webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

Chapter 4

Loey.

Day 2 in cruise ship. Gumising ako na masakit ang ulo dahil sa hang over kagabi. Kinapa ko sa side table ang phone ko to check the time.

But I forgot that we are travelling around Asia kaya 'di ko alam kung anibg oras na ba talaga.

Nang makita ko ito ay napakaraming missed calls.

Galing kay Mommy, kay Dad, kay Ate, meron din missed calls galing sa lahat ng members.

Nagpapa contest ba sila kung sino ang sasagutin ko?

I smiled and decided to send them a group message.

I'm Okay, I'm still alive. Don't worry, if you're all thinkinh na tatalon ako sa dagat, hindi ko gagawin 'yon, baka hindi niyo mahanap katawan ko. So Stop checking on me, I just want to be free for now. I'll be back soon. I miss you all.

Tapos sinend ko sa kanilang lahat at pinatay ko na ang phone ko para hindi na nila ako istorbohin.

Bumangon na ako at nagtungo sa resto ng barko.

Umorder ako ng breakfast. Gutom na kasi ako dahil kagabi pa ako hindi kumakain. Sausage, egg and fried rice lang ang inorder ko.

Pagkatapos kong makuha ang pagkain ko ay pumwesto ako sa table kung saan kita ang view ng dagat.

I was about to eat the first spoonful of my food when somebody greeted me.

"Good morning."

Nagtatakang inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino iyon.

Walang iba kundi yung babaeng singkit pero malaki ang mata kahapon na akala niya magpapakamatay ako.

Si weird girl.

Kung kahapon ay galit siya, ngayon sobrang lapad naman ng ngiti niya na sa'kin.

Walang dudang weird nga siya.

"What?" Sabi ko sa kanya na nakakunot ang noo.

"Pwede bang makishare ng table?" Tanong niya habang hawak niya ang tray niyang may pagkain.

I stared at her, crossed arms and grin.

"I thought you were angry at me? Bakit gusto mong maki share ng table sa'kin?" Sarkastikong tanong ko.

Ahuh. Now I get it, siguro isa 'tong stalker fan na nagpapapansin lang.

Walang patumpik tumpik na umupo siya sa harap ko na parang hindi narinig yung sinabi ko.

"Unang-una, wala na kasing ibang bakante," aniya sabay lingon sa paligid.

Well totoo nga, puno lahat ng table.

"Pangalawa, hindi mo naman siguro pag-aari ang table na ito 'di ba? Kaya pwedeng ishare sa iba," aniyang nakangiti ulit.

Hinawi niya yung buhok niya bago nagsalita muli.

"Lastly, maikli lang ang buhay para sayangin lang sa pagtatanim ng galit. Mas mabuting puno na lang, makakatulong pa sa environment." Aniya tapos nilaparan pa ang pag ngiti. 'Yong ngiting hindi na makita yung mata.

I rolled my eyes at nagpa-iling iling ako, saka itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

Akala ko ay kakain lang siya nang matiwasay at hindi ako papakialaman, pero bigla siyang nag initiate ng conversation.

"Ako nga pala si Rose Marie Parque. Ikaw?" Anito.

Napataas ako ng kilay at ngayon ko lang na realize na hindi pala ako kilala ng babaeng 'to.

Seriously? I'm Peter pan's main rapper. How come you don't know me?

I rolled my eyes. She is annoying.

Tiningnan ko siya at naiiritang sinagot siya.

"I'm not interested, you only wanted to share a seat so don't initiate a conversation with me okay?"

She is unbelievable, kahit sinusingitan ko na siya ay nginitian parin niya ako.

"Naniniwala kasi ako sa motto na, share a seat and win a friend," She said and kept smiling.

I clenched my teeth out of my annoyance to her. Napatayo na ako dahil nawalan na ako nang gana.

Ayoko talaga sa lahat ay yung ini invade yung privacy ko.

"Sa'yo na 'tong table," sabi ko sabay umalis dala yung tray ng pagkain ko.

Nagtungo ako sa kwarto ko at dun itinuloy ang pagkain.

Kakaiba din ang isang iyon.

Isang beses nga lang kami nagkasalubong feeling close agad.

Akala ko naman stalker fan, tapos hindi pala ako kilala?

O baka naman nagppretend lang?

Maikli lang ang buhay para sayangin lang sa pagtatanim ng galit. Mas mabuting puno na lang, makakatulong pa sa environment 'diba?

Sumagi sa isip ko ang sinabi niya.

I smirked.

Paano ba hindi magtanim ng galit? Kung napaka unfair naman ng mundo sa'yo, maiisip mo pa bang maging masaya?

Palibhasa wala siguro siyang problema kaya nasasabi niya 'yon. At in the first place, ano bang pakialam ko sa sinasabi niya?

I bet she won't understand the pain I have.