Kasalukuyang nakatunganga si Cherry sa salamin ng kanilang kwarto. Wala na ang dating mahaba niyang buhok. Mga ilang sandali pa ay napatitig siya sa ibabang bahagi ng kanilang maliit na cabinet na katabi lamang ito ng kama. May anumang ikinuha siya roon. Isang make-up kit. Binuksan niya ito at naglagay ng kaunting foundation sa kanyang mukha saka naglagay ng lipstick. Tagal na rin niyang hindi nagagamit ang mga ito dahil nawalan na siyang panahon sa pagpapaganda ng sarili.
Simple lamang ang nilagay niya at ngumiti ng pilit sa salamin. Tumititig siya sandali sa mga bata na natutulog pa.
Biglang nakaramdam ng pagkalungkot si Cherry dahil sa kanyang sitwasyon ngayon. Akala niya kasi noon makakaahon din siya sa hirap kapag umalis na siya sa piling ng magulang at mga kapatid, hindi pala at mas malala pa dinanas niya.
Pagkalipas ng limang oras na pagliligpit at paglilinis ng bahay ay naisipan na rin niyang magluto ng gabihan kasama kanyang mga anak. Mayamaya ay tumititig siya sa mga ito.
Dumating na rin si Alfred galing trabaho at natigilan nang mapansing nakaayos siya. "Saan ka galing?" bungad ito sa asawa.
"Wala, dito lang sa bahay."
Hindi naniniwala si Alfred. "Anong wala? Tignan mo nga ang sarili mo?" bulyaw nito sa kanya.
"Alfred, nasa harapan tayo ng mga bata." Mahinahon pa ring sagot ni Cherry kahit nauubos na kanyang pasensya rito.
"Basta, sagutin mo na lang ang tanong ko," giit niya pa. "Huwag mong sabihin na nag-apply ka ng trabaho."
"Hindi ako nag-apply ng trabaho at kung mag-apply man ako, anong problema mo roon?"
"Hindi mo na nga maasikaso nang maayos itong bahay pati mga anak natin, naghahanap ka pa problema sa sarili mo."
Ganoon na talaga kasarado ang isip ni Alfred pagdating sa kanya. Ganoon na lamang wala itong pakialam sa nararamdaman niya. Talagang nag-iba na ito ng ugali o baka di pa niya lubusang kilala ang asawa.
"At nagawa mo pang nagpaganda, para saan?" dagdag pa nito.
Napakagat ng labi si Cherry sa inis na nararamdaman niya na tila sasabog na ito ngayon. Bukod sa naiinis na nararamdaman niya kay Jared ay mas lalo pang dinagdagan ni Alfred.
"Wala na ba akong karapatan magpaganda?" Hindi na niya napagilan sumagot sa asawa. Sumusobra na kasi ito. "Wala na ba akong karapatan magtrabaho sa labas para di na ako nanghihingi sa'yo ng pera panggastos dito sa bahay?"
"Aba, sumasagot ka na ngayon ah!"
"Sumusobra ka na, Alfred. Gusto mo ikaw parati ang sundin ko kahit mali," giit ni Cherry na may halong pangduduro sa asawa. Pansin iyon ng kanilang mga anak subalit wala na siyang pakialam na roon. Ang mahalaga ngayon ay mailabas niya ang hinaing kay Alfred. "Oo asawa mo ako pero di mo hawak ang buhay ko. Iyan ang isaksak sa sarado mong isip."
Akmang pagbubuhatan na sana ng kamay ni Alfred si Cherry nang pigilan nito ang sarili.
"Sige, saktan mo ako para makita ng mga batang kung gaano kasama ng kanilang ama."
Kaagad na lamang umatras ang lalaki at nagmadaling naglakad palabas ng dining area. Iniwanan niya ang mag-iina na di pa tapos kumain.
Pagkatapos niyon ay hilamusan mga anak bago niya ito pinatulog. Napansin niyang mahimbing ang pagkakatulog ni Alfred sa kanilang kama. Tahimik niya itong pinagmamasdan hanggang sa tumulo nanaman kanyang luha. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niya maranasan mga ito. Sobrang hirap pero hindi siya pwede sumuko dahil kailangan siya ng kanyang mga anak.
