webnovel

Salamin [BL]

Isang book worm at chatter. Tila sa mga libro lang umiikot ang kanyang buhay niya kung hindi naharap sa kanyang computer upang makipag-usap sa ibang tao. Kayanin kaya niyang harapin ang hamon ng totoong buhay at pag-ibig kung ang mga aklat niyang nabasa ay hindi lahat naituro sa kanya? Mahanap niya kaya ang taong mamahalin din siya balang araw sa chat? Puso or mga mata ba niya ang basehan upang makita niya ang taong nagmamahal sa kanya? Paano niya uunawain at mamahalin ang lalaking may Dissociative Identity Disorder na lalaro sa buhay pag-ibig niya. Ito ang kuwento ni Jasper Gil.

wizlovezchiz · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
46 Chs

Salamin - Chapter 36

Nagilabot ako ng matindi. Magkakahalong pagsisisi sa paghuhusga ko kay Nestor na inakala kong gumamit sa akin, takot dahil sa ang tanong kinasuklaman kong gumamit ay ang aking tinuring na kapatid at minahal ko na higit pa, at awa sa sarili dahil lahat ng gulo sa aking buhay ay nagsama-sama na taliwas sa aking inakala.

Mas matindi ang sakit na nararamdaman ng aking damdamin kesa sa mga kagat na ginagawa niya ng panggigigil. Napakarahas niya.

Nang mapansin na niya na ibinubuhos ko na ang aking lakas sa pagtulak palayo sa kanya habang iginigilid ang aking sarili sa kama. Mabilis niyang inilipat ang kanyang mga kamay sa magkabila kong mga bisig upang ipako ito sa ibabaw ng kama habang patuloy pa rin siya.

"Kuya... kung naririnig mo ko! Tulungan mo ko! Maawa ka sa akin Andrew!" ang aking sigaw habang nababaon sa unang basa na ng pawis, laway at luha ang aking mukha.

Sa isang iglap, agad napakalas si Simon at mabilis na tumalon paalis sa kama at nagsisigaw habang iniipit ng kanyang mga kamay ang kanyang ulo na para itong pinipiga.

"AAAAAARRRRGGHHHHH!!!" ang sigaw niya habang nakatayo sa gilid ng kama. Nagtatakbo siyang saglit bumagsak na nakaupong nakasandal sa mismong pintuan. Patuloy ang sigaw niya.

Hirap kong ibinangon ang aking sarili at pilit na tinignan ang paligid kahit ako'y walang makita. Madilim ang gabi at kahit na may liwanag na tumatagos sa bintana ay hindi pa rin ito nakatulong sa akin.

"Ayoko na!!! Tama na!!!" ang sigaw ni Simon na puno ng paghihirap. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nakarinig na ako ng malakas na tila simbilis ng tik tak ng orasan na gumagalabog sa mismong pintuan. Paulit-ulit ito habang sumisigaw sa paghihirap si Simon.

"K-kuya!!" ang sigaw ko matapos bumaba ng kama. Agad akong gumapang na parang bata at tanging dabog at sigaw lang niya ang nagsasabi sa akin kung nasaan siya sa aking silid.

Kinilabutan ako sa maaaring ginagawa ni Simon sa kanyang sarili dahil sa bawat hampas sa pintuan at siya namang sinasabayan ng kulot ng tono ng sigaw niya.

"Kuya!! Itigil mo na yan kuya!" ang pagmamakaawa ko sa kanya at binalewala na ang maaari kong mabangga dahil sa binilisan ko pa ang aking paggapang patungo sa kanya.

"Jasper?! Simon?! Anong nangyayari diyan?!" ang biglang panawagan ni Brian sa likod ng pintuan na sinasabayan niya ng mabilis niyang pagkatok. "Buksan niyo nga ang pinto!" ang dagdag niya.

