webnovel

The Wife (Book 1)

It's something I've always wanted to do: be his wife. Despite his refusal to marry the two of us, he did nothing but carry out his parents' wishes. Nonetheless, I believe he will come to love me as much as I love him. I've adored him since then and will continue to do so. That was how insane I was with him. Even though it's an unrequited love, being his wife is a dream come true. Will my outpouring of love for him, however, bring me happiness, or will I eventually find it in his brother?

ButterCoconut · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
37 Chs

Chapter 2

KNIGHT

I hutched the last smoke of my cigarette as I watch the people dancing wildly on the dance floor.

"Anong oras ba tayo uuwi?" pangalawang tanong ni Thaddeus sa akin.

"Ano bang minamadali mo at tanong ka ng tanong? Mauna ka ng umuwi kung gusto mo," asik ko na maskin siya ay nagulat sa ginawa ko.

"Relax bro, I'm not leaving you here, I was just asking," saad niya at kinuha ang isa pang baso na may lamang alak.

Hindi ko na siya pinansin at tinuunan na lamang ng pansin ang paglalagok ko ng alak. Hindi ko pa gustong umuwi at madatnan ang babaeng siyang sumira at naging miserable ang buhay ko na sana ngayon ay masaya sa piling ng mahal ko. Napaka-ambisyosa naman siya kung pati ba naman ang pagiging mapagmahal na asawa ay gagawin ko porket pinakasalan ko siya. Siya ang may kasalanan ng lahat-lahat ng ito. Nagkukunwari pang mabait sa harapan ko at sa harapan ng mga magulang ko, tingnan natin kung magtatagal pa ang bait-baitan niya simula sa mga araw na ito. Alam kung tinatago niya lang ang kulay niya, marami naring nagsabi sa akin na isa siyang manloloko at higit sa lahat ay hindi na inosente.

"Hindi kaya't hinahanap ka na ng asawa mo sa mga oras na ito o hinihintay ka na niyang makauwi," saad ni Thaddeus na ngayon ay ngumunguya na naman ng pagkain.

"Hayaan mo siyang maghintay hanggang sa mamuti ang kanyang mga mata sa kakahintay ng anino ko," sagot ko sabay lagok ulit ng alak.

"You're being so harsh on her bro," mahinang saad niya na medyo hindi ko na maklaro dahil narin siguro sa sumipa na ang alak sa aking katinuan.

Dito, dito lamang sa alak na ito, nalilimutan kong may pinakasalan akong isang babaeng hindi ko naman mahal.

Kukuha na sana ako ng isa pang alak ng may isang babaeng biglang sumulpot sa aking harapan na nakangiti. Tiningnan ni Thaddeus ang babaeng nakatalikod sa kanya na kunot noo ngunit hindi lamang siya pinansin nito sa halip at nagsalita siya.

"You must be alone, want me to accompany you?" she purred in my ear and I suddenly grip her waist and catch her lips with mine and she moaned as I hold firmly her breast.

"Thank you for the companionship woman, you may now leave," saad ni Thaddeus at hinila ang babae na ngayon ay pulang-pula sa galit at hiya.

Tiningnan niya ang paligid na ngayon ay nakatingin na sa kanya, nagkukumahog siyang umalis sa kanyang kinatatayuan at halos matumba-tumba dahil sa mataas niyang suot na takong na sapatos.

I chuckled as I see Thaddeus glaring at me.

"What?" tanong ko na halatang hindi ko na alam kong ano na ba ang ginagawa ko, I'm a complete mess.

"We better go home now Knight, its getting late," saad niya at hinila ako papalabas. Hindi narin ako makapalag dahil sa kalasingan ko kaya nagpahila na lamang ako.

"I should drive you home. Hindi mo na kayang magdrive kung ganyan ang sitwasyon mo," dagdag niya at kinuha ang susi sa aking pantalon at agad-agad niyang binuksan ang kotse ko at tinulungan akong pumasok.

***

Ilang minuto rin ang tinagal at narating narin namin ang bahay ko.

"Huwag ka ng pumasok at matutulog na ako," I said as I open the door of my car and started walking. Kaya ko pa naman palang maglakad ng hindi gumigewang-gewang.

"Sige, at maglalakad nalang ako ulit sa bar upang kunin ang sarili kong sasakyan," paalam niya at hindi na ako nag-abalang sumagot pa at pumasok na lamang sa gate.

Tiningnan ko ang bintana at may ilaw pa, hudyat na gising pa ang bruhang babaeng iyon. Kumatok ako ngunit walang sumasagot.

"Ano ba! Papapasukin mo ba ako o hindi!" sigaw ko at malakas kong kinatok ulit ang pintuan.

"Sandali, sandali," sigaw niya na halatang nagmamadali at rinig ang mga yapak ng kanyang mga paa.

Pagkabukas niya ng pagkabukas ay agad kong sinalubong siya ng isang napakalakas na sampal na ikinatumba niya sa sahig, napakalampa naman pala ng babaeng ito o sadyang naglalampa-lampahan lang. Napasigaw siya sa sakit ngunit mas lalo pang umiinit ang aking ulo dahilan upang hilahin ko ng mariin ang buhok niya na halos matanggal na sa anit niya.

"What? Are you gonna fucking cry again you bitch?!" sigaw ko malapit sa kanyang tainga na ikinapikit na lamang ng kanyang mga mata. Parang nawala ang kalasingan ko ng makita ko siyang umiyak.

"Dahil sayo! dahil sayong punyeta ka ay hindi naging kami ng dapat ay nasa lugar mo you slut! Ano bang pinakain mo sa mga magulang ko at pumayag silang ipakasal tayo ha! Ano?!" sigaw ko habang hawak-hawak ko ng mariin ang buhok niya.

"Please,"iyon lamang ang lumabas sa bibig niya na mas lalo pang nakapagpakulo ng dugo ko.

"You slut!" sigaw ko at bago ko pa man bitawan ang kanyang buhok ay isang malutong na sampal ang ibinigay ko bago ko siya itinulak sa sahig na para bang isang basahan. Maruming-maruming basahan.

Iniwan ko siyang nakalumpasay sa sahig at dumiritso sa tinatawag niyang kwarto namin. Hindi ko siya nilingon at agad-agad akong pumasok sa kwarto at isinarado iyon upang hindi siya makapasok. Doon siya sa sahig matulog kong gusto niya, total ay basahan naman siya kaya bagay naman sa kanya na doon matulog.

Nilumpasay ko ang pagod na pagod kong katawan sa kama dahil sa ginawa ko sa kanya. Kailan ba mawawala ang salot na babaeng iyon sa buhay ko ko? Napatingin ako sa picture frame na nakadikit sa aming dingding na ang larawan ay noong ikinasal kami. Hinubad ko ang sapatos ko at ibinato sa picture frame dahilan upang mahulog ito at mabasag. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayang lamunin ako ng antok.