito kalayuan sa bayan na tinitirhan namin kaya madali ko lang nahanap at nakita ang Museleo.

Namangha naman ako ng makita ang kabuuan ng Museleo napakalaki nito na parang isang totoong bahay na at kasya na rito ang isang pamilya. 

Tunay ngang napakayaman ng mga Lopez para makapagpatayo ng ganito kalaking Museleo.

Nakita ko si Xylie sa loob ng Museleo nakahiga ito sa mga upuan na nakalagay sa gilid.

Pumasok na ako dahil nakabukas naman ito ngunit pagkapasok ko ay mas may ikinagulat pa ako.

Ang alam ko ay dalawang urn lang ang nandito sa Museleo na ito ayon na rin sa nalaman niya sa Lolo niya.

Hindi niya alam na may ikatlong urn pa na nakalagay rito at malinaw sa mga nakikita niya na higit pa sa isang kakilala lamang ang abo ng nakalagay rito.

May isa pang Lopez na hindi alam ng lahat. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nakatingin lang siya sa pangalan ng nakaukit sa lapida.

"A-Aaron?" tawag sa gilid niya.

"Xylie"

"Ano ginagawa mo rito?"

"Nag alala lang ako sayo kaya nandito na ako hinanap kita kahapon kaso hindi kita makita kaya pinuntahan kita rito at nagbabakasakaling makita kita rito"

"You are suppose to be not here this is a private property"

"I know but nandito na ako and I think I already saw everything"

"You will not tell anyone about this"

"Yeah I know I understand but please lets talk"

"Talk about what?"

"Us"

"What about us?"

"Xylie please don't do this kind of things. Pareho lang tayo mahihirapan kung patuloy tayong ganito"

"Ikaw ang hindi ko maintindihan Aaron kasi kapag nagkaka ayos tayo may bigla na lang laging susulpot na babae. Why not just be that girl kagabi"

"Walang kami ni Maxine if you want you can meet her. Maxine mean nothing to me. If you just let me explain kahapon ehh di sana nasabi ko kung anong gender identity ni Maxine"

"Gender identity? What do you mean by that?"

"Tsss hindi naman kasi Babae si Maxine."

"Ano ngang hindi babae pwede ba linawin mo kung ano ang gusto mo sabihin"inis na sabi nito.

"Transgender si Maxine or Max na kaibigan namin nila Shawn. "

"How come?"

"Ehh di nagpapalit ng private part niya pinaayos niya buong katawan niya pati boses niya and ganon talaga iyon kapag kami ang kasama niya. Pero kasal na iyon nagkaanak pa nga ng isa."

"Hindi kasi nililinaw ang sinasabi ehhh"

"So ano na ayos na ba tayo?"

"Bat kasi hindi mo inaayos ang explanation mo lagi?"

"Kaya nga inayos na diba"

So ayon nagka ayos rin kami kaagad. Sa tampuhan na ito parang may kami na talaga ehhh samantalang nasa ligawan stage pa lang kami.

Hindi rin niya inungkat pa ang nakita ko kaya pinabayaan ko na lang. Hihintayin ko siyang maging handa muna bago niya sabihin sa akin ang relasyon nila.

Umalis na rin kami sa Museleo at kumain muna kami bago ko siya inuwi sa kanila.

Pagdating namin doon nakita namin doon ang pamilya ng Mama at Papa niya na masayang "

"Ohhh anak nandito kana pala halika samahan mo kami"yaya sa kanya ng sa tingin ko Mama niya.

"Ohh sino ang kasama mo Xylie?"tanong ng papa niya I guess 

"Si Aaron iyan Papa kaklase namin manliligaw ni Xylie"sabi ni Marlon

Nakipagkilala naman sa akin ang lahat pati ang stepmother ni Xylie na si Mrs. Dakota.

Pina upo na rin kami kaya umupo kami sa sofa na pangdalawahan.

"Hijo kung hindi mo mamasamain ano ang nagustuhan mo dito kay Xylie?"

"Mom please"saway ni Marlon sa Ina.

"What? Im just asking hindi naman kasi palangiti, palakibo at mukhang masungit itong si Xylie. Wala ring ka porma porma" sabi nito.

