webnovel

The Four Powerful Element [Tagalog]

KishJaneCy261928 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
23 Chs

Dark

Francene's Pov

Kanina pa ako nag-iisip kong paanong nangyari 'yon? May powers din ba 'yong babaeng 'yon?

Kailangan kong malaman ang totoo!

"Rayne" napatingin naman ako kay Lloyd na tumawag sa akin. "What?" Nag memeryenda ako ngayon dito sa garden. "Okey na 'yong mga papeles." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong pinapagsabi about papeles thingy?

"Anong sinasabi mo?" Natawa naman siya sa akin. "Pupunta na tayo kong saan dapat tayo nababagay." Napatayo naman ako sa sinabi niya. "No, way! Hindi natin alam kong anong ka kaharapin natin doon." Ayoko pang harapin ang mga walang hiyang pumatay sa magulang ko para makuha lang nila ang trono.

"Kailan mo ba gusto? Kailangan na nating bumalik. Hindi tayo nababagay sa mundo ng mga tao. Dahil hindi tayo normal na tao!" Tumingin naman ako sa kaniya seryosong seryoso siya sa mga sinasabi niya. Isa lang ang ibig sabihin wala nang makakapigil sa decision niya.

"Isa lang hihilingin ko p'wede bang isang linggo pa akong manatili dito?" Tumingin naman siya sa akin at tumango. Lahat ng mga nandoon may mga kapangyarihan hindi ako makakakilos ng maayos doon hindi katulad dito sa mundo ng mga tao nagagawa ko ang gusto ko.

"Lloyd" tawag ko sa kanya tumingin naman siya sa akin at nagtaka. "May sasabihin ako," ikiniwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon. "Maaaring isa siya," anong minemean niya na isa siya?

"Water ang ability niya Rayne isa lang ang ibig sabihin non isa siya sa mga katulad natin." Kailangan kong makita ang babaeng 'yon at ng malaman ko ang totoo.

"Mukhang hindi mainit ang ulo mo ngayon, a?" Tinaasan ko naman siya ng kilay ko. "So gusto mo hintayin mo pa na uminit ang ulo ko?" Natawa naman siya sa akin. "Nagbibiro lang ako." Sinamaan ko lang siya ng tingin at iniwan siya.

Lumabas ako ng bahay kailangan kong mag libot libot dahil huling isang linggo ko na lang dito.

Habang naglalakad ako may nakita akong babae na hinawakan nang lalaki na pinipilit na isinasama sa kaniya.

Sinundan ko sila at nakaabot na sila sa talahiban. Napahinto ako nang makita ko kong gaano umitim ang aura ng lalaki at ang mata niya naging kulay itim.

"Kuya huwag mo akong patayin," naiiyak na sabi ng babae. Tumawa naman ng parang demonyo ang lalaki at inihiga niya ang babae.

Lumapit ako sa kanila "bitawan mo siya!" Napahinto naman ang lalaki sa ginagawa niya sa babae. "Huwag kang makialam dito kong ayaw mong pati ikaw madamay!" Pagbabanta niya sa akin.

"Im not scared!" Nag smirk ako sa kaniya at hinarap niya ako. "Umalis kana!" Mariin na sabi ko sa babae "Pero paano po kayo?" Tinitigan ko naman siya "Sinabing.umalis.ka.na!" Agad naman siyang napatakbo.

"Sino ka ba at nakikialam ka? Gusto mo ba maging isang usok nalang?" Galit na sabi niya at nakita kong napapaligiran na kami ng makapal ma mga usok. "Fire" sabi ko sa isipan ko at agad nagkaroon ng liwanag dahil napalibutan kami ngayon ng mga usok at apoy. Nabigla naman siya sa nangyari.

"So dark pala, a." Nabigla naman siya sa sinabi ko at nalaman ko ang kapangyarihan niya. Nag smirk din siya sa akin "Fire" sabi niya sa akin.

"It's good combination right?" Natatawang sabi ko sa kaniya pero hindi siya natawa. "Pag sisihan mo kong bakit nakialam ka pa!" Agad akong tumitig sa kaniya at napatigil siya. "Aaahhhhhhhhhh" sigaw niya at natunaw ang buo niyang katawan. "Weak" bago ako umalis sa lugar na 'yon. Kumakalat na pala sila dito? Hindi ako na inform kailangan 'tong malaman ni Lloyd.

------------------------------------------------------------------------------

Windy's Pov

Saan na kaya ngayon sila ngayon? Nakiramdam ako sa paligid dahil pakiramdam kong may sumusunod sa akin. Nagtuloy tuloy lang ako nararamdam ko siya lala na't hangin ang power ko.

Papunta ako ngayon sa isang napakalayong lugar at ako lang mag-isa. Sawang-sawa na kasi ako sa buhay ko kaya 'to magpapakalayo layo muna ako.

1:30 pm na pala parang kanina lang 8:30 am palang ni hindi man lang ako nagutom ako napagod. Walang tao puro kahoy lang ang nandito nasa gubat na ako or else nasa pusod na ako ng gubat.

