webnovel

Chapter| 3

----------------------

3 | The Bridge

----------------------

---------

Monday Morning

Ito ang araw na ayokong dumating, ito kasi ang araw na mag-aadjust ka na naman ng gising ng alas sais.

---------

"Aniiee! gising na!" sigaw ni ate, habang dinadaganan ako sa likod.

"hhhmm." kunot noo pa akong nakapikit at nagtalukbong ng kumot.

(Hinila ang kumot) ."Annieee~~" malakas na bulong nito sa tainga ko at biglang inihipan, natawa ako dahil sa kiliting dinulot nito.

Ganun kasi paraan ng paggising niya sa'kin. Aaminin ko, ako talaga ang tanghali gumising sa'ming magkakapatid, lalo na pagpapasok sa school.

"anniieee!" ulit nito. " ayaw mong bumangon ha?... ok." napamulat ako ng mata kahit malabo pa ang paningin ko dahil sa muta.

Alam ko na ang sunod niyang binabalak.

"ito tatayo na!" wika ko, tatayo na ko ng bigla niya kong kiniliti, yun pa na man ang kahinaan ko. masyadong malakas ang kiliti ko kaya talagang magigising ang katawang lupa ko sa tuwing ginagawa niya iyon sakin.

[the best alarm clock talaga si ate, kaya siya lang nakakapabangon sakin.]

"tama na!!tama na!!" 'sigaw ko habang tawa ako ng tawa at naluluha na ang mga mata."please!tama na!! gising na gising na ako! promise!" dugtong ko tsaka lang niya ko tinigilan.

nagbukas ang pinto at sumilip si mama." tama na yan, mag-asikaso na kayo." saway ni mama na agad ding sinarado ang pinto.

Nagkatinginan kami ni ate. at natawa ulit, para kaming baliw.

Pagkatapos naming mag-asikaso ng sarili at kumain ng almusal, sabay sabay kaming magkakapatid na lumabas ng maindoor.

"Mag-ingat kayo." wika ni mama at isa isa kaming hinalikan sa noo na madalas niyang gawin.

"bye ma, bye pa." Chorus naming sabi at humalik sa kanilang pisngi bago kaming tuluyang lamabas ng tarangkahan.

Sa daan nakita namin si Peter na naka-bike.

"Hi Peter!" bati namin ni Richie.

Nilingon niya kami at nahinto ito sa pagmamaneho ng bike."hi, Good morning." nakangiti niya ring bati.

Nasa unahang bahagi siya namin kaya hinitay niyang makalapit kami at sumabay sa lakad namin.

"Balita ko, andiyan na ang papa niyo." wika nito.

tumango lang kaming tatlo.

"oo nga pala Peter, ito yung mga reply ko sa sulat." pag-change topic ni ate na inabot ang maliit na bag na agad ding kinuha ni Peter. Magkatabi sila ngayon.

"Ate, nakapagreply ka na agad? ba't di mo man lang ako sinabihan?" napasimangot ako.

"ah ... e, halos tulad lang naman ng dati ang mga sulat nila."paliwanag niya.

"Kahit na,ako ang robin mo, hindi ba?" malungkot na tono ng boses ko.

"ummmm Sorry kung di kita sinabihan tungkol sa pagreply ko agad."

alam kong yun ang sasabihin niya. [natural na malambing ang boses ni ate, kaya ba nakakatanggal ng tampo]

"Hindi naman sa lahat ng oras laging kasama ni batman si Robin." sabat ni Richie kaya nabatukan ko siya.

"h'wag kang mag-aalala,... sa susunod, ikaw ang papabasahin ko at hihingi ulit ako ng tulong sayo." bawi nito.

nakasimangot lang ako.

"huhhhh... Ngumiti ka na, nagsorry naman na ko, di ba?." wika ni ate at hinawakan niya ang pisngi ko tsaka binanat-banat.

"aray!"daing ko at hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.

"di ko 'to ititigil hanggat di ka ngumingiti." saad niya na patuloy niyang binabanat ang pisngi ko.

"oo na! oo na." wika ko kaya tumigil na siya.

Nginitian ko na siya, halos kita na buong gilagid ko.

Sa patuloy naming paglalakad nakarating na kami sa lumang tulay na ba nagdudugtong ng tunog at kanluran, kaya dito, tanaw ang pagsikat at paglubog ng araw. Tanaw mo rito ang berdeng-berdeng mga bundok kung saan nanggagaling ang napakalinaw na batis na dumadaloy sa ilalim ng tulay. Minsan naliligo kami rito sa napakalinis at lamig na batis.

