webnovel

The Four Powerful Element [Tagalog]

KishJaneCy261928 · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

Meet Each Other

Franscene Pov

Nagising ako sa isang kwarto na napakalawak at ang mas nakakamangha may mga kasama ako mga tulog pa sila. Lahat kami may kaniya-kaniyang kama.

Shit! Napahawak ako sa bunganga ko sa pagkabigla! Totoo ba to? Nandito ako sa mundo namin. Sa mundo kong saan hindi normal lahat nang bagay.

Nandito kami sa underworld? Pero paanong nangyari na napunta kami dito? At bakit kasama ko tong mga to?

Napatingin ako sa isang babaeng gising na rin. Nabigla ako nang mapagtanto ko kong sino sya?

"Windy?" Kaya napatingin rin siya sa akin. "Ilisha.." Pa-paanong nandito siya?

"Anong nangyari? Bakit tayo magkasama? Sino sila?" Tanong nya sa akin. Napatingin ako sa dalawa parang pamilyar ang mukha nang isa!

Oh shit! Hindi ako nagkakamali siya ang babae na nakalaban ko nong isang araw.

---------------------------------------------------------------------------------

Windy Pov

Nangyari kay Ilisha? Akala mo kong nakakita nang multo? Nagising na ang tinitignan nya? Seriously? Bakit magkakasama kami.

Nakakamangha rin sa lugar na ito dahil parang may magic. Lahat kasi nang bagay dito ay kumikinang. Tapos parang may mga shooting star na nakapalibot sa amin.

"Where i am?" Tanong sa amin nang kagigising lang na babae. "I don't know yet." sagot ko sa kanya. Pero nabigla sya nang tumitig siya sa akin at natuptop nya ang labi nya.

"Diba ikaw si Windy? Yong may-ari nang school?" Haha seriously? Masyado talaga akong famous.

"Yes, so?" Sagot ko 'di porket magkasama kami makikipag close na ako. Masyado akong maganda para diyan, right?

Tumingin naman siya kay Ilisha. "Diba ikaw yong isang araw?" Tanong nya dito. "Yes," sagot agad ni Ilisha. Tumingin naman siya sa kabilang kama at doon yong isang babae.

-------------------------------------------------------------------------------

Wayne Pov

Ginigising ko si Leigh. Pero tulog mantika ata 'to, e. "Leigh!!" Nagising naman siya nang sigawan ko siya sa tainga.

"Ano ba natutulog pa ako, e!" Sagot nito sa akin. Seryoso ba siya? Ganito siya kong makatulog?

Napakaganda naman sa lugar na ito nang mapatingin ako sa labas. Yong mga puno nakalutang at may mga naglalaro. Kakaiba itong lugar na ito dahil ang mga nilalaro nila ay kanilang mga kapangyarihan..

Nagising na rin si Leigh. Salamat naman kong gano'n ang hirap niya kayang gisingin.

"Saan tayo?" Tanong niya sa akin. "Hindi ko rin alam, e. Pero kakaiba itong lugar na'to." Sagot ko sa kaniya.

"Tama ka kakaiba nga." Sagot niya.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may bigla nalang na sumulpot na nilalang sa harapan namin. Halos masilaw ako sa liwanag na dulot niya.

Nakita ko ang mukha nya nang mawala ang liwanag. Napakaganda nya para siyang isang dyosa.

Halos mapanganga ako nang ngumiti siya sa aming apat.

-------------------------------------------------------------------------

Leigh Pov

"Mabuti at gising na kayong apat." Sabi sa amin nang kakarating na babae. Napakaganda nya sobra walang maipagkukumpara sa kaniya kahit na sino mang mga naging Ms. Universe sa anking ganda nya.

"Sino kayo?" Tanong ni Ilisha, kilala ko siya dahil fame naman siya sa school sa pagiging mainit ang ulo.

"Hindi nyo na dapat pang malaman. Ngunit may mission kayo." Anong ibig nyang sabihin na mission?

"What do you mean?" Tanong ni Windy, i know her too dahil siya ba naman ang may-ari nang school na pinapasukan ko.

"Hindi kayo normal na tao." Hindi kami normal na tao? Seriously? Oh? I got it! Dahil may kakaiba nga sa akin may angkin akong lakas at napapagaling ko ang sarili ko. At napakalapit ko sa nature gayon rin sa mga hayop.

"Kong gayon po, ano kami?" Tanong ni Wayne sa kaniya. "Wala nang panahon para ipaliwanag ko pa. Naghahasik na sila nang lagim sa mundo nang mga tao. Kaya kong gayon sasanayin namin kayo sa loob lamang nang isang linggo. At babalik na kayo sa mundo nang mga mortal upang gawin ang dapat gawin."

Nagkatinginan naman kami ni Wayne gano'n din si Ilisha at Windy. "Hindi ako isang kalaban o ano pa man. Kayo ang itinakdang makakatalo sa kanila kaya nagsusumamo akong gawin nyo ito. Alang-alang sa inyong mga ina."

Anong ibig nyang sabihin na mga ina?

"Malalaman nyo ang sagot sa lahat nang niyong katanungan kapag natapos nyo na ang inyong misyon. Kaya magsisimula tayo bukas na bukas din dahil sa ngayon kailangan nyo munang maglibot sa buong kaharian."

Sagot niya mula sa aming isipan. Nakakapagtaka lang paano nya nagawang kausapin kami sa aming isipan. At nalaman nya pa ang mga tanong na bumabagabag sa aming mga isip.