Kinabukasan ay ipinagkatiwala muna ni Cherry sina Carina at Cyprus sa kanyang bunsong kapatid na si Daryl. Bakasyon nila ngayon kaya sinamantala niya ang makapagtrabaho sa loob ng dalawang buwan. Maliban sa pagtatrabaho sa restaurant ni Aling Marietta ay nagbebenta siya ng mga school supplies at gift items sa pamamagitan ng pag-aalok sa mga kapitbahay.
"Ikaw na muna bahala sa kanila, Daryl," paalala nito sa kapatid.
"Walang anuman po, Ate Cherry," nakangiting sagot ng binata.
"Huwag na huwag mawawala ang paningin mo sa kanila, ah. Napakakulit ng mga 'yan," muli pa niyang paalala habang pinagmamasdan mga anak na tutok sa paglalaro. "Itong mga kalat dito. Huwag mo ng pansinin. Ako na lang bahala magligpit nito mamaya pagdating ko. Maliwanag?"
Mangangatwiran pa sana si Daryl ngunit kaagad siyang kinontra ng kanyang ate.
"Huwag mo ng alalahanin mga 'yon. Ang tutukan mo lang ang mga bata." Nagpaalam na muna si Cherry sa kanyang mga anak saka na lumabas ng bahay.
Walang alam kanyang asawa tungkol sa kanyang mga ginagawa. Ang pagtatrabaho kay Aling Marietta, pagbebenta niya sa labas ng mga merchandising products at pagbabantay ni Daryl sa kanyang mga anak sa loob ng kanilang bahay. Alam niyang bawal ang pagpapasok ng kung sinuman sa kanilang bahay kahit kaanak pa niya pero mas nanaig sa kanya ang kumita at iwanan mga anak sa bahay.
Naglalakad na siya patungong resto ni Aling Marietta nang makaramdam siya ng panghihina at panghihilo. Pagkarating niya rin roon ay may napuna kanyang mga katrabaho.
"Ayos ka lang ba, Cherry?" tanong ng isa nilang cook. "Pansin ko kasi mukhang namumutla ka at matamlay."
"Ayos lang ako. Hindi lang kasi ako nakakapagbilad sa araw." Pilit niyang pinalalakas ang sarili dahil kailangan niya makaipon ng pera bago ang pasukan.
"Hindi eh. Basta may kakaiba sa'yo ngayon. Di ba?" Sumanguni ang ilan.
"Dapat hindi ka na muna pumasok," suwestiyon ng kasamahan niyang waitress.
"Di pwede umabsent. Sayang ang oras at araw."
Matapos niyon ay nanahimik na ang lahat dahil unti-unti ng dumarami ang mga customers.
Pinipilit ni Cherry imulat kanyang mga mata at tatagan ang sarili subalit nagulat na lamang kanyang mga kasama sa bigla niyang pagbagsak. Mabuti na lamang ay binitawan niya ang tray na bibitbitin niya sana para ibigay sa customer.
"Cherry!" sigaw ng kanyang mga kasamahan at kaagad siya inalalayan.
"Ma'am Marietta, si Cherry po hinimatay," sumbong ng kanilang cook sa may-ari ng resto.
"Ano?" gulat na saad ng ginang at madaling nagtungo sa kusina.
Walang ginawa si Aling Marietta ay iwanan muna kanyang restaurant at ipinagkatiwala sa kanyang anak na si Jake.
Dinala niya si Cherry patungong hospital famit ang tricycle ng kanilang kapitbahay. Pagkarating roon ay kaagad siyang sinuri ng doctor. Mga ilang sandali ay kinausap siya nito.
"Ano po nangyari sa kanya, Doc?"
"Kaano-ano niyo po ang pasyente?"
"Kaibigan niya po ako."
Tumango ang doctor na kumonsulta kay Cherry. "Sa ngayon kailangan niya magpahinga ng mahabang-habang oras upang bumalik sa normal kanyang blood pressure," paliwanag pa nito.
"Bakit, Doc? High blood po ba siya?"
"No. Bumababa ang dugo niya dahil sa sobrang stress at pagkapagod." May sandaling isinulat ang doctor sa papel at ibinigay iyon kay Aling Marietta. "Painumin niyo siya ng gamot para mabilis na bumalik ang sigla ng kanyang pangangatawan at bumalik rin sa normal kanyang blood pressure."
Tumango kaagad ang ginang pagkakuha ng papel. Binasa niya kung ano nakalagay doon. "Maraming salamat po."
