webnovel

Love 10:

Aaron saw his sister's text gusto ng kapatid niya na makilala ko ang babaeng tinutulungan nito. Makikipagkita daw ang babae sa kapatid at gusto siyang isama ng kapatid para makilala niya ang babae.

Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ng kapatid at gusto niya rin namang makilala ang babae.

"Ohhh ano sabi pre?"tanong ni Vic

"Makikipagkita daw iyong babaeng tinutulungan niya sa kanya mamaya gusto niya makilala ko ang babae"

"Tsss para kang binubugaw ng kapatid mo doon sa babaeng iyon ahhh"sabi ni Shawn.

"Ewan ko pero pati sila Grandma gustong gusto iyong babae na iyon."sagot ko naman

Nagulat naman kaming tatlo ng biglang tumayo ang mga babae at sabay sabay na umalis. Pero bago sila makalayo narinig kung may sinabi pa silang tatlo.

"Insensitive"

"Anyare sa mga iyon?"tanong ni Shawn

"Ayyy tanga ang insensitive nga natin"sabay na sabi namin ni Vic

"Ha?Hindi ko gets?"tanong ni Shawn

"Tanga kasama kasi natin sila tapos ibang babae ang pinag uusapan natin tapos sabi mo pa parang binubugaw ni Xav kuya niya doon sa babae"sagot ni Vic

"Tsss hindi pa nila masyado nagalaw pagkain nila"sabi ko.

Tumayo na lang ako at pumunta sa counter para bumili ng pagkain at inumin ni Xylie at pang peace offering na rin sa kanya.

Pagkabili ko ng pagkain niya at kinuha ko na ang gamit ko at pumunta na sa room.

Naabutan ko silang naka upo na sa mga upuan nila dati maliban kay Xylie na sa upuan ni Gomez nakaupo at may kanya kanyang ginagawa.

Napansin kung nakikinig lang ng music habang nagbabasa si Xylie.

"Xy"tawag ko sa kanya.

"Xy sorry na. Pwede namang hindi ako pumunta."sabi ko sa kanya.

"You can go its your decision. Tsaka bakit sa akin nakabase ang desisyon mo ano ba meron tayo?"sabi nito.

Nagulat ako sa sinabi niya dahil pati ako hindi alam kung ano meron sa amin. Basta ang ginagawa ko ay nililigawan ko siya.

"Manliligaw mo ako, nililigawan kita"sabi ko

"Ohhh okay ehhh kung ganon pumunta tsaka kapatid mo naman iyon"

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kapatid ko dahil importante din sa akin ang kapatid ko at handa akong gawin ang lahat para sa kapatid ko.

The usual day lang namin sa school plus the debate between both Block. Pinagsama man kami sa isang block but hindi mo maalis ang ilang guro na pinagkukumpara kami sa Block A.

Pagkatapos ng nakakapagod na araw na iyon ay nakatanggap pa ako ng text kay Xav na bumili daw ako ng iinumin doon na juice at ice cream na rin daw.

Bumili ako ng Cookies'n Cream flavored Ice cream dahil favoite iyon ni Xav. Bumili na rin ako ng apple juice and some water tsaka ko umuwi sa bahay.

Pagdating ko doon ay naghahanda na si Xav ng dadalhin niya kaya binigay ko na sa kanya iyong mga pinabili niya.

"Ohhh ito na po ang mga pinabili mo mahal na prinsesa"

"Hayyy kuya kailan ko kaya makikilala ang reyna mo Kuya"sabi nito ngunit kinuha na rin ang dala ko.

"Mayron na papakilala ko sayo one of this days"

"Oh my ghad gusto ko siya ma meet"excited na sabi nito.

"Soon. Bihis lang ako tapos alis na tayo. Nandoon naba siya?"sabi ko.

"On the way palang daw kasi galing pa siya school tapos umuwi para magbihis pero malapit lang naman ang bahay nila sa park"sabi nito.

Tumango na lamang ako at umakyat na sa kwarto ko saka nagpalit lang ng shorts at t shirt na simple lang dahil diyan lang naman kami sa park.

Pagkababa ko ay nakahanda na lahat at nagmamadali na si Xav

"Kuya dalian mo nandoon na siya"natatarantang sabi nito.

"Tsss okay ito na po mahal na prinsesa"sabi ko saka kinuha iyong dala niya.

