The continuation....
ANG NAKARAAN...
Sa Kasamaang palad ay nasawi si Olivia sa Digmaan, habang ang huling habilin nya sakanyang kaibigan na si Alpia.
" May anak ako sa mundo nang mga tao. Bunga ito nang kalandian ko, nais kung hanapin mo sya at ikwento mo sakanya ang lahat.. Heto kunin mo.. mahahanap mo sya gamit ang aking Vinya.." Sabi ni Olivia at may kinuha sya sa kanyang batok na isang kulay berde na parang isang ugat at inaabot nya ito kay Alpia.
" Alpie, sa sandaling iilaw ang vinya ko, ibig sabihin sya ang nawawalang prinsesa nang aydendril..." Sabi ni Olivia at ilang sandali pa ay Lumiwanag ang boung kapaligiran at sa higaan nang reyna ay lumitaw ang isang rosas.
" hindi kita bibiguin Kaibigan ko.. Hahanapin ko ang prinsesa nang Aydendril. "Sabi ni Alpia.
At kasabay nun, Inatasan ni Alpia, na maging pansamantalang pinuno nang Aydendril si Susmihta.
Habang si Jessel naman ay Tumakas kay mang gaspar upang sundan sina Theo sa Kuta ni Sitan.
" Napaka kulit nang ate mo.. katulad nang yumao nyong lolo, ganun sya ka kulit!" Sabi ni Mang gaspar.
ANG KARUGTUNG...
" Naunang Dumating sina Jenna sa Bukana nang Kuta ni Sitan.." Sabi ni Magayon habang nakatingin sa mahiwagang bukal.
" Sandali maynararamdaman ako.. Isang panganib!" Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Nariyan ka pala.. Bakit di ko man lang namalayan ang iyong pag Dating?" Sabi ni Magayon.
" Paumanhin ngunit, wala na akong panahon pa na ipaalam na bumisita ako. " Sagot ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Tama sya Magayon.. anong Klaseng Panganib ang sinasabi mo.. ?" Tanong ni Dalikmata.
" Nararamdaman ko ang Awra, ni Margarita..!" Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Ang taksil na diwata, ngunit sa pagkakaalam ko matagal ko na syang natalo noon. noong Iniligtas namin ang mag pinsang Jenna at Katalina." Bulalas ni Magayon.
" Sandali, sisilipin ko saaking ikatlong mata.."Sabi ni Dalikmata. Ngunit, Wala syang Makita sa kanyang ikatlong mata.
" Bakit ganun Magayon, wala akong makita ? " Sambit ni Dalikmata.
" Marahil may Kapangyarihan ang humaharang sa kanya ngayon.. kaya di mo sya makita sakanyang ikatlong mata o di kaya, totoo naman talagang Wala na ang Taksil na Diwata. Gawa-gawa lang nang kwento ang baliw na ito.." Sabi ni Alunsina habang patungo sa kanilang kinalalagyan.
" Alam kung may mga alinlangan kayo saakin.. ngunit, nais ko lang sabihin sainyo na Kakampi nyo ako." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Maka alis na nga!" Sabi ni Magayon.
" Hindi naman sa Wala kaming tiwala saiyo Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, ang ginawa mong pagtaksil saamin, noong pagtulong mo kay Margarita. Isang napakalaking Kasalanan yun." Dagdag na sabi ni Bulan.
"Kung ganun, may alam ako kung nasaan ang Prinsesa nang Aydendril.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Pano mo nalaman ang tungkol dyan, sa bagay na yan?" Gulat na tanong ni Magayon na natigilan sa kanyang paglalakad.
" Hindi na Mahalaga, Basta alam ko kung nasaan ang nawawalang tagapag mana nang Aydendril. " Sagot ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.
" Mabuti pa'y Ituro mo saamin kung saan ang tagapagmana ni Reyna Olivia.. " Sabi ni Bulan.
" hindi maari pinuno, hayaan na nating gampanan ni Alpia ang inutos sakanya, Ngunit hayaan nyo tutulungan ko sya.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at agad naman itong nag laho.
