-----------------------
1 | The Secret Keeper
-----------------------
September 12, 1997
"Yes I know, hindi ako magaling mag english, so what?!
Yan kasi ang hirap sa mga Filipino, di lang marunong mag english bobo na agad. tsk!
So ang mga Amerikano; sila na ang matalino!
Bakit ba hindi natin tularan ang Japan, umunlad naman sila kahit hindi sila magaling mag-english. Hindi ba?!
Bakit ba kasi big deal sa mga Pilipino ang maging magaling sa english?!
dahil ba nasakop tayo ng mga amerikano, kailangan ba sakupin din tayo ng lengwahe nila?! mga walang pagmamahal sa sariling wika, nakakaawa naman ang ating bansa…"
"Annie."
Natigil ako sa pagsasalita at pagkompas ng aking kamay ng banggitin ni ate ang pangalan ko.
Walang reaksyon ang mukha niya nakatingin lang siya sakin.
Ngayon nakatayo ako sa harap niya at nabitin sa ere ang mga palad ko.
"Aminin mo, may kailangan ka sa'kin?" patanong nitong sabi. Nakaupo siya sa kanyang kama habang nakababa ang isang paa.
Suot niya ang kanyang paburitong hello kitting t-shirt, pink, at blue naman ang kulay ng manggas.
binaling ko ang tingin sa kuko ko na ngayo'y kinakalikot ko na."May assignment kasi kami sa english, at pinapagawa kami ng essay tungkol sa binasa naming short story kanina." nagbago ang tono ng pananalita ko at napasimangot.
"tsk, sabi ko na nga ba." nilahad niya ang kanyang palad sa harap ko. "akin na yang papel at ballpen mo." wika nito pero wala pa rin siyang reaksyon.
Biglang nagliwanag ang mukha ko at napangiti. "Talaga?! gagawan mo ko?!" tanong ko na banat na banat ang bibig ko sa pagkakangiti.
"hmm" tumango siya, napabaluktot ang labi ng magpigil siya ng tawa.
"I love you talaga ate!!" sigaw ko at palundag ko siyang niyakap, natumba kami sa malambot niyang kama.
"I love you! I love you ! I love you! I love you!--" sinabayan ko ng sunod-sunod na halik sa pingis at noo si ate Lucy.
"Anita~ tama na." tumatawang pagpigil niya sa akin.
agad naman akong tumigil at pumusisyon ng upo.
"para kang si Batik, nanghihilamus ng laway sa mukha." saad nito habang pinupunasan ng palad ang pisngi.
"Sa aso mo talaga ako hinalintulad?, di naman kita dinilaan-- ."
"teka." salitang nakapagpabinti ng sasabihin ko.
Inamoy niya ang kayang palad.
" nag-toothbrush ka ba?" tanong niya na nakapataas sa akin ng isang kilay.
"…ang baho ng laway mo." dugtong nito ng pangtutuya sa'kin.
"Mabaho pala ha!!!" muli ko siyang niyakap pero sa oras na ito ay nilabas ko ang aking dila.
"aaaaahhhh!!!" tili ni ate na agad iniwas ang mukha sa akin at nagpumiglas sa yakap ko, napatalon siya palabas ng kama.
"Kadiri ka!" sigaw nitong nakangiwi ngunit nagpigil ng ngiti . "sige! hindi kita gagawan ng essay." panakot niya sa akin.
Lagi naman, lagi niyang sinasabi yon tuwing napipikon siya sa'kin, hanggang salita lang naman lagi.
"Magandang araw po Mrs. Luciana." bati ng isang binatilyo.
Yun ay boses ni Peter na mula sa labas ng bahay.Ang maginoong tono ng pananalita ay di kami ng kakamali…
"Si Peter!" sabay naming sambit na parehong nanlaki ang mga mata.
Mabilis akong bumaba ng kama at sabay kami ni ate na sumilip sa bintana ng kwarto, kung san tanaw mula roon ang tarangkahan ng bahay.
"Peter! hijo." masayang pinagbuksan ni mama ng tarangkahan si Peter, na naka sweater na pink at blue ang manggas, nakapantalon at naka sling bag na lagi naman niyang dala.
"Nag-usap ba kayo ni Peter ng kulay ng suot?, naka-couple color kayo ngayon." biro ko kay ate.
