webnovel

SOMEONE ILOVE (COMPLETE)

"Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?" Minahal ni Airen si Luigi ng higit pa sa buhay niya. Ngunit dahil sa pagmamahal na iyon ay napilitan siyang iwan ito ten years ago. At kagaya ng inaasahan niya ay galit ang naramdaman nito dahil sa ginawa niya. Kaya naman nagbalik ito sa buhay niya upang maghiganti. Sa lahat naman ng paghihigantihan, siya na siguro ang pinakatanga. Paano'ng hindi, eh siya pa mismo ang nag-offer rito na paghigantihan siya para lang mapatawad siya nito! She was desperate when she left him but she was far more desperate when she saw him again—desperada siyang makahingi ng tawad rito. She was asking for another chance, kahit man lang para sa friendship na lang. Pero bakit ganon, habang tumatagal na sinusuyo niya ito ay nag-iiba ang "another chance" na gusto niyang makuha mula rito? Pwede ba niyang bawiin ang friendship na nasabi niya noon? Hindi ba pwedeng, mahalin na lang ulit siya nito?

EX_DE_CALIBRE · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
19 Chs

CHAPTER SEVEN

Napangiti si Airen nang makita ang laman ng kulay pulang box na matagal rin niyang itinago sa loob ng cabinet niya. Her eyes turned watery the moment she saw that special picture she's kept for more than ten years. Hinaplos niya iyon. Kasabay ng pagngiti niya ay ang paglaglag ng luha mula sa kanyang mata. Pinahid niya ang luha at patuloy na pinakatitigan ang larawan. Iyon ang kauna-unahang litrato nilang dalawa ni Luigi.

It was taken during their first monthsary. Isa isa niyang pinagmasdan ang mga larawan nila. After their first monthasary, naging ugali na ni Luigi na kumuha ng litrato nila araw araw. Gumawa kasi ito ng diary noon e. Napatingin siya sa malaking notebook na nasa ibabaw ng kama niya. Ibinigay sa kanya ni Luigi iyon, nang araw na nakipaghiwalay siya rito. Wala na raw kwenta ang notebook na iyon. Napasubsob siya sa kanyang kama.

Nang mga oras na iyon ay muling bumalik sa ala-ala niya ang araw na tumapos sa pagmamahalan nila ni Luigi. Kusang dumaloy sa balintataw niya ang lahat...

"I'm sorry." bulong niya.

"Bakit ka nagsosorry?" nakangiting tanong ni Luigi. Sa halip na sumagot ay nilapitan niya ang binata ay masuyong hinaplos sa mukha. Marahan niyang inalis ang suot nitong eyeglasses. Napaatras ito nang mahawakan niya ang sugat nito sa kilay. "H-hindi masakit. Hindi lang ako sanay na hinahawakan ng iba ang kilay ko." paliwanag nito.

Lalong nanikip ang dibdib niya. Simula nang hiwalayan niya si Sanji ay hindi na sila natahimik. Dati niyang kasintahan si Sanji, leader ito ng isang fraternity sa campus nila. Kilala itong basagulero at walang awa. She was a rebel then, bago pa man niya nakilala ng lubusan si Luigi. Dahil lumaki siyang salat sa pagmamahal mula sa kanyang mga magulang ay natuto siyang magrebelde sa lolo't lola niya. Noon niya nga nakilala si Sanji.

Noong una ay naging masaya siya sa piling nito. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay may tumanggap sa kanya bilang siya. Hanggang sa napariwa ang buhay niya dahil rito. Tinuruan siya nitong manigarilyo, uminom ng alak, mag-cutting classes, mang-bully ng mga geeks at gumamit ng droga. Ng mga panahong nalilito siya, kung tama ba o mali ang ginagawa niya ay noon naman siya napalapit kay Luigi.

Contrary to what Sanji did, iniba ni Luigi ang paniniwala niya. Tinuruan siya nitong mag-aral ng mabuti. Tinuruan siya nitong matakot sa Diyos at higit sa lahat ay tinuruan siya nitong magmahal ng totoo. Kilala bilang geek si Luigi sa campus nila. Lagi itong pinagtri-tripan ng mga kabarkada ni Sanji. Dahil natakot siya sa maaaring gawin ni Sanji ay pinilit niyang iwasan noon si Luigi. Pero hindi niya iyon kinaya. Luigi loved her even more.