Nakiramdam ako sa paligid dahil pakiramdam ko may naka tingin sa akin. "Don't stare me like that," bulong ko sa hangin. Seriously im a little bit scared but kailangan hindi ako matakot sa mga ganitong pagkakataon.

Naramadaman kong unti-unting natutunaw ang mga katawan ko at nilalamon nang liwanag. Anong nangyayari sa akin? Parang hinihigop ako.

----------------------------------------------------------------------------

Wayne's Pov

Nandito ako ngayon sa library hinihintay ko si Leigh. Ang tagal ng babae na 'yon? Mga ilang minuto dumating na rin siya.

"Wayne punta mona tayong court, nood tayo ng laro," hindi pa ako nakakasagot hinila niya na ako. "May quiz kaya tayo Leigh," pero hindi niya ako pinansin. Ang daming tao, may laro siguro.

"Leigh ang ingay naman dito," seriously ang dami kasing sumisigaw na mga babae halos puno pa ang tao hindi tuloy kami makahanap ng p'wedeng p'westuhan

"Leigh," napalingon ako sa tumawag kay Leigh. Natigilan ako ng makilala kong sino. "Hiro yeiihh galingan mo," masayang sabi sa kaniya ni Leigh. "Leigh alis na ako, a." Paalis na sana ako nang may humatak sa akin pabalik. "Sinong nagsabi sayong aalis ka?" Nabigla ako nang si Hiro ang humila sa akin.

"Magkakilala kayo?" Tanong sa amin ni Leigh. "Ahm hindi Leigh--" nang pinutol ni Hiro ang sasabihin ko. "Yes, she is my girlfriend," halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Girlfriend mo siya Hiro? Wow.. Ikaw Wayne, a. Hindi mo sinabing kayo ng pinsan ko," pang-aasar sa akin ni Leigh. Ngumite lang ako sa kaniya tapos tumingin ako kay Hiro na masama 'yong tingin sa akin.

--------------------------------------------------------------------------

Leigh's Pov

Hindi pa rin ako makapaniwala na si Hiro and Wayne. Can't imagine na napagtiisan ni Wayne ugali ni Hiro. Bad boy kaya 'yon hayy maitanong nga si Wayne.

"Paano naging kayo?" Natigilan naman siya sa tanong ko. Nandito kami ngayon sa isa sa mga park ng school. "Ah mahabang kwento, e." Napanguso naman ako halatang ayaw niyang sabihin sa akin. "Grabe share share naman diyan.." Tumingin naman siya sa malayo. "Hindi ko rin kasi alam kong paano, basta next time sasabihin ko at aalahanin ko kong paano." Tumango naman ako sa kaniya.

"Hindi ka pa ba gutom?" Tanong ko sa kaniya. "Gutom na, tara lunch na tayo." Kinuha namin sa bag 'yong baon namin. Wala kami ngayong klase dahil busy ang mga teacher. "May quiz pa tayo mayang 1:30 pm wala pa tayo nakapag review." Sabi ni Wayne mukhang ayaw mabagsak ni Wayne, a.

"P'wede naman tayong mag review after nito," tumango naman siya. "Anong tawag diyan sa ulam mo?" Tanong ko sa kaniya hindi ko kasi alam haha. "Ito ba? Kamatis naman itlog haha, tsaka ginisang monggo," mukha siyang masarap. "P'wedeng pahinge," napatigil naman siya sa sinabi ko. "Seriously?" Tumango naman ako, hindi naman ako ma arte sa ulam.

Binigyan niya naman ako ng ulam niya na itlog at monggo. "Ikaw gusto mo nitong fried chicken and tocino?" Tumanggi naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Kumain na ako ng ulam na binigay niya. Actually ang sarap haha makapaluto nga nito sa house.

"Hey, bakit ako wala?" Lumapit sa amin si Hiro at tumingin siya kay Wayne na humihinge rin ng ulam niya. Natatawa ako ngayon ko lang nakitang ganito si Hiro. "Huwag ka na mauubos na ulam ko, o." Mukha namang na badtrip si Hiro. "Edi wag kong ayaw mo!" At lumakad na palayo haha. For the first time ngayon ko lang nakitang huminge ng ganon si Hiro.

Natapos na kami ng Lunch at papunta na kami ng room. Hindi man lang namin napansin na malapit na pala mag 1:30 pm. Napatigil si Wayne sa paglalakad niya kaya lumapit ako sa kaniya. "Bessy anong nangyari?" Napatigil din ako ng lumiwanag ang kamay ko na parang unti-unti nawawala nakita ko rin na ganon ang nangyari kay Wayne. Halos wala na akong makita puro liwanag nalang at ito nga unti-unti akong hinihigop ng liwanag. Hindi ko na alam kong anong nangyari kay Wayne dahil sa liwanag.

*****

NOTES: BY THE WAY NAKA POSTED DIN PO ITO SA WATTPAD. SEARCH NYO NA LANG PO ANG USERNAME KISHJANECY261928. COMPLETED NA PO ITO KASO NON-EDITED PA PO KAYA SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERROR AT TYPO HOPE Y'ALL UNDERSTAND, THANK YOU.