webnovel

ANG MAGANDANG SI SANTINA

Isang araw my isang dalagang nag ngangalang Santina, siya ay maganda, mabait, matalino at maunawain sa kapwa. Isa siyang anak ng mangkukulam ngunit siya lamang ang nakakaalam nito, hindi niya Ito ipinapaalam sa iba dahil natatakot siyang husgahan at katakutan. Isa siyang ulilang anak ng mag-asawang pinatay ng mga tao dahil pinagkamalang pumapatay. Bago namatay ang kanyang mga magulang ay sinabi sa kanya na huwag gagamitin sa masama ang pinamanang kapangyarihan sa kanya, Kaya kahit kailan ay naging mabuting tao at mapagbigay na kapitbahay si Santina. Pinamanahan siya ng kanyang mga magulang ng isang malaking bahay, at kapangyarihan na kahit kailan ay hindi pa niya nagagamit. Naging mabuting kapitbahay si Santina, at pagmarami siyang nalulutong pagkain ay namimigay siya sa mga kapitbahay niya. Maraming naaantig sa mansyon niya kaya maraming umaalok sa kanya na bibilhin ang kanyang bahay sa malaking halaga, ngunit kahit gaano kalaking halaga pa ang ialok sa kanya ay niminsan ay hindi siya nagdalawang isip na ipagbili ito.

"magandang araw sa iyo, ako'y naririto upang bilhin sana ang iyong pamamahay at lupa sa malaking halaga" Sabi ng isang babaeng gustong bilhin ang pamamahay niya

"ipagpatawad po ninyo binibini, gusto ko mang ibigay ang iyong kahilingan, ito ay hindi ko magagawa dahil Ito nalang ang tanging natitirang alaala ng aking minamahal na magulang, at mahal na mahal ko tong bahay na to, pasinsya na po" sagot ni Santina

Yan ang laging sagot ni Santina sa mga taong may interesadong bilhin ang bahay niya, siya ay laging tumatanggi sa mga malaking perang matatanggap niya kung sakaling ipagbili niya ito

Siya ay laging umaayaw.

(salamat ng marami sa mga nagbasa nito, sana ay magawang basahin rin ninyo ang kabanata 2 ng "SANTINA")