✿ Syden's POV ✿
Nagising ako at nasira ang masarap na pagtulog ng marinig ko ang pabagsak at maingay na pagbukas ng pintuan ng Black House. Tumingin ako sa may bintana at madilim pa kaya siguradong madaling araw pa lang at kasabay noon ay ang paghuni ng mga ibon. Umupo ako at kinusot ang mata ko dahil sa biglaang paggising ko at napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko. Napansin kong may nakatayo sa labas ng kwarto kaya walang alinlangan akong tumayo at binuksan 'yon. Isa pa, hindi ko rin alam kung bakit ang lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng Black House na nakapag-pagising sa akin. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ko ang sarili ko bago binuksan ang pintuan.
Nagtaka na lang ako ng makita ko sina Oliver, Stephen at Caleb na nakatayo sa tapat ng kwarto ko at nakatingin sila sa iisang direksyon, "Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko sa kanila ngunit hindi pa rin sila tumingin sa akin. Napatingin na lang ako sa tinitignan nila at natigilan ng makita kong hawak nina Raven at Dave si Nash at sapilitang ipinaluhod sa harap ni Dean na nakatayo at seryosong nakatingin dito. Lahat kami ay nakatayo at seryoso silang lahat maliban sa akin na nagtataka kung bakit nila ginagawa 'yon kay Nash kaya hindi ko maiwasang mabigla.
"Explain everything, Nash. Nagkasagutan kayo ni Claude and suddenly, you went missing ng hindi namin nalalaman. Tell me, may tinatago ka ba sa amin?" seryosong tanong ni Dean sa kanya.
"I won't deny na may itinatago nga ako, pero hindi ko sasabihin ang nalalaman ko" seryosong sagot naman ni Nash sa kanya.
"At bakit naman? Dahil baka masira ang lahat ng plano mo?"
"It's not my plan, it's someone's plan, Dean"
"Pansin ko nitong mga nakaraang araw na iba ang ikinikilos mo at parang hindi ka mapakali" lumuhod ito gamit ang isa niyang binti para tapatan si Nash at nakita ko ring nakatali ang dalawang kamay ni Nash sa likod nito, "Tell me, what's your plan at sino ang kasama mo sa planong 'to?"
Nakita kong napangiti na lang ng masama si Nash bago nagsalita, "It's not me who should introduce him. Do what you want but I won't tell you anything" saad nito kaya nakita kong nainis si Dean at tumayo. Sinenyasan niya si Dave kaya tinanggal nito ang pagkakatali kay Nash at sinuntok niya ito ng malakas dahilan para mapaupo siya sa sahig. Pinunasan ni Nash ang labi niya at nakitang may dugo ang kamay nito bago muling tumayo, "Sa dami ng kalaban ng grupo ngayon, I won''t hesitate to kill all people na magbabalak na gumawa ng hindi maganda sa grupo. Don't ever think na bibigyan pa kita ng pagkakataong makatakas. This will be your last chance. Speak or die?"
"I'm sorry, pero kahit anong gawin niyo hindi ako magsasalita" sagot nito kaya nag-umpisa na nila siyang bugbugin. Lalapit na sana ako dahil naaawa ako sa kanya pero hinarangan ako ni Stephen kaya napatingin ako sa kanya, "Huwag mo ng ituloy ang balak mo" saad niya kaya nagsalita ako ng may pag-aalala, "Sinasabi mo bang hayaan ko na lang na mabugbog si Nash?" tanong ko dito na seryosong nakatingin sa kanila kaya muli kong tinignan si Nash na tinamaan ni Dave sa binti kaya napaluhod ito at mas lalo pang dumugo ang labi niya. Nakita kong sumenyas si Dean kaya tumigil silang lahat lalo na't napatingin siya ng masama sa may pintuan kaya lahat kami ay napatingin rin doon.
