"Para kay Webster?" nakangiting tanong ni Aida kay Skylar. Tumango siya at binayaran na ang red wine. Balak niya itong sorpresahin. Ayon sa simpleng pagtatanong niya ay birthday nito kinabukasan. Wala itong sinasabi pero hula niya ay aayain siya nitong mag-dinner.
Everything went fine between them. Ilang linggo na sila nitong lumalabas at sobrang happy niya. Nasundan pa ang pamamasyal nila sa sanctuary. Tuwing weekend ay nandoon sila at inaabangan ang mga alitaptap. And just like what always happens, they end up in a sweet, deep kiss.
Their feelings were mutual. 'I love you' na lang ni Skylar ang kulang para maging kumpirmadong sila na. She wanted to say it but she didn't know when the right time was. Natatawa na nga siya sa sarili. Ilang beses na silang nagsalo sa malalim na halik pero hindi niya masabi ang totoong nararamdaman. Ewan ba ni Skylar. She used to be so sure of herself pero pagdating kay Webster ay nalilito at nagaalangan siya. Gusto niya ay perpekto ang sandaling magsabi ng saloobin dito.
"I am happy for you," bati nito at niyakap siya.
Natawa siya. "Thanks."
Sumeryoso ito. "Pero mayroon kang kailangang malaman. Marami akong naririnig against kay Webster. You know? Him being your center of attention?"
"Ano namang masama doon?" takang tanong niya.
"Right. Walang masama roon. Ewan ko ba sa iba kung bakit ganoon kababaw ang tingin nila. Narinig ko sa canteen at CR na hindi kayo bagay. Bukod sa nerd siya, ikaw pa ang anak nang may-ari ng CSRI. For them, Webster is nothing compared to you." sumbong nito.
Naginit ang ulo ni Skylar. Napabuga siya ng hangin sa narinig. "That's absurb!"
"Tama! Kaya nanggigil din ako," naiiling nitong saad.
Sabay silang napabuntong hininga. Aminadong hindi nakita ni Skylar ang anggulong iyon pero dahil na rin hindi iyon mahalaga sa kanya. Pero kung ganoon, naku. She needed to do something about it.
Umuwi na sila. Hindi agad nakatulog si Skylar dahil iniisip niya ang issue. Kinabukasan, nagpasya siyang pumasok nang maaga. Bago iyon ay ginandahan niya ang presentation ng wine. Nilagyan niya iyon ng red ribbon at card saying she was in love with Webster.
Iyon na ang sa tingin niyang tamang pagkakataon: ipapangalandakan niya sa lahat nang mapaghusgang tao kung gaano kamahal si Webster! Damn them!
Pumasok na si Skylar. Sa department of Research and Development siya dumiretso. Wala pa si Webster pero may mga kasama na ito doon na nakamaang at pinanonood ang bawat kilos niya.
Prenteng naupo siya sa swivel chair ni Webster at matyagang naghintay. Hinayaan niyang nakalagay ang regalo niya sa table nito. Nagusisa siya sa mga gamit ni Webster at napangiti nang makita ang magulong penmanship nito. Well, pareho sila. Sabi nila, ang mga taong tulad nila ay mabibilis magisip at hindi makahabol ang pagsulat nila. Napangiti siya sa naisip.
"Skylar?" takang tanong ni Donatello.
"Hi. Good morning," bati niya.
"What are you doing in… his chair?" medyo disgusted na tanong ni Donatello. HIndi na maatim itago ang totoong nararamdaman.
And that made her really angry. Pero kinontrol ni Skylar ang sarili. Tumayo siya at ngumiti. "Nakaupo. Obvious naman, hindi ba?"
"Well…"
"Mayroon pang thirty minutes bago ang oras sa pagtatrabaho. Wala akong makitang masama kung hintayin ko muna ang boyfriend ko."
"What?!" gulat na bulalas ni Donatello.
"Why what?" nagtitimping tanong ni Skylar.
"Pinatulan mo iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Donatello.
And her heart broke for Webster. Dahil doon ay mas lalo niya itong gustong isalba mula sa mga taong katulad nito.
"I love him. And I won't tolerate this kind of behavior, Donatello." mariin niyang banta. Nagpupuyos ang kalooban niya.
"Skylar," tawag ni Webster na hindi niya napansing dumating dahil na kay Donatello ang atensyon niya.
"Webster!" tuwang bulalas niya at dali-dali itong nilapitan. Hindi siya nahiyang halikan ito sa labi. "Happy birthday, baby."
"S-Skylar…"
"This is my birthday gift." masuyo niyang anas at hinawakan ang kamay nito. "I want to show the world how in love I am with you. I will hold this hand until hell freezes." pangako niya.
Napuno nang bulung-bulungan ang buong department pero wala nang pakialam si Skylar. Wala nang magagawa pa ang mga taong iyon. Doon napatunayan ni Skylar na kahit ano pa ang sabihin nila, hindi siya mapipigilang mahalin si Webster. Hindi matitibag ang pagmamahal niya dahil lang sa pangit na issue.
"Are you sure?" seryosong tanong ni Webster. Puno nang tuwa at kaba ang mga mata.
"Yes. I am so sure." determinado niyang sagot.
"Am I dreaming?"
Mahina siyang natawa at umiling. "This is real, Webster."
Niyakap siya nito nang mahigpit. May mga pumalakpak na nang sandaling iyon at napangiti si Skylar. Finally! Sila na! Naging sila sa isang epic na sandali!
But it doesn't matter to her now. Ang mahalaga ay sila ni Webster. Oh, she was excited to start new life with him…