" manahimik ka nga." siniko niya ko sa tagiliran na nakapamilipit sakin.
Si Peter ang kababata ni ate Lucy, Labing walong taong gulang na siya at isang taon nang nag-aaral ng architecture, … Isang taon din ang tanda niya kay ate Lucy, at iisang eskwelahan lang ang kanilang pinag-aaralan pero Psychology ang kinuha ni ate.
Siya'y isang working student simula nung mamatay ang kanyang ina na nagtatrabaho sa Dubai, dahil sa pagmamatrato ng amo. Nalungkot kami sa nangyari kay Aling Cellie, ngunit maswerte si aling Cellie dahil nagkaroon siya ng anak na tulad ni Peter; na mabait, masipag at talagang masikap sa pag-aaral,Kaya naiintindihan ko kung bakit habulin siya ng mga babae, pwera lang si ate Lucy. [ok aaminin ko, isa rin na dahilan kung bakit gusto siya ng mga kababaihan dahil sa itsura nito. Ang mukha niyang maamo, may malaki at mapungay na mga mata, matangos na ilong at cute na dimple, moreno ang kanyang kulay at sa maitom at makontak nitong buhok.].
Nagtatrabaho siya sa post office bilang kartero sa lugar namin, dito sa Mina Vista.
"Ah ano po kasi …." nakangiting sabi ni Peter na nabitin dahil kay mama.
Halos magkapalitan na kami ng mukha ni ate sa pagtanaw sa kanya.
"Si Lucy ba ang hanap mo?" nakangiting tanong ni mama.
"ah--"
"Halika pasok ka hijo." alok ni mama kaya nabitin ulit ang sasabihin ni Peter.
"Salamat po." nakangiti na lang na sambit nito,kaya lumitaw sa kanyang pisngi ang cute na dimple.
Nagkatinginan kami ni ate at nagkadilatan ng mata. "Yung mga sulat!!" sabay naming sabi.
Halos magkandarapa kami, paunahang makalabas ng kwarto.
"Tabeee!!!" sigaw ko ng makasalubong ko sa hagdan si Richie na paakyat naman; siya ang bunso naming kapatid, Sampung taong gulang.
Ang kalabog ng aming pagtakbo pababa ng hagdan ay malakas,kala mo mabubutas na ang bawat baitang ng hagdanan,para kaming naghahabulang kabayo ni ate.
Pagbaba namin sakto namang nagbukas ng pinto si mama kasunod sa likod si Peter.
Napapreno kami ng takbo ni ate at nagbalanse ng katawan.
Napakunot noo si mama. "Naghahabulan na naman ba kayo?" tanong niya ng masaktuhan kaming ganun.
Sabay kaming umiling ni ate. Napakaway kay Peter ng mapatingin siya sa'min. " hi Peter!" sabay naming bati.
Napangiti si Peter sa inaasal naming magkapatid.
"hay naku Peter, pagpasensyahan mo na yang dalawa." wika ni mama. " hala maupo ka muna hijo at kukunin ko lang sa taas ang bayad ko." naglakad na paakyat ng hagdan si mama.
Agad naming nilapitan si Peter, at hinawakan ni ate ang kaliwang braso nito.
" yung mga sulat?" agad na tanong ni ate, sabay silang naglakad patungong sala at ako naman ay nasa likod nilang dalawa.( Lagi naman eh.)
"dala ko na." sagot ni Peter at sabay silang naupo sa pahabang plain gray color na sofa, ako naman ay tumungo sa likod ng sofa at nagsalong baba, pumagitna sa mukha ng dalawang nagkatinginan.
"yung sulat.?"patanong na paalala ni ate.
"Ehem!" pag-interrupt ko kay Peter na kung makatitig kay ate ay parang may ibig sabihin.
"ah oo, yung sulat."sambit nito at binuksan ang zipper ng itim niyang sling bang at dinukot sa loob ang nakabugkos na sulat na iba't ibang sobre ang gamit, meron makulay, meron din yung talagang madalas gamitin na sobre.
Kinuha ni ate ang mga ito, nilapit ni Peter ang kanyang mukha upang tignan din ang mga sobreng ibinuyangyang ni ate, agad akong dumungaw upang makaharang "patingin ako!" palusot ko at hindi natuloy ang malapitang paglapit ng mukha nila sa isa't isa.
