webnovel

Chapter 6

Hindi makapagsalita si Jared dahil sa muling pagtataray nito sa kanya. Nalilito na siya sarili kung dapat at tama pa rin ba niyang pansinin ang ex-girlfriend o manatiling wala siyang nakikita. Kahit anong iwas niya ay pilit pinagtatagpo sila nito. Hindi niya maintindihan ang tadhana bakit hinahayaan pa ring magkrus ng landas nila na kahit wala ng pag-asa. Gusto na niya kalimutan si Cherry ngunit sa ganitong pagkakataon mas lalo di niya magawang makalimot at mas lalo rin siya nahihirapan.

Humugot siya ng lakas ng loob bago nagsalita. "Actually, I saw you here sitting alone and crying kaya lumapit ako." Hindi na niya sinabi na pangalawang beses na niya ito nakita.

"Hindi kita kailangan." Tumigil si Cherry sa kanyang pag-iyak. "Kaya ko 'tong mag-isa."

Napatango-tango na lamang si Jared. "Ok. Nauunawaan kita, Cherry. Wala akong karapatan i-comfort ka pero ang gusto ko lang sana..."

Sandali siyang huminto sa pagsasalita at tumitig nang diretso sa mata ng dating kasintahan.

"Ang gusto ko lang sana tawagan mo ako kapag kailangan mo ng makakausap. Tawagan o i-text mo lang ako. Same number pa rin. Hindi ako mag-aatubiling di ka kausapin."

Mga ilang sandali pa ay napagdesisyunan niya ng umalis at di na magtagal dahil nararamdaman niyang ilag pa rin sa kanya si Cherry.

Ngumiti ng pilit ang binata saka na siya nagpaalam na rin. "I have to go. Mag-iingat ka."

Habang naglalakad palayo si Cherry ay sandali niyang sinulyapan ang dating boyfriend saka muling yumuko upang pigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Napakagat siya ng labi.

Ala-sais na siyang gabi nakarating ng bahay at dinig niya ang pagsigaw ng kanyang asawa.

"Ikaw, saan ka galing?" tanong nito sa kanya. "Kapal naman ng mukha mong magpapasok ng ibang tao dito sa buhay natin."

"Ate..." bakas sa mukha ni Daryl ang pagkatakot.

"Siya ang pinababantay ko dito sa bahay. Masama ba?"

"Di ba sinabi ko na ayaw ko ng ibang tao dito sa bahay? Kung may mawala dito magagawan mo ba ng paraan?"

"Alfred!" pigil ni Cherry sa kanya. Nakita niyang mas lalo na nahiya ang kapatid at nasaktan sa sinabi ng asawa. "Kapatid ko si Daryl at kilala ko siya."

Ngumisi ito. "Paano mo sa'kin maipapaliwanag ngayon ang mga natuklasan ko?"

"Anong sinasabi mo?"

"Kahit kailan tanga ka," sambit ni Alfred sa harap ng kapatid ni Cherry. Nagulat din si Daryl sa ganoong trato sa kanyang ate. Nakaramdam siya ng awa subalit hindi niya magawang ipagtanggol ang kapatid.

"Di mo ba pansin ubos na ang mga pagkain sa refrigerator at istante. Bwisit! Kakain na lang ako, ganyan pa."

Biglang napaisip siya sa nangyari kanina. Nagpunta nga rito kanyang mga kapatid at magulang. Inubos pala mga ito ang mga stock niyang pagkain.

Napahilamos siya ng mukha kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao.

"I'm sorry, Ate. Hindi namin sila napigilan ni Ate Jessa," kabadong saad ng binatilyo.

"Huwag mong sabihin nagpapasok pa kayo ng iba dito sa bahay?"

*Nagpunta kasi mga ibang kapatid ko pati sila mama't papa dito sa bahay," paliwanag ni Cherry.

"Ano ba 'yang pamilya mo, Cherry mga patay gutom?"

"Alfred, sumusobra ka na ah!" Depensa pa rin niya kahit hindi naging maganda trato nito sa kanya. Pamilya niya pa rin mga iyon. "Huwag na huwag mo laitin sila ng ganyan."

"Aba, pinagtatanggol mo pa. Talagang iisa lang karakas niyo." Panduduro pa ito sa kanilang dalawa ni Daryl.

Nanghihina na ang binatilyo sa kanyang mga naririnig kaya napagdesisyunan niya ng umuwi sa kanilang bahay.

