webnovel

Love 9:

"Hear their side?"

"Yes pakinggan mo ang rason nila"

"Sa tingin ko hindi pa ako handa. Hindi lang sila ang nawalan noong mga panahon na iyon. Ako rin. Sila isang beses lang nila naranasan na makita mo ang mahal mo na unti unting namamatay ngunit ako tatlong beses at ang sakit nun para sa akin."

"Shhh naiintindihan ko take your time but please try to listen to them"sabi nito saka ako niyakap.

"Ano ba talaga ang mayron sa atin Aaron?"tanong ko.

"Nililigawan kita"sagot nito.

"Pumayag ba ako?"

"Kahit hindi ka pumayag"

"Tsss bahala ka"

At iyon na nga nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano at tawa ng tawa nang maubusan ng pag uusapan at nanonood na lamang kami sa phone niya. Ang sarap para sa pakiramdam ng ganito.

Magaan ang pakiramdam ko parang wala akong problema. Ngayon lang ulit ako naging masaya at ngayon lang ulit gumaan ang pakiramdam ko mula ng dumating sila Mama.

Hindi ko na rin alam kung ano ang pinapanood namin ngunit ang ganda ng background music ng movie.

Hindi ko rin namalayan na nakasandal na ako sa balikat niya.

"Ang sarap sa pakiramdam na ganito. Sana ganito na lang tayo lagi"sabi nito.

"Sana nga kasi ang gaan sa pakiramdam"sabi ko naman.

Ngumiti lang ito sa akin kaya sa muling pagkakataon ngumiti rin ako pabalik.

"Ang ganda ng mga ngiti mo at nakakahawa sana lagi kung makita yang mga ngiting iyan"sabi nito saka humalik sa noo ko.

Wala akong sinabi basta ngumiti lang ako sa kanya.

"Guys papasok na kami sana ayos na kayo nohhh"sabi ni Alessandra na pumasok muna bago siya nagpaalam.

"Hayyy mukhang ayos na kayo kasi maganda ang kislap ng mga mata ninyo"sabi ni Shawn.

"Hayyy I felt relieved pare hindi ka na mukhang broken hearted"sabi ni Vic.

Samantalang si Myla naman ay nakaakap sa Ina.

"Xy away kayo ulit kapag period ni Mama."

"Ha?Bakit naman?"tanong ko.

"Ngayon ko lang ulit naramdamang i baby ni Mama hehehe"

"Hahaha pano kasi buong duration na nasa labas kami nandoon lang siya sa lap ni Tita at nakahiga habang nagkukwentuhan silang mag ina"sabi ni Alessandra.

"Ehhh doon ko na nga lang nasolo Nanay ko ehh lagi kasi busy sa school at paggawa ng lesson plan"sabin naman ni Myla ng nakanguso.

Hindi na lang kami nagsalita dahil alam namin kung gaano ka miss ni Myla ang Ina nito.

"Ohhh by the way Xylie anak hindi ka ba aalis sa pagkakasandal mo kay Aaron baka nangalay na iyong tao?"tanong ni Maam

Kaya bigla naman ako napaayos ng upo at ramdam ko ring namula ang mukha ko. Sa ginawa ko naman na iyon ay nagsipag tawanan sila lahat.

Pati itong katabi ko ay nagpipigil ng tawa.

"Tsss tawa mo na iyan baka mautot ka diyan"

Tumawa naman ang g*gu ng apakalakas para pati ang iba ay matawa ng malakas.

"Tsss bigay na ninyo susi ayaw ko na dito"sabi ko na masungit.

Natigilan naman sila lahat ng marinig ang sinabi pati si Maam Flores nanahimik ehhhh.

"Ha?"tanong ni Myla.

"Susi"sabi ko.

"Hoyyy iyong susi nasan?"tanong ni Alessandra sa mga kaibigan ni Aaron.

"Ha?Wala sa akin. Shawn na sayo?"sabi ni Vic.

"Wala rin sakin"sabi nito.

At nagpasa pasahan na sila dahilan para mainis ako habang itong katabi ko naman ay sumandal sa akin.

"Tsss umalis ka nga dyan ang bigat mo"masungit kung sabi sa kanya.

"Pasandal lang ehhh hindi naman ako nagreklamo kanina ng ikaw ang nakasandal sa akin"

"Ahhh so sinasabi mong mabigat ako ganon"

"Ha?Wala naman akong sinabing ganon ahhh sabi ko lang pasandal lang."

"Tsss alis"

"Paano naman ako aalis ehhh nakaposas ako sayo. Sabihin mo nga paano ako aalis"sabi nito.

"Asan ba kasi iyong susi. Pinosas posas ninyo kami rito tapos iwawala ninyo ang susi. Tsss so unresponsable."

"Ghad nasan kasi iyong susi ilabas na ninyo malapit na umiyak si Xy"sabi ni Alessandra.

"Im not gonna cry"I said.

"Ohh really but your eyes seems like crying"sabi nito ulit.