Sa mga sandaling iyon ay nagkamali ako ng tukod ng aking kamay at agad napasubsob sa tagiliran ni Simon. Agad kong inayos ang aking sarili at kinapa siya. Nalaman kong ang lagay niya'y nakayakap siya sa kanyang mga biti at paulit-ulit na inuuntog ang kanyang ulo at likod sa mismong pintuan nang masandalan niya ang isa kong kamay sa pintuan.

"Tama na!! Ayoko na!! Lahat na huwag lang siya!!" ang sigaw ni Simon. Patuloy pa rin ang pananakit niya sa kanyang sarili.

"Kuya! Kuya! Tama na! Huwag mo saktan ang sarili mo! Ako na lang ang saktan mo!" ang pagmamakaawa ko sa kanya habang sinasabayan na ng pagluha dala ng matinding awa para sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya. Ganoon din si Brian, walang magawa sa likod ng pintuan kung hindi ang magtanong at kumatok.

Niyakap ko siya ng mahigpit sa aking kaliwang kamay, isinangkalang ko ang aking likuran sa kanyang sandalan at hinawakan ang kanyang ulo upang idikit ito sa aking balikat. Basa ang bahagi ng kanyang ulo na aking nahawakan. Nabahala ako sa lagkit nito sa aking nakapatong na kamay.

"Hala dumudugo ka na! Parang awa mo na kuya! Tama na! Andrew! Tama na!" ang nasabi ko habang pinipigilan ang kagustuhan niyang ihampas muli ang kanyang ulo sa pintuan.

"Anong nangyayari?! Buksan mo Jasper ang pintuan!" ang matigas na utos na ni Brian.

"Hindi ko mabuksan! Nandito si Simon!" ang sigaw kong pilit ipinarinig sa kanya sa labas.

Nanginginig ang katawan ni Simon. Pilit ko siyang iniusog palayo sa pintuan upang mabuksan nang medyo natigil siya sa kanyang ginagawa.

"Hindi ko maabot yung door knob! Kailangan kong pigilan si kuya! Pakuha mo yung susi sa kanila!" ang sigaw ko kay Brian. Hindi siya sumagot ngunit natigil na ang kanyang pangangatok sa pintuan.

Humahagulgol si Simon. Nagsimula na siyang pukpukin ang magkabilang gilid ng kanyang noo ngunit dahil sa malakas siya at hindi ko magawang bumitiw sa kanya. Kamay ko lang ang aking naipatong sa isang banda ng kanyang ulo at sinalo ang suntok na ginagawa niya.

"Kuya! Tama na! Mahal na mahal kita! Please! Tama na! Ako na lang ang saktan mo, kuya! Huwag mo na sisihin sarili mo! Okay lang ako kuya! Please!" ang tila wala ko nang pag-asang pilit na pinakiusap sa kanya.

"Hindi mo ko mahal! Hindi mo na ako lalong mamahalin ngayon! Hindi mo ako mahal at ngayong nagising ako binababoy na kita! Mahal na mahal kita, Jasper pero hindi ko napigilan! Ayoko na ng ganito tapos ilalayo pa nila ako sa iyo! Nahihirapan na ako! Sana mamatay na lang ako!" ang sigaw niya. Parang hinihiwa ang aking dibdib sa mga oras na iyon sa kanyang mga sinasabi.

"Kuya! Parang awa mo na! Tama na! Hindi ikaw iyon! Gagaling ka pag dinala ka na nila mommy sa Amerika! Magpapagaling ka para sa akin! Kung mahal mo ako lalabanan mo ang sakit mo! Ipaglalaban mo sarili mo sa kanila!"

Inalis ko ang aking kamay na nakapatong sa kanyang ulo upang ipunas sa aking luha. Dama ko ang kakaibang dulas nito at tiyak akong dugo ito dahil sa mahinang amoy nito na parang kalawang o bakal na nahaluan naman ng kaunting amoy ng alak an sumisingaw mula sa aming mga katawan. Nanlaki ang aking mga mata at lalong nakaramdam ng matinding takot matapos kong iharap sa aking mukha ang naturang kamay na parang tinitignan ko lamang kahit di ko ito nakikita.