Pero isa palang malaking pagkakamali ang ibigin ito. Dahil tama ang kinatakutan niya. Hindi nga pinalampas ni Sanji ang ginawa niyang pakikipaghiwalay rito. Lalong hindi nito matanaggap na si Luigi ang ipinalit niya. Dahil doon ay lagi na silang tinatakot ni Sanji. Lagi nitong sinasaktan si Luigi. Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang mapasigok.

"S-si Sanji na naman ba?"

"Hindi." nag-iwas ito ng tingin. "Nauntog lang ako sa pinto."

Alam niyang si Sanji ang may gawa ninyon. He really won't let them go off the hook. Binitiwan niya si Luigi. Pagkunwa'y napayuko siya. "L-let's end everything, Luigi."

"A-ano ba'ng sinasabi mo?"

"Tigilan na natin ang lahat."

"Hindi ako papayag."

"Wala kang magagawa."

"Airen..." hinawakan siya nito sa magkabilang braso.

Pumiksi siya. "Tinatapos ko na ang lahat." aniya sa pinatigas na tono.

"Kung si Sanji ang inaalala mo, I can hadle him. Hindi niya naman ako kayang patayin dahil ayaw niyang makulong. Itong mga sugat ko sa katawan? Wala lang ang mga ito. Kaya kong tiisin ang lahat ng ito huwag ka lang malayo sa akin." sumamo nito.

"Hindi mo kilala si Sanji." Halang ang kaluluwa nito. Labas pasok ito sa kulungan. Hindi naman magawang magsumbong ni Luigi sa mga pulis dahil natatakot itong siya ang pagbuntunan ng galit ni Sanji, kagaya ng pananakot nito. Ayaw ring ipaalam ni Luigi ang kalagayan sa mga magulang nito na noo'y sa South Korea naninirahan.

"Malapit na tayong maka-graduate. Konting tiis na lang."

Mariin siyang napapikit. Inutusan siya ni Sanji na makipaghiwalay rito bago dumating ang araw ng kanilang pagtatapos. Kung hindi raw niya iyon gagawin ay papatayin nito si Luigi. Wala daw itong pakialam kung makulong man ito. Handa raw nitong patayin si Luigi. Binalaan din siya ni Jeun, kabarkada ni Sanji na kahit paano'y naging kaibigan niya rin noon. Seryoso daw si Sanji sa mga pagbabanta nito dahil bumili pa ito ng bagong baril.

Napatingin siya kay Luigi. Hindi maipagkakailang malaki ang ipinayat nito. Marami na rin itong mga galos sa mukha at katawan. Hindi niya kayang ipagsapalaran ang buhay nito. Ngumiti siya. "Hindi ko na kayang magtiis. Kaya tapusin na natin ito."

"Airen, don't do this to me." hinawakan siya nito sa kamay.

"I'm sorry. Pero tinatapos ko na ang lahat sa atin." binawi niya ang kamay. "Ayaw na kitang makita pa, k-kahit na kailan."

"Hindi ako papayag." iling nito.

"Hindi na kita mahal."

Natigilan ito sa sinabi niya. Nanunubig na rin ang mga mata nito. Then he frantically shook his head. "Hindi ako naniniwala. Bakit mo ginagawa ito? Tinakot ka ba ni Sanji?"

"Walang kinalaman si Sanji dito."

"Sinabi niya bang papatayin niya ako? Huwag kang maniwala sa kanya. He can't kill me. Makukulong siya. Ayaw niyang mangyari iyon, diba? Kaya nga hindi niya tayo pinatay noon sa park. Hindi ba, Airen?" anito sa nanginginig na boses.

"Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Tapusin na natin ito." iniwan niya ito. Binilisan niya ang paglalakad, lalo na noong napansin niyang sumunod ito sa kanya. Dumiretso siya sa canteen. Takot si Luigi sa madaming tao. He won't go there.

"Airen!"

Natigilan siya nang makita si Luigi sa bukana ng pinto ng canteen. Napalinga siya sa paligid. Lalo siyang pinanghinaan ng loob nang makita roon si Sanji at ang mga kabarkada nito na ngingisi ngisi habang pinapanood siya. Lalo siyang nanginig nang ipakita ni Sanji ang baril na nakasukbit sa tagiliran nito. Pagkunwa'y tinignan nito si Luigi. Napalunok siya.

"U-umalis ka na, Luigi." taboy niya sa nanginginig na boses.

"Hindi ako aalis rito hanggat hindi mo binabawi ang sinabi mo kanina."