"The answer you want is finally here" pahayag ni Nash habang nakayuko at humihinga ng mabilis kaya sa kanya naman kami napatingin, "What do you mean?" nagtatakang tanong ni Dave. Hindi na sinagot pa ni Nash ang tanong nito hanggang sa muling pabagsak na bumukas ang pintuan ng Black House kaya muli kaming napatingin doon.
Nagulat ako ng may makita akong dalawang lalaki na naka-itim na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng nakabukas na pintuan. Ang isa sa kanila ay hindi kita ang mukha dahil nakasuot ng hood at kalahati lang ng mukha niya ang nakikita namin. Habang ang isa naman ay nakablack-mask kaya't mata niya lang ang nakikita namin at ng magtama ang mga mata namin ay nagtaka na lang ako dahil mukhang pamilyar siya sa akin. Humakbang sila ng isang beses papunta sa amin kaya pare-parehong naglabas ng kutsilyo ang Vipers habang nanatili pa ring nakatayo ang dalawa. Nakita kong napangiti na lang ang lalaking naka-hood at nagsalita, "So, this is Black Vipers? Extemely dangerous, I see" saad nito.
"Sino kayo at anong ginagawa niyo dito?" matapang na tanong ni Dean sa kanya.
"That's a very good question, Dean Carson. I am taking Nash away from you if you would just kill him" sambit nito.
"And do you think we'll let you do that?"
"I am the person he has been taking commands. I am just saving him just like how he saved me 4 years ago in Chained School" pahayag pa nito kaya nagtaka kaming lahat habang nakayuko pa rin si Nash.
"What do you mean? Who are you?" tanong ni Dean sa kanya.
"Baka nakakalimutan niyo, I am still the supreme student council president of Chained School" dahan-dahan nitong tinanggal ang suot niyang hood at nabigla na lang ang Vipers ng makita nila ang itsura niya. He has blue eyes na napakagandang tignan kahit na sa malayo.
"I am Zorren Kai Estacion" saad pa nito.
"N-no, it can't be! How?!" pagtatakang tanong ni Dustin kaya napatingin siya dito, "I believed your leader knew that I am alive. I sent you my signature to give you a warning" sambit nito sabay tingin kay Dean na parang expect na niya na magkikita sila kaya napangiti siya ng masama, "Warning for what Zorren?"
"That Claude is alive"
"Tell me, ano ba talagang kailangan mo sa amin? Are you planning to kill us too kagaya ng Venom kaya mo ipinadala si Nash sa amin?" tanong ni Dean at tinutukan niya ng kutsilyo si Nash kaya napatingala ito. Nakita kong naging masama na rin ang tingin ni Zorren dito at may inilabas siyang armas na ikinagulat ko dahil hindi lang ito basta-basta kutsilyo. Isang kakaibang armas na ngayon ko lang nakita.
"I'm telling you Vipers. Don't make a wrong move dahil isang hagis ko lang sa armas na 'to, lahat kayo madadaanan at diretsong mamamatay" matapang na sabi naman nito. Ibang-iba ang pagsasalita nito sa lahat at sadyang nakakatakot lalo na't sa hawak niyang blade. Nagkatinginan lang sila ng masama at naging tahimik habang seryosong hawak ng lahat ang mga kutsilyo nila, "Badly, my blade doesn't deserve a Viper's blood. It seeks everyone of Venom's blood" maayos nitong tinignan ang hawak niyang armas na parang kasama na niya ito sa kahit na anong laban, "Pumunta ako dito hindi para makipaglaban sa inyo, I need something from you and you will also be needing something from me, I assure you. I and Nash have the same goals kaya gumawa kami ng plano na hindi pwedeng malaman ng kung sino" pahayag nito.
"And what is that goal?" tanong ni Dean.
"To kill Jackson Claude. We're not enemies Vipers. I am your friend and I assume that you are already planning to kill him too. Am I right?" tanong ni Zorren sa kanya.
"What are you saying now?"
