webnovel

CHAPTER 98

The continuation... 

Iniway na nila ako... dahil matagal ako mag update. huhuhu. HAHAHAHA. Ito na po ang Karugtung. Enjoy mga mahal. Di na nila ako Love!! hahhaha JOke. 

ANG KARAAN...

Nakasalubong nina, Jenna ang grupo nina Alpia patungo sa Bukana nang Kuta ni Sitan. Sugatan sina Ian, at Charlie na agad namang ginamot ni Jake. Habang sa di malaman na dahilan, Ay agad naglaho at sinundan ni Mia si Tyler nang malaman nyang wala si tyler sa hanay ni Jenna. Nag tanong si Jenna kay Alpia ngunit nang sasagutin na ni Alpia ang kanyang tanong biglang dumating ang isang kawal na nang galing sa Aydendril. Humihingi nang saklolo dahil malubha ang sugat ni Reyna Olivia.

At Ito na ang karugtung...

KARUGTUNG...

Sa Kuta ni Sitan...

" Kamalasan.. bakit ba nangyayari ito sa aking mga Alagad.." Galit na sabi ni Sitan. At isang babae ang Lumapit sakanya.

" Hayaan muna mahal na reyna, naririto pa ako.. Di ko papayagang ma talo ka nila. " Sabi ng Babae.

" Maraming Salamat sayo Margarita.. " Sagot ni Sitan.

Kung naalala nyo sa book one, si Margarita ang nagkulong kina Jenna at Katalina sa isang Hotel. at si Margarita din ang dahilan kung bakit nagkaroon nang lakas si sitan upang humanap nang katawan na masasaniban. At si margarita ay natalo ni Magayon sakanilang labanan noon sa Casa Villa Margarita.

" Hindi ako dapat ang magpasalamat sayo mahal na reyna.. kung di nyo ako iniligtas sa sumpa ni Magayon. malamang ngayon ay isa na akong ipis." Sabi ni Margarita.

" Kung ganoon.. maari mo na bang kontrolin ang magpinsang Jenna at Katalina? Kelangan natin ang kanilang kakayahan sa pakikipaglaban." Sabi ni Sitan.

" Sa ngayon mahal na reyna, hindi aabut ang aking kapangyarihan sa kanilang kinalalagyan ngayon. Hayaan mo silang Magtungo dito. at sa tingin ko. May bago na tayung Laruan. " Ngiting sabi ni Margarita.

" Si Jenna ang Mandirigmang babaylan.." Sabi ni Sitan. at sabay silang tumawa.

Samantala sa kakayahuyan. kung nasaan sina diwatang sandawa, Theo at Katalina.

" Ito na ang katapusan mo.. halimaw ka!!!" Sigaw ni Katalina kahit nang hihina pa. ay pilit syang tumayo at kinuha ang kanyang Espada.

" Saan ka tutungo Katalina??" Tanong ni Sandawa.

" Nanghihina na sya.. " Sabi ni Katalina at Itinutok nya ang kanyang espada kay miguel na di makagalaw. at nag sambit nang isang engkantasyon.

" Sa ngalan nang mga pinaslang mo.. tinatawagan ko ang mga kaluluwa nyo. upang gamitin nyo ang aking espada upang Paslangin ang halimaw na ito.." Sabi ni Katalina habang itinutok padin kay Miguel na nag hihingalo.

Ilang sandali pa ay mag isang gumalaw ang espada nya at mabilis itong tumarak sa dibdib ni miguel.

" tapos kana ngayon.." Sabi ni Katalina. at nag palit anyo bilang si Jake.

Question:

" Pag ginagaya ni Katalina ang mga anyo nang nanaisin nya.. makokopya nya din ba ang kapangyarihan nang kinopya nyang anyo? " - Ms.Tauros

Sagot : Yes, po.

Pagkatapos nyang kinopya ang Anyo ni Jake, katulad ni jake tinawag nya ang mga halamang gamot. At ilang sandali pa ay dumating na din si Tyler.

" Jake? bakit ka nandito? " Sabi ni Tyler.

" hindi ako si Jake. si ate kat mo ito!" Sabi ni Katalina at nagbalik sya sa kanyang tunay na anyo.

" teka bunso bakit ka naparito?" Sabi ni Theo.

" narinig ko ang sigaw ni ate kat kaya nagmadali akong nagtungo dito, ayus ka lang ba ?" Tanong ni tyler.

" Ayus na sya nag karoon lang sya nang konting menstruation pain.. " Sagot ni Sandawa.

" Ikaw pala mahal na diwata.. masaya ako na nakita kita ulit..." Sabi ni tyler at niyakap nya si Sandawa.

" Napakasweet naman nang kapatid mo theo.. " Sabi ni Sandawa at biglang may umalingaw-ngaw na putok na galing sa isang baril.

" tyler iiillllaaaaagggg!!!!" Sabi ni Mia sabay tulak kay tyler. at siya ang natamaan.

" Saan galing yun! " Sabi ni theo.

" Dyan kalang nakikita ko sya saaking ikatlong mata.." Sabi ni Katalina at agad syang naglaho upang sundan ang taong bumaril kay mia.

" Mia.. ayus ka lang ba..??" Tanong ni tyler.

" Oo, konting sugat lang to...Di pa ako mamatay nito!" Sabi ni Mia.

" Loka Loka... Eto, kunin mo at gamitin mo... mabutit walang lason ang tumama sayong bala. mapapagaling ko pa ang sugat mo.." Sabi ni Sandawa sabay abot kay mia nang isang Balahibo. Habang si Katalina naman ay sinundan nya ang bumaril kay Mia.