"Mahal na Inang Reyna at Amang Hari aalis na po kami ng Prinsesa"paalam ko kila Grandma.

Tinawanan lang nila ako at saka tumango na lamang kaya umalis na kami ni Xav. Malapit lang naman ang park sa amin kaya naglakad na lamang kami.

Nang makarating kami ay may nadatnan kaming kotse na nakapark sa malapit sa park at bigla nalang tumakbo si Xav ng makita ang kotse kaya wala akong nagawa kundi ang habulin ito.

"Ate Rae"tawag ni Xav sa babae.

"Oh my Mae namiss kita"

"Na miss din kita Ate.Ohhh kasama ko pala Kuya ko siya pinagbuhat ko ng Foods natin"

"Hahaha ikaw talaga. May dala rin akong foods"

Naririnig ko ang pag uusap nila ngunit hindi ko makita ang babae dahil nakatalikod ito mula sa akin ngunit pamilyar ang kanyang boses.

"Ohhhh Kuya halika na dito"tawag sa akin ni Xav kaya lumapit ako sa kanila.

And it was very shocking to the both of us.

"Aaron"

"Xylie"

Sabay naming sambit sa pangalan ng bawat isa.

"Magkakilala kayo Kuya?"tanong ni Xav.

"Yup"sagot ko sa kapatid.

"Oh my ehh di siya iyong sinasabi mo sa amin nila Mamila kanina." 

"Yup"sagot ko uli.

"Oh my ghad"sabi ni Xav at nagtatalon sa paligid na kala mo isang baliw.

"So you are the brother of Mae?"tanong niya.

"Obviously yes Im her brother"sagot ko.

"Thanks for raising a wonderful lady"sambit nito na nakapag pasaya sa akin

"So, she tell a lot about her life?"

"Yup we tell each other our lives nandiyan siya noong kailangan ko siya kaya nandito rin ako para sa kanya. We both feel like wheee on the same boat which is true"sambit nito.

"I understand it also take for Xav to tell others her problems lalo na sa akin she used to hide and fake everything in the past and Im glad she is now comfortable and starting to be that happy"sabi ko habang nakatingin sa kapatid ko na nakikipaglaro sa mas bata sa kanya.

"She is indeed lucky to have a brother like you"sabi nito.

And we jus talk and talk.

"Mae come here kain na tayo matutunaw na iyong ice cream"tawag nito kay Xav.

"Coming"

Pagkalapit ng kapatid ko ay na out of place na ako dahil kung ano ano na ang pinag uusapan nila na hindi na ako makasunod kaya hinayaan ko na lamang sila at chinat nalang ang mga kaibigan ko.

Ang mga g*g* naman ay tuwang tuwa ng malaman si Xy at iyong Ate Rae ni Xav ay iisa kaya kung ano ano nalang ang pinag sesend nila sa gc namin.

Natatawa ako dahil nagsend ng mga memes si Vic ng mga Presidential Candidates na galing pa sa Tiktok.

Hindi ko na rin napansin pa sila Xav at Xy chinat na lang sila Vic at Shawn. 

"Tsss kumain ka na daw sabi ni Mae"sabi ni Xy.

"Ahh cge sandali lang tapusin ko lang ito"sabi ko.

"K"sabi nito.

"Mae halika dali" rinig kung tawag niya sa kapatid ko.

Lumayo silang dalawa at hinayaan ko na lamang at chinat sila Vic at Shawn habang kumakain ng dala namin.

 'Any tips bored na ako rito' chat ko sa gc namin.

'Alis ka nalang bro' chat ni Shawn.

'Laro nalang tayo online games pre' sabi ni Vic.

'Tssss ang boring naman niyan tsaka ayaw ko umalis walang kasama si Xav'

'Si Xav ba ang ayaw iwanan o si Xylie?' sabi ni Vic

Hindi ko na sila nareplyan dahil lumapit sa akin ang kapatid ko at si Xylie. Nakaupo sa gitna namin si Xylie.

"Kuya do you really like Ate Rae?"tanong ni Xav.

"Yes of course. Why did you ask"

"Then sino iyong ka chat mo kanina causing you to smile and laugh that hard?"tanong nito.

"Ohhh here check mo kung sino ka chat ko kanina"sabi ko sabay abot ng phone ko sa kapatid ko.