Pagkalipas ng dalawang taon. Nagawa ni Cherry na makahanap ng paraan na hindi kailangan pang humingi ng income sa kanyang asawa. Maliban sa pagtatrabaho niya sa restaurant ni Aling Marietta at pagbebenta ng mga school supplies at gift items, sinubukan na rin niya ang pagtatahi ng mga nasirang kasuotan katulad ng nabutas na pantalon at iba pang kinalaman sa tailoring. Mayroon siya kaunting background sa pagtatahi at nanood lamang siya ng ilang mga tuturials sa isang software application bilang karagdagan na kaalaman. Kahit papaano na naitatawid niya ang mga pangangailangan nina Carina at Cyprus pati mga bayarin sa tubig, kuryente at iba pa. Minsan lamang mag-abot ng pera sa kanila si Alfred na umaabot ng dalawang libo dahil karamihan ay ibinibigay sa pamilya nito. Kaya si Cherry na ang halos sumusuporta sa kanilang anak.
Si Jared naman ay kararating lamang galing Estados Unidos na may ngiti ulit sa mga labi kasama ang girlfriend na nagbakasyon ng isang buwan doon. Sa sumunod na pagkakataon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Cherry.
Inihatid muna ni Cherry kanyang mga anak kay Aling Marietta. Balak niyang bumili ng panibagong stocks ng kanilang pagkain sa isang grocery store.
"Mga anak dito muna kayo kay Aling Marietta, ah?" sabi niya sa mga ito. "Mamimili lamang si Mama ng pagkain natin." Tumango lamang sina Cyprus at Carina. "Madali lang si Mama."
"Sige po, Mama," nakangiting saad ni Carina na limang taon na rin.
"Sige, aalis na po ako Aling Marietta. Kayo na muna po bahala sa kanila," muling pahayag ni Cherry.
"Huwag ka mag-alala ka. Safe sa amin mga anak mo." Ngumiti lamang siya saka nagpaalam ng aalis na.
Dahan-dahan na naglalakad siya habang tinutulak ang isang shopping cart patungo sa counter. Nagkasalungat ang landas nila ni Jared na hindi namamalayan. Naulit muli iyon ng dalawang beses sa parehong lugar ngunit sa magkaibang oras. Nagtagpo pa kanilang landas sa magkaiba naman na lugar.
Katatapos lamang ni Cherry maligo nang marinig siyang ingay sa sala. Dinig na dinig niya ang paghikbi ni Carina dahilan upang nagmadali siyang tumungo roon.
Nakita niyang pinapagalitan ni Alfred kanilang panganay na anak. Bigla niyang nilapitan ito at mabilis na yumakap sa kanya ang bata.
"Ano nangyayari dito?" saad niya habang pinapatahan ang bata. "Ok ka lang?"
"Ang kulit kasi ng anak mo. Sinabi ko naman na busy ako at huwag akong iistorbohin dito sa ginagawa ko," paliwanag ng asawa.
"Sana kinausap mo na lang nang maayos. Hindi 'yong papatulan mo ang bata," katwiran din ni Cherry.
"Kaya nga namimihasa ng ganyan kasi di mo dinidisiplina nang tama," giit pa ni Alfred sa kanya.
Dinala na lamang ni Cherry ang mga bata sa kwarto upang patahanin mga ito. Napabuntong-hininga na lamang siya matapos makita ulit kung paano tratuhin ng di tama si Carina. Malayong-malayo sa kung paano tratuhin ni Alfred kanilang anak na si Cyprus. Para sa kanya kahit ampon lamang si Carina ay magiging pantay pa rin ang treatment niya rito sa kanyang anak na lalaki dahil itinuturing niyang anak ito.
Sumunod pang mga araw ay muling nagkrus ang landas nila ni Jared sa isang pedestrian lane na kung saan marami ring tumatawid. Nagkasalubong sila nito na tila hindi na kilala ang isa't isa. Mga ilang sandali ay napalingon si Cherry.
"Salamat. Akala ko kukulitin nanaman niya ako," bulong niya sa sarili. Napaisip din siya matapos makita si Jared. May pagbabago sa itsura nito nang lumipas ang dalawang taon na di niya ito nakita.
Napansin niyang bahagyang tumanda ang itsura ng lalaki. Pananamit nito na hindi tulad ng two years ago na presentable at maaliwalas tignan.