" At saan ka pupunta!" Sabi ni Katalina sabay Suntok sa mukha nang lalaking bumaril. at napaupo ito sa Lupa.

"Lapasatangan ka.. Anong karapatan mong saktan ang kasamahan ko... " Galit na sabi ni Katalina nang akmang tatayu ang lalaki agad nya ito Tinadyakan sa Tyan at napahiga na ito sa Lupa.

"sa pagkakataong ito, di ko gagamitin ang aking kakayahan sayo. dahil insulto saakin pag gagawin ko yun.. Labanan moko, gamit ang kamao mo!" Hamon ni Katalina.

"Katalina.. tama na yan!!" Sigaw ni Theo.

" Bakit moko sinundan dito? " Tanong ni Katalina.

" Okay na si Mia. halikana.. Di ka patas pag nilabanan mo sya.." Sabi ni theo.

" hindi naman ako makikipaglaban sakanya, makikipagsuntukan ako..!! " Sagot ni Katalina.

" Umayos, ka! at ikaw pare umalis kana!! Takbooo!!!!" Sigaw ni theo. at agad namang kumaripas ng takbo ang lalaking binugbog ni Katalina.

Sa Aydendril..

" Nasaan si Reyna Olivia??" Tanong ni Alpia.

" Kayo pala mahal na reyna alpia.. narito sa silid gamutan si Reyna Olivia.." Sabi ni Susmihta. at Nagtungo sila sa nasabing silid kung nasaan si Olivia. Nang makarating sila.

" Ikaw pala mahal kung kaibigan.. nagtatagumpay na tayo.." Ngiting sabi ni Olivia habang naka higa sa higaan.

" Oo, Oli mananalo tayo sa digmaang ito. Kukuha ako nang lunas sa sugat mo!" Sabi ni Alpia.

" hindi na pupwde Alpia, mamamatay nako.. natutuwa ako dahil nagpunta ka dito. kahit sa huling sandali." Sabi ni Olivia habang nag iiba na ang kulay nang kanyang balat.

" Oli.. wag kang magsasalita nang ganyan. isasama pa kita sa ibang lugar, promise ko diba sayo yun?" Sabi ni Alpia.

" Di na ako mabubuhay, Dahil patay na ang Kakambal kung puno.. ilang oras nalang ang aking itatagal. May huli akong hiling sayo kaibigan ko.. " Sabi ni Olivia.

" Ano yun Oli? sabihin mo gagawin ko!!" Sabi ni Alpia sabay hawak sa kamay nang kanyang kaibigan.

" May anak ako sa mundo nang mga tao. Bunga ito nang kalandian ko, nais kung hanapin mo sya at ikwento mo sakanya ang lahat.. Heto kunin mo.. mahahanap mo sya gamit ang aking Vinya.." Sabi ni Olivia at may kinuha sya sa kanyang batok na isang kulay berde na parang isang ugat at inaabot nya ito kay Alpia.

" Alpie, sa sandaling iilaw ang vinya ko, ibig sabihin sya ang nawawalang prinsesa nang aydendril..." Sabi ni Olivia at ilang sandali pa ay Lumiwanag ang boung kapaligiran at sa higaan nang reyna ay lumitaw ang isang rosas.

" hindi kita bibiguin Kaibigan ko.. Hahanapin ko ang prinsesa nang Aydendril. "Sabi ni Alpia.

" Anong plano mo, mahal na reyna.. Di kami pwdeng mawalan nang Reyna sa Aydendril..." Sabi ni Susmihta.

" Sa ngalan nang aking kaibigang si Olivia, simula sa araw nato Susmihta.. ikaw ang pansamantalang mangangalaga sa Kaharian. hanggat di pa dumating ang Prinsesa. "utos ni Alpia.

" pero mahal na reyna isang hamak na dama lang ako.." Sabi ni Susmihta.

" hindi na ngayon... pamunuan mo ang kahariang ito. hanggat hindi pa dumadating ang prinsesa.." Sabi ni Alpia.

" Mahal na reyna alpia sasama ako sainyung paghahanap.. " Sabi ni Susmihta.

At sina, Mia, Katalina, Tyler, Theo at ang diwatang si Sandawa ay patungo na sa bukana nang kuta ni sitan.

Samantala sa Bahay nang mga Adonis..

" Mang gaspar, meron ka ba pang gamot?" Tanong ni Jessel.

" Anong gamot ang sinasabi mo ate?" Tanong ni Nonoy.

" Yung ibinigay mong gamot saakin upang maging mahina si sitan."Sabi ni Jessel

" Ay Oo, meron ako ngunit ito nalang ang natitira.. bakit anong gagawin mo?" Tanong ni Mang Gaspar.

" Di ako mapalagay dito nang walang ginagawa.. " Sabi ni Jessel at kinuha nya ang maliit na garapon.

" Wag iha, di kapa masyadong magaling baka bumuka ang mga sugat mo..." Sigaw ni Mang gaspar

" Bahala na.. ikaw na ang bahala kina helena at Mang Gaspar Nonoy.. " Sabi ni Jessel at Naglaho ito.

" Sandali ate.." Sigaw ni nonoy.

" Napaka kulit nang ate mo.. katulad nang yumao nyong lolo, ganun sya ka kulit!" Sabi ni Mang gaspar.

ABANGAN...

Makakarating na sila sa Bukana ng Kuta ni Sitan.. Abangan natin kung anong mangyayari. Kapit lang mga mahal. at Akala ko namatay na si Magarita. buhay pa pala...