"Mauna na ako, Ate. Uwi na muna po ako ngayon." Lumihis na ito sa kanya at muli niyang tinawag.

"Hindi ko pa alam, Ate kung kailan. Sige aalis na po ako."

Muli nanaman siyang napahilamos sa sarili sa frustrations niya sa asawa at sa kanyang pamilya. Kahit kailan hindi man lang inisip nito kanyang nararamdaman. Sobrang hiya na rin siya kay Alfred.

"Ganoon na lang ba, aalis ng walang explanations?"

"Pinaliwanag ko na sa'yo, Alfred. Ano pa gusto mong paliwanag ah?"

"Bwisit. Gutom na ako pero wala man lang pagkain."

Kaagad itong lumabas ng kanilang bahay dahilan upang sundan ito ni Cherry.

"Saan ka pupunta?"

"Problema mo na 'yon. Umalis ka na nga sa harap ko at baka masuntok pa kita," giit nito sa kanya. Natigilan ang babae. Hindi na siya makapaniwala sa pag-iiba ng ugali ng asawa. Sobrang layo nito noong magkasintahan pa lamang sila.

Sa halip na pigilan niya ito ay hinayaan na lang niya dahil baka humantong pa sa pisikalan. Kaagad na lang siya nagtungo sa kanyang mga anak. Nilapitan niyo at niyakap nang mahigpit.

"Mama, saan po kayo galing?" tanong ng panganay na anak na si Carina. "Nagugutom na po kami."

Mabilis niyang ibinababa ang mga bata at sandaling lumabas ng bahay upang bumili sa tindahan ng pagkain. Kahit madilim na ang lugar ay sinikap niyang makabili ng makakain. Kumakalam na rin kanyang sikmura. Nang makakain na ay hinilamusan niya mga bata saka pinatulog. Iniwanan niya sa silid saka naupo sa sofa upang maglista ng mga bibilhin niya bukas ng hapon.

Napansin ni Romualdo na ama ni Cherry na nakabihis lamang ng pambahay ngayon si Daryl. Sa pagkakaalam niya ay sa ganitong araw at oras ay umaalis ito at nagpupunta sa bahay ng kapatid.

Naroon rin sina Julian pati asawa't mga anak niya at Jonald na kumakain na ng almusal Si Jessa naman ay kasalukuyang nagpapaligo ng mga anak nito katuwang ang asawa.

"Di ka pupunta ngayon kay Ate Cherry mo?" tanong ni Romualdo sa bunsong anak ngunit wala siyang narinig na sagot. Nainis siya sa ganoong treatment ng anak niya.

Naupo ang binatilyo na parang wala siyang narinig.

"Uy, tinatanong ka ni Papa," sambit sa kanya ng kanyang kuya na si Henry.

"Sa tingin niyo makakabalik pa ba ako kila Ate Cherry?" giit ni Daryl. Naalarma si Jessa dahilan upang iwan niya muna mga anak sa kanyang asawa. "Matapos akong mapahiya sa kanya pati sa asawa niya?"

"Ano ka ba Daryl, mas matanda sa'tin kausap mo," singit ni Henry sa usapan.

"Aba, matindi ka ng sumagot ngayon ah? Natutunan mo ba 'yan sa ate mo?" giit din ng kanyang ama.

Mga ilang sandali ay lumabas na rin galing kwarto si Elena na ina ni Cherry. Nagligpit ito ng kanilang tulugan matapos magluto ng agahan kanina.

"Ano nangyayari dito at hanggang kwarto dinig na dinig ko diskusyon niyo? Ang aga-aga," saad ng ginang.

"Eh paano kasi itong bunso mo sumasagot-sagot na. Naahawaan ata ni Cherry, tsk," muling saad pa ng ama.

"Napatitig ang ginang kay Daryl. "Ano nanaman ba 'to, Daryl?"

"Kung alam niyo kung gaano kasakit pagsalitaan ako pati pamilya natin ng patay gutom ni Kuya Alfred dahil sa kagagawan niyo."

"Kapal ng mukha ng taong 'yon para pagsabihan tayong patay gutom," inis na saad naman ni Jonald. "Dapat ito masampolan eh."

"Tumigil ka nga, Jon. Di nakakatulong 'yang sinasabi mo," suway sa kanya ni Jessa.

"Ang angas eh," muling sabi pa nito. ''Kaya tamang makatikim ng suntok para malaman niya kung sino binabangga niya."

Inirapan lamang siya ni Jessa bilang reaksyon. "Kahit kailan wala na tayong magawang matino sa buhay natin. Bwisit."