Samantala, Naunang dumating sina Jenna, Ian, Charlie, Jake at Raven sa Bukana patungong Kuta ni Sitan.
" Narito na tayo.. Mag-iingat kayo dahil Maraming Patibong dito." Sabi ni Jenna. at sabay Buklat nang kanyang mahiwagang Libro.
" Bilro, sinasamo ko ang iyong kapangyarihan.. Bigyan mo kami nang karagdagang Sandata at Kalasag.." Sambit ni Jenna, at agad umilaw ang Libro na hawak nya, at Ilang sandali pa ay lumabas ang mga sinaunang sandata na kanilang kinuha.
" Nag balik muli ang mga sandata natin.." Gulat na sabi ni Ian. habang hawak ang Espadang Yelo..at katulad din ito nang espada ni Charlie. At si Jake naman ang dalawang mahabang kahoy. ( Arnis, Kali and Escrima )
" Ngayon, didretchu na tayo sa loob nang Palasyo ni sitan.. " Sabi ni Jenna.
Habang sina Sitan at Margarita naman ay nakahanda na sa pagdating ng Grupo ni Jenna.
" Humanda kayo.. dahil kayo kayo lang ang magpapatayan.." Sabi ni Margarita.
" Excited nakong makita kung anong gagawin mo sa kanila hahahha!" Sabi ni Sitan.
" Manood ka... " Sambit ni Margarita at nag usal ito nang isang engkantasyon, katulad nang kanyang ginawa noon sa mag pinsan.
" Anong kinakanta mo??" Tanong ni Sitan.
" Isa itong makalumang kanta ng mga Sirena, kung saan pagnarinig ito nang mga mangingisdang lalaki sa laot ay mapapasunod nila ito. " Sabi ni Margarita.
" So di naman lalaki ang magkapatid.." tanong ni sitan.
" Hindi nga, ginamitan ko na rin nang mahika naming mga diwata.. ano ba? sisimulan ko na ba o may itatanong kapa?" Galit na sabi ni Margarita.
" Wala na..." Sagot ni Sitan
" Ang kulit mo !! " Sabi ni Margarita. At sinimulan na nyang kumanta pero di maintindihan ang mga sinasabi nya.
" Di ko naman ma gets kinakanta nya, Gawa-Gawa lang nya ang kanta na yan, dina damay pa nya ang mga sirena.." Sabi ni Sitan.
" naririnig kita...." Sabi ni Margarita.
Habang papasok si Jenna sa Kuta ni sitan, May narinig syang Kanta..
" Naririnig nyo ba yun?" Tanong ni Jenna.
"Wala kaming naririnig Ate Jen... bakit?" Sabi ni Jake habang nakatingin sa paligid.
"hindi nyo ba naririnig talaga? yung kanta?" Sabi ni Jenna habang hinahanap ang kung nasaan ang tinig.
" promise ate Jenna, wala kaming narinig ikaw ba Ian?" Sabi ni Charlie.
"Wala!" Dagdag na sabi ni Ian.
" Mag-iingat ka ate jenna, mukhang ikaw ang pinupunterya nang mga kaaway.. " Sabi ni jake.
" Oo nga ate jenna. " Dagdag na sabi ni Raven. Ilang sandali pa ay natahimik si Jenna. Tulala lang ito.
" Ate? uy! ayus ka lang bat natulala ka?" Tanong ni Raven.
Inalog-alog nila ito pero di parin ito gumalaw, Nang Biglang...
" Ilag JJJaaaakkkeeee!!! " Sigaw ni Ian sabay tulak kay jake nang muntikan na syang matamaan nang Adjil ni Jenna.
" Ate ano bang nangyayari sayo..." Sabi ni Raven nang bigla umatake si Jenna sakanya.
" Tang ina, muntik na akong matamaan nang Adjil... Salamat Jake.." Sabi ni Raven. Muntik nang matamaan nang sandata ni jenna si raven mabuti na lamang ay sinangga ito ni Jake.
