Inis ko siyang binalingan at saktong mabilis itong nag bihis nang hindi ko napapansin.
"Oo nga at gusto kita, bakit nga ba hindi mo na lang sagutin ang tanong ko." Unti unti ko siyang nilapitan ay syang atras naman.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Bakit kailangan mo akong hilahin nung nakaraang araw hmm? bakit nga ba kinakausap mo ako at minsan ay hinahanap?" Ngising sambit ko na nagpatahimik sa kanya.
"And yes, I accept the fact na hindi mo ako kayang gustuhin pabalik. Kaya nga sinabi ko na sa'yo na huwag mo akong pipigilan at susumbatan dahil kaya ko namang tumigil kung gugustuhin ko." Biglang nag init ang mata ko ngunit pinipigilan ko ito.
Napahinga na lamang ako nang malalim. "Lalo na't huwag mo akong susumbatan, tao lang din ako, na nasasaktan sa sinasabi mo. At oo alam kong wala kang interes sa babae na tulad ko."
"Kung ganoon ay bakit kapa umamin at-"
"Dahil ako iyon, at kahit alam kong masasaktan ako ay inamin ko pa rin dahil gusto kong malaman mo kung anong pakiramdam ko, na masaktan ang taong may gusto sayo, at masaktan ang mga magulang mo dahil sa pambabalewala mo!" Singhal ko sa kanya ngunit nagulat ako nang isinandal ako nito sa kabinet.
"Bakit kailangan mo pang manghimasok?! Pamilya ko iyon at hindi pamilya mo! Kung anong meron sa pamilya ko ay labas kana doon! Hindi mo kailangan magyabang sa kanila para lang maka sundo mo! kaya pwede ba.. habang may natitira pa akong pasensya sayo ay umalis kana lang?" Asik nito at minamasahe pa ang sintido nito sa pagpipigil nang galit.
Napa iyak na lang ako at nagulat sya doon kaya agad ko itong pinunasan. "Fine, panalo kana at talo na ako." Natawa pa ako. "Sa bagay ano nga naman ang papel ko sa buhay mo? Taga pag tanggol nga lang pala kita."
Napabuntong hininga ako. "Hayaan mo, kung sawa kana bilang taga pag tanggol namin sa nangyayaring kababalaghan na ito ay gagawa ako nang paraan upang ipag tanggol ang kaibigan ko. At kapag dumating ang panahon na iyon, ay hindi mo na kailangang makielam pa samin." Pilit na ngiti ang isinukli ko sa kanya at padabog nang umalis doon.
Pababa na ako nang hagdan nang maka salubong ko si Clin na ikinatigil nito.
"Are you crying?" nag aalalang sambit nito.
"Napuwing lang." Nangunot ang noo nito ngunit hindi ko na siya sinagot at akmang lalagpasan nang mahuli nya ang pulsuhan ko kaya napalingon ako.
Nag tiim ang bagang nito bago humarap sa aking nang may malalim na hininga. "If my twin do that again, I will sure kill him."
"What?! no don't do that." Kinakabahan sambit ko dahil hindi ako sanay na seryoso ito.
"Don't let people hurt you Lyn. You doesn't deserve what my Twin brother says." Nagulat ako nang niyakap ako nito kaya naman para bang gusto kong maiyak na naman ngunit pinigilan ko ito.
"Take care.." Himas nito sa ulo ko at bahagyang umakyat ito.
Napansin kong may matalim na naka tingin sa akin kaya naman nilingon ko ito. Nginitian ko na lang sya bago tuluyang bumaba.
"Mauuna na ho ako."
"Sure hija, magka tabi lang naman tayo nang tinitirahan." Sabi ni Tita Leigh
"Sige ho." Tumango naman si Tito at tuluyan nang lumabas nang bahay nila.