webnovel

Love 13:

Xylie walk out because she felt left out or out of place. Hindi man lang siya pinagtanggol ng kaniyang mga magulang.

Hinihintay niya kaninag sawayin ng Mama at Papa niya ang mga bagong asawa ng mga ito dahil napapakilala ko lang kay Aaron as my manliligaw but nakangiti lang ang mga ito habang hinahayaan ang mga asawa nila ireto ang kanilang mga anak kay Aaron.

Ang sakit na kahit ganito ako umaasa pa rin ako na kahit katiting lang ay ipagtanggol naman nila ako.

Kasi ang tagal na mula noong naramdaman kung pinagtanggol nila ako. Buo pa kami ng mga panahon na iyon.

"Xylie hija?"tawag sa may pinto ko.

"Pasok po Manang"

"Nakaalis na siya hija at may mga nasabi rin ako sa kanya tungkol sayo"

"Okay lang po Manang malalaman rin naman niya iyon"

"Kamusta?"

"Hindi ako okay Nay. Umasa ako kanina na ipagtatanggol nila ako pero hindi po iyon nangyari"

"Hindi ka naman talaga galit sa kanila diba?"

"Nagkaroon po pero hindi naman gaano kalaki. Kasi Nay sila na lang mayron ako. Pero ngayon mukhang masaya naman na sila. Kung ibigay ko na lang po kaya ang kailangan nila para tuluyan na silang maging masaya"

"Hindi ako papayag Xylie ako at ang abogado ng Lola mo ang kailangan pumirma para mailipat mo sa kanila ang kailangan nila at hindi ako pipirma. Nangako ako sa Lola mo na huwag ako pumirma kung ibibigay mo sa magulang mo ang kailangan nila. Matagal na panahon na silang nakinabang sa mga yaman na iyon kaya hayaan mo naman ang sarili mo na enjoyin ang yaman na hawak mo"

"Pero hindi ko po magagawa iyon"

"Gawin mo dahil sayo ang lahat ng yaman ng mga Lopez at Santiago. Ilang buwan na lang naman ang hinihintay natin para makapagtapos ka ng High School at mag college."

Hindi na ako nakipagtalo kay Manang Rosie kasi para siyang si Abuela kung makipagtalo sa akin. Wala rin akong laban sa kanya kung saka sakali man na lumaban ako.

Natulog na ako pagkatapos namin magkwentuhan ni Manang Rosie.

Pagkagising ko naman sa umaga ay sila kaagad ang bumungad sa akin at ang masaya nilang kwentuhan sa mesa habang kumakain.

Hindi ko miawasang hindi mainggit at maalala kung ano kami dati bago sila nawala sa buhay ko.

"Ohhh Xylie nandiyan kana pala. Halika saluhan mo kami"yaya ni Dakota sa akin.

Umupo naman ako sa pinakadulo ng lamesa.

"Hija bakit naman naman ang layo mo sa amin anak"sabi ni Mama.

"Let's cut this sabihin na lang ninyo ang kailangan ninyo Ma at Pa. Hindi kayo uuwi kung wala kayong kailangan sa akin"

"Matalino ang anak mo Alarick sabihin mo sa kanya"sabi ni Dakota kay Papa.

"Kaya nga namn Emma sabihin mo na sa anak mo ang kailangan natin."sabi ni Nikolai.

"Mom please"pakiusap ni marlon sa ina.

"Dad please wag naman ganito ohhh"sabi naman ni Agatha.

"Bakit ninyo sila pipigilan ehh tinatanong ko naman kayo kung ano ang pakay ninyo at ayaw pa ninyo ako lubayan"sabi ko.

"Xylie kasi-"panimula ni Papa.

"Nalugi ang kompanya na tinayo ng Papa mo sa Canada kaya kailangan niya ng pera para bayaran lahat ng utang ng kompanya. Wala na rin kaming savings dahil nagamit na namin papunta rito at pinag enroll na sa kambal"dugtong ni Dakota sa sinabi ni Papa.

Tinignan ko naman si Mama.

"Kasi anak nalugi rin ang boutique na tinayo ko sa Paris at nagka utang kami sa bangko dahil doon"sabi ni Mama

"Ano kinalaman nila doon?"tanong ko sabay tingin sa bago niyang pamilya.

"Nagamit namin ang savings ng Tito Nikolai mo para pumunta rito at i enroll ang mga kapatid mo sa school mo.

Tumango lang ako sa kanila at tinapos na ang pagkain ko saka ko pinuntahan si Manang Rosie.