Ayaw kong masaktan si Simon. Ganoon na pala siya kahalaga sa akin. Ganoon na pala katindi ang nararamdaman ko sa kanya.

Sa bilis ng mga pangyayari ay humilata si Simon sa sahig at doon inuntog ang ikuran ng kanyang ulo. Napahiga ako sa kanyang tabi dahil sa kanyang ginawa. Hindi ko na pinalampas pa na makarinig ng kasunod na galabog. Dahil sa nahihigaan niya ang aking braso, agad kong inilipat ito sa kanyang ulo at sinalo ang nakaambang untog na kanyang nais.

Hinagod ng aking duguang kamay ang kanyang mukha at kinapa ang kanyang bunbunan upang ito'y magawakan.

"Mahal na mahal kita Jasper! Mahal na mahal kita! Patawad sa mga nagawa ko hindi ko napigilan ang sarili ko!" ang sigaw ni Simon nang mapigil siya sa kanyang binabalak.

"Andrew... natatakot ako hindi sa iyo kung hindi dahil sa natatakot ako dahil mahal na kita ng higit pa sa isang kapatid. Higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko para sa nobyo ko. Hindi ko alam kung bakit mas matindi ang pagmamahal ko sa iyo. Nasasaktan ako tuwing magkasama kayo ni Brian at nakikita ko ang inyong pinagsasaluhan!" naghuhumagulgol kong paliwanag sa kanya habang nakayukong nakapatong ang aking noo sa kanyang dibdib na sumasalo sa bawat patak ng luhang tumutulo mula sa aking mga mata.

Natigilan si Simon sa kanyang mga narinig sa akin. Natulala marahil sa aking mga nasabi. Agad niyang inabot ang aking batok at mariing idiniin ang kanyang mga labi. Mas maalab. Mas mainit. Mas matindi ang damdamin ng pagmamahal kesa dati kong naramdaman. Mas matindi ang kuryenteng kumakalat sa aking katawan.

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking ulo at idiniina ng aking noo sa kanyang dibdib ng marahan. Dama ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Parang gusto ko itong pakinggan.

Iginilid ko ang aking mukha at inilapat ang aking tenga sa kung saan kanina nakapatong ang aking noo. Sa kanyang dibdib na dumadaloy ang nagpapatakan kong mga luha na galing sa aking nakapikit nang mga mata.

"Sorry, bunso." ang pabulong niyang sinabi at umayos siya sa kanyang higa. Itinukod niya ang kanyang siko upang maayos akong umunan sa kanya.

"Kahit alam kong mali. Hindi ko napigilan ang sarili ko kahit alam kong labag ito sa relasyon niyo ni Alice! Ayaw kong saktan si Alice! Ayaw ko rin magalit sa akin si Randy! Ayaw ko rin na magalit ang daddy dahil sa akin! Ako ang inampon at hindi kaya ng konsensiya ko na magugulo ang pamilyang ito at ang kung anong mayroon sa kanila ni Randy ng dahil sa lumalagong nararamdaman ko sa iyo! Mahal na mahal kita kahit alam kong balang araw kapag gumaling ka na at bumalik galing Amerika ay hindi na kita makikita pa." at di ko na napigilang isubsob ang aking mukha sa itaas na bahagi ng kanyang tiyan at doon mas dumami ang luha na aking pinaliligo sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Ngayong umamin ka na. Lalong lumakas ang loob kong labanan sila. Hintayin mo ako mahal ko. Babalik din ako." ang sabi niyang malambing sabay halik sa aking pisnging nakataas sa kanya.

Gumaang ang aking dibdib sa aking pag-amin. Para akong nawalan ng tinik na pumipigil sa nagbabaga kong damdamin. Pakiramdam ko'y may mainit na apoy sa aking puso ang nagaalab matapos kumawala sa aking mga labi ang aking pilit na itinatanggi.

