webnovel

The Wife (Book 1)

It's something I've always wanted to do: be his wife. Despite his refusal to marry the two of us, he did nothing but carry out his parents' wishes. Nonetheless, I believe he will come to love me as much as I love him. I've adored him since then and will continue to do so. That was how insane I was with him. Even though it's an unrequited love, being his wife is a dream come true. Will my outpouring of love for him, however, bring me happiness, or will I eventually find it in his brother?

ButterCoconut · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
37 Chs

CHAPTER 21

ASH

The creamy sheets of the silk dress slipped onto her shoulders, her milky skin flesh that I want to kiss and touch. Pero akolang ba ang ayokong makita na ganyan ang kanyang suot? Bakit? Dahil ayokong tignan siya ng mga lalaki kagaya ng pagtingin ko sa kanya. Pero ayoko rin siyang pagbawala dahil wala naman akong karapatan at isa pa isa itong shoot, so why would I care? But damn these feeling I have for her, di ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya mahalin. Simula pa nung nagkilala kami bago pa man sila magkita ni Knight ay magkaibigan na kami, lagi naming tambayan ang library at doon nag-aaral and somehow nagnanakaw ng tulog. Hindi siya katulad ng mga ibang nag-aaral na mga babae na ang inaatupag ay puro party, boys and make-ups.

She's different and simple, kahit na anak siya ng mga Herrera, isang kilalang pamilya, isang mayamang pamilya. She's not a spoiled brat girl, wala siyang arte sa kanyang sarili, ni hindi siya nagsusuot ng make-up at mga maiiksing mga damit, she always wore her faded jeans and light blouses, she says she's comfortable. I find her beautiful inside in and out. Ngunit nang nakilala niya si Knight ay napansin ko ang pag-iba ng kanyang mundo, naging mailap narin ang aming pagsasama dahil sa pagsusunod-sunod niya kay Knight kahit san magpunta hanggang sa grumadweyt na kami at napunta na ako sa ibang bansa upang mag-aral at dun ko na napagtanto na nagpakasal na silang dalawa.

That was my greatest heartache nang malaman ang balitang iyon, so I hired a person who will guard Alana every day pero simula nang ikasal si Alana kay Knight ay hindi na siya kailanman lumabas sa kanilang bahay, ilang lang rin ang kanyang paglabas ngunit hindi ko parin pinapatigil ang pagbabantay sa kanya. Hanggang sa pinadalhan na lamang ako ng message na nagsasabing sinasaktan na pala ni Knight si Alana and then it all starts, I know everything about what goes into that house. That is why I went home at makitira sa bahay nila, I want to guard her, defend her, defend my Alana. Alana doesn't deserve that, she deserves more; she deserves everything, and if Knight can't give her that thing, I am the one who will give her that.

"Don't mind him," sambit ko dahil ramdam ko ang panginginig niya, ang agad niyang paglamig dahil hawak-hawak ko ang kanyang kamay. Pinisil ko naman itoupang matignan niya ako at nagulat ako nang nagingilid na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata, she's afraid of him. It was a good thing na hindi nakatingin ang mga tao sa aming direksyon dahilan upang pahidin ko agad ang kanyag mga luha at alam kong kitang-kita ito ni Knight but I don't care.

"S-sorry," nginig niyang sagot at agad na tumalikod at pinahid ang kanyang mga luha, she's fcking fragile that Knight should handle her with care but not. She's fcking afraid of him. If given a chance, I would get her.

I want to grab her hand and leave this place nang tawagin siya agad ni Knight. I want to stop her, but who am I against the husband? I am nothing.

Sa parking lot na ako naghintay dahil alam kong uuwi siya at di nga ako nagkamali. Nagkukumahog siyang pumunta sa aknyang sasakyan na umiiyak, I cursed under my breath and my knuckles turn to white. I hate him, ano ba ang ginawa ni Alana sa kanya at puro pananakit lang ang ginagawa niya dito. He doesn't deserve her, not even the tip of her hair.

Her emotions were not easily hidden on her innocent face. Her pain was evident in the crease of her lovely brow and the down-curve of her full lips. But her eyes, her eyes showed her soul. They were a deep pool of restless gold, an ocean of hopeless grief. They were a deep pool of restless gold, an ocean of hopeless grief. As I looked into her eyes I knew, all the beauty of the universe could not even hope to compete with this simple thing: passion. Passion turned her eyes into orbs of the brightest fire, and in them I read clearly that she would fight to the very last tear for her life. She would not let the world break her but she let Knight break her.

Nanatili muna ako sa akingg pwesto dahil ayoko muna siyang lapitan, knowing her she doesn't like to be talk when she's in the situation of hurting. She wants to be alone pero ang nakikita siyang ganito harap-harapan ay mas masakit pa sa inaakala ko. Ilang minuto ang lumipas ay inayos niya ang kanyang sarili at inistart ang makina ng kanyang sasakyan , napayuko ako ng konti dahil sa kanyang pagliko para di ako makita pagkalabas niya ay agad ko siyang sinundan.

Napakabilis ng kanyang takbo sa kabila ng maraming mga sasakyan at kasagsagan ng traffic, she's small but a dangerous one too. Yan ang hindi alam ni Knight medyo may pagkakaskasera din si Alana kapag galit, I know that dahil nung ibili siya ng kanyang dad ng sasakyan ay ianya niya akong sumakay at dahil naman panatag ang loob ko dahil alam kong hindi pa siya gaanong marunong magmaneho at napakaliit niya at napakalaki pa ng sasakyan niya, isang ford na parehas kay Knight.

At doon ko nalaman na magaling pala siya sa manubela, napakabilis ng kanyang takbo at alam niya ang timing sa pagbilis ng takbo at pagliko. She was like a pro racer.

Nawala agad siya sa paningin ko at di na alam kung saan siya lumiko. Kaya napagpasyahan ko na lamang na pumunta sa kanilang bahay dahil baka dun din ang punta niya. I was about near the place when I saw Knight's car, I rolled my windows down at tila tumigil ang pagtibok at mundo ko. I saw them kissing and embracing each other, di ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko at kasabay din nun ang simulang pagpatak ng ulan, isang malakas na ulan na may kasamang kidlat. I rolled my windows and started the engine.Hindi na muna ako babalik sa kanilang bahay.

I will find myself a home.