" Jake, parang di na si Ate Jenna yan.. " Sabi ni Charlie.
" Oo nga bayaw.." Dagdag na sabi ni Ian. Di nila alam na Sinamo muli ni Jenna ang iba pang sandata. ngayon ay hawak na nya ang Sandata ni Katalina.
" Burning Bow!!!!" Sabi ni Jenna at itinutok nya ito sa kalangitan, nang mapakawalan na nya ang Palaso. Bilang nagsibaksan ang Libo-libong umaapoy na palaso.
" Iiiilllaaaagggg!!!" Tulak ni Raven kay Ian. at nag palit anyo na ito bilang isang napakalaking Uwak. at Pinrotektahan ang kanyang mga kasama gamit ang pakpak.
" Wag kayong mag aalala, gawa ang aking pakpak sa Pinaka matibay na Bakal sa Dalaket. " Sabi ni Raven. Ilang sandali pa ay ang sandata naman ni Theo ang ginamit ni Jenna..
" Wave........!!!!!! " Mahinang sabi ni Jenna. At dahil hawak nya ang sandata ni Theo ang Triden. isang Malaking Daluyong ang Paparating kina, Ian, Jake, Charlie at Raven.
" Ang kalasag Jake..." Sabi ni Ian. Tumango lang si Jake at agad nyang Pinagalaw ang mga Lupa. Nang umangat ang kanyang mga kamay umangat din ang Lupa.
" Mabuti nalang at nasatin ang mga sinaunang sandata.. " Sabi ni Charlie.
" Ano ba kasi ang nangyayari kay Jenna?" Tanong ni Ian.
" Minsan na naming kinalaban si Jenna at Katalina noon nang Kinokontrol sila nang isang masamang diwata. pero sa pagkakaalam ko. Natalo na ito ni Magayon noon.." Sabi ni Jake.
" Naikwento nga ni Tyler yan saakin.. pero anong nangyayari kay ate jenna.." Sabi ni Raven. Ilang sandali pa ay tanaw nila sa malayo ang sina. Katalina, Theo,Tyler at Mia kasama din nila si Diwatang Sandawa.
Sa Kuta ni Sitan..
" Magaling, Margarita! Tunay ngang kaha-hanga ang inyong mga kapangyarihan. " Sabi ni Sitan.
" Di pa yan dahil paparating na ang pinakamalakas sa kanilang grupo.." Sabi ni Margarita, at ang tinutukoy nya si Katalina.
" Mukhang napaka ganda nang mga mangyayari... Gustong gusto ko to! Bwahahahhahaha! " Sabi ni Sitan.
" Manood ka lang dyan mahal na reyna, just relax. tingnan natin kung mananalo pa sila.. " Sabi ni Margarita.
Samantala tanaw naman nina Katalina ang mga nagyayari sa bukana patungong kuta ni sitan.
" Teka anong nangyayari? mukhang nag umpisa na ang laban.." Sabi ni Katalina.
" Sandali, paumanhin.. ngunit di na ako makakasama sainyo sa Palasyo ni Sitan. Nang hihina kaming mga Di purong Diwata...pag mag tutungo kami sa lugar na malakas ang negatibong enerhiya." Sabi ni Sandawa.
" Naiintindihan namin.. salamat sa iyong tulong mahal na diwata.." Sabi ni Katalina.
"Mag iingat ka mahal na diwata.." Sabi ni theo sabay yuko.
" Walang anuman, Binabasbasan ko kayo.. gamit ang aking kapangyarihan. Naway manatili ang dalisay sainyung mga kaluluwa." Sabi ni Sandawa. at nag laho ito.
" Kat, nasa panganib na sila..." Sabi ni Mia.
"Kumapit kayo saakin... upang mabilis tayong makapunta doon.." Sabi ni Katalina at kumapit naman sila sa balikat ni katalina.
TO BE CONTINUE...