"J-Jasper? Totoo ba lahat ng sinabi mo kanina?" ang gulat at di makapaniwalang tanong ng kanina pa pala nanonood sa amin na si Brian.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang tinig ni Brian. Naipit ang aking dila at hindi makapagsalita. Nanuyo ang aking lalamunan sa pagkabahala.

Nanlaki ang mga mata ni Brian habang sinusuri nito ang aking likuran.

"Bakit kayo nakahubad? Ang daming dugo sa likod mo!" ang sabay turo niya sa mga kagat na nagsugat na at ang galing sa aking bukas na nayurak ni Miguel.

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Nanatili lang ako sa tabi ni Simon. Yumakap lang siya ng mahigpit sa akin gamit ang kanyang isang bisig. Sa isang iglap, bigla siyang nawalan ng malay.

Nagmadaling lumapit sa akin si Brian at inilayo sa akin si Simon. Hindi ko sila maaninag.

"Manang! Magdala kayo ng hot compress at ice bag dito sa kwarto ni Jasper!" ang sigaw bigla ni Brian. Hindi ko makita kung ano ang nanyayari. Nagimbal ako't pinagpawisan ng malamig sa aking narinig.

"Ganoon na ba kalala ang nangyari kay Simon?! Diyos ko! Huwag naman po sana!" ang pagmamakaawa kong bulong sabay tingala sa langit.

Narinig ko ang mabibilis na yabang ng ilang paparating na katulong. Ang isa sa kanila ay binalutan ako ng tuwalya. Nakilala kong tuwala ito dahil sa mga hibla nitong gumagasgas sa aking balat.

Bumukas ang ilaw sa aking silid. Naaninag ko na ang mga ang mga kulay na may kakaunting hugis sa aking paligid. Pinilit kong titigan maigi ang lahat sa kabila ng pananakit ng aking mga mata sa kaiiyak at dala na rin ng kalasingan kanina.

Naaninag ko ang hugis ng katawang hubad ni Simon na akay ni Brian dahil sa pamilyar niyang suot na itim na sando at puting boxers. Nakasandal si Simon sa isa niyang hita habang pansin ko ang paggalaw ng kamay ni Brian sa kanyang mukha at ang maya't mayang paglapit ng kanilang mga ulo.

"Hinahaplos ba niya at sinusuri ang ulo ni Simon o hinahalikan ito?" ang tanong ko habang pinagmamasdan ang malabong mga pigura nila.

Nakaramdam nanaman ako ng matinding pagseselos sa kabila ng mga nangyayari. Parang ako naman ang gustong magwala.

"Kuya! Gumising ka kuya! Brian! Layuan mo ang mahal ko! AKIN SIYA!!" ang galit na galit kong isinigaw habang nakaabot ang isang kamay ko sa kanila. Hindi ko malaman ang kanilang layo mula sa akin. Unti-unti kong inilalapit ang aking sarili.

Bumangon si Brian at inakay si Simon. Naglakad siya paalis sa aking harapan na lalong tumulak sa akin upang magwala.

"Brian! Isinusumpa kita! Ibalik mo siya!" ang takot kong sinabi sabay galugad sa aking paligid upang hanapin ang anino nila ngunit hindi ko talaga makita.

Ilang sandali ang lumipas pakiramdam ko'y wala na akong kasama. Nag-iisa na lang sa gita ng aking silid. Basa sa sariling dugo at walang gustong magbigay ng alaga. Patuloy ang aking panawagan kay Simon. Ilang beses kong binanggit ang salitang 'kuya' ang 'mahal kita, Andrew' sa abot ng aking makakaya ngunit wala talaga.

"Baka lalo siyang magwala kung di natin siya gagamitan nito." ang tinig ni Brian na narinig ko sa di kalayuan. Matapos noon ay naramdaman ko na lang na may taong papalapit sa akin. Inalangat niya ang aking tuwalya at parang sinuri ang aking liruan. Napansin niyang basa na ang sahig na aking inuupuan ng aking dugo. Inalalayan niya akong tumayo gamit ang mahigpit niyang kapit sa isa kong braso.

