Kitkat Reyes' POV
Gabi na pero nandito pa rin ako sa gym, hinihintay matapos ang practice ng mga basketball players.
Ito ang parusa na binigay ng student council sa 'kin. Ang paglilinis ng gym tuwing gabi sa loob ng isang linggo.
Sabi niya magaan lang daw ang parusa ko kasi hindi ko pa alam ang new rules pero hindi pa nga ako nag-uumpisa napapasimangot na ako.
'Anong magaan eh ang laki nitong gym!'
Hindi naman ganito ka-strict dati ang student council. Mas takot pa nga sila sa gangsters kaya nagmukhang ang tatlong gangs ang mas kinatatakutan dito. Sila ang batas noon na kahit ang head of the committee eh walang magawa. Pero ngayon hindi ko alam kung anong mangyayari na si Jax na ang president.
Isa pa hindi ko rin nakikita ang ibang gangsters maliban kay Noreen. Parang tahimik yata sila. Hindi rin naman ako pumunta sa cafeteria kanina kasi ako lang pag-uusapan doon at nagtitipid din ako.
'I will kill you!'
Paulit-ulit kong naaalala ang mukha niya habang sinasabi iyon. Para kasing... ang hirap ipaliwanag.
Bago niya ako pinalabas sa detention kanina, may sinabi pa siya na ikapanatag ng loob ko kahit kunti.
"Nothing happened between us. Why would I waste my time on you when you don't even look tasty?"
"Why you're confused about it when you can even tell..." kinunutan ko siya ng noo. "You're a virgin, aren't you?" dagdag pa niya na ikinalaki ng mga mata ko.
Bumuntong-hininga ako. Buti na lang. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin kung may nangyari nga. At buti bumalik siya sa dating masungit. Mas mabuti na 'yon kesa sa mga inakto niya kanina. Ayoko nang makita siyang gan'on. Natatakot ako.
'Pero what if gan'on talaga siya?'
'Ay hindi! Hindi gan'on si Jax!'
'Pero bakit n'ong sinabi niyang papatayin niya ako parang totoo? Na parang nagawa na niya iyon dati? Ibig bang sabihin nito kaya hindi siya takot sa Mysterious Knights at hindi pa siya napapaalis ng mga ito kasi mamamatay siyang tao?'
'HINDI! Hindi nga sabi eh! Kung anu-ano na lang pumasok sa isip ko. Impossibleng gan'on si Jax! Kahit masungit at tinataboy niya ako mahal ko pa rin 'yon!'
Bumuntong-hininga ako. Nababaliw na siguro ako. Isa pa, hindi ko rin alam magiging reaction ko kung... kung gan'on talaga siya.
Ang dami ko pang gustong itanong sa kanya pero hindi ko na matanong 'yon. Kasi hindi ko na siya pwedeng lapitan. Pinapalayo na nga niya ako dahil ayaw na ayaw niya sa 'kin.
At 'yong mga halik niya ay ginawa niya lang 'yon kasi ginamit niya lang ako. Kasalanan ko naman talaga. Kasi ni minsan hindi siya naging mabuti sa 'kin, ako lang itong dumidikit sa kanya.
Palagi niya akong tinataboy, binabara at tinatarayan. Hindi din siya nagpakita ng motibo na gusto niya ako. Tinatrato niya lang ako 'tulad ng pagtrato niya kay Alfonso.
Hmm ano kayang nangyari sa engot na 'yon?
Nang matapos na mag-practice ang basketball players, tumayo na ako sa inuupuan ko dala-dala ang mga panglinis ng sahig. Umalis 'yong ibang players pero iba sa kanila ay napansin ako at pinag-uusapan. Hindi ko na lang sila pinansin kasi sanay na ako.
Kaso nagtaka ako nang lumapit sila sa 'kin. Kinakabahan tuloy ako. Nagiging paranoid na siguro ako ngayon dahil sa mga nangyari.
"Hi! Gusto mo bang sumama sa 'min? Hangout lang saglit?" tanong nang isa sa kanila.
Umiwas ako ng tingin at umiling para umalis na sila. Hindi ako komportable rito.
"Sus wag ka nang mahiya! Tayo tayo lang naman at libre din namin."
"Umiinom ka ba?" tanong ng isa pa.
Umiling ulit ako at tinalikuran na sila kaso hinawakan n'ong isa 'yong braso ko para pigilan ako. Pilit ko itong bawiin pero hindi niya binatawan. Nagsimula na akong kabahan.