"Sira ulo pala 'yang asawa niyang 'yan eh. Masama bang dumalaw sa kapatid niyo at humingi ng mga pagkain?"

"Kahit kailan hindi naging maganda impluwensya kay Cherry ang lalaking 'yan. Kaya nga tayo iniwanan ng anak natin dahil sa kanya."

"Hindi, Ma at Pa." Napatitig siya kay Henry na pilit pinipigilan siya. "Choice iyon ni Ate Cherry. Choice niya na pumasok sa marriage life dahil mahal na mahal niya si Kuya Alfred."

"Anong mahal, iniwanan niya tayo dahil sarili lang iniisip niya," sabi ng kanilang ina.

Napangisi si Daryl. "Kahit kailan hindi naging makasarili si Ate Cherry. Masama pa rin ba na inisip niya sa sarili niyang kaligayahan? O baka tayo masama dahil pilit natin pinagkakait sa kanya noon?"

Dahil diyan ay bigla siyang sinampal ni Elena. "Sumusobra ka na, Daryl."

"Nagpunta lang kay Cherry itong bunso natin nag-iba na ng ugali," dagdag pa ng ama.

"Tama naman si Kuya Alfred na patay-gutom nga ang pamilyang ito..." sinuntok pa siya ng kanyang ama dahilan upang pumagitna na sa kanila si Jessa.

"Wala kang modo," sambit ng ama. "Wala kang karapatan para sabihing 'yan. Anak lang kita." Gigil na gigil ang ama sa nararamdamang inis sa sinabi ng bunsong anak. Ganoon din kanyang asawa.

"Daryl, tama na..." Pagpipigil ni Jessa.

"Tama na nga talaga, Ate." Dahan-dahan na bumitaw si Daryl sa braso ng kapatid at naglakad palayo. Sandali siyang huminto. "Ayaw ko na."

Naglakad na palayo ang binatilyo. Tinawag siya ni Henry na bumalik ngunit diretso lamang ito.

Napahilamos ng mukha si Jessa sa nangyaring bangayan saka naisipang bumalik sa kanilang kwarto.

"Jes!" tawag sa kanya ng asawa na sumunod rin patungo sa kanilang silid.

Kasalukuyang naghahanda ng agahan si Cherry nang biglang lumitaw sa kanyang harapan ang asawa.

"Bakit ngayon ka lang? Dalawang araw kang wala."

"May problema ba?" Nilapitan siya nito at amoy alak pa si Alfred.

"Oo malaking problema na basta mo na lang iniiwanan kami dito sa bahay," pagpapaliwanag ng babae.

Sadyang tinabig nito ang mga gamit naka-display sa dingding at nakapatong sa mesa.

"Please, Alfred tama na."

"Anong tama na, Cherry? Lahat na lang sa'kin na pinakikialam mo," sigaw nito sa kanya.

Sa sobra kanyang inis ay di na siya tumuloy pang naupo sa harap ng hapag at diretsong lumabas ng kanilang bahay. Sinundan ito ni Cherry. Hinarangan ang daraanan nito. Sinubukang niya muling kausapin ang asawa gusto niya kumprontahin pa si Alfred.

"Ano ba dapat kong gawin sa'yo para matanggal anumang galit dyan sa puso mo?" panimula niya. "Pero kahit anong gawin ko, parati ka pa ring nagagalit sa'kin eh." Pagpipigil niya ng luha sa mga mukha. "Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit mong 'yan?"

"Alam mo kung saan ako nagagalit?" sambit ng asawa. "Dahil sa kanya." Binigyang-diin ang pinakahuling sinabi niya.

Kumunot ang noo ni Cherry dahil sa kalituhan. "Hindi kita maintindihan," saad niya. "Di ko alam ang sinasabi mo."

Ngumisi naman sa kanya so Alfred. "Tsk, hindi mo alam? Hindi mo alam ng dahil sa kanya hindi mo magawang sumip*ing sa'kin pagkatapos ng kasal natin? At ang sabi mo pa nga hindi ka handa ka magkaanak pero ang totoo siya pa rin ang iniisip mo."

"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na kinalimutan ko na siya. Akala ko ba malinaw na at ngayon napunta siya sa usapan at siya pa itinuturo mong dahilan kung bakit galit ka sa'kin," katwiran niya.