"We can work together and wipe out Venom all at once" pahayag nito. Nagkatinginan lahat ng Vipers at dahan-dahang ibinaba ni Dean ang hawak niyang kutsilyo na nakatutok kay Nash, "Can we really trust you, Zorren?" tanong nito.
"Killing Jackson Claude is just my goal" saad nito at seryoso silang nagkatinginan. Their eyes are serious and different but both dangerous.
"Then tell us kung paano ka nabuhay"
"No one knows the true story of what really happened 4 years ago. Me, Nash, Nashielle and Claude only knows the story pero iniba ni Claude ang istorya kaya napaniwala niya ang mga estudyante sa kasinungalingan niya" pahayag ni Zorren.
"Do you mean hindi totoo lahat ng 'yon? Na iniwan mo si Nashielle sa office that day na may meeting lahat ng officers ng Chained School?" tanong ni Dustin dito.
"All of that was just a lie at sasabihin ko sa inyo ngayon kung ano talaga ang nangyari. In that way, siguro naman maniniwala na kayong hindi niyo kami kalaban?"
.................................
All the students voted me for being their president dahil hindi nila noon gusto ang patakaran ng presidente nila kaya nagkagulo at sa tingin nila magiging maayos lang kapag ako ang napunta sa posisyon na 'yon. Noong umpisa, ayaw kong tanggapin ang posisyon pero nakita ko na umaasa sila sa akin kaya sa huli, tinanggap ko rin ang posisyon na 'yon. All the officers signed off from their positions kaya nagkaroon ng new assigned officers at si Nashielle ang naging vice president ko. We worked together because of our responsibilities and our main goal was to stop those who are killing innocent students. Magmula umaga hanggang gabi, kami lang ang magkasama na binabantayan ang buong campus until we fell in love with each other. I confessed to her and she told me that she also feels the same for me and we ended up having a serious relationship. Many students tried to steal our position dahil masyado na daw kaming makapangyarihan so they tried many times to kill us. We promised to protect one another that's why we were named the best and worst couple of Chained School. We were both undefeated. We have the same power, same strength and both dangerous. Sobrang taas ng respeto nila sa amin until one day, Jackson Claude interfered. He also loves her that's why he confessed. Claude was just a normal and silent student but of course Nashielle rejected him because of me at doon na nag-umpisang magalit si Claude just because he was really obsessed to her.
He started to build a group, dangerous group. Gusto niyang kunin ang lahat sa amin. Lalung-lalo na yung katakutan siya ng lahat just like us. Nash was so young back then. He wanted to protect his sister by making his own poison na gagamitin niya sa grupo ni Claude. But I told him na itigil na ang plano niya dahil hindi magandang ideya ang gagawin niya.
The day he was willing to throw all of the things and ingredients he was using to make that poison, nawala lahat ito at napag-alaman namin na ninakaw ng grupo ni Claude ang list of ingredients na ginagamit para makagawa ng poison. Nashielle told him para magtago dahil balak naming kunin pabalik yung list of ingredients dahil alam naming gagamitin ni Claude 'yon sa pansariling interest niya. Pumunta kami sa laboratory and we were late, he completed the poison and they knew na darating kami. He managed to inject me that poison pero mali pala ako. That wasn't a poison but a liquid to paralyze someone. Hindi tumalab sa akin 'yon that's why they injected me three times....kaya tuluyan na akong hindi nakagalaw. Nashielle tried to save me but they threatened her na papatayin ako kapag nanlaban siya kaya hindi siya lumaban but they also injected something to her. It was also a liquid to paralyze her. Itinali ako sa isang upuan while I was being paralyzed. Claude tied her habang nakahiga si Nashielle sa harapan ko and I knew kung anong gagawin niya.
Just because we were both paralyzed, pareho kaming hindi nakalaban at hindi makagalaw.
He raped her infront of me.
I wanted to save her but I couldn't move. I was being paralyzed at ganon din si Nashielle. All I did was to look at her while being raped infront of me and no one could say how much it really hurts and how much it really kills me slowly watching her being slowly destroyed.