"Ito naman saglit lang eh! Ba't pumayag ka d'on sa transferee na 'yon? Kase mayaman at gwapo? Mayaman din itong kaibigan ko oh! Hahaha!"
"Bitawan mo nga ako. Ayoko nga sabi!"
"Alam naming brokenhearted ka. Ikaw ba naman ipagpalit ng Clark na 'yon tas paglaruan nong Jax Blaine. Nandito kami handang samahan ka sa pag-emote!" Sabi n'ong may hawak sa braso ko at nagsitawanan sila.
Ito. Ito na ang tingin ng lahat sa 'kin.
"If I were her, I would also love to accept my offer and be with a handsome like me to a grand hotel, than being with you who don't have a face to be proud of and can't even afford any cheap room!"
Bigla kaming napalingon lahat sa naka-crossed arms na si Jax dala-dala ang seryoso niyang expression. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki kaya napabitaw ito sa braso ko.
'Yong iba sa kanila ay agad na umalis nang makita nilang si Jax ito at naiwan 'yong lalaking humawak sa 'kin kanina at ang kasama niyang hinihila siya paalis.
"Kung sino makaasta! Ikaw lang ba mayaman dito?" galit na sigaw niya kay Jax.
"Pre halika na!" paghila n'ong isa.
Ganyan sila umaakto kung ang kabilang ng gangsters ang kaharap nila. Pero ngayon, si Jax lang naman 'yan.
"Handsome and rich? Yes. I have both while you don't have the face. By the way, how can you define rich? Maybe we have different definitions."
Napanganga ako sa kanya. Siguro gan'to lang talaga si Jax. Wala kasing pumapansin sa kanya noon kaya wala siyang kaaway. Kaya 'di nakikita itong side niyang gan'to.
Naalala ko nga n'ong natapunan siya ng coke ni Lance, kung hindi ko siya hinila paalis ay parang aawayin na niya si Lance. At n'ong time na una kaming nag-meet, parang anytime ay aawayin niya din ang Mysterious Knights n'on kung hindi ko din siya hinila.
OMG! OMG! Tama ba itong naiisip ko?
"Halika na sabi! Hindi ka kasi pumunta sa court n'on kaya 'di mo alam ang nangyari!"
At dahil do'n nahila na 'yong lalaking may hawak ng braso ko kanina n'ong kasama niya.
Nakakunot-noong lumapit sa 'kin si Jax at may binigay siya sa 'king paperbag na ngayon ko lang napansin kasi mas naka-focus ako sa sitwasyon kanina.
"Don't drag me into this! Finish your task immediately so I can go home too! Tsk!"
Pagkatapos n'on ay umalis na siya habang naiwan akong nakatingin sa laman ng paperbag.
'Jogging pants?'
Hindi ko sana gustong ngumiti kaso hindi ko naman ito kontrolado.
Binilhan ba niya ako nito kasi naka-dress lang ako?
OM...
Pero naalala ko na naman ang sinabi niya.
'Don't assume things on your own!'
...
Kinabukasan, nagdadalawang-isip akong pumasok kasi ako lang din naman ang pag-uusapan nila. Ayoko ring makita sina Noreen at Clark at ng myembro nila. Baka kasi magkasalubong lang kami.
Kaso naiisip ko palang si Jax, gusto ko nang pumasok. Alam ko pinapalayo niya ako kaso gusto ko lang siyang makita. Baka mamaya may mangyari na namang hindi ko alam.
Isa pa kailangan ko ring isuli sa kanya ang jogging pants. Nilabhan ko ito kaagad para mabilis matuyo. Pero paano ko siya kakausapin?
Sa huli, nag-ready na ako para pumasok. Buo na ang decision ko at papasok talaga ako!
Tiningnan ko 'yong allowance ko, kunting-kunti na lang talaga nito. Next week pa naman magpapadala si Mama.
'Hay!'
...
Nakayuko akong pumasok sa gate ng paaralan kasi alam ko sa 'kin na naman sila titingin. Kaso biglang may nanghila sa 'kin at mabilis akong kinaladkad.
"Hoy! Ba't ngayon ka lang?"
"Anong hoy ka diyan! Manahimik ka muna may itatanong ako sa 'yong importante!" sagot ni Alfonso at tumitingin pa sa paligid na parang may tinitingnan kung may nakakita ba sa 'min.
"Sa'n mo nga ako dadalhin? At ano okay ka na ba?"
"Engot! Sabing manahimik ka!" Huminto siya saglit para takpan ang bibig ko at tsaka patuloy kaming naglalakad. Tumitingin pa rin siya sa paligid na parang isang paranoid.