Ang tulay daw na ito'y may kwento kung bakit nabuo, ang paarkong itsura ng ilalim ay nagpapahayag na ginawa pa ito noong panahon ng espanyol. Sabi ng mga matatanda pinagawa ang tulay na ito ni Don Ronaldo Ignacio para sa kaniyang sinisinta na may karamdaman.Huling kahilingan kasi ng kanyang sinta ay makita ang dulo ng Bahaghari, at ang bawat sikat at lubog ng araw. Kaso bago pa mabuo ang tulay, namatay ang kanyang sinta, kaya di rin nasilayan ang gandang nasisilayan namin ngayon.

Pero totoo, itong batis na ito ang dulo ng bahaghari, at malapitan naming napagmamasdan ang ganda ng bahaghari ngayon.

"Wow ang gandaaa!" wika ni ate na manghang-mangha pa rin kahit halos madalas na namin nakikita ang bahaghari rito. Patuloy lang kami sa paglalakad habang ang anino namin ay nagsisitangkaran, nabalot ang katawan namin ng sariwang sikat ng araw.

Makalagpas sa tulay, narating na rin namin ang Mina Vista High school, ilang milya lang ang layo.

"oh! dito na ang daan namin ni Peter." saad ni ate. "handshake?" nakangiting inangat ni ate ang kanang kamay at ginawa namin ang secret handshake naming magkakapatid.

"Yyoooossshh~~~~" [sounds effect rin daw namin.]

Sa tuwing ginagawa naming magkakapatid ang secret handshake, nagpipigil ng tawa si Peter. Di ko alam kung anong nakakatawa sa ginagawa namin.

"ok, bye guyz!" paalam ni ate, naglakad na ito palihis ng daan kasama si Peter. Di pa nakakalayo ay nilingon pa ulit kami at nakangiting kumaway samin.

Ginantihan din namin ng kaway si ate at pagkatapos no'n hinakbayan ko na si Richie at sabay kaming pumasok sa Gate ng school na nababalot ng sangkatauhan. Nakipagsiksikan kami sa hallway na parang nasa palengke ang ingay, tapos mababangga ka pa ng mga makukulit na estudyanteng naghahabulan.

"Bye te." paalam ni Richie, tumango lang ako... dumaan na ito sa kabilang corridor, patungong Elementary Section,ako naman sa kabilang bahagi, sa high school section, maliit lang ang eskwelahan namin pero sakto naman sa mga mag-aaral ng Mina Vista.

Di kalayuan tanaw ko na ang mga kaklase kong nakapabilog na pwesto sa harap ng pinto ng classroom. Palagay ko nakakatawa ang pinagkukwentuhan nila dahil halos mamilipit na si Moris sa kakatawa, kahit malayo ako kita ko ang ngalangala niya.

"Hi Guyzzz~~!" bati ko, Nasira naman ang pusisyon nila na pabilog ng tumingin sila sa'kin.

Paglapit ko agad ko inabot ang kamay ko, Sempre meron din kaming magbabarkada na secret handshake.

[Sila ang mga barkada ko].

Si Moris, nabanggit ko na kanina, siya ang barkada naming mababaw ang kaligayahan at ang factory namin ng papel kapag exam, si Ellena ang kikay samin,madalas din umiiyak dahil away-bati sila ng bf niya di ko na nga mabilang sa mga daliri ko sa paa at kamay kung ilang beses na sila nag-break. si Becca naman ang astig naming barkada, may pagka-punk siya pero hindi naman, sadya lang siguro mahilig siya magsuot ng itim, at si Aaron ang masugid na manliligaw ni Becca, anak ng mayor namin at habulin ng mga babae, siya rin ang masipag mamigay ng answers pag-exam, sa aming magbabarkada ako naman ang distributor ng preparation sa assignment, dahil lagi akong ginagawan ni ate. 2nd year high school pa lang kami ngayon.

[hindi ako ganun katalino kaya inabot ako ng dalawang taon sa grade 5 noon, di ako tulad ni ate na laging honor rolled].

Ako rin ang matanda saming magbabarkada.

"what's up bro~!" bati sa'kin ni Becca na pinaputok pa ang bubble gum sa bibig.

"Si Madam!" gulat na saad ni Ellena.

Unahan kaming pumasok sa loob ng classroom ng matanaw naming papalapit na si Madam Rozel, [ang tinutukoy ni Dr. Jose Rizal na Malansang isda, pano ba naman gusto niya lahat ng estudyante dito maging unang lengwahe ay english.]