"Bakit ko nga ba pinapakialaman ang buhay niya, tsk!" muling saad pa niya sa isip. Mga ilang sandali ay tuluyan na siya naglakad palayo sa kinaroroonan niya kanina.
Sumunod na araw ay sermon mula kay Alfred ang bumungad sa kanya.
"Bakit ito lang ulam natin, bwisit!" reklamo ng asawa. "Papasok ako sa trabaho tapos hotdog lang uulamin ko at anong sustansya makukuha ko dito?"
"Di ako nakaluto kaagad. Tinanghali ako ng gising," sagot ni Cherry.
"Bakit, ano ginawa mo para tanghaliin ka ng gising?"
Huminga siya nang malalim. "Nagplantsa ako ng mga susuuotin mo sa trabaho. Napagod din ako maghapon kakalinis ng bahay at kakaasikaso ng mga bata."
"So, nagrereklamo ka gano'n?" pahayag ni Alfred. "Eh di mo nga nagawa nang maayos nandito sa bahay at maalagaan nang tama mga bata, ikaw pa may karapatan magreklamo. Talaga ba naman."
"Hindi ako nagrereklamo, Fred. Pinagsasabihan lang kita. Ikaw nga 'tong panay reklamo di ba?" katwiran ni Cherry. Sa totoo lang napapagod na rin siyang unawain kanyang asawa. Kung di lang sana para sa kanyang mga anak, iniwanan na niya ito. Na-realized niya lang talaga na nakakapagod din magmahal kung di naman ito nakikita at nararamdaman ng taong minamahal niya.
"Napakagaling mo na talaga sumagot, tsk. Akala mo nakapagaling."
Sa halip na makipagtalo pa ay tinalikuran na niya ito.
"Teka, saan ka pupunta di pa tayo mag-usap," dinig niyang sigaw ni Alfred.
Ginawa na muna niya ang iba pang gagawin dito sa bahay para sa pagdating ni Daryl wala na ito gaano aalahanin sa bahay. Kailangan nanaman niya samantalahin ang pagtatatrabaho sa restaurant habang bakasyon muli ng mga bata.
Pagkalipas ng isa't kalahating oras, nagtungo ba si Cherry sa kanyang pinagtatrabahuhan. Pagpasok pa lamang niya sa kitchen ay bumungad sa kanya ang mga kalat sa sahig na naroon.
"Hala, ano nangyayari?" tanong niya nang may pag-alala.
"Nahilo daw kasi si Dina kaya ayon nagkalat ang ilang mga pinggan dito," sagot ni Aling Marietta. Mayamaya may inabot sa kanya itong papel. "Pwedeng ikaw na muna mag-deliver nitong pagkain sa address na nakasulat diyan?"
"Wala naman po problema sa'kin, Aling Marietta," buong-loob na sabi ni Cherry.
"Pero marunong ka ba gumamit ng motorcycle?"
Mabilis lamang siya tumango at di na nagdalawang-isip pa. Marunong siya gumamit ng motor. "Oo naman po marunong ako. Huwag po kayo mag-alala sa'kin."
Ngumiti ang ginang sa kanya. "Sige, pakihintay mo na lang at mamaya, nandyan na 'yong pinaluto kong order."
"Opo, Aling Marietta. Habang naghihintay ako na po muna sa counter. Wala pa kasi Yhanie eh."
"Sure, iha. Paano na 'yan, maiiwan ko na kayo muna dito. Mamalengke ako ng mga rekados na kakailanganin sa iba pang pagkain na lulutuin mamaya. Kasama ko si Trina."
"Sige po, Aling Marietta. Ingat na lang po kayo."
Pagkaraan ng trenta minutos ay naluto na rin ang nasabing pagkain na binilin sa kanya ng ginang. Tinignan niya ang address ang nakasulat sa papel bago pinaandar ang motor.
Kinse minutos ang biyahe nito mula sa kanila. Nang makarating na siya roon ay kaagad niyang hininto ang motorsiklo at iginilid ito. Pumindot siya sa isang doorbell ng dalawang beses.
Bumukas ang gate at natigilan siya sa kung sino ang customer na umorder sa kanila. Binati na lang niya ito kaagad. "Good morning, ito na pala order niyo."
Kunwari lamang na di niya kilala ang lalaki. Hindi rin niya inasahan na ganoon din gagawin sa kanya ni Jared.
"Thanks. Sa uulitin." Ngumiti lamang iyon ng pilit saka muling naglakad papasok ng gate.