Halatang-halata naman siya kung makatingin sa paligid. Engot talaga!
'Kini-kidnap ba ako ng isang 'to? Kung maka-asta 'to parang close kami!
Sinapak ko ang kamay niya at nagpupumiglas. Nang bitawan niya ang bibig ko huminga ako nang malalim.
"Oo na! Oo na! Manahimik na!" gigil na bulong ko sa kanya.
Dahil sa parang may tinataguan siya, nagiging cautious na rin ako. Nang makapunta kami sa rooftop, agad niya akong hinila sa pinakagilid at tiningnan muna ang paligid kung may tao ba.
Huminga siya nang malalim. Pareho kaming kinakapos ng hininga.
"Anong nangyari? Wala akong maalala eh! Bigla na lang akong nagising na nasa boarding house na ako!"
Napanganga ako sa sinabi niya at tinakpan ang aking bibig sa gulat. Kumunot ang noo niya pero unti-unting nanglaki ang kanyang mata nang ma-realize niya ang reaction ko.
"Wag mong sabihing ikaw din?" takang tanong niya.
Tumango ako. "Ikaw din? Dalawang araw akong tulog. Nagising ako na nasa kwarto na ako. Pagdating ko dito kahapon ang dami ng nangyari!" Paliwanag ko sa kanya.
"Tanginang Jax Blaine na 'yan! Naalala ko nag-uusap pa kami n'on eh tas bigla-bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo. Pagkagising ko nalaman ko na lang na dalawang araw na pala ang lumipas!"
"Siya ba ang tinataguan mo papunta rito?"
"Sina Franz din! Ayoko muna silang makita! Kahapon alas 4 na ako nagising kaya hindi na ako pumasok. Tangina! Anong ginawa niya sa 'tin?"
"Hala!" napatakip ako sa bibig ko nang may na-realize ako. Hinihintay naman ni Alfonso ang sasabihin ko at alam kong pareho kaming kinakabahan.
"Ibig bang sabihin nito nilagyan niya ng drugs ang softdrinks n'on? Eh hindi siya uminom n'on, kumain lang," paliwanag ko.
Oo nga, naalala ko hindi uminom ng drinks si Jax no'n!
Napaisip naman si Alfonso tsaka nanglaki ang kanyang mga mata. "Nakaubos ako ng softdrinks n'on!"
Parang nag-sink in lahat ng nangyari n'ong gabi 'yon. Pero bakit kaya ginawa niya iyon? Bakit niya kami pinatulog?
"Hindi ko ba talaga lubusang kilala si Jax?" wala sa sariling kong sabi.
Bigla naman akong hinawakan ni Alfonso sa magkabilang balikat at seryoso niya akong tiningnan na parang may sasabihin siyang hindi maganda.
"B-bakit?"
"Nagising ako n'on n'ong tulog ka... Pero nang idilat ko ang mata ko, tinutukan na niya ako ng baril!"
Muli na naman akong napanganga sa gulat. Hindi agad ako nakapag-react kasi ang hirap i-process ng sinabi niya. Kinakabahan ako na ewan.
"N-nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Oo nga!"
"Bakit ka naman niya tinutukan ng b-baril?"
Nakita kong medyo nagulat siya sa tanong ko pero hindi niya iyon pinansin.
"At alam mo bang n'ong tinanong ko kung anong gagawin niya sa 'yo, sinagot niya lang 'I did something to her."
Iniba niya ang usapan kaya binalewala ko na lang ang tanong kung ba't siya tinutukan ng baril ni Jax kasi mas na-curious ako sa huli niyang sinabi.
"A-anong ibig mong sabihin?"
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. May ginawa ba talaga sa 'ming kakaiba si Jax? Kasi bakit pareho kami ni Alfonso na walang malay sa loob ng dalawang araw?
Para talagang may nangyari nang hindi ko alam.
"Hindi ko rin alam kung anong ibig niyang sabihin," simple niyang sabi kaya naman walang pagdadalawang-isip ko siyang binatukan.
"Nakakainis ka!" sigaw ko. Tinakpan niya agad ang bibig ko.
"Sabing manahimik ka baka may makarinig sa 'tin dito!"
Nang bitawan niya ang bibig ko ay muli ko siyang sinapak at sinamaan ng tingin.
"Ano? Totoo naman sinabi ko! Hindi niya sinabi kung anong ginawa niya sa 'yo. Pero ngayon alam ko nang may ginawa siya sa 'tin! Nagka-heart to heart talk pa kaming dalawa tas ito lang igaganti niya? Tanginang Jax Blaine na 'yan!"
