webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
80 Chs

♥ CHAPTER 100 ♥

✿ Dean Carson's POV ✿

Kasalukuyan akong nakasandal ngayon sa pader sa tabi ng pintuan ng kwarto ni Syden. Madaling araw pa lang at wala kaming balak na magpahinga. Sa dami ng nangyayari ngayon, hindi na pwedeng matulog pa kami ng maayos dahil anytime, pwedeng may lumusob sa amin pero bago pa man nila magawa ang plano nila ay uunahan ko na sila.

Nakita kong papalapit na sina Oliver, Stephen at Caleb sa akin kaya umayos na ako ng tayo at tinignan sila, "You're leaving now?" tanong ng mga ito dahil alam nilang may lakad pa ako. Sinigurado ko munang mahimbing ang tulog ni Syden bago ko siya iwanan dahil may kailangan akong puntahan ng ganitong oras.

"Yah" napatingin ako sa pintuan ng kwarto niya bago sila muling tinignan, "Bantayan niyo siya at huwag na huwag niyong iiwan" sambit ko sa kanila, "How about you? Wala ka bang kasama?" tanong ni Oliver.

"I can handle myself. Mas kailangan niyo siyang bantayan kaysa samahan ako" saad ko kaya tumango sila. Lumabas na ako ng Black House para pumunta sa destinasyon ko ngayong madaling araw. Lahat ng members ay hindi ko kasama dahil pinapahanap ko sa kanila si Nash na hanggang ngayon, nawawala pa rin. I want to know the reason kung bakit takot na takot siyang magpakita sa amin ngayon matapos siyang makipagsagutan kay Claude.

Ako lang mag-isa ngayon at hindi na ako naghanap pa ng makakasama ni isa sa mga members dahil kaya ko namang gawin ng mag-isa ang plano ko. Pumasok ako sa building kung saan makikita ang hinahanap ko. Natuwa na lang ako ng mapansin kong nakabukas pa ang classroom ng Redblades kaya siguradong gising pa sila. Nakita kong may dalawang members ni Roxanne na papunta sa direksyon ko kaya nagtago ako para hindi nila ako mapansin. Pagkadaan nila sa tapat ko ay tinutukan ko sila ng kutsilyo kaya napatingin sila sa akin at hindi nakagalaw, "Dean Carson, what do you need?" matapang na tanong nito na nginisian ko naman, "Turn around"

"What?" nagtatakang tanong nito.

"Turn around" inulit kong sabihin na ginawa naman nila. Dahan-dahan silang tumalikod sa akin at alam kong may gagawin sila kaya handa ako. Pagkatalikod nilang dalawa ay nagkatinginan sila at biglaang humarap sa akin. Sabay nila akong nilabanan at sinipa nila ako kaya nagkunwari akong natamaan sa ginawa nila. I just want them to run away. Nang mapaniwala ko sila na natamaan ako ay tumakbo sila papalayo sa akin kaya inihagis ko ang hawak kong kutsilyo sa pader para diretso itong tumama sa direksyon nila.

Kagaya ng inaasahan ko, tumama ang kutsilyong 'yon sa braso nilang dalawa kaya nanghina sila at napahawak dito. Alam kong malalim ang natamo nilang sugat kaya't bago ko sila nilapitan ay hinintay ko munang bumalik sa direksyon ko ang kutsilyong inihagis ko. Nang makuha ko 'yon ay inilagay ko ito sa bulsa ko habang may dugo pa at kaagad silang nilapitan na napaluhod na sa sahig.

Hinawakan ko ng mahigpit ang nasugatan nilang braso at sapilitan ko silang itinayo na dalawa at alam kong nasaktan sila sa ginawa ko, "Saan mo kami dadalhin?" tanong ng isa sa kanila ng isama ko sila sa paglalakad ko at hirap na hirap silang naglalakad.

"Nasa classroom niyo ba ang magaling niyong leader?" tanong ko sa kanila habang naglalakad kami sa hallway pero hindi sila nagsalita kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa braso nila kaya napadaing sila sa sakit at pilit na iniaalis ang pagkakahawak ko sa kanila, "Sasagutin niyo ako o puputulin ko ang braso niyong dalawa?" sambit ko kaya alam kong natakot sila.

"Oo, nandoon siya!" sagot ng isa sa kanila kaya mas napangiti pa ako ng masama. Mas binilisan ko pa ang paglalakad habang kinakaladkad silang dalawa lalo na ng makita kong papalapit na kami sa classroom ng Redblades. Pumasok ako doon kaya napatingin silang lahat sa akin at sa dalawang Redblades member na hawak ko. Nakita kong nakaupo si Roxanne habang nagaayos ng sarili niya at nabigla siya ng makita ako kaya napatayo siya. Itinulak ko sa harapan niya ang dalawa niyang members na mas ikinagulat niya pa, "Did you do this to them?!" tanong nito habang nakatingin sa kanila bago ako tinignan kaya ngumiti ako ng masama.

"What do you think? " sarcastic kong sabi na ikinainis niya.

