webnovel

SOMEONE ILOVE (COMPLETE)

"Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?" Minahal ni Airen si Luigi ng higit pa sa buhay niya. Ngunit dahil sa pagmamahal na iyon ay napilitan siyang iwan ito ten years ago. At kagaya ng inaasahan niya ay galit ang naramdaman nito dahil sa ginawa niya. Kaya naman nagbalik ito sa buhay niya upang maghiganti. Sa lahat naman ng paghihigantihan, siya na siguro ang pinakatanga. Paano'ng hindi, eh siya pa mismo ang nag-offer rito na paghigantihan siya para lang mapatawad siya nito! She was desperate when she left him but she was far more desperate when she saw him again—desperada siyang makahingi ng tawad rito. She was asking for another chance, kahit man lang para sa friendship na lang. Pero bakit ganon, habang tumatagal na sinusuyo niya ito ay nag-iiba ang "another chance" na gusto niyang makuha mula rito? Pwede ba niyang bawiin ang friendship na nasabi niya noon? Hindi ba pwedeng, mahalin na lang ulit siya nito?

EX_DE_CALIBRE · Urban
Not enough ratings
19 Chs

CHAPTER SIX

"Gwapo ba siya?"

Naiinis na tinapunan niya ng tingin si Mabelle. Kanina pa ito nangungulit na magkwento siya ng tungkol sa bago niyang kapitbahay. Isang linggo rin itong nawala. At kadarating lang nito galing ng Baguio mula sa isang business meeting pero hayun at siya agad ang unang pinuntahan para itanong kung gwapo ba o hindi ang kapitbahay niya.

"Hindi ka man lang ba napagod? Kagagaling mo lang sa biyahe ah."

"Airen, walking distance lang dito ang bahay ko. Tsaka hindi ko mapapalampas ang tilian ng mga waitress mo dito ano. Sobrang gwapo daw eh. Totoo ba?"

Ano kayang magiging reaction nito sa oras na malaman nitong si Luigi ang bago niyang kapitbahay? Dati niya ring kaklase si Mabelle. Kaya natitiyak niyang alam ninto ang nangyari ten years ago. Why not, marami ang nakasaksi sa ginawa niya kay Luigi noon. "Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa'yong, si Luigi ang bago kong kapitbahay?"

"What?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

"It's hard to believe, isn't it? Pero tama ang narinig mo. Siya nga ang bago kong kapitbahay." Tumayo siya at naglakad patungo sa pinto. Sumunod sa kanya si Mabelle sa paglabas niya sa kanyang opisina. Dumiretso siya sa counter ng coffee shop.

"Paano nangyari iyon?" nagtatakang sumunod ito sa kanya.

"I don't know."

"Airen, sa tingin mo bakit siya nandito?"

Nakaringgan niya ng pag-aalala at pagkataranta ang tanong na iyon ni Mabelle. Kahit paaano ay napangiti siya. Ngunit hindi na niya ito nasagot nang biglang dumating si Alyssa.

"Ate, m-may reklamo po ulit." humahangos na ani Alyssa.

Napakunot ang noo niya. Sa tuwing nakakatanggap siya ng reklamo ay nangangatog agad ang tuhod ng mga tauhan niya. Pero sa pagkakataong iyon ay nagniningning ang mga mata nito at parang timang na nangingiti pa. "Sino na naman ang nagrereklamo?"

Alyssa then leaned forward. "Grabe ang gwapo talaga ng kapitbahay mo ate!"

Nagkatinginan sila ni Mabelle. "N-nandito siya?"

Tumango si Alyssa. "Opo ate. At gusto ka raw niyang maka-usap."

Dumagundong ang tibok ng puso niya. As much as she wanted to, ayaw na muna sana niya itong makita. Nalilito siya, natatakot at nababahala sa mga naganap sa kanila simula noong nagpakita ito sa kanya. Sinamahan pa ng napanaginipan niya kagabi. She sighed. But she needed to see him, didn't she? She exhaled heavily. "N-nasaan siya?"

"Doon po sa may sulok."

Binalingan niya si Mabelle. She patted her friend's shoulder and smiled. "I'll be fine." Hindi na niya pinansin ang marahas na pagbuntong hininga nito. Iniwan niya ito at sumunod kay Alyssa. Pinilit niyang pagtibayin ang loob habang tinatahak ang daan patungo kay Luigi. Hindi niya dapat pangibabawin ang takot para sa binata. Kung kailangan niyang lumaban para maprotektahan ang sarili laban sa paghihiganti nito ay gagawin niya.

Malayo pa lang siya ay namataan na niya ito. He was there, silently sipping his coffee, relax na relax. Nang mapalingon ito sa gawi niya ay agad itong napangiti. Nagsalubong ang kilay niya. Napansin rin niya ang bungkos ng bulaklak sa mesa nito. She smiled bitterly. Talagang balak nitong ituloy ang plano nitong paghihiganti. Ano ba'ng nagawa niya kay Luigi? He didn't deserve her, lalo na ang nagawa niya rito noon.