Muling ngumiti ng sarkastiko ang lalaki. "Hindi ako maniniwala dahil kahit isang taon na tayong kasal hindi mo nagawang sumip*ng sa'kin kaya umampon tayo ng bata di ba? Binigay ko ang gusto mo..." sigaw ni Alfred. Iyon kasi ang napapansin niya dahil noong magkarelasyon pa lamang sila ay may nararamdaman pa ang asawa sa ex-boyfriend nito. Walang impossible na kahit kasal na sila.

Hindi na alam ni Cherry kung ano pa kanyang sasabihin lalo na sarado masyado ang isip ng kanyang asawa. Masasabi niya na noon pa man ay duda na ito sa pagmamahal na ibinibigay niya.

"Gumagawa ka lang ng kwento, Alfred. Sinabi ko naman sa'yo noon kapag ready na ako, mahirap bang intindihin 'yon?"

"Hanggang ngayon di mo pa magawang aminin na siya pa rin. Alam ko sa nangyari sa'tin at si Cyprus ang nabuo ay napilitan ka lang," pahayag niya pa.

"Wala akong aaminin dahil wala naman katotohanan ang sinasabi mo."

"Napakasinungaling mo talaga..."

"Sa ating dalawa ikaw ang pinakamababaw!" Naubos na ang kanyang pasensya rito na pilit iginiit sa kanya ang nakaraang relasyon niya. Nakalimot na siya kay Jared. Natutunan niyang mahalin si Alfred. "Sa ating dalawa ikaw itong sinungaling. Sinabi mong mahal ako pero bakit ganito?" Turo niya sa kanyang itsura. Pinaliwanag pa niya ang naging karanasan niya sa loob ng dalawang taon kasama ito. Inalipin, pinagsalitaan ng masasama at muntik ng masaktan ng pisikalan. "Pagmamahal ba tawag dito? Sino ba sa ating dalawa ang nag-uunawa?" Dinuro pa ni Cherry ang dibdid nito upang ilabas ang naipong galit na nararamdaman niya.

"Di ba ako? Kahit sinasaktan na, pilit na maging buo ang pamilyang natin." Sinamaan niya ng tingin ang asawa. "Kung ganito lang naman, Alfred dapat hindi mo na lang sana ako pinakasalan. Kung duda ka sa pagmamahal ko, sana di na lang tayo bumuo ng pamilya."

"Walang katotohanan ang pinagsasabi mo, Cherry. Sa ating dalawa, ako ang napagod," katwiran niya pa.

"Sige..." sabi ng babae sa asawa.

"Ang masasabi ko lang..." sandali siyang tumigil sa pagsasalita. Ngumiti siya ng pilit sa harap nito. "Na wala kang kwentang asawa." Pagbibigay-diin niya pa sa huling sinabi dahilan upang muntikan na siyang sampalin ni Alfred.

Habang nagmamaneho siya kanina ay biglang nakaagaw sa kanyang atensyon sina Alfred at Cherry na nagtatalo sa labas ng gate pa mismo ng kanilang bahay. Hindi na sana niya ito papansin pero nang makita nagtatalo ang mag-asawa na may halong pananakit ay di na maiwasang hindi mag-alala sa babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso.

May pumigil sa kanya at laking gulat ni Cherry nang mukha ni Jared ang bumungad sa kanya.

"Subukan mo siyang saktan at pwede kitang i-report sa pulis," sambit nito.

"Ano ginagawa ng impaktong lalaki na 'yan dito?" tanong ni Alfred. Tumitig siya sa kanyang asawa at halatang gulat ito.

"Jared, paano mo nalaman dito kami nakatira?" bakas pa rin sa mukha ni Cherry ang pagtataka. Hindi niya malaman kung paano nito natunton kanilang tirahan.

Sa halip na sagutin kaagad ng binata kanyang tanong ay mas tinuon ang atensyon sa kanyang asawa.

"Dahan-dahan ka sa pagsasalita, brad." Nanatili pa ring mahinahon si Jared kahit sobra na siyang nasasaktan sa kanyang nakikita.

"Ikaw pa talaga may karapatan magsabi niyan," nakangising saad ni Alfred. "Ikaw na nga napakatapang itong nangialam sa aming mag-asawa, ikaw pa itong nangagalaiti sa galit?" Patuloy niyang iniinis ang dating kasintahan ng asawa subalit hindi nagpatinag sa kanya.

Lumapit pa si Jared sa asawa ni Cherry. "Kung tinatrato mo sana nang maayos ang asawa mo." Sinamaan niya ito ng tingin dahilan upang pumagitna na sa kanila ang babae.