I know naman na may gusto siya kay ate Lucy.
Hindi naman mapagkakaila iyon kasi maganda si ate Lucy, makinis ang balat, maputi at mahaba ang straight na straight nitong buhok.Matangos ang ilong at makapal ang pilikmata, di na niya kailangan gumamit ng false eyelishes at lalong-lalo namang di niya na kailangan mag-lipstick dahil marosa-rosa na ang kulay ng kanyang labi maging ang mga pisngi nito.
Yun nga ang kinaiinis ko kay ate.Pinagdamot niya sa'kin ang kagandahan ng pamilya, inubos na niya lahat, di man lang ako tinirahan sa tyan ni mama.
"wow! ang daming nagpadala ng sulat ngayon ha!" sambit ko ng makita ang dami ng sulat mula sa mga batang nakatira rito sa buong Mina Vista.
Any way, ang mga sulat na ito ay naglalaman ng kanilang mga sekretong hindi nila masabi sa iba o mga sekretong kinahihiya nilang malaman ng iba, kung saan si ate ang--- to the rescue!!, Si ate lang ang nakakabasa ng kanilang sulat at saka-- ako rin, sempre ate ko siya, kapatid niya ko, di ba?.. Pagkatapos niyang basahin, nagbibigay siya ng payo o maaring paraan upang maresulbahan ang kanilang problema, pero kadalasan puro lang tungkol sa lovelife at crushes ang mga sinusulat nila.
Tulad na lang ng … 'paano ako mapapansin ni crush?'… 'anong dapat kong gawin?! crush din pala ako ng crush ko?! '… 'pwede ko na bang sagutin siya?'… 'nagbreak na kami pero siya pa rin ang gusto kong maging bf'.
Tsk! ang baduy!, kadalasan pa mga kasing edad ko lang sila. labing limang taong gulang; Naglalandi na.
Nalimutan ko si Amanda, sampung taong gulang na mas namomoblema pa sa lovelife niya kaysa sa pag-aaral.
Pero namamangha rin ako, dahil malaking tulong din ang nagagawa ng pagsulat nila kay Secret Keeper.[ Yun ang tawag sa kanya, secret identity ni ate, pero ang tanging nakakaalam lang na siya si Secret keeper ay ako at ang karterong si Peter, sempre kasi siya ang taga deliver ng sulat dito.]
Si Jenny, siya ang dahilan kung bakit naging tanyag si Secret Keeper sa buong Mina Vista. Dahil sa kanyang pagsulat at seryosong problema. Sulat ng paghingi ng tulong. Umiyak pa nga si ate habang binabasa iyon. Si Jenny ay biktima ng child abused at rape ng kanyang uncle Joe na dun lang nalamang drug addict at pusher pa.
Ok, dagdag ganda ni ate 'to, Siya ang nagplano para maaktuhan si Uncle Joe sa ginagawa niyang pag-abuso kay Jenny, nagbase siya sa mga ikinukwento ni Jenny, at mula sa palitan ng sulat ay nabuo ang plano nila.[kasabwat ako at si Peter sa pagplano.]
( pakiramdam ko no'ng mga araw na iyon; mga secret agent kami ng NCIA ng amerika.)
Sa huli, nagtagumpay ang plano kay Uncle Joe, nahuli ito sa akto at ngayon'y nakakulong na ito habang buhay. Nasa pangangalaga na ng DSWD si Jenny at mabuti na ang kalagayan niya sa maynila, balita namin gagraduate na ito ng high school.
Dahil dun tumaas ang tingin ko kay ate at sempre dagdag gandapoints naman kay Peter.
[Any way, 6 months ago na yun nangyare.]
"Si mama!" sambit ni ate ng marinig niya na ang lagabog ng pagbaba sa hagdan.Dali-daling sinilid ni ate ang mga sulat sa jar na may disenyong abstract na naka-display sa tabi ng sofa.
"O? may nangyayari ba dito?" tanong ni mama ng maabutan niyang nakadungaw si ate sa jar at ako naman ay nakasubsub sa sofa dahil nakawak ako sa balikat ni Peter na biglang tumayo.
"Wala po!" chorus na sagot ni Peter at ate.
tumayo naman ako mula sa pagkakasubsub ng mukha sa sofa.
