webnovel

The Former Villain

I am Jax Blaine. I already forgot this feeling long time ago. Caring and loving someone is already deleted in my vocabulary. Unfortunately, didn't expect I felt those things again because of that lady.

Parisfrans99 · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
57 Chs

Chapter 19

Kitkat Reyes' POV

Coincidence lang ba ang lahat? Bakit napaka-timing naman na nandiyan pa 'yong tatlong gangs?

"Ahhhh! Ano na naman ba kasalanan ko sa 'yo? Diba ikaw 'tong may kasalanan sa 'kin gago ka?" gigil na tanong ni Alfonso. Kita ko pang nanginginig siya sa takot.

Kahit ako na nakakita sa pangyayari natatakot nga, siya pa ba mismo.

"I'm just bored."

Pareho kaming nagtataka sa simpleng sagot niya. Dahil d'on nagmumura na naman si Alfonso.

"Hayop ka! Gago ka! Bitawan mo 'ko't susuntukin kita!"

Napanganga naman ako sa katangahan niya. Pati siya nagulat din sa kanyang sinabing 'yon dahil nagbago agad ang expression niya.

Mabilis namang tumango si Jax. "Okay!"

At binitawan niya ito nang walang pagdadalawang-isip.

"JAX!" sigaw ko at napalapit sa kanila.

Narinig ko rin ang sigawan sa baba nang bitawan ni Jax si Alfonso. Pati ako gusto kong murahin si Jax ngayon.

Pero nakahinga ako nang maluwag at napahawak sa dibdib ko nang marinig kong nagmumura si Alfonso habang nakakapit 'yong dalawang kamay niya sa bakod na tinatayuan ni Jax.

"Tell your boss to stop planting a spy on me!" sabi niya habang naka-crossed arms at may tinitingnan sa ibaba.

Sinundan ko naman ang tiningnan niya at nakita kong nakatingin siya sa gawi ng Gold Snakes.

'Spy? Anong ibig niyang sabihin?'

Sabi na nga ba! Hindi siya titigilan hanggat 'di siya napapaalis ng mga ito. Pero ba't do'n siya nakatingin sa Gold Snakes at hindi sa gawi nina Clark?

Target na rin siya ng Gold Snakes? Impossible kasi hindi sila mangingialam kung wala silang kinalaman. Isa iyon sa naging patakaran nila. Minding each other's business. Alam ko 'yon kasi sumasama ako kina Clark noon at kinikwento din niya 'yon sa 'kin.

"Hindi naman kita ini-spy! Alam mo namang kahapon lang ako nagising dahil sa kagagawan mong hayop ka! Hindi pa nga ako nagpakita kay Franz kasi 'di ko alam pa'no magpaliwanag sa kanya!"

Agad akong napatakip sa bibig dahil sa gulat sa sinabi ni Alfonso.

"Spy ka ni Franz?" 'di makapaniwala kong tanong. Tumingin lang sila sa 'kin saglit at binalewala ako.

So ibig sabihin kaaway ni Jax si Alfonso? Kaya ba niya ito ginagawa sa kanya?

"I know! He planted another idiot on me so that means you're not useful to him anymore."

Nakita kong ngumisi si Jax at kumaway pa sa gawi nina Franz at ng dalawa pang gangsters.

'Nagawa pa niyang asarin ang mga ito? Nahihibang na ba siya? Hindi ba siya takot mamatay eh alam naman niya kung gaano sila ka-brutal!'

Nag-iba din ang paningin ko kina Clark nang malaman ko kung ano talaga ang ibang pinaggagawa nila. Pati na rin 'yong sa nangyari sa bestfriend ko.

"Ano? Teka pwede ba? Tulungan mo nga ako rito! Gago ka! Alam mo naman palang hindi ako 'yon! Ba't mo ginagawa sa 'kin 'to?"

Sakto namang tumunog ang bell, sign na magsisimula na ang klase. Ang ibang estudyante naman ay nagsialisan na pero 'yong iba ay nanunuod pa rin. Nakita ko ring umalis na ang tatlong gangsters at nakakapagtakang wala silang ginawa sa pinaggagawa ni Jax.