"Sino ka?! Anong gagawin mo sa akin?! Manang? Manong? Lupe?" ang tanong ko sabay baling ng tingin sa bahagi kung saan naroon ang umaalalay sa akin.

Nakilala ko agad na si Brian siya dahil sa kulay ng kanyang kutis na aking napuna.

"Relax lang, Jasper." ang sabi niya.

"Ayoko! Nasaan si Simon! Ibalik mo siya! Akin siya!" ang sigaw kong parang nababaliw na sabay pilit na ipinagpag ang pagkakakapit niya sa akin upang kumala. Nanlaban ako ngunit wala na talaga akong lakas.

Sinubukan kong padapuan ng suntok si Brian ngunit hindi ko siya matamaan. Nagkamali ako ng buwelo kaya't ako'y agad na lumagapak sa duguang sahig. Mabilis na ipinako ako ni Brian sa sahig.

"Anong gagawin mo sa akin?! Gago ka Brian! Gago ka!" ang galit na galit kong sinigaw na halos marinig na sa ibaba ng bahay.

"Manong, patulong naman. Paki lang." ang gigil na sinabi ni Brian. May kasama pala siya at inutusang pumalit na gagapos sa akin. Agad na hinawi ni Brian ang aking leeg nang sila'y magpalit. Sa isang iglap, nakaramdam ako ng pagtusok ng isang syringe sa gilid ng aking leeg at ako'y agad na nawalan ng malay.

Kinabukasan, nagising ako sa matinding sakit ng ulo. Parang namamaga ang aking buong katawan at hindi ko maigalaw ang aking likuran dahil sa mga nakuha kong sugat. Ganoon din ang aking baywang, hindi ko magawang mapagkiskis ang aking mga laman dahil sa hiwang napunit at parang lumabas na laman.

Nang igalaw ko ang aking kanang kamay ay naramdaman ko ng mayroon pala akong katabi. Pareho kaming nakahilata ngunit hindi ko siya makilala.

Maya-maya, biglang may nagsuot sa akin ng aking salamin. Nabigla ang aking mata kaya't napakurap ako ng ilang beses. Ibinalik ko ang aking tingin kay Simon upang makita ang kanyang kalagayan. Agad nawala ang aking kaba ng makitang walang nakabalot na benda o gasa sa kanyang ulunan. Inakala kong dumugo ang kanyang ulo sa kanyang ginawa. Mahimbing ang kanyang tulog at napaka amo ng kanyang mukha. Kay sarap pagmasdan.

Napatingin ako sa aking kamay at naalalang maaaring ang dugo na nahawakan ko ay ang dugong nanggaling sa aking sugat na aking nahawakan ng di ko alam.

"Anong nangyari kagabi sa inyo? Bakit hinaluan niyo tatlong tabletas ng Valium yung tequila niyo kagabi? Nagdadrugs ba kayo?" anf magkakasunod na tanong ng mahaderang si Brian at napatingin ako sa gilid ng kama kung saan ko narinig ang boses niya. Nakatayo siya sa aking tabi.

"Hindi ko alam na may halo iyon." ang iritable kong sagot sa kanya sabay baling ng aking ulo sa kabilang banda ng kama at nakita si Simon.

Napatingin ako sa aking paligid at napansing nasa silid pala kami ni Simon ngayon.

"Naalala mo mga sinasabi mo kagabi?" ang tanong niya.

"Oo, naaalala ko ang bawat detalye kahit wala akong makita. Pati ang ginawa mo sa akin naaalala ko."

"Bago iyon, ano ang nagyari sa inyo ni Simon? Can you tell me the whole story?" ang tanong naman niya na parang pasyente lang ang kausap niya.

"Bakit? Nagseselos ka? Oo, mahal ko si Simon dahil sa persona niyang si Simon? Nauna naman ako sa iyo ah! Sila na ni Alice bago pa natin si Simon magustuhan. Bitter ka?" ang bulyaw ko sa kanya habang tinitignan siya ng mata sa mata. Nangiti lang siya at napailing sa aking nasabi.