"Jared, tama na please? Umalis ka na."

"Hindi ako aalis hangga't di nabibigyan ng leksyon itong asawa mo, Cherry."

"Wala kang karapatan makialam, Jared. Buhay namin ito kaya umalis ka na."

"Hanggang ngayon pinagtatanggol mo pa rin siya sa kabila ng dinadanas mo ng matagal na panahon ah, Cherry?" pangduduro ni Jared kay Alfred. "Tignan mo ang sarili mo." Tinignan pa niya mula ulo hanggang paa ang dating girlfriend.

"Pagmamahal pa ba tawag diyan?"

"Namumuro ka na ah!" Akmang susugurin ni Alfred ang binata pero kaagad na pinigilan ito ng asawa.

"Cherry makinig ka sa'kin. Huwag mong ipaalipin ang sarili mo sa kanya," pakiusap pa ng binata. "Ikaw, kahit kailan hindi mo siya minahal. Kahit kailan hindi ikaw naging mabuting asawa sa kanya. Kaya wala kang kwenta."

Mga ilang sandali ay nasuntok ni Alfred si Jared dahil sa sobrang inis na nararamdamang sa karibal.

"Tama na 'yan." Patuloy na pag-aawat ni Cherry.

Ngumisi lamang ang binata at walang balak na gumanti.

"Bitawan mo nga ako!" Padabog na hinagis ang braso ni Cherry na nakakapit kay Alfred. "Hindi ako lumpo. Gusto ko pang masampulan itong lalaki mo."

"Wala kaming relasyon. Maniwala ka sa'kin," paglilinaw ng babae.

"Sinungaling..." Nanatili lamang nakangisi si Alfred.

"Ano tatawag na ba ako ng pulis?" Ipinakita ng binata sa mag-asawa kanyang cellphone. Hudyat na nakunan niya ang litrato kung paano saktan si Cherry ng kanyang asawa. "Heto ang ebidensya." Pagka-play ng video at heto pa, conversation." Pagpapakita nito sa voice recording na kung saan naka-record na lahat roon ang mga sinabi nila.

"Hindi ako natatakot sa'yo," sabi ni Alfred.

"Tignan lang natin.."

"Umalis ka na, Jared." Pakiusap pa muli ng babae sa dating kasintahan.

"Para naman mabawasan ang mga lalaking nanakit ng kanilang mga asawa. Kayang-kaya kong i-report ito sa pulis kasama ang kaibigan kong abogado."

Natameme si Alfred sa sinabi na iyon ni Jared. Ramdam niyang talo siya rito dahil mas nakakaangat ang binata sa kanya.

Nilapitan naman niya ito at muling sinamaan ng tingin. Nagpanggap lamang siya hindi kinakabahan. "Subukan mo lang, magkakasubukan tayo."

"Ofcourse, I will ensure that we win. Sa mata ko pa lang kung ano gaano mo tinatrato nang di maganda ang babae pinakamamahal ko noon. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan kapag tinuloy mo pa ang pananakit sa kanya."

"Umalis ka na, Jared. Hindi ko kailangan ng tulong at paliwanag mo. Problema namin ito."

Napansin ng binata kung gaano kalungkot ang namumutawi sa mukha ng babaing pinakamamahal niya. Kung gaano rin ito nagtiis sa hirap at pasakit mula sa asawa. Tinititigan niya ito sa mata baka sakaling magbago pa ang isip at umayon sa kanya subalit nabigo siya.

"Wala kang alam sa pinagdaraanan naman kaya iwanan mo na kami, please," dagdag pa ni Cherry na pilit inaalalayan ang asawa.

Hindi na nagmatigas pa si Jared at tuluyan na nga niyang hinayaan ang dating girlfriend. Ngumiti siya ng pilit at dahan-dahan na inihakbang mga paa palayo sa kanyang kinatatayuan.

Nang makaalis na ang binata ay muling tinuon ni Cherry ang atensyon kay Alfred.

"Tandaan mo ito!" panduduro nanaman sa kanya ng asawa. "Huwag na huwag kang magpapahuli sa'kin na nakikipagkita ka sa lalaking 'yon. Hindi mo alam kung ano mangyayari."

Matapos niyon ay umalis na rin ito palayo sa kanya. Iniwan nanaman siya ulit sa ganoong sistema. Tulala, labis ang kalungkutan, pangangamba at pag-alala.

Pagsapit ng gabi, biglang tumunog kanilang doorbell.