"Sige, mauna na po ako."
Pagkaalis ng doctor saka niya tinignan si Cherry. Mahimbing ang tulog nito. Kita sa mukha niya ang pagkaputla. Nakaramdam naman kaagad ng pagkaawa ang ginang sa sinapit ni Cherry.
Mga ilang sandali ay tinawag niya ang asawa nito ngunit hindi sumasagot. "Kahit kailan wala talagang kwenta itong asawa mo," mahinang sabi pa niya.
Nagmamaneho ng kotse si Jared hanggang sa tumigil siya sa may kulay berde na gate. Lumabas siya kaagad at pinindot ang doorbell. Ilang segundo kanyang paghihintay ay kaagad bumukas ang gate. Bumungad sa kanya ang kapatid na bunso ni Cherry na si Daryl karga si Cyprus at nakakapit sa kaliwang braso nito si Carina.
Nagulat ang binatilyo at napakunot kanyang noo nang makita siya. "Kuya Jared?" Sandali siyang umatras ng isang hakbang mula sa kinatatayuan ng lalaki. "Ano po ginagawa niyo rito? Pasensya ka na pero hindi ko gusto na makita kayo ngayon dahil sa ginawa mo kay Ate Cherry."
"Nandito ba siya? Can I talk to her?" Pag-iiba niya ng pahayag.
"Bakit pa, Kuya Jared? May asawa ng iba si Ate Cherry at matagal na kayong hiwalay."
"Alam ko. Gusto ko lang siya makausap kahit sandali lang." Pamimilit pa ni Jared. Nais niya pa rin talaga makausap ang dating kasintahan baka sakaling matanggap nito kanyang paghingi ng tawad. Alam niya sa sarili na bawal ito pero mas pinili niya nais nararamdaman ng puso niya na kausapin si Cherry kahit ilang sandali lamang.
"Wala si Ate dito. Nasa hospital siya." Natigilan ang binata sa kanyang narinig. "Huwag mo na sana dagdagan pa pinoproblema niya."
Itatanong na sana niya ngunit mabilis na sinarhan ni Daryl ang gate saka naglakad papasok ng bahay.
Mas lalong hindi mapakali si Jared nang malaman niyang nasa hospital si Cherry. Namumutawi sa kanyang isipan ngayon ang labis na pagsisisi sa ginawa niya sa dating girlfriend. Iniwan niya ito at nakipaghiwalay para sa kanyang pamilya at sariling pangarap na magtrabaho sa ibang bansa. Hindi niya ipinaglaban kanilang pag-iibigan noon. Kung nagawa niyang magpakatapang at pinanindigan si Cherry, sila pa sana ngayon. May sarili sana silang pamilya. Masaya at maalagaan niya ng husto ito hindi tulad sa nakikita niya ngayon.
Nakaisip siya ng paraan kung paano makakapunta sa hospital naka-confine ang ex-girlfriend. Hinanap niya ang room assignment nito. May nakasalubong siyang nurse na babae at nilapitan niya.
"Miss, pwede makahingi ng favor?" Kumuha siya ng limang libo sa wallet at iniaabot sa babae. "Magbabayad ako basta gawin mo lang ipapasuyo ko sa'yo."
Bigla namang kinabahan ang nurse. "Ah Sir mas mabuting sa iba niyo na lang iutos 'yan." Halatang kabado ang babae dahil baka sa kung anong balak na masama ni Jared.
"Hindi, Miss. Mali ka ng iniisip. I'm good, ok? Hindi ako criminal." Diretsahan ng pahayag ni Jared. Pansin niya kasi ang takot sa itsura ng nurse. "I'm good. Look at me." Tumitig siya sa mata ng babae. "Do you have a boyfriend?"
Nalito naman ang babae sa naging tanong niya. "Mali ka ng iniisip. I'm just wanted to know if you have a boyfriend."
"Mayroon po," sagot ng nurse na kaninang takot na takot at ngayon nalilito sa sinasabi ng binata sa kanya.
"You love him?" tanong pa uli ni Jared sa kanya. "If you love him, gagawin mo lahat right?"
Tumango ang nurse. "Ganoon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao. Teka, bakit mo naitanong sa akin 'yan, Sir?"
"So you believed in love. Kaya kinausap kita just let me help to do this."
Hindi pa rin maintindihan ng nurse ang sinasabi ng binata sa kanya.