Ayaw kasi nilang may ibang kukuha ng atensyon ng mga tao rito kundi sila lang. Ayaw nilang maapakan ang kanilang pride.

Kahit ang hirap pang i-process sa utak ko nang malaman kong spy pala si Alfonso, nakahinga naman ako nang maluwag nang tinulungan siya ni Jax. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila paitaas.

"M-mag-iingat kayo!" paalala ko sa kanila. Baka kasi silang dalawa pa ang mahulog diyan.

Tiningnan ko si Jax. 'Hindi ba talaga siya takot umakyat diyan? Minsan nacu-curious talaga ako kung totoong tao ba talaga siya. Saan kaya siya galing?

Hanggang ngayon kasi sobrang mysteryoso pa rin niya sa 'kin.

Nagulat naman ako nang pagkababa nila sa bakod, biglang sinugod ni Alfonso si Jax para suntukin. Buti na lang naiwasan niya ito pero nasipa niya si Alfonso sa binti at napagulong ito sa sahig.

Agad itong tumayo at muling sumugod kay Jax para suntukin ulit kaso gan'on pa rin ginawa ni Jax. Napagulong ulit si Alfonso pero nilapitan ito ni Jax at kwenelyuhan tsaka hinila patayo at binugbog. Tatlong sipa at tinamaan niya rin ang sikmura ni Alfonso gamit ang kanyang tuhod tsaka panghuli ay sinuntok nang malakas sa mukha.

"Jax! Sumusobra ka na!" sigaw ko sa kanya.

Alam ko namang galit siya kay Alfonso kasi nalaman niyang spy pala ito pero bakit pa niya ito binugbog?

Parang nakikita ko sa kanya sina Clark kung magalit. At parang katulad kina Lance kung makipag-away.

Ganyan ba talaga siya? Akala ko tahimik lang siya at focused sa pag-aaral? Kasalanan ko ba talaga kung ba't siya nagkaganyan? Dahil sa na-involve siya sa 'kin at naging target siya nina Clark kaya...

Hindi ko na alam! Nalilito na talaga ako sa mga pangyayari!

"Is that what you've got for training in a year? Fight me real next time if you can. Show me if you're worth my time!"

Training? Anong pinagsasabi niya?

"Tsk! Tangina!" parang wala sa sariling mura ni Alfonso habang pinapahiran ang kanyang labi na dumudugo. Nakakapagtaka lang hindi niya minumura si Jax ngayon. Na parang na-bothered siya sa sinabi nito.

Agad kong nilapitan si Alfonso tsaka tutulungan sanang tumayo kaso nakayuko ito at pinunasan ang kanyang mata gamit ang palad niya.

Suminghap ako. "Umiiyak ka?" 'Di makapaniwalang tanong ko.

"Bweset! Kelangan ba talagang sabihin 'yan nang malakas? Ikaw ba muntik ng mamatay 'di ka iiyak? Ikaw kaya ihulog ko diyan! Tangin... Aray!"

Sinapak ko na. "Ba't ka sa 'kin nagagalit?"

"Engot!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Jax na umirap lang habang nakatingin sa 'min. "The class has been started," sabi pa niya at tinalikuran kami tsaka umalis.

Tiningnan ko si Alfonso at naaawa ako sa kanya. Kahit naman nalaman kong spy pala ang engot na ito, naaawa pa rin ako.

Binigyan ko siya ng panyo tsaka tinulungan sa pagtayo. Kaso nang makatayo na siya bigla na lang akong binatukan.

"Ba't 'di mo 'ko tinulungan kanina?" pagmamaktol niya.

"May magagawa ba ako ha? Hindi na kami friend n'on. Tinataboy na niya ako!"

"Naging friend kayo?" nagdududa niyang tanong.

"H-hindi! Hindi ko alam!"

"Malabo 'yong magkaro'n ng kaibigan sa ugali pa lang! Alamin mo nga kahinaan n'ong gagong 'yon at pagtulungan nating sirain!"

Dahan-dahan kaming naglakad papuntang pinto papasok sa building.

"Wag mo 'kong damayin diyan!"