Kumunot ang noo niya sa sinambit ng ex-boyfriend. Hindi na siya magpatumpik-tumpik pa at sumakay na siya ng motor. Tinignan niya ang bahay. Namangha siya saglit. Masasabi niyang napakalayo na ng narating ni Jared.
Sumunod pang mga araw ay nag-order ulit sa kanila ang ex-boyfriend. Tumanggi na si Cherry na siya ang maghatid ulit nito.
"Pwedeng ikaw na lang mag-deliver nito sa kanya? Please, Dina?" Ayaw na niya magkita pa ulit sila ni Jared.
"Bakit naman sis?" usisa nito.
"Basta, ikaw na lang. Ako na lang gagawa ng gagawin mo." Kita sa mukha ni Dina ang pagtataka sa ganoong kilos ni Cherry.
"Bakit nga? Ano mayroon?"
Napabuntunghininga siya sa sobrang kulit ni Dina sa katatanong. "Bakit di na lang kasi pumayag at di 'yong daming tanong, tsk!" naiinis niyang sabi sa isip.
"Ex-boyfriend ko ang nasa address na 'yan." Hindi na rin siya makatiis sa pangungulit nitong pagtatanong.
"Oh, ano naman problema kung ex-boyfriend mo?"
"Dina naman please. Nakikiusap ako sa'yo na ikaw na lang mag-deliver nito sa kanya." Pilit na pinapakiusapan pa ni Cherry ang katrabaho. "Sige na oh. Ikaw, gusto mo pa ba makita ang dating kasintahan mong iniwan ka sa ere? Hindi, di ba? Kaya, ikaw na maghatid sa kanya."
Napa-explain ng di oras tuloy siya. Napakakulit naman kasi ng babaing 'yon napakaraming tanong.
"Ok, naintindihan ko na sis. Ako na maghahatid nito sa kanya."
Akala ni Cherry magagawa na niyang makaiwas na makita si Jared subalit dumating muli ang pagkakataon na siya ang inatasang magpadala nito sa kanya.
"Wala na bang iba na pwede mag-deliever?" reklamo niya. "Nakikiusap ako sa inyo, huwag sana ako. Kung gusto niyo ako na lang gagawa ng gagawin niyo."
"Ba't anong meron, hehe?" Nag-usisa nanaman ang iba pa niyang katrabaho.
"Sabi ni Dina gwapo daw 'yong lalaki na kumuha ng order na may similar address na pinadalhan niya last time," sambit ni Elena.
"Talaga, bakit itong si Cherry umaayaw pa. Gwapo naman pala. Panahon na para palitan na 'yang asawa mo," sabi sa kanya ni Aling Marietta.
"Hindi po gano'n kadali hehe. So please lang iba na lang ang mag-deliver sa kanya."
"Hindi pwede, Cherry. Ikaw dapat mag-deliver nito. Simula ngayon, isa ka na sa taga-deliver ng order ng ilang customers natin para di ka na gaano mapagod pang mag-asikaso dito sa restaurant. Alam kong halos ikaw lahat gumagawa sa bahay niyo pati pag-alalaga ng mga bata. Hindi biro 'yan."
"Tsk, Aling Marietta. Di bale ng mapagod ako dito kaysa ako ang tagahatid ng mga pagkain sa customer lalo na kung kay Jared pa," bulong muli niya sa isip.
"Sige na, Cherry. Tanggapin mo na 'to, ok?"
Wala na nga siyang nagawa kundi sumang-ayon at muling tumanggi dahil baka mamaya maubos na pasensya sa kanya ng ginang.
Huminga siya nang malalim bago pinaandar kanyang motor saka muling pinuntahan ang bahay ni Jared. Dahan-dahan siyang bumababa at ginilid ang motorsiklo. Nag-alinlangang pindutin ang doorbell.
Mga ilang segundo ay kaagad nagbukas gate at bumungad sa kanya ang binata.
"Here you go again, uh," unang sambit nito sa kanya.
"Ito nga pala ang order." Kaagad inabot ni Cherry sa binata ang pagkaing binili nito sa kanila.
"Ok, thanks." Nginitian lamang ito ng dalaga saka naglakad na kaagad palayo kay Jared. Ayaw na niyang magtagal pa roon. Ganoon din naman ang ginawa ng binata. Tila naging strangers silang dalawa sa ganoong eksena.
