webnovel

ANG BAGONG KAPITBAHAY

Isang araw may bagong pamilyang dumating sa kanilang barangay, natuwa ng husto si Santina dahil may bago na naman siyang kapitbahay at bagong makakakwentohan. Nagluto pa siya ng kaunting pagkain upang ibigay sa kanilang bagong kapitbahay upang batiin, ngunit hindi nila inaasahan ang susunod na mangyayari. Tinanggihan ito ng kanilang kapitbahay na si Lusifina at pasigaw pang sinabi sa kanila ni Lusifina ang mga sagot niyang hindi kaayaaya.

"magandang umaga sayo, kami ay naririto upang batiin ka at iabot sayo ang kaunting pagkaing ito" Sabi si Santina na may masayang ngiti sa kanilang mga labi kasama ang iba pa nyang mga kapitbahay

"at ano naman sa tingin mo ang ikinaganda ng araw ha!, at anong akala mo samin mga pulubi at walang pambili ng pakain?" pasigaw na sagot ni Lusifina habang ang mga kamay ay nasa bwewang

"hindi yon ang aming..." hindi pa tapos magsalita si Santina ng biglaang dumogtong ng pahiyaw na salita si Lusifina

"umalis kayo dito at wag na wag na kayong babalik kundi bubuhosan ko kayo ng mainit na tubig" sabi si Lusifina habang itinuturo ng kamay niya ang daanan pa labas at bukang bukang mga mata at sabay niya sinara ang pinto ng pagkalakas lakas

Hindi nalang sumagot si Santina at ang kanyang mga kasama at umalis ng may simangot sa kanilang mga mukha at may kasamang pagkainis

"ano ba yang babaeng yan, Kung sino pa ang binabati siya pa ang galit, nakakainis" Sabi ng iba habang ang kamay ay nasa bwewang

Si Lusifina ay isang mayabang na babae na may anak na babae na nag ngangalang Linda, hindi katulad sa kanyang ina siya ay may mabuting puso at siya rin ay magandang bata.

(salamat ng marami sa mga nagbasa nito, sana ay magawang basahin rin ninyo ang kabanata 3 ng "SANTINA")