All we did was to look at one another while crying. She cried a lot and I regretted myself because I wasn't able to save her. Nash saw it dahil sinundan niya kami pero bata pa siya noon kaya wala rin naman siyang magagawa. I would rather choose to be tortured than seeing my girl being raped infront of me at wala akong magawa dahil hindi ako makagalaw. Claude finally realized what he did, but what hurts the most? He killed her infront of me and stabbed her many times. I wanted to save her, to stop Claude pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Tinignan niya ang kamay niya at nakitang puno ito ng dugo. He stood up at naglagay ng bomba sa mismong kinalalagyan namin at iniwan kami. But I looked at my girl, she died with her open eyes looking at me at ang sakit na makitang nagkaganon siya habang ako, walang nangyari sa akin at nakaupo lang. The bomb was already counting seconds before it explodes.
Biglang lumapit sa amin si Nash and I knew it was really a hard decision for him. He looked at his sister and to me. His sister is dead while I am alive. He was supposed to get Nashielle out of that place but he looked at me. Instead of saving his own sister, he chose to save me. Itinago niya ako habang ang kapatid niyang pinatay ni Claude ay naiwan sa laboratory. The bomb suddenly exploded and many believed that Nashielle died because of that explosion. At kinatakutan ng lahat si Claude dahil sa maling kwento niya. After that Nash left me at gumawa ako ng paraan para mabuhay lalo na't nalaman kong biglang nawala si Claude. Pinaniwalaan ng lahat na nagpakamatay siya pero alam kong babalik siya at magkikita kami. Bago ako iniwan ni Nash kung saan niya ako itinago bago sumabog ang bomba, alam naming magkikita pa kami para patayin si Claude.
End of story...
..............................
Lahat kami ay seryosong nakinig sa sinabi ni Zorren at hindi namin alam kung anong dapat na maging reaksyon. Pero dahil sa sinabi niyang ni-rape si Nashielle sa mismong harapan niya, 'yon ang hindi ko matanggap at kahit hindi ako napunta sa ganoong posisyon ay nasaktan ako ng marinig 'yon. Kitang-kita rin naman na habang nagsasalita siya ay galit na galit ito at patuloy pa ring nasasaktan dahil sa naranasan niya.
"Nagkahiwalay na kami ni Nash at 'yon na ang huli naming pagkikita sa Chained School. That was the day he started to build his own club" saad pa nito na ikinabigla ko kaya napatingin ako kay Nash na nakayuko pa rin, "Wait! What do you mean?!" tanong ko kaya napatingin sila sa akin, "Nash is supposed to be the leader of Street Cheaters' club. He built that dahil gusto niyang makalimutan lahat ng masakit na naramdaman niya by using drugs dahil nakita niya rin ang pagkamatay ni Nashielle at nagsisisi siya na wala siyang nagawa. Maraming nakaalam na marami siyang hawak na drugs that's why many students joined him kaya lumaki ang club na 'yon"
"That was the day you saw me, na pulang-pula ang mata ko. I was still a drug addict back then" sambit ni Nash na tinignan ako at bahagyang ngumiti. I can still remember that day, kaya pala pulang-pula ang mata niya noong una kaming magkita.
"So it's really true na ikaw nga ang leader ng club na 'yon. W-what happened now? Did you leave them?" nagtataka kong tanong dito.