"Sandali nga pala." Napalingon siya muli rito. "Gusto ko sanang sa iba na lang ako o-order ng pagkain. Akala ko kasi di na ikaw 'yong magdadala ng mga ito."
Nakaramdam ng pagkainis si Cherry sa sinabi iyon ni Jared ngunit hindi niya lamang pinahalata pa.
"Baka kasi sabihin ng girlfriend ko...." kaagad niya pinutol ang sasabihin pa ng binata.
"Ok, hindi naman talaga ako dapat magde-deliver nito sa'yo." Pilit na pinipigilan ni Cherry ang nararamdamang inis sa ganoong pahayag sa kanya ng ex-boyfriend. "Sa susunod iba na rin maghahatid sa'yo ng mga inorder mo. Siya nga pala mauna na'ko marami pang naghihintay sa'kin na customer."
Nagmadali siyang sumakay ng motor at pinatakbo iyon.
Pagkagaling ni Alfred sa trabaho ay napansin niya ang maayos na postura ng kanyang asawa. Mabilis niya itong kinomprunta.
"Bakit ganyan nanaman ang itsura mo?"
"Alfred naman, galing ako sa trabaho. Ano gusto mo magmukha na'kong bangkay na palaboy na haharap sa customers?" katwiran ni Cherry sa kanya.
"Galing mo na talaga sumagot ngayon porke may trabaho ka na." Dinuro pa siya nito sa sentido komun. "Tandaan mo ako pa rin ang padre de pamilya dito at masusunod. Hindi ikaw."
"Pinapaliwanag ko lang ang totoo sa'yo, Alfred."
Muli tinititigan ang kabuuan nito at muling nagsalita. "Baka may iba kang nilalandi ngayon kaya panay pagpapaganda mo."
"Ano bang pumapasok sa isip mo?" giit ni Cherry. "Kahit kailan hindi ko ginagawa ang sinasabi mo, Alfred na kahit sobrang sakit at hirap na ako sa buhay ko." Binigyang-diin pa niya ang salitang sakit at hirap para madama ng asawa ang tunay niyang nararamdaman.
Mga ilang sandali ay iniwan na niya si Alfred at nagtungo siya sa isang bakanteng kwarto. Doon muna siya matutulog. Binuksan niya ang ilaw at napatitig siya sa salamin. Bumuhos muli kanyang mga luha pero kaagad niya iyon pinahind ng daliri.
Pagkalipas pa ng mga araw ay nakaramdam nanaman si Cherry ng pagkahilo. Nitong nakaraang mga gabi ay sobrang late na siya kung matulog. Paano siya matutulog kung parati na lamang siya inaaway ni Alfred, panay sermon sa kanyang mga pagkukulang at pagkakamali sa loob ng bahay. Dagdag pa ang mga kalat, labahin at pag-aasikaso sa mga bata. Halos siya na ang gumagawa ng lahat tapos siya pa rin napagbubuntunan ng asawa. Kung di lang sana para sa mga anak, bumitaw na rin siya sa relasyon ni Alfred.
Matapos niyang linisin ang banyo ay nagulat siya sa biglang lagabog ng pinto ng kanilang bahay at bumungad kanyang magulat pati mga kapatid.
"Papa, Mama?"
"Long time no see, Cherry," saad ng kanyang kuya na si Henry.
"Laki ng bahay," komento naman ni Jonald. Naglibot pa ito sa buong sala saka nagtungo sa may kusina. Narinig niya ring nagbukas ito ng refrigerator.
"Jonald, bumalik ka nga rito. Hindi natin bahay 'to," sigaw ni Jessa sa kanyang kapatid.
"Mabuti pa nga kumain na muna tayo tutal gutom na gutom na rin kami galing sa biyahe," dagdag pa ni Henry.
"Ganyan ka na ba talaga, Cherry? Kinalimutan mo na kagandahang asal itinuturo namin sa'yo ng Papa mo noon. Nag-asawa ka lang iba na ang trato mo sa'min," sermon ng kanyang ina na naupo na rin sa sofa kasama iba pa nitong anak. "Ni hindi mo man lang kami inalok ng maiinom at makakain."
"Ma, Pa, Kuya Henry at Jonald..." sambit ni Jessa na bakas sa kanya ang hiya.
"Sorry, Ate Cherry di ko alam na nasundan nila ako," panghihingi ng tawad ni Daryl.
"Ayos lang, bunso." Ngumiti lamang ni pilit ang babae.