"Wag mo ngang murahin si Jax!"
"Tsk! Engot! Narinig ko eh ginamit ka lang daw niya. Nalaman ko lahat ng nangyari sa 'yo kahapon at sa issue n'yo ni Jax. Alam naman nating tatlo na walang nangyari sa inyo pero pinapalala niya ang issue! Tsk! Hindi ka mahal no'n!"
Sumimangot naman ako sa kanya. "Oo na! Kailangan bang ipamukha ha? Uulit-ulitin mo ba 'yan kitang nasasaktan na ako rito!"
Tinitigan niya ako nang kakaiba. Na parang nagpipigil siya ng tawa kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"May sasabihin ako sa 'yo. Theory ko lang ito pero malapit ito sa katutuhanan."
Lumapit siya sa 'kin habang nagpipigil ng tawa.
"Jax Blaine is a member of a mafia."
Kumunot ang noo ko. "Mafia? 'Yan ang theory mo?"
"Yes! A mafia that is selling someone's organ!"
"Tigilan mo nga 'yang kaka-english mo 'di bagay sa 'yo!"
Natawa naman siya pero ilang sandali lang ay muli siyang nagseryoso.
"Hindi nga ito biro. Baka siguro isa siyang member ng mga sindikato at nangunguha ng mga parte ng katawan para ibenta. Diba 'yon 'yong mga moves nila? Dadalhin tayo sa hotel at mawawalan ng malay tsaka kukuhanan tayo ng kidney at magigising na lang tayong parang walang nangyari? Organ trafficking?"
Nanglaki ang aking mata at agad na tiningan ang aking katawan para tingnan kung may tahi ba. Pero napasimangot ako nang biglang bumuhakhak ng tawa si Alfonso.
"Kahit kailan engot ka talaga naniwala ka pa! Hahahaha! Engot!"
"Nakakainis ka na!"
"It's not kidney. It's your ribs that were sold."
Napaupo kaming dalawa sa gulat ni Alfonso nang biglang may nagsalita sa gilid. Nakita naming si Jax na nakasandal malapit sa pinto at nagyoyosi.
Bago kami mag-react kung pa'no siya napunta diyan nang hindi namin namamalayan, sabay muna kaming tumingin ni Alfonso sa may ribs namin.
"Tsk! Idiots!"
Napasimangot kaming tumingin sa kanya nang na-realize naming nagbibiro lang siya. Eh kasi naman parang totoong-too ang pagkasabi niyang 'yon. Dahil na rin sa pareho kaming nagtataka ng engot na 'to kung ba't kami walang malay sa 2 days, naniwala agad kami!
Nakita ko na ngumiti siya saglit pero humithit siya ng yosi at muling sumeryoso na ang mukha niya. Na malikmata ba ako? Guni-guni ko lang ba iyon?
Agad siyang binomba ng tanong ni Alfonso pero hindi niya ito sinagot. Ako naman nagdadalawang-isip na lumapit sa kanya.
Itinapon niya sa sahig ang yosi at tsaka nilapitan si Alfonso. Pero...
Pero kwenelyuhan niya ito at kinaladkad papuntang bakod.
'Teka parang nangyari na ito ah...'
Mabilis niyang inangat si Alfonso sa bakod katulad ng nangyari noon. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon. Umakyat siya sa bakod at hinatak din paakyat si Alfonso at itinulak.
"JAX!" sigaw ko para pigilan siya habang natatarantang lumapit sa kanila.
"AHHHHH! TANGINA MO JAX BLAINE! TANGINA MO! WAG MO 'KONG BITAWAN GAGO KA!"
Katulad ng dati, kung bibitawan ni Jax ang kwelyo nito, mahuhulog ito. Nakapatong pa rin sila sa bakod pero naka-slanting na si Alfonso. Buti nga lang 3rd floor lang itong building na pinuntahan namin.
Gaano ba siya kalakas at kaya niyang buhatin si Alfonson ng ganyan?
Dali-dali ko silang nilapitan pero napahinto ako nang sinamaan ako ng tingin ni Jax. "Move closer and we'll jump!" sigaw niya sa 'kin.
Dahil sa nagsisigaw si Alfonso, agad akong tumingin sa ibaba. At nanglaki ang mata ko nang makitang ang dami na palang nakatingin sa amin dito...
Kabilang ang tatlong gangsters na nakatingala sa amin.
...
Itutuloy...