"A friend of mine took my own place. Being the leader of that club, no one can see your face dahil rules sa club 'yon. Ni isa sa kanila hindi ako kilala dahil hindi nila ako nakikita at hindi ako pwedeng makita just because I always spend my time inside that room at the end of the club using different kinds of drugs. It's a rule na hindi nila dapat makita ang itsura ko dahil ako ang leaader, I make drugs for them. Remember the day na pumasok kayo ni Sean Raven dito sa eskwelang 'to, hindi lang kayong dalawa, may kasama pa kayong isa. He cried a lot sa isang sulok na parang nababaliw na dahil nakita niya kung gaano kaimpyerno ang lugar na 'to kaya kinausap ko siya hanggang sa nasabi ko sa kanya na leader ako ng club na 'yon at nagsasawa na akong magkulong. In the end we had a deal lalo na't gusto niya ng mapagtataguan and me being the leader is the perfect place for him to hide, I would let him take my place and he was really doing me a great favor kaya umalis ako sa club. But in return, he asked me to watch his two friends at kayong dalawa ni Sean Raven 'yon" saad niya na mas ipinagtaka ko pa.
"Who's that friend of yours?" tanong ko sa kanya.
"Jarred" sagot nito na ikinagulat ko.
"Jarred?! Sigurado ka ba?!" gulat kong tanong dito.
"Sabihin mo nga sa amin, anong ginagawa ni Jarred ngayon?! Ruling that club?!" tanong din ni Raven sa kanya at hinawakan niya ng mahigpit ang damit ni Nash habang nakaluhod pa rin ito kaya nagkatinginan sila.
"Drinking alcoholic beverages, smoking and using drugs all day" sagot nito na mas ikinagulat namin kaya binitawan siya ni Raven. Nilapitan ko na rin si Nash at dahan-dahan itong tumayo, "Why did you let him do that?!" tanong ko.
"Because he asked me to" sagot ni Nash. Should I punch this guy too?! Naiinis na ako sa kanya!
"Fine, can we get him back?"
"That club changed its rules" saad ni Zorren kaya nagtaka ako, "What do you mean?"
"Hindi tayo basta-basta makakapasok doon lalo na't hindi na sila nagpapapasok ng kung sinu-sino and it was Jarred who changed the rules kaya pati ako, hindi na rin makakapasok" sambit ni Nash.
"If you didn't let him take your place, hindi mangyayari 'to!" kagaya ng ginawa ni Raven ay hinawakan ko rin ng mahigpit ang damit niya na seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Sy, wala ng oras para magaway-away pa tayo" hinawakan ni Raven ang kamay ko kaya binitawan ko si Nash at inis na inis akong nakatingin sa kanya.
"What if we invade the club?" saad ni Dean kaya napatingin kami sa kanya.
"Is it possible?" tanong niya kay Nash.
"For Vipers, it will just be easy" sagot nito, "Huwag kayong mag-alala. I'll go there not to take back my place, but to bring that club down and do what is right. I'll get Jarred back alive. Sigurado akong nagawa niyang palitan ang rules at nakalimutan na niya ako dahil lunod na lunod na siya sa paggamit ng drugs kaya wala na siyang makilala. Don't kill me yet Vipers, I still have things to do" pahayag niya.
"Change of plan Nash. We will all be needing each other. Venom is just our target. Pasalamat ka na lang talaga at dumating si Zorren right before we almost killed you" sagot ni Dean kaya ngumiti silang pareho ng masama.
"Vipers, baka nakakalimutan niyong nandito pa ako" pagsasalita naman ni Zorren nakangiti din ng masama. Lumapit ito kay Dean at inilahad ang kamay niya, "Can I join you in this fight?" tanong niya.
Mas napangiti pa ng masama si Dean ngunit tinanggap rin ang alok ni Zorren, "Let's end this war together, blade master" saad naman niya.
"Ahmmm, president?" pagsasalita naman ni Dustin kaya napatingin sila sa kanya, "Who is this kiddo here? Alalay mo ba?" tanong niya habang nakaturo sa lalaking kasama ni Zorren na nakamask ng kulay itim kaya masama nitong tinignan si Dustin.
"Sorry if I wasn't able to introduce him. He's my brother" pagkasabi niya doon ay inialis ng lalaking 'yon ang mask niya na sobra kong ikinagulat na kulang na lang lumuwa na ang mata ko ng makita ko siya, "Cassius Julez Estacion" dagdag pa ni Zorren.
To be continued...