"Ako na lang," sabi niya sa kapatid na si Daryl na kasalukuyan na sa kanya muna tutuloy matapos lumayas sa kanilang bahay.

"Opo ate."

Nagtungo si Cherry sa gate at isinilip niya muna kung sino ang tao. Nagulat na lamang siya sa kanyang nakita. Si Alfred at ang katrabaho nito.

"Grabe. Sabi ko naman sa asawa mo hinay-hinay lang sa pag-inom. Inubos ba naman 'yong tatlong bote ng alak na inorder namin tsk," kwento ng katrabaho nito na inaalalayan siyang ihatid sa loob ng bahay si Alfred.

"Pasensya na po kayo."

"Ayos lang sa'kin, Cherry. Mabuti lang kasama ko siya uminom. Mayroon man lang aalalay sa kanya pag-uwi."

Mga ilang sandali ay pinauwi na rin niya ang lalaki at siya na mismo maghahatid mag-isa sa kanilang kwarto. Nakasalubong niya si Daryl.

"Ate..." speechless na reaksyon ng kapatid.

"Pakihatiran mo ako ng isang plangganitang may maligamgam na tubig," utos ni Cherry.

"Sige po, Ate," sabay tango ni Daryl.

Kaagad na pinunasan ng babae kanyang asawa ang buong mukha nito pati katawan para kahit papaano mabawasan ang pagkalasing nito.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Alfred," bulong niya habang pinupunasan ang asawa. "Sobrang napapagod na ako." Tumulo kanyang luha. "Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito pa sa gitna ng maganda at maligayang relasyon natin noon. Akala ko tanggap mo kakulangan ko at akala ko tanggap mo nakaraan ko pero hindi pala. Hindi ko akalain ang mga pagkukulang ko ang magiging dahilan kung bakit bigla ka naging malamig sa akin."

Matapos niyang punasan ito ay inayos niya ang posisyon ng pagkakahiga ng asawa. Ilang sandali ay balak niya munang lumabas ng kwarto para ibalik ang plangganita sa kusina nang bigla siyang hilain nito at ninakawan ng halik sa mga labi.

Nakaramdam ng pagkalambot sa puso ni Cherry nang mangyari iyon kaya di na siya pumigil pa. Hinayaan niya ang asawa ang anumang gawing sa kanya ngayon dahil ang importante ay magkaroon sila ng selebrasyon ng gabing iyon.

Pumaibabaw sa kanya si Alfred habang hinahalikan siya sa leeg hanggang sa kanyang dibdib. Si Cherry naman ay nakapikit habang hinihimas ang buong katawan ng asawa.

Para sa kanya, laking tuwa na niya nang mangyari iyon dahil maging isang hudyat na magkasundo na sila mag-asawa.

Kinabukasan ay naghanda na kaagad siya ng almusal. Tamang-tama ang pagkagising ni Alfred. Nginitian niya ito at nilapitan subalit nag-iba ang itsura ng lalaki nang makita si Daryl.

"Ano ginagawa ng kapatid mo dito, Cherry?"

"Dito na muna siya titira pansamantala. Ako ang bahala sa kanya, ok?"

"Hindi ka ba nag-iisip? O sadyang tanga ka lang talaga. Sa tingin mo ba isasabay ko pa ba sa pagkain nating 'yang kapatid mong patay-gutom at matapos kuhanin lahat ng pamilya mo mga pagkain dito sa bahay?"

"Alfred, sumusobra ka na ah. Lahat na lang inaalipusta mo." Kaninang ganado at nakangiti ang itsura ni Cherry ngayon bigla itong napalitan ng inis sa kanyang asawa.

Akala niya magiging ok na ang lahat. Hindi pa pala. Akala niya ang nangyari sa kanila kagabi ang magiging daan ng pagbabati nila.

"Kanino bang kasalanan para mag-alipusta ako ng tao? Di ba sa'yo?" giit nito sa kanya. "Aalis na ako. Doon na lang ako mag-aalmusal. Wala na'kong gana."

"Teka lang, Alfred." Pagpipigil pa ni Cherry ngunit hindi ito naging epektibo sa asawa.

Napabuntong-hininga naman siya sa nangyari ngayong umaga.

Pagkalipas nila kumain ng agahan ay hinatid na ni Daryl sina Cyprus at Carina sa school. Abala naman si Cherry sa paglilinis ng bahay at pagliligpit. Mayamaya ay biglang tumunog kanyang cellphone at bumungad sa kanya ang isang text message.

"I'm sorry."