Ramdam ko nga na naluluha na ang mata ko ewan ko kung bakit. Hindi naman ako iyakin.

"Iiyak na iyan"sabay sabay na chant nila.

Doon yata na triggered iyong luha ko kaya tumulo kaya kahit may galit ako sa katabi ko ay tinago ko ang mukha ko sa kanya.

"Hahaha lagot kayo pinaiyak ninyo President ninyo"rinig kung sabi ni Maam Flores.

"Okay guys take your seats. Gomez take Xylie's chair" sabi ulit ni Maam Flores.

Hindi ko na sila pinansin lahat at nanatiling nakatago ang mukha sa dibdib ni Aaron. Like duhh ayaw ko makita nila akong umiiyak lalo na mga kapatid ko.

Ito namang katabi kanina pa hawak ng hawak sa buhok mukhang sinasamantala niya ang sitwasyon.

"Hoyyy Pres umayos kana diyan. Lecture na tayo"rinig kung sabi ni Myla.

Umayos naman ako ng upo at tinignan sila ng masama. 

"Tssss hanapin ninyo ang susi kung hindi papatayin ko kayo"banta ko sa kanila.

"Hmm mamaya na iyan na sa akin ang susi kinuha ko sa bulsa ni Myla kanina. Mamaya na kayo maghiwalay diyan nag eenjoy pa ako. Let's just start our lecture for today"

Hindi na ako nagsalita at nagnotes nalang ako. Ito namang katabi ko mukhang enjoy na enjoy.

After the discussion ay nakahabol pa kami ng isang short quiz bago nag bell. 

The bell rings and it means break time. Nagsipag ayos kami at kinuha na ang mga gamit na dadalhin namin.

"Tsss wag ka magulo hindi ko makita wallet ko"sabi ko sa katabi.

"Saan mo ba kasi nilagay wallet mo?"tanong nito.

"Dito lang iyon nilagay ko katabi ng ibang pouch ko."

"Tsss pahanap mo na sa mga kaibigan mo ang sakit na ng kamay ko"

"Myla, Alessandra"

"Ohh bakit?"tanong ni Alessandra.

"Pa help hindi ko makita wallet ko"

Lumapit naman ito sa amin at siya na ang naghanap ng wallet ko. Nakita naman niya ito kaagad.

"Ohhh nasa pinaka ilalim ehhh nadaganan ng mga pouch mo"saabi nito.

"Thanks"

Hinawakan ko na ang wallet ko at phone sa isang kamay saka kami lumabas para kumain sa canteen.

Pagdating doon ay naupo na lang kami sa isang upuan.

"Ohhh sino bibili ng pagkain natin?"tanong ni Ales.

"Heyyy girls nandito pala kayo"sulpot bigla ni Maam Flores.

"Here bibigay ko lang susi. Free them para makapag order ang boys ng food ninyo ng pagkakuha ng food posas ninyo ulit"sabi ni Maam Flores saka iniwan ang susi sa amin.

"Tssss may pa ganito ganito pa kasi"reklamo ko.

"Myla tanggalin na ninyo please ang sakit na ng kamay ko"reklamo rin ng isa.

Tinanggal naman nila kaagad ang posas. 

Agad ko namang hinilot ang kamay ko kasi ang sakit nakakainis. Nagulat naman ako ng may humila sa kamay

"Hoyyy ano gagawin mo?"tanong ko.

"Tsss lalagyan ko lang ng lotion"sabi nito saka hinilot ang kamay ko ng may lotion.

Nang matapos ay hindi na niya binitawan ang kamay ko at pinaglaruan nalang ang singsing sa kamay ko.

Pumili na rin kami ng pagkain at ang mga lalaki na ang bumili ng food namin. Kasama rin namin si Janine at Scott Gomez. 

Ang ganda ng araw na ito para sa akin and I plan to go the park again para bisitahin si Xav. She have a phone kaya tinext ko siya.

'Xav kita tayo maya sa park ahhhh'

'Talaga Ate pupunta ka sa park mamaya?'

'oo kaya kita tayo doon'

'cge sama ko kuya ko gusto ka daw niya makilala ehhh'

'cge ba see you later'

'cge babye'

Hindi na ako nakapag reply dahil dumating na iyong pagkain namin.

Paglapag na pagkalapag ni Aaron ng pagkain ko sa harapan ko ay siya ring pagtatanong niya sa akin.

"Sino ka text mo?"tanong nito.

"ha?"

"Tinatanong ko kung sino ka text mo?"

"Tsss wala ka makukuhang sagot diyan pre kung ganyan" sabi ni Shawn

"Ka text niya iyong batang babaeng tumulong sa kanya"sabi ni Myla

"Pare kapatid mo nag text hindi mo daw siya nireplyan"singit ni Vic

Hindi na ako pinansin at tinignan ang cp niya para makita ang text sa kanya ang kapatid niya. Hindi na rin ako nakialam at kumain na lamang dahil sa gutom na ako.