"Good morning!" masiglang bati nito. Tumayo ito at kinuha ang bulaklak sa mesa. "Flowers for you." masuyo nitong inabot ang bulaklak sa kanya.

She heard Alyssa's loud gasp. Hindi siya kumilos upang abutin iyon. Binalingan niya si Alyssa."You can go. Ako na ang bahala sa kanya." aniya sa pormal na anyo.

Tumalima naman agad ang dalaga at iniwan sila. Ibinalik niya ang tingin sa bulaklak na hawak nito. She sighed. Hindi niya inabot iyon. Sa halip ay naupo siya sa upuan sa harap nito. Luigi shrugged. Naupo rin ito at napahalukipkip. He was still smiling, though.

"Let's stop this, Luigi."

"Nag-uumpisa pa lang ako."

"Alam mong walang patutunguhan ito."

"Alam kong meron."

"Luigi..."

"I'll make you pay." determinadong giit nito.

She sighed. "You don't have to do that. I am willing to pay. Handa akong magbayad ng kasalanan ko sa'yo, mapatawad mo lang ako. Ano ba'ng gusto mong gawin ko? Ang magpaalipin ako sayo? Maging alalay mo? Magmukha ring tanga? I can do all of those things so you'd forgive me." nagsimula nang manunbig ang kanyang mga mata.

Kitang-kita niya ang hindi makapaniwalang tingin nito. He must have not imagined her begging for his forgiveness. Siguro ay inakala nitong magmamatigas siya, kagaya ng ginawa niya noon ten years ago. Hindi lang ito ang nagbago, maging siya. Kung naging matapang ito, naging matapang din siya. At kung nasaktan niya ito noon, nasaktan din siya.

At ngayong nasa harap na niya ito ulit ito, hindi siya makakapayag na mapalampas ang pagkakataong hindi makahingi ng tawad rito. She's spent ten years of her life living with so much guilt and regret in her life, hindi na niya hahayaang umabot pa iyon ng sampung taon pa. She'll do everything for him to forgive her. Tutal ay siya naman talaga ang nagkasala.

"Kung iniisip mong magbabago ang isip kong maghiganti sa'yo dahil sa nagso-sorry ka sa akin ngayon, nagkakamali ka. You can never change the fact that I spent ten years suffering because of what you did to me." dumilim ang anyo nito.

"Go ahead. Maghiganti ka sa akin. Taos puso kong tatanggapin ang lahat ng kaparusahang gusto mo. But I'll have my own ways of asking for your forgiveness too."

"W-what do you mean?"

"Ibabalik ko ang lahat ng pagsasakripisyo mo sa akin noon. Ibabalik ko ang dating Luigi na nakilala at minahal ko noon."

"Don't make me laugh. You never loved me."

"Hindi ko inaasahang paniniwalaan mo ang paliwanag ko kung bakit ko nagawa iyon sa'yo, pero kung pakikinggan mo lang ako ngayon malalama—"

"I don't want to hear it. Ayokong makinig sa mga kasinungalingan mo." nagtatagis ang bagang na pigil nito sa kanya. He furiously stood up. "Hindi na ako ang dating Luigi na laging nakikinig sa mga sinasabi mo. I'm not the ugly geek you can always play with, Airen."

Iniwan siya nitong umiiyak. He's really determined to make her pay, ultimo siguro mga ngiting inialay nito sa kanya noon ay pababayaran nito sa kanya. Napahagulhol siya. He won't listen to her. Ayaw nitong malaman ang totoong nangyari noon. Kung sana ay nakinig lang ito. Kung sana ay nagkalakas siya ng loob na ipinaliwanag ang lahat noon.

Lalo siyang napahagulhol nang maramdaman ang mainit na kamay na masuyong humahaplos sa kanyang likod. Ni hindi na siya nag-abalang tignan kung sino iyon.

"Hush now, Airen. Maaayos mo rin ang lahat. Hush now."

Napaangat siya ng tingin at walang salitang napayakap kay Mabelle. "He won't listen to me. Ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko kung bakit ko siya nagawang saktan noon." humihikbing sumbong niya. "Galit na galit siya sa akin. Gusto niya akong paghigantihan."

"Tahan na. Hayaan mo muna siya. Darating ang araw na maiintindihan din niya kung bakit mo iyon nagawa. Alam ng Diyos na ni minsan ay hindi mo ginustong saktan siya."

"I still love him, Mabelle. Sa kabila ng kasalanang nagawa ko, sa kabila ng guilt na namahay sa puso ko, sa kabila ng pagsisisi ko, mahal ko pa rin siya. Pero galit na siya sa akin. Ano'ng gagawin ko? Ayaw niya akong patawarin." patuloy siya sa paghikbi.

Nanatiling tahimik si Mabelle. Maging ito ay wala ring maisagot sa mga katanungan niya. Ano nga kaya ang dapat niyang gawin? Ang lalaking mahal niya ay may balak na paghigantihan siya. He didn't love her anymore. Idinaan niya sa pag-iyak ang pag-iisip. Sana, sa bawat pagpatak ng mga luha niya ay maibsan, kahit man lang konti, ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.