webnovel

Chapter 28

Nang maka labas doon ay dumeretso na ako papasok nang gate at agad ko itong sinara. Pinipigilan ko ang mga luha kong lumabas nang makita ang dalawang kapatid kong naka abang sa pinto.

"Saan ka galing?" Pagtataray ni Ate

"Dyan lang." Sagot ko habang deretsong nakatingin sa kanya.

"Let's eat." Sambit ni Kuya at nauna nang tumalikod.

Sumunod na lamang kami ni Ate sa kanya, hanggang ngayon ay problema ko pa rin si Kuya nang dahil hindi pa kami nagkaka ayos. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo nya kapag nakikita ako. Hindi ko alam kung maituturing nya pa ba akong kapatid nya. Ni minsan ay hindi kamo nagka ayos, dahil sya lang din ang nag uumpisa. Himala na lamang kung humingi sya nang tawad sa akin kahit na malabong mangyari iyon.

Mabilis akong natapos at nagpaalam na sa kanila. Pag akyat ko nang kwarto ay duon na ako nagmukmok dahil sa masasakit na salita ni Israel. Tao lang din naman ako, na nasasaktan. Kung gagawin ko ba ang gusto niya ay sa tingin ko mukhang matutuwa pa nga siya.

Ngunit para sa akin na man ay para bang kay hirap gawin iyon. Mag mula umpisa ay humanga na ako sa kanya. Na para bang na crush at first sight pa ako sa kanya. Nang unang ipag tanggol ko siya, naghimala lamang nang wala nang nam b bully sa kanya ngayon dahil sa eksena ko noon na kumalat at naging chismiss.

Tatlong araw nang nakalipas ay may pasok nang muli. Ngunit ang ipinagtaka ko kung bakit absent si Israel. Na kahit nasaktan niya ako ay nagawa ko pa rin siyang hanapin kung may naka kita man sa kanya.

"Nakita mo ba ang kaibigan mo?" Tanong ko noon kay Lexord

"Hindi eh, tinatawagan ko ngunit hindi sya sumasagot." Kibit balikat na sagot nya at ngayon ko lang napansin na may kasama sya at mukhang hindi ito familiar.

"Who are you?" Matapang na sagot ko sa lalaking naka ngiti.

"I am France, Milady." Sabay lahad nang kamay nito at tinanggap ko naman agad.

Bakit ba hindi ko sya namukhaan?!

"Alright." Sambit ko at agad nang bumitaw na ikinatawa naman nito. Inirapan ko na lang at bumaling kay Lexord na sa likod ko nakatingin.

Nilingon ko iyon at nakita ko si Krisha na tinatawag na pala ako at lumapit dito.

"Kanina pa kita tinatawag siz." Sabay flip nito sa buhok niya.

"Where's Chloe?" Ngunit hindi niya pinansin ang tanong ko at nilingon nito si Lexord na tulala na sa kanya.

"Oh! hello, Lex kamusta naman kayo?" Bati nya kay Lexord at hindi pinansin ang tanong ko.

"U-uh.. o-okay lang." Utal na sambit nito na pinagkunutan ko nang noo sa kanya.

"Sino itong kasama mo?"

"I am France, Milady." Ngumit na naman ito at inilahad ang kamay niya na tinanggap naman nang kaibigan ko.

Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang france na pangalan at ako na ang nag tanggal nang kamay nila sa isa't isa para matigil na ang titigan nila.

Gumitna ako sa kanilang dalawa at hinarap si Krisha. " Where's Chloe?" Pagdidiin ko.

"Nasa locker ghorl! Ang sabi kasi ay mauna na ako kaya nandito me." Irap nito sa akin na ikinatawa nang dalawa

"Paano, mauuna na kami. Salamat sa info." Sambit ko kay Lexord na tinanguan naman nito at kumaway na rin ang France bago kami tuluyang umalis.