"Gusto ko pumunta ka sa room 905 at magpanggap na ikaw ang nurse ni Cherry Mae Llaguno. I-confirm mo kalagayan niya saka ka bumalik dito."
"Ah, ganoon po ba Sir? Sige, pupuntahan ko po siya. Tutulungan ko kayo. Kayo po ba boyfriend ng pasyente?"
"No. I'm the ex-boyfriend." May itatanong pa sana ang babae ng pigilan na niya ito.
"Can you please go and check for her?"
Nakaramdam ng awa ang nurse kaya kaagad na siyang naglakad papasok sa nasabing room. Naupo lamang si Jared at hinihintay ang pagbalik ng babae. Umaabot ng kinse minutos kanyang paghihintay.
"Mukhang ok naman po siya at kailangan lang niya ng matinding pahinga, Sir. Sabi ng ginang nagbabantay sa kanya kakainom lang daw ng gamot nito sa low blood."
"Maraming salamat, Miss. Heto ang bayad sa pangagambala ko sa'yo."
Ngumiti ang nurse pagkatanggap ng pera saka nagpasalamat. Nagmadali rin ito umalis dahil marami pa raw pupuntahan siyang pasyente.
Dumiretso kaagad si Jared sa kung saan magbabayad ng hospital bills.
"Huwag niyo po sana ipapaalam ang tungkol dito, Ma'am." Tumango ang cashier bilang pagsang-ayon sa kanya. "Gusto ko lang tulungan siya sa bills dito sa hospital kaya 'yon."
"No problem po, Sir. Safe po sa akin ang boluntaryo niyong pagbayad sa hospital bills ni Mrs. Llaguno."
"Thank you much."
Pagkagaling niya ng hospita ay umuwi na muna siya sa kanilang bahay. Nakasalubong ni Jared kanyang panganay na kapatid na si Julian.
"Saan ka galing?"
Hindi kaagad siya nakasagot dahil di alam kung paano sasagutin ang tanong.
"Sa ex-girlfriend mo?"
Napalingon ang binata sa kapatid. Nagtataka siya kung paano nito nalaman na si Cherry ang pinuntahan niya.
"Di ba pinagsabihan na kita, Jared? Na iwasan mo na 'yang ex-girlfriend mo? Pero pinuntahan at nakipagkita ka pa rin." Kitang-kita sa mukha ni Julian ang pagkainis.
"Gusto ko lang malaman kung ok siya, kuya," paliwanag niya.
"Wala ka dapat pakialam doon dahil may sarili na siyang buhay. Ano ka ba naman, Jared? Napakatagal na niyon, binabalikan mo pa? Hindi para sa'yo si Cherry."
"Pinipilit ko sarili na kunwaring walang pakialam pero hindi ko mapigilan lalo na kung nakikita ko siya nahihirapan at lalo na sobrang pagsisisi ko sa sarili na hiniwalayan siya noon dahil naging makasarili ako at duwag," katwiran ni Jared.
"Ano nanamang pagtatalo ito ah!" singit ng kanilang ina sa usapan. "Totoo bang narinig kong nakikipagkita ka kay Cherry?"
Tumango lamang si Jared at pilit niyang pinipigilan ang pagtulo ng luha.
"Kalimutan mo na ang babae na 'yon, Jared. Hindi siya na nababagay sa'yo," saad muli ng kanyang ina. "Si Kelly ang nararapat maging girlfriend at mapapangasawa mo."
"Alam ko, Ma. Hindi niyo matatanggap si Cherry kahit kailan. Hindi niyo siya gusto para sa'kin kasi kasing level lang natin siya."
"Anong sinasabi mo, Jared?" muling sambit ni Julian.
"Di ba totoo naman? Ayaw niyo sa kanya dahil mahirap lang siya at gusto niyo 'yong mayaman para makuha niyo ang gusto niyo, di ba?"
Bahagyang umatras si Jared ng dalawang beses. "Kaya, bukas babalik na ako sa U.S para magawa ko ang gusto niyo. Huwag na kayo mag-alala dahil wala naman na pag-asa sa amin ni Cherry dahil may sarili na siyang pamilya." Ngumiti ng pilit ang binata. "Doon sa States ako magmo-move na pinapangarap niyong gawin ko."
Pagkatapos, iniwanan niya mga ito at muling sumakay sa kanyang kotse.