Naghalungkat pa ang pamilya niya ng makakain sa refrigerator kasabay ng pagkalikot ng mga ito sa gamit nila sa sala hanggang kusina. Dahil dito, mas nakaramdam si Cherry ng stress sa kanyang nakikita. Dating bahagyang nasa ayos na sng bahay at puno ang ref ngayon manlulumo na siya sa kanyang makikita.
"Kuya Henry naman, bakit niyo inubos lahat ng stock ng pagkain nila Cherry?"
Si Daryl halos di na rin niya alam ang gagawin.
"Ba't wala ba kaming karapatan ah, Jessa?" giit pa ng panganay na kapatid.
"Kung ganoon pinagdadamot mo sa'min itong pagkain at bahay mo, Ate Cherry," dagdag pa ni Jonald.
"Hindi ko sa inyo pinagdaramot. Ang gusto ko lang naman respeto naman sana sa may-ari ng bahay. Tignan niyo, lahat ng stocks na pinamili ko inubos niyo na? Ano na lang sasabihin ko sa asawa ko?" Hindi na siya nakatiis pagsabihan ang mga ito.
"Mas mahalaga pa ba sasabihin ng asawa mo kaysa sa amin, ah?" giit naman ng kanyang ama.
"Hindi ganoon ang ibig sabihin ni Cherry, Pa," paglilinaw ni Jessa.
Nagtalu-talo pa ang mga ito sa harap niya dahilan upang sigawan na niya mga ito. Gulat na gulat si Daryl sa kanyang naging reaksyon.
"Shut up!" muli niyang sigaw na bakas ang sobrang inis na nararamdaman.
"Sana di na lang kayo nagpunta kung puro problema lang ibibigay niyo sa'kin." May kalakasang boses na pahayag niya. "Sobrang pagod at hirap na ako habang kayo walang pakialam sa nararamdaman ko. Anong klaseng pamilya naman kayo!"
Dahil doon ay bigla siyang sinampal ng kanyang ina. "Wala kang utang na loob matapos kitang iluwal at buhayin, ikaw pa may ganang magsalita ng ganyan." Inis na inis sa saad ng kanyang ina.
"Sige, sabihin niyo na ang dapat sabihin tutal ako pagod na'kong umitindi. Noon pa man wala na kayong inintindi kundi mga sarili niyo lang."Tumitig saglit si Cherry kay Daryl. Napakagat ng labi. "Pakibantay mo na lang muna ang mga anak ko sa kwarto."
"Saan ka pupunta, Ate?" tanong nito sa kanya.
"Kahit saan at malayo muna dito," saka niya muling tinignan ang iba pang mga kapatid pati ina't ama. "Gusto ko muna mapag-isa."
Nagmadali siyang lumabas ng bahay at naglakad lamang mag-isa palayo sa kanilang bahay hanggang sa narating niya ang isang park. Naupo siya sa isang bench na may table at sinimulan ang humikbi.
Sa pagmamaneho ni Jared ng kanyang kotse ay biglang nakaagaw kanyang atensyon si Cherry. Nakita niya itong mag-isa na umiiyak.
"Kaya mo siyang tiisin, Jared," bulong niya sa sarili.
Hindi nga niya nagawang bumababa ng kotse para samahan pa ang dating kasintahan. Paninindigan na niya sa sarili na patuloy pa siya pagmo-move on lalo na engaged na rin siya kay Kelly. Kailangan niyang ibaon na lamang sa limot ang lahat para makapagsimula ulit siya.
Habang nagmamaneho ay biglang tumawag sa kanya ang girlfriend. Kaagad niya itong sinagot. "Sorry, Kelly. Nagmamaneho kasi ako kaya di ko kaagad nasagot tawag mo," pagdadahilan niya.
Akala ni Jared iyon na ang huling araw na makikita niya si Cherry. May anumang bagay na pilit pinaglalapit sila na di niya malaman ang dahilan. Samantala may kanya-kanya na silang buhay upang maibalik pa ang mga bagay na dati ng nasira na.
Nakita niya si Cherry sa kalsada nakaupo at umiiyak nanaman ito. Pilit na sana niyang iniwasan ang dalaga pero ngayon ba't di na niya kayang pigilan ang sarili na di mag-alala dito. Nilapitan niya at nagulat ito nang makita siya.
Sa halip na ngitian siya nito sinungitan pa siya, "Ano ginagawa mo dito?"