"Nay papuntahin mo dito ang secretary ni Lola at si Attorney may pag usapan tayo"

"Sige ingat ka sa pagpasok"

Tumango na lamang ako at umalis na hindi ko na pinansin pa sila dahil alam ko na ang gagawin ni Nay Rosie.

Kahit hindi niya sabihin alam kung tinutulungan niya sila Agatha.

Nagdrive ako papunta sa school at hinanap ko kaagad sila Alessandra pagkadating ko sa school.

"Nandiyan pala kayo tayo kayo dali samahan ninyo ako"utos ko sa kanilang dalawa.

Wala naman sila nagawa kundi ang sumunod sa akin.

"Hoyy bakit tayo papunta sa office ng principal?"tanong ni Myla

"Hoyyy huwag kang gagawa ng mali ahh"sabi ni Alessandra.

"Dito na lang kayo hintayin ninyo ako"sabi ko sa kanila

Pumasok naman ako ng Office at nakita ko doon si Principal.

"Miss Lopez ano ang kailangan mo?"tanong nito.

"Record nila Marla at Marlon Lopez at Agatha, Alexa at Nolan Mendoza"

"Bakit kailangan mo ang record nila?"

"Gusto ko makita"

Binigay naman niya sa akin ang record nila at nakita kung hindi pa fully paid ang enrollment nila at ang ibang gamit nila.

"I'll pay for the remainings"

"Ha?"

"Sabi ko ako na ang magbabayad sa kulang nilang lima ngunit dating gawi walang makakaalam"

"Sige Miss Lopez I'll inform the registration office."

Tumango na lang ako at umalis na.

"Tinulungan mo mga kapatid mo tama ba ako"sabi ni Alessandra.

"Nalaman mo na rin ang rason kung bakit umuwi ang magulang mo"sabi namn ni Myla

"Si Nay rosie"

Tumango naman sila. Sinabi nanaman ni Nay Rosie ang lahat kila Ales at Myla.

"Masaya kaming unti unti ka ng bumabalik sa Xylie na kilala namin."sabi ni Myla.

Ako rin masaya na unti unti na bumabalik ang dating ako.

Pumasok naman na kami sa room namin dahil mahuhuli na kami kung mag dradrama pa silang dalawa dito.

Pagdating namin ay nandoon na sila lahat.

So the usual day wala namang bago debate,discuss, and quiz.

And Aaron was still him patuloy na nanliligaw and Im planning to say yes to him sa birthday niya sa 24 and its 20 today.

"So, kamusta kayo ni Aaron?"tanong ni Myla.

"Still the same"

"Kailan mo balak sagutin si Aaron?"tanong ni Alessandra.

"Sa birthday niya"

"OMG"sabay nilang tili.

Napatingin naman sa amin ang ibang istudyante sa canteen.

Napatakip naman ako ng mukha dahil sa kahihiyan sa dalawang kasama ko. Buti na lang dumating sila Aaron.

Lagi na rin namin kasama si Janine at Scott kaso ilang sa amin si Janine.

"Heyy bakit nagtatakip ka ng mukha?"tanong ni Aaron sa akin.

"Gosh nakakahiya iyang dalawa"sabi ko.

Tinawanan lang naman niya ako.

Natapos ang lunch break namin na puro kami kwentuhan at tawanan. Ngunit natapos ang araw namin na puro reklamo dahil sa dami ng essays at report na pinagawa nila sa amin.

And heto nanaman tayo sa part na kailangan kung umuwi sa bahay na siyang pinaka ayaw kung gawin dahil ayaw ko silang makita na masaya pa rin kahit puno sila ng mga problema.

They had the perfect family na dati ako ang mayron.

Pagdating ko sa bahay ni Manang Rosie ang bumungad sa akin.

At pagdating namin sa sala ay nandoon sila lahat.

"Xylie nandito si Attorney at ang secretary ng Lola mo"sabi ni Papa.

"Doon po tayo sa office Attorney, Mrs. Lee at Nay Rosie"

Nag excuse naman sila at pumunta na sa Office sumunod naman si Manang kasunod ng isang katulong na may dalang meryenda.

"Bakit sila nandito anak"tanong ni Papa.

"Wala na kayo doon Pa"sabi ko saka ko sila iniwan doon.

Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit saka ako pumunta sa Office dito sa bahay.

"Nasabi na sa akin ni Rosie ang Plano mo sigurado ka pa dito Xylie?"

Tumango naman ako.