English teacher namin na napakaistrikta. kaya yan, nanunuyo ang laway ko kapag oras ng klase niya---hirap kasi ako mag-english kaya lagi niya ako pinag-iinitan... para lang hindi mapabayad ng piso kada isang salita na tagalog, tumatahimik ako, o kaya konting english carabao kapag kailangan na kailangan na talaga magsalita.

--------------------

Kinahapunan, nautusan kaming maglinis ng classroom. [General cleaning daw] sa katunayan naglalaro lang kami pag walang teacher na nakabantay.

Habang naglalaro kami ng walis at tambo ng mga barkada ko at nagsisitawanan. Kinalabit ako sa balikat ni Ellena.

"Kapatid mo nasa labas." saad nito.

Kaya napalingon ako sa pinto ng classroom at nakatayo roon si Richie. Binaba ko ang tambo at lumapit sa kanya.

"Di pa ba kayo tapos?" agad nitong tanong sa'kin.

"General cleaning kasi namin ngayon, at saka wala pa si Madam,... kung gusto mo mauna ka nang umuwi. Sabihin mo na lang kay mama na di pa kami tapos." paliwanag ko.

"Ok~." sambit nito na napataas pa ng balikat.

"sige na! bye!" nakangiti ko pang paalam.

Siya'y nagpatuloy na sa pag-alis, tinanaw ko pa ito sa corridor hanggang makalayo ito. Bumalik ako sa'king pwesto at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan.

---------------

Makalipas ng ilang oras ay pinauwi na rin kami, siguro mga 5:30 pm na kami pinalabas ng classroom.

Kasabay ko ang aking mga kaibigan palabas ng gate, pero naghiwa-hiwalay din dahil iba't iba ang daanan pauwi.

Hapon na pero pakiramdam ko ang init-init. Kaya ng mapadaan ako sa Ice cream stand ni Mang Canor bumili ako sa 5 pesos na Mango flavor ice cream. [1997, mura pa ang bilihin kaya ang 5 pesos na ice cream ay special na.]

Habang naglalakad ako sa tulay at ninanamnam ang lamig at sarap ng ice cream, natigilan ako ng matuon ang tingin ko sa isang lalaking may hawak na kamera.

Isang lalaki na sinasayaw ng hangin ang gintong kulay na buhok at bahagyang kulot,Matangkad, maputi, payat ang pangangatawan na tama lamang sa isang teenager.Kitang-kita ko ang pagkatangos ng ilong niya dahil nakasideview ito at panay kuha ng litrato ng palubog na mapulang araw.

Naka blue t-shirt siya at may logo sa gitna ng dickies, naka six packet na short at brown na sneakers.

Hindi ko napansing umaagos na ang tunaw na ice cream sa mga daliri ko.

Nanlaki ang mata ko ng mahagip ng lens ng kamera ang kinaroroonan ko at bahagya niyang binaba ang kamera, binaling sakin ang kanyang tingin; ang mga matang mapungay at kulay asul, ang mga matang nakakaakit titigan.

Naninikit ito siguro dahil sa mapulang sikat ng araw na tutok na tutok saming dalawa.

"umm, excuse me---"

Ang kanyang boses ay kasing lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko ngayon.

"ah, yes... i think you ask me where's some very good places here at Mina Vista, you know there's a lot of beautiful places heres,...one of our tourist spot here is The lover Mountain. It's looks like a man and a woman kissing each other." derederetso kong sabi walang preno, di ko alam kung tama o mali ang grammar ko basta mapromote ko lang ang lugar namin, minsan lang kasi mapasyalan ng mga foreigner ang lugar na to.

" but if you don't want... it's ok." dugtong ko sabay ngiti, yung ngiting pilit. "hehe"

Ngumiti siya sakin, ngiting nakakatunaw. "Oh ... thank. you." sambit nito.

Naramdaman kong nahulog sa blause ko ang ice cream, sa hiya ko napatakbo na ko patawid sa tulay.

Hindi ko na siya nilingon, patuloy lang ako sa pagtakbo.

Hanggang makalayo ako.

----------------

Paalala:

Ang mga kasaysayang na nabanggit sa kwentong ito'y kathang isip lamang ng may akda, walang katotohanan. Maging ang lugar at tauhan ay bunga lamang ng imahenasyon ng may akda.

---------------

---------------

thanks guys at nakarating kayo sa chapter 3.

Alam ko medyo boring ang takbo ng story at cliche na rin, pero sana magpatuloy kayo hanggang matapos ito, thanks again and again.

----Grace Sinag----