webnovel

The Wife (Book 1)

It's something I've always wanted to do: be his wife. Despite his refusal to marry the two of us, he did nothing but carry out his parents' wishes. Nonetheless, I believe he will come to love me as much as I love him. I've adored him since then and will continue to do so. That was how insane I was with him. Even though it's an unrequited love, being his wife is a dream come true. Will my outpouring of love for him, however, bring me happiness, or will I eventually find it in his brother?

ButterCoconut · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
37 Chs

CHAPTER 13

ALANA

Malapit na kami sa aming kompanya nang biglang lumingon sa aking gawi si Knight.

"Hindi naman mainit dito, bumaba ka na dito. Pumara ka ng taxi, ayokong makita ka nila na bababa sa aking sasakyan," saad niya at narinig ko ang pag unlock ng kanyang sasakyan. Tila ba gusto kong maiyak sa sinabi niya, heto na naman ako at nasasaktan. Tama naman siya, we are private at pumayag ako sa kasunduang ito. Bakit ba kasi hindi ko nalang dinala ang sasakyan ko.

"O-okay," sagot ko at akma ng bubuksan ang pinto ng sasakyan nang bigla niya akong hawakan sa aking braso.

"Wait, here's the money para ipang bayad sa taxi," saad niya at ikinuyom sa aking palad ang isang libong papel.

Dahan dahan akong lumabas sa kanyang sasakyan at isinara ito. Agad naman niyang pinaharurot ang sasakyan at tuluyan na lamang akong iniwan.

"It's okay Alana, pumara ka nalang," pag cheer ko sa aking sarili dahil kung hindi ko gagawin yun ay iiyak na naman ako at magmumukhang tanga dahil nasa highway pa naman ako. Agad naman akong nagpara ng masasakyan and thankfully may nagpasakay naman sa akin.

"Manong Beldents Company po tayo," saad ko ng pagsara ko ng pinto.

"Sige po maam," sagot ng manong driver na nakangiti at agad namang pinaandar ang sasakyan.

Mabilis naman naming natahak ang destinasyon dahil sa malapit naman lamang.

"Heto po ang bayad," saad ko at sabay abot ng isang libo kay manong, agad naman siyang nagulat at naghanap agad ng maisusukli.

"Huwag niyo na po akong suklian manong, pasensya na po at kay aga-aga ganito ang pera ko. Sa inyo na po ito," saad ko at iniabot sa kanya ang bayad, ayaw niya pa ito sanang tanggapin pero iniwan ko na ito sa kanya at tuluyan ng lumabas sa sasakyan at naglakad papasok sa kompanya.

It was good to be back.

Ilang taon narin nung huli kong punta dito at siguro ay hindi na ako kilala ng mga taga dito at marami naring nagbago.

"Good morning maam, how can I help you?" bati ng isa sa mga babaeng empleyado sa akin. She looks so kind and she's beautiful.

"I am the new secretary of the CEO of this company," sagot ko at tila naman nagulat siya sa aking sinabi ngunit agad naman siyang ngumiti hindi ko tuloy alam kong totoong ngiti iyon o hindi dahil parang umiba ang kanyang awra.

"He is expecting you Miss?" saad niya ngunit di na makatingin sa akin at busy na sa pagtitipa sa kanyang computer. What's with her?

"Alana," ngiting saad ko ngunit di parin niya ako tinitignan.

Agad naman niyang sinabi sa akin kung nasaang floor si Knight at agad ko rin naman siyang pinasalamatan ngunit wala akong nakuhang sagot, marahil she is having a bad day.

Marami na nga ang nagbago at pakiramdam ko ay dayuhan ako sa sarili naming pag-aari but I shouldnt be acting like this, nagkasundo kami ni Knight na hindi namin pagsasabi sa mga empleyado na mag -asawa kami. But that's okay I'm used to it, hindi lang sanay ang puso ko.

"Ang layo naman ng office niya," saad ko habang nasa elevator, nangangawit narin kasi ang mga paa ko sa suot kong heels, 2 inches lang naman to pero bakit ngawit na ngawit na ako, marahil ay matagal ko ng hindi nakakapagsuot ng mga ganito simula ng maikasal ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, matagal tagal narin nung nakita ko ang sarili kong nakasuot ng ganito, ang dating Alana. Napabayaan ko na ba ang sarili ko?

Agad naman akong bumalik sa aking katinuan nang narinig ko ang elevator, signaling I am already on the floor.

"Well this is it Alana," mahinang saad ko thankfully at wala akong kasama sa elevator at walang mga tao dito sa floor na ito halos lahat ay salamin lang.

This floor is occupied only by him, I don't know why pero yun naman ang kagustuhan ni papa. Work can stress you out kaya ginawa niyang isang buong office ang floor para magmukhang comfy or feel at home.

Nang buksan ko ang glass door ay bumungad sa akin ang kagwapuhan ni Knight na kasalukuyang nakaupo at nakatingin na sa akin na para bang hinihintay talaga ako. Gusto ko sanang kiligin pero baka umasa na naman ako, ayokong masira ang araw ko ngayon at first day ko pa naman sa trabaho.

"You did manage to get here, I thought you're already a lost cat," he muttered as he slowly stands up and gestured me to sit.

"Malapit naman din lang kasi tapos nagtanong narin ako dun sa empleyadong nagngangalang Michelle sa baba kung nasaan ka," saad ko at di ko namalayang nakapagbigkas ako ng pangalan, naaalala ko pa ang name nung babae sa ibaba dahil sa nametag niya, marahil ay yun ang namana ko kay daddy ang maging mapanuri pero minsan di naman sinasadya.

"You have your father's skills, I can see it on your face na tila nagulat ka," saad niya at may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi ngunit agad din naman iyong napalitan ng seryosong mukha.

"So what's my first task?" ngiting saad ko at pinalibot ang aking mga mata sa buong silid, it is indeed a massive room at feeling at home talaga dahil may mga sofa, lamesa, kitchen, parang nasa bahay lang din pala ako.

"Nothing, umupo ka lang diyan. Feel at home, watch tv, read magazines, books may mga libro diyan na alam kong gusto mo like what you've mentioned before. You can eat, I have lot of supplies there, you can cook food if you want. You can also wash here, there's the bathroom but for now you have nothing to do, just be my secretary," saad niya na titig na titig sa akin at di ko naman maiwasang iiwas ang aking mga mata sa kanyang mga nakakatunaw na titig. Gustong gusto ko siyang titigan, hagkan at higit sa lahat haplusin at halikan. When did we last kiss? Wala pa, nung ikinasal kami ay dampi lang ng halik sa aking pisngi ang kanyang ibinigay, medyo malapit sa labi upang makita ng mga tao na totoong nagmamahalan kami pero hindi.

"Give me a favor Alana, for me your husband," biglang saad niya na biglang ikinatigil ng mundo at paghinga ko, tuliro na ba ako? Tama ba ang narinig ko? Husband? Lumabas ba talaga yun sa kanyang bibig? Hindi ko alam kong nabingi ako pero titig na titig ako ngayon sa kanyang mga mata, gusto kong ulitin niya ang kanyang sinabi.

"Stay away from Ash."