"What you did was not good, Jasper. He is out of his head!"

"Minahal ko siya! Ikaw? Pinuputa mo siya o pinuputa ka ni Miguel?" ang matalim kong wika sa kanya na nagpawala sa kanyang mga ngiti. Batid kong tinamaan siya sa aking sinabi.

"Ano?! Umamin ka! Dahil sa iyo lumalala lalo ang kapatid ko! Sa halip na tulungan mo siya huling huli ng mga mata ko na ginagamit mo lang siya! Parausan? Napakawalang kwenta mong duktor! Dahil sa iyo dadalin na nila mommy si kuya sa Amerika!" ang dagdag ko pa. Nagsalubong agad ang kanyang kilay at pilit na nagngiting aso bago nagsalita.

"Kapatid? Mommy? Baka nakakalimutan mong sampid ka lang sa pamamahay na ito. Isa kang hampas lupang pinulot lang sa awa ng magulang ni Simon para sa anak nila para tumulong sa kaniya. Huwag mong kakalilimutan kung sino ka bago ka magsalita ng ganyan. Isa pa, malay ko bang may relasyon pala kayo ng katauhan ni Simon kaya ka nandidito ngayon." ang gigil na sinabi niya sa akin sabay dutdot sa isang gilid ng aking noo na nakatapat sa kanya. Agad kong tinapik ito ng isa kong kamay.

"Wala akong pakialam kung anong dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Ang mahalaga, nandito ako dahil sa kagustuhan ni Simon. At kung hindi mo pa naririnig ang mga balita, hindi ako hampaslupa na tulad ng sinasabi mo dahil sa katabing mansyon ng bahay na ito ay pagmamay-ari ng tiyuhin ko't kaya kong bilhin ang buhay mo!" ang mataray kong sinupalpal sa kanya habang umiirap ang aking mga mata.

Nabigla si Brian sa kanyang narinig. Parang ayaw niya maniwala sa aking sinabi.

Bumangon ako sa kamang hirap na iniinda ang pananakit ng lahat sa aking katawan upang kausapin ng mas maayos si Brian ng harapan. Napayuko si Brian ng matauhan. Mabilis na lumabas ang kalungkutan sa kanyang mga mata na ngayo'y nakapako na sa sahig.

"Sorry, Jasper. Naaalala ko lang kasi ang yumao niyang kuya niya sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin si Randy." ang malungkot na wika niya.

"Bakit mo ginagamit si Simon?! Bakit?! Di ba may boyfriend ka? Di ba?! Ngayon pinagtataksilan mo pa siya! Ako? Alam mo? May boyfriend ako eh, kahit ipinagpalit niya ako sa iba nakpiagbalikan pa rin ako sa kanya. Kahit iniwan niya ako umaasa pa..." ang sisi ko sa kanya ngunit natigilan ako sa aking sasabihin. Napatingin siya sa akin.

"Matagal na ba kayo ni Andrew kay Simon?" ang tanong niya. Hindi naman kami masyado kasi nag-uusap ng tungkol sa akin.

"Huwag na. Kalimutan mo na." ang sagot kong mahinahon na.

"Mahal mo pa rin ba siya? Bakit ka niya iniwan?"

"Ang kay kuya, nitong huli ko na lang napatunayan sa aking sarili. Ang sa boyfriend ko naman, nitong nakaraan nang malaman naming isa pala akong eredero ng yaman. Ipinagtanggol ko ang sa amin sa harap ni Don Amante pero siya ang nagpakalayo at naglaho na lang bigla." ang malungkot kong kinwento sa kanya.

"Baka natakot lang siya. He didn't break up with you ba?"

"Ewan. Masyadong mabilis mga nangyari."

"How much do you love him compared to your love to a mere persona ni Simon?"

"Hindi ko maintindihan. Pareho ko silang mahal."

"Alam mo, better