"Hindi naman po iyon ang pinagbasehan ko sa kagandahan ng loob po niya ako nahulog at ang ngiti niya na minsan lang niyang ilabas ang isa sa mga nagustuhan ko"

"Ngiti ehh hindi naman iyan ngumingiti hindi katulad ng anak ko na laging nakangiti"sabi pa nito at ngumiti kay Marla.

"Look also at Agatha and Alexa they are both beautiful inside out"sabi ni Mr. Nikolai.

"Tsss"sabi ni Xylie at umalis.

"Ohhh bakit ka aalis Xylie anak?"tanong ni Mr. Alarick

Hindi naman ito pinansin ni Xylie at dumiritso sa kusina upang magbilin yata sa mayordoma nila at saka umakyat na sa hagdan.

"Pasensiya kana hijo ganun lang talaga ang batang iyon"sabi ni Mrs. Emma

"Okay lang po"sagot ko naman.

Nakipag kwentuhan pa sila sa akin kunti at parang nirereto ang mga anak nilang babae sa akin.

"Pasensiya na po pero hindi ko po gusto sila Marla, Agatha and Alexa in a way na gusto ninyong mangyari. Kaayos ko lang po ng kung anong mayron samin ni Xylie kanina kaya hangga't maaari ayawko pong may pag awayan o pagtampuhan kami"

"Kanina ko pa kasi sinasabi Mom tantanan mo na si Aaron"saway ni Marlon sa Ina.

"Marlon!!! Huwag kang ganyan sa Mommy mo"sawa ni Mr Alarick sa anak.

"Bakit Dad totoo naman dahil sa mga sinabi ni Mommy at Tito Nikolai ang rason kung bakit umalis si Xylie"sabi ng lalaki ulit.

"Tama si Kuya Marlon Daddy kasalan ninyo ni Tita Dakota kung bakit umalis si Ate Xylie at panigurado lalo siyang magagalit kasi hindi ninyo siya pinagtanggol Tito Alarick and Mommy"sabat ni Nolan.

"Pasensiya kana Aaron sa mga sinabi ni Daddy huwag ka mag alala hindi kami interesado sayo may nagugustuhan na kami ni Alexa"sabi ni Agatha.

"I won't say sorry because I like you Aaron"proud na sabi ni Marla.

"Marla"saway ni marlon sa kapatid

At umalis nga ang pamilya nila kaya pamilya nalang nila Agatha ang nasa harap ko ngayon.

"Ahhh aalis na po ako hinihintay rin po kasi ako ng Lolo at Lola ko." paalam ko sa kanila.

Tumango lang naman sila kaya tumayo na ako para umalis ng tawagin ako nung mayordoma.

"Sandali lang hijo. Aaron ang pangalan mo diba? Ako si Manang Rosie"pagpapakilala nito.

"Ahh opo ako po iyon"

"Sandali lang may kukunin ako hintayin mo ako"

Tumango lang naman ako sa kaniya. Naisip ko naman ang mga nasaksihan ko kanina. 

Mukhang mas masakit ang naranasan niya sa mga pamilya nito. Nabalik naman ako sa reyalidad ng bumalik si Manang Rosie kaya naglakad na kami palabas hanggang makarating kami sa tapat ng sasakyan ko.

"Ito hijo bilin ni Xy kanina ipagbalot daw kita ng cookies na bake niya. Dalawa ito kasi ibigay mo daw sa pamilya mo ang isa at ang isa naman ay sayo. At pasensiya kana sa kanina talagang ganon lang sila. Alam mo na gahaman sa pera"sabi nito.

"Bakit po ba sila bumalik?"tanong ko.

"Ang alam ko para sa pera dahil noong debut nitong alaga ko wala naman silang ginastos ang niregalo nila ay talagang regalo na iyon kay Xylie ang Abuelo't Abuela niya ang nag ayos at iniwan sa magulang niya. Sa tingin ko rin bumalik sila dahil doon sa pera at mga ari arian na nakuha ni Xylie noong kaarawan niya."

"Ano pong ibig ninyong sabihin doon?"

"Lahat kasi ng pag aari at pera ng mga Lopez at Santiago ay nakapangalan na kay Xylie. Bata siya noong nanghina ang Babcia niya kay pinangalan na niya kay Xylie ang lahat ng kayamanan at ari arian ng mga Santiago na siya ring ginawa nila Benedictus at Ophelia."

Iyon lang ang mga nalaman ko tungkol sa kanya dahil hindi na pwedeng sabihin pa ni Manang Rosie ang iba pa.