"What do you want Dean Carson?" matapang na tanong nito kaya nilapitan ko siya at tinignan ng masama, "I want you to stop. Alam kong hindi niyo titigilan si Syden hanggat hindi niyo siya napapatay, but I'm telling you...tigilan niyo na siya and don't ever plan something bad against her dahil kung hindi- " nagsasalita pa lang ako ay humarang na siya, "Kung hindi, ano?"

"I would be forced to kill all of you at hindi lang ganyan ang mangyayari sa grupo mo" binalaan ko siya para siguraduhing magtatanda siya sa sinasabi ko.

"Really? Bakit hindi mo pa gawin ngayon? Kill me" saad nito na tinapatan ako, "What? Hindi mo magawa? Don't tell me mahal mo pa rin ako kaya hindi mo ako mapatay?" saad nito na ikinatuwa ko na lang ng masama, "I'm just warning you. Pumunta ako dito para balaan ka, hindi para patayin ka" sagot ko.

"Isa pa, ano sa tingin mo ang iisipin ni Clyde kapag narinig niya ang sinabi mo sa akin ngayon?" nakita kong parang nakonsensya ito kaya napangiti ako ng masana.

"I just heard my name" narinig kong may nagsalita kaya napatingin kaming lahat sa may pintuan kung nasaan si Clyde kasama ang ibang Phantoms.

"Dean Carson, what are you doing here?" tanong nito habang nakangiti ng masama at pumasok siya para lapitan kami ni Roxanne, "May ginawa ba siya sa'yo?" tanong nito kay Roxanne at umiling lang ito.

"Why don't you ask me na baka may ginagawang hindi maganda ang girlfriend mo habang wala ka?" sarcastic kong tanong dito na ipinagtaka niya kaya nagsalita si Roxanne.

"Why don't you just leave now? Bantayan mo ang girlfriend mo dahil baka siya ang may ginagawang hindi maganda habang wala ka" saad nito na mas lalo ko pang ikinatuwa.

"Bakit ko siya babantayan kung alam kong wala naman siyang gagawing masama?" sagot ko at nakita kong napangiti siya na parang hindi makapaniwala.

"Really? Ang bait mo sa kanya ngayon...but sadly, alam kong masasaktan mo rin siya physically kagaya ng ginagawa mo sa akin noon" dahil sa sinabi nito ay mas lalo pa akong natuwa dahil sa sasabihin ko sa kanya, "Oo nasasaktan kita noon pero hindi ko magawa sa kanya ngayon, kaya huwag mo siyang itulad sa'yo dahil magkaiba kayo" nakita ko ang sobrang pagkainis sa mukha niya kaya muli siyang nagsalita, "Let's see kung magtatagal pa kayo"

"That's why I'm giving you a warning. Tigilan niyo siya ngayon pa lang or else ako mismo ang tatapos sa buhay niyo!" masama kong sabi sa kanya.

"Threathening us? Sa tingin mo ba makikinig kami sa'yo?" tanong naman ni Clyde kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo dahil alam niyo kung anong kaya kong gawin" sagot ko kaya nagkatinginan kaming dalawa ng masama, "Malakas na rin ba ang loob niyo dahil nandyan ang Venom para sa inyo?" dagdag ko pa. Nakita kong napangiti sila ng masama na parang hindi mapakaniwala, "We would never ask someone to help us, even that group" sagot ni Clyde.

"Tell me, alam mong buhay si Claude hindi ba?"

"Alam ko man o hindi, wala akong pakielam sa grupong 'yon! We might be siblings but we're not that close para makipagkontiyaba sa plano ng isa't-isa. Kaya naming gumalaw ng hindi humihingi ng tulong sa iba kaya huwag mo kaming pagbintangan" 

Natawa na lang ako sa sinabi niya lalo na't seryoso silang dalawa, "Fine, if you say so" 

"Pareho nating alam kung anong kayang gawin ni Claude. Instead of being here and threatening us, bakit hindi kayo maghanda ng grupo mo kapag binalikan kayo ng Venom. They are targetting your group and the most important person in your life, Dean Carson" pagkasabi niya doon ay napangisi siya pati na rin si Roxanne pero hindi noon nabago ang itsura ko na nakangiti ng masama.

"That's why I'm here, para naman tigilan niyo na siya at malaman niyo kung anong mangyayari kapag hindi niyo siya tinigilan, you know what I can do. Isang salita ko sa mga members ko, ubos ang grupo niyo" saad ko sa kanila na bumalik sa pagiging seryoso. 

Sinamaan ko sila ng tingin at tinalikuran para umalis na, "Dean Carson" natigilan ako ng magsalita si Clyde kaya tumingin lang ako sa gilid ko, "This will be the last war here in Curse Academy. Many students will die and only few will survive" saad nito.

"It's a war between Venom and Black Vipers, don't you dare interfere kung gusto niyong mapasama sa mga makakaligtas" pagkasabi ko doon ay muli akong humarap at tumabi naman ang mga members nila sa daraanan ko. Muli akong naglakad para makabalik na sa Black House at malaman kung nahanap na ba nila si Nash. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko maiwasang mag-isip.

Clyde is right. This will be the last war, and I already know how it will end. 

To be continued...

Hi po dearest Queens and Kings, I hope you're all okay. I just want to announce that I will just have the two last updates for the story. Uulitin ko po, 2 last updates. Thank you and God Bless! Lavyu all!😘😍