Lumapit si Mama kay Peter. " Ito na nga pala ang bayad ko hijo, sa susunod ulit." nakangiting inabot ang nakatuping pera kay Peter.
Part-time ni Peter na magbente ng peanut butter at strewberry jam na gawa ni ate Sarah, panganay nilang kapatid.
Napangiti si Peter at yun lumitaw ulit ang dimple niya. " salamat po Mrs.Luciana." sambit nito ng kunin ang pera.
"naku hijo, matagal na tayong magkakilala, parang anak na rin kita kaya h'wag mo na kong tawaging Mrs. Luciana…"saad ni mama at hinawakan sa kanang balikat si Peter.
"… total darating din ang araw na ikaw ang magiging Son-in-law, Mama na lang." nakangiting dugtong ni mama.
"Mama!!"----- Ate Lucy. (Pasigaw)
"po?" ----- Peter. (nganga)
Masyado namang bulgar si mama, di man lang nagpaligoy-ligoy.[ naningkit ang mga mata ko.]
Tumawa siya ng malakas. "sus! di mabiro… ." wika ni mama na biglang nagpigil ng tawa. "… tita Lucia, mas maganda kung yun ang itatawag mo sa'kin." patuloy nitong sabi.
naistatwa ang dalawa ng 2 seconds, bago muling mamulat sa realidad.
"S-sige ho, T-tita Lucia." nakangiting sabi ni Peter pero halatang pilit at nanginginig pa ang labi.
Kung may sakit sa puso si Peter baka ma-dead on the spot 'to sa sinabi ni mama.
"S-salamat po,… alis na po ako." naglakad na si Peter palabas ng maindoor, Kami namang mag-iina ay nasa pinto at nakatanaw sa kanya hanggang sa paglabas niya ng tarangkahan.
"Ingat!--- mag-ingat ka sa pagba-bike mo, may naghihitay pa sayong future.--- future wife!." biro pa nito.
"mama naman eh!." nagsalubong ang kilay ni ate ng binaling ang tingin kay mama.
"bakit?… ikaw ba yung Future wife??" tanong ni mama na bumaluktot ang labi ng magpigil ng tawa.
Di ko alam at trip na trip ni mama na asarin si Ate Lucy ngayon.
Nakangiting kinawayan ni mama si Peter ng lumingon naman sa amin, gumanti rin'ng kaway si Peter bago siya umalis at makalayo ng tuluyan sa aming bahay. " haayy ~~ napaka sipag talaga ng Future Son-in-law ko." sambit nito sabay alis.
"Uuurrrghhh~~ !!!" Napa-face palm na lang si ate. Mukhang disidido na si mama na mapangasawa ni ate si Peter.
Grabe kung makapang-asar si mama eh, Napawalkout si ate.
Tinapik ko sa balikat si ate. "Ok lang yan ate, atleast si Peter hindi si Jonathan." wika ka.
Si Jonathan ang mayamang manliligaw ni Ate at kahit kailan hindi sumagi sa isip kong maging Brother-in-law.
Ini-imagine ko pa lang na silang dalawa, mukhang kawawa kami ni Richie.
---------------
*Bakit kaya?
---------------
[bakit ba Peter lang ang tawag ko kay Peter.
Utos kasi sakin ni ate na tawagin ko lang na Peter si Peter, awkward daw kasi pagtinatawag kong kuya Peter si Peter, lalo na pag-magkakasama kaming tatlo mamasyal.]
-----------------
History ni Secret Keeper:
Nagsimula lang iyon sa isang sulat na napulot ni ate sa hallway ng school namin, dahil masyadong nakakalungkot ang nakasulat at halos iparating ng nagsulat ay gusto na nitong magpakamatay, agad niyang pinadalahan ng motivation letter at itinago niya ang kanyang sarili sa tawag na Secret keeper.Naging penpal ang dalawa, hanggang malaman ng iba at nagpadala na rin ng sulat sa kanya.
at dun nagsimulang maging legendary si secret keeper ng school namin.
-----------------------------------------
Ang mga nabanggit na tauhan, lugar at pangyayari ay pawang kathang-isip lamang ng may akda.
= Grace Sinag =
------------------------------------------
All Rights Reserved 2019