"Luigi!" she hissed.

"Airen, handa akong magtiis, huwag ka lang mawala sa akin." Naglakad ito palapit sa kanya. Napaatras naman siya. Namumula na ang mga mata nito. Napailing siya. Pinagtitinginan na sila ng mga kapwa nila studyante.

"Luigi, tapusin na natin ito."

"Hindi ko kaya."

"Hindi na kita mahal."

Umiling lang ito. "Hindi ako naniniwala." Nagpatuloy ito sa paglalakad palapit.

"Luigi, madaming tao rito. Tumigil ka na." pinatigas niya ang boses.

"So what? Simula naman ng minahal kita, wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba eh. Tsaka sanay na rin akong pinag-uusapan at kinukutya."

Noon niya naisip na hindi basta bastang susuko si Luigi. She had to do something. Napatingin ulit siya kay Sanji. Dumudilim na ang anyo nito. "Kahit kailan ay hindi kita minahal." puno ng kumbiksyong aniya. Hindi pa rin natinag si Luigi. "I faked everything."

Noon ito natigilan. "W-what do you mean?" kunot noong tanong nito.

"Everything was a joke. Hindi totoong minahal kita. Hindi totoo ang Airen na nakilala at nakasama mo. Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Walang babaeng magkakagusto sa katulad mong panget. Sa katulad mong geek. Sa katulad mong boring at hindi marunong humalik. Sa katulad mong clumsy. Pinagpustahan ka lang namin, Luigi." she faked a laugh.

Habang sinasabi niya iyon ay tila dinudurog din ang puso niya. Lalo na noong nakita niya ang pagtakas ng isang luha mula sa mata ni Luigi. Gusto na niyang bawiin ang lahat. Hindi naman totoo ang mga iyon eh. Pero alam niyang hindi niya pwedeng gawin iyon, kung gusto niyang mailigtas sa kapahamakan si Luigi laban sa mga kamay ni Sanji.

"Talaga? Nakipagpustahan ka lang?" tumawa ito. "You can't fool me, Airen."

"Oh yeah?" she lifted her chin and smiled broadly at him. "Look at yourself. You are not handsome, I hate your old-fashioned clothes, I hate your glasses, you are too geeky for someone like me. Sa tingin mo, ang isang tulad kong pinagkakaguluhan ng madaming boys dito sa campus, ay magagawang mainlove sa isang tulad mo? That fact alone is a joke."

Kumuyom ang palad nito. "Tinakot ka ba ni Sanji? Alam mong mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang gawin mo iyang ginagawa mo ngayon, hindi ba?"

Every word, every flinch and every gasp she made while saying those hurtful words to him made her heart sank. Paulit ulit niyang sinasabi sa sarili na kailangan niyang gawin iyon para sa kaligtasan ni Luigi. Kapag nakagraduate na sila, kapag nakuha na ni Luigi ang pagiging magna cumlaude nito, pwede naman na niya itong balikan, hindi ba?

"Sanji? Oh come on, you're flattering me too much, Luigi. Tingin mo talaga, stick to one ako? Of course you were just a flavour of the month, so was Sanji. I want someone new."

He fell silent. Nanatili itong nakatingin sa kanya. Then suddenly, he shook his head. "I should have never believed you. I should have never loved you. You are disgusting."

Those were his last words for her. The moment he turned his back on her, kusang humulagpos ang mga luha niya. He was gone, the love of her life was gone. Nagawa niyang ipagtabuyan si Luigi sa harap mismo ng maraming tao. She was such an idiot!

"Nice one, baby! That was awesome." nakangising umakbay sa kanya si Sanji.

"I don't want to see your face, ever again. And please, tuparin mo ang pangako mo. Dahil kapag hindi mo tinupad iyon, kahit ikamatay ko pa, gaganti ako sa'yo." galit na tinabig niya ang kamay ni Sanji bago ito iniwang tatawa-tawa.

Simula ng araw na iyon ay hindi na niya ulit nakita pa si Luigi. Nabalitaan na lang niyang lumipad na raw ito patungong South Korea. Ni hindi na nga ito nag-attend ng graduation nila eh. Samantalang nakulong naman noon si Sanji dahil nasangkot ito sa isang malaking gulo sa isang bar. Nakapatay ito ng isang studyante na nagkataong anak ng isang politician sa lugar nila. Simula rin noon ay hindi na rin niya ito nakita pa.