Lyn's PoV
Pinagtaasan ko nang kilay si Chloe na kaka dating lang habang kaming dalawa ni Krisha ay nakahulikipkip lang.
"What?"
"Nothing."
"Bakit ba ang tagal mo?"
"Hello? Ang sabi ko naman sayo ay huwag mo na akong hintayin." Irap nito
"Tama na yan, tara na." Sambit ko at sumunod naman agad sila. Habang papuntang classroom ay hindi pa rin mawala sa isip ko na talagang pinagtatabuyan niya na ako.
I think it's time na para manahimik at wala na siyang masabi. Gusto kong umiyak ngunit pinipigilan ko. Buong subject ay lutang ako at walang iniisip kundi ang nangyari nang makalipas ng dalawang linggo.
Pag dating nang recess ay hindi ko na kinaya pa at kinuwento ko na sa kanilang dalawa yung nararamdaman ko. Habang binibigyan nila ako nang advice ay kasabay nang pag tulo nang luha ko.
"Yeah, I think he's not for you."
"No" Tanggi ko sa sinabi ni Chloe na ikina nuot naman nang noo nya.
"What?" Para bang nabingi sa sinagot ko.
"Baka naman pag subok lang ito."
"What?!" Sigaw ni Krisha at agad sinaway nang Librarian kaya naman humingi ito ng tawad.
Napabuntong hininga ang dalawa sa sinabi ko. "Itigil mo na lang Lyn, kung ako sa iyo. Hindi na kasi maganda sa image mo dito sa school kung magkasama pa rin kayo at lalo na kapag kumalat dito na ang babaeng maganda at sikat ay sinasaktan lang nang isang nerd." Iiling iling na sambit ni Krisha na ikina tango naman ni Chloe.
"Hindi ko kaya e." Ayun na naman ang luha ko na gustong lumabas.
"Well, kung ganun ay pilitin mo. Hindi yung i pinagtatabuyan kana, ipinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa kanya." Ani Chloe
"True."
Matapos naming mag usap at mag lunch ay bumalik na agad kami sa classroom at pag sabay nang pag pasok namin ay kasabay nang pag buhos nang ulan na ikinalingon naming tatlo.
"What a lucky."
"Wala akong payong." ani Krisha
"At least may sundo naman tayong tatlo." Ani ko
"Hell yeah.."
Matapos ang ikatlong subject ay malakas pa rin ang ulan at tanaw namin sa 3rd floor building namin. Namaalam na kami sa isa't isa at nauna na sila.
"Bakit ba ng tagal ni Manong." Bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang payong sa gilid nang cute bag ko at binuksan ko agad ito.
Tiningala ko ang langit at madilim ito na may kasamang kidlat at kulog na para bang may paparating na bagyo. Habang naglalakad ako palabas ay tinatawagan ko si Ate at manong ngunit hindi ito sumasagot.
Kaya nagpasya na lamang akong maghintay sa bench. Pagka upo ko sa may silong ay kasabay nang pag tanaw ko sa lalaking nasa malayo ngunit naka mask ito kaya naman hindi ko masyadong mapansin ang itsura nito.
Kumunot ang noo ko nang mapag tantong patawid siya dito. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makaramdam nang takot. Bago pa siya makalapit ay tumayo na ako at naglakad paalis doon.