"Engot ka nga! Sinaktan ka rin niya naman ah!"

"Kailangan ba talagang ipamukha 'yan ng paulit-ulit! Diyan ka na nga!" Sinimangutan ko siya tsaka naunang naglakad.

Nang pagbaba ko sa unang hagdan, natigilan ako nang makitang nakatayo si Jax na parang hinihintay kami. Natigilan din si Alfonso sa likuran ko.

"Done with your dramas? Let's go!" simple niyang sabi kaya nagkatinginan kami ni Alfonso.

"May split personality kaya siya?" bulong nito sa 'kin.

Nang makalapit kami nakita kong may inabot siyang isang papel kay Alfonso. Titingnan ko sana iyon pero hinila na niya ako paalis.

Nang lingunin ko si Alfonso, nakita kong nagulat siya sa kanyang nabasa.

"Ano 'yong binigay mo?" tanong ko kay Jax habang kinakaladkad pa rin niya ako. Ang bilis niya kasing maglakad.

"None of your business!"

Tinikom ko na lang ang bibig ko tsaka sumimangot.

'Diba sabi niya layuan ko siya at hindi ko siya dapat lapitan? Pero ano 'tong ginagawa niya?'

Isa pa ba't niya nalamang nand'on kami? Sinusundan ba niya kami?

Nang makababa na kami sa building na 'yon ay binitawan na niya ako at nakasunod na lang ako sa kanya. Nasa kabilang building pa kasi ang room ng 1st subject namin.

Pagpasok namin sa loob ng room, humingi ng paumanhin si Jax at ipinaliwanag niya kung ba't kami na late. Reason pa niya ay dahil may nahuli siyang rule breaker at kinailangan pa niya itong i-discipline.

'Yong mga kaklase ko naman nagsi-iwasan ng tingin nang alam nilang tinutukoy ni Jax ay 'yong sa rooftop.

Aakalain siguro nilang rule breaker si Alfonso.

Pagkaupo namin, sinulyapan ko siya ng ilang beses pero busy lang siya sa pagsusulat at 'di man lang siya lumingon sa gawi ko. Bumuntong-hininga ako.

Nawalan pa ako ng chance na ibalik sa kanya ang jogging pants niya.

Bago umalis ang prof namin, nagbilin pa siya ng bayarin para sa upcoming event next week. 350 php pa ito. Kasama na raw 'yong gastos sa mga props at ng t-shirt. Si Jax naman ang mangongolekta kasi siya ang top 1.

Nang makalabas si prof, tumayo si Jax sa harap at naglapag ng isang bondpaper at ballpen. "Pay first before going out," sabi pa niya at nag-crossed arms.

Nagsipilahan naman ang mga kaklase ko para magbayad. Tumayo din ako para pumila habang tiningnan ang pitaka. Isang yellow na papel at tatlong 5 pesos lang ang laman. Bumuntong-hininga ulit ako bago kinuha ang nag-iisang five hundred.

Nahihiya kasi akong magpadagdag ng allowance kay mama kasi humingi na ako sa kanya last week. Nang ako na magbayad, hindi ako makatingin sa kanya kaya dali-dali akong nagpirma sa bondpaper at umalis.

Parang takot akong kausapin siya ngayon.

Sa 2nd at 3rd subject naman, hindi ko pa rin siya magawang kausapin. Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko na lang ang sarili kong umiiwas sa kanya. Alam ko rin naman kasing ayaw niya akong kausapin at palapitin. Isa pa, mainit pa rin ang issue naming dalawa.

Sa tuwing dadaan ako, pinag-uusapan pa rin nila ako pero 'di ko na pinansin. Sanay naman na ako rito. Kahit n'ong issue pa nina Clark at Noreen.

No'ng lunch break nakita kong pumunta si Jax sa cafeteria kaya isa sa dahilan kung ba't 'di na ako pumunta roon. Pinakadahilan talaga ay nag-titipid ako.

Nakakapagtaka lang, hindi ko pa nakikita ang mga gangsters simula kanina. Milagro. Sana gan'to na lang palagi.

Sa ngayon gusto ko munang mapag-isa. Sa dami ng nangyari at parang sobrang bilis pa nito, nakaramdam ako ng pagod. Masakit pa ang ulo ko sa dami ng mga iniisip plus gutom pa.

Mamayang gabi na ako kumain para tipid.

Ba't ba kasi kailangang three times a day kumain?

Naisipan kong pumunta sa rooftop. Ito lang kasi ang lugar kung sa'n walang tao sa gan'tong oras kasi sobrang init. Tirik na tirik 'yong araw. Tanghaling tapat kasi.

Kumuha ako ng armchair na in-abandon na dito kasi luma na at medyo sira na rin pero mauupuan pa naman. Dinala ko ito sa kung saan 'di natatamaan ng araw. Pinagpagan ko ito tsaka umupo at humukdong.

'Buti na lang talaga malakas ang hangin.

Pinikit ko ang mata ko at dinadama ang hangin... na medyo mainit, kaso ilang minuto pa lang biglang may kumalabit sa likuran ko.

Agad ko itong nilingon pero nagtataka lang ako nang makita ang isang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa 'kin at nakangiti pa.

"Want some?" tanong niya at ipinakita ang isang plastic na naglalaman ng packlunch. Tiningnan ko lang siya at hindi inimikan.

"Pft! Sorry for not introducing. I'm new here. I saw you coming here so I followed you."

"Bakit naman?"

"You're Kitkat right?" nakangiti niyang tanong.

Mukha siyang mayaman dahil sa ganda ng kutis niya at ng damit niya. Gwapo rin at may tatlong piercing sa magkabilang tenga. May piercing din sa isang kilay at sa labi. Pero bagay naman sa kanya.

Tumango ako sa kanya kahit nagtataka. "Pa'no mo nalaman?"

"I always hear your name whenever I went. And I just know it's you when I saw you with Jax at the other building's rooftop this morning."

'Jax? Kung makabanggit siya sa pangalan nito parang kilala niya.'

"Kilala mo si Jax?"

Ngumiti na naman siya. Inabot niya sa 'kin ang dala niyang pagkain kaya wala akong choice na tanggapin iyon.

"Eat it. It's yours... Wait!" Umalis siya sa harapan ko para kumuha ng isa pang armchair. Dali-dali ko namang inamoy ang pagkain sa plastic pa lang.

'Mukhang ang sarap!'

Gutom na gutom na ako pero nakakahiya namang kumain nito. Hindi ko pa siya kilala eh!

Nang makabalik siya, pumwesto siya sa tabi ko tsaka umupo.

"I know you're hungry. I bought it for you. Don't be shy. I'm the one who offered it."

Tiningnan ko ang pagkain at alam kong hindi niya ito binili sa cafeteria. May brand kasi.

"Bakit naman?"

"Just wanna be friends with you... If it's okay..." sabi niya at muling ngumiti.

Nagdadalawang-isip akong tumango kasi ngayon ko pa lang siya nakita.

Si Alfonso hindi ko naman kaibigan 'yon, lalo na si Jax. Kung tutuusin wala akong kaibigan.

Tumawa siya tsaka kinuha ang kamay ko at hinand-shake. "You can call me Aki," pakilala niya.

"I-I'm Kitkat!" natataranta kong sabi. Nabigla kasi ako sa paghand-shake niya.

"I know hahaha! You're cute!"

Nahiya naman ako sa biglaang puri niya.

"It feels so good to have a friend. By the way, eat that and don't mind me," sabi niya at humikab tsaka humukdong sa armchair.

Mukha naman siguro siyang mabait. New transferee din nga siya. Ngayon ko lang din siya nakita rito. Isa pa, parang si Jax lang na napadpad dito eh mukha namang sobrang yaman. Kaso magkaiba lang ang ugali nila.

"Sure ka kakainin ko ha?" pag-uulit ko para sigurado. Bahala na. Offer niya naman at gutom na gutom na ako.

Tumango lang siya nang nakahukdong pa rin tsaka nag-thumbs up.

"I'll just take a nap. Tell me if you'll leave Kitkat. I'm tired haha!"

Tumango ako kahit 'di niya nakikita. Feeling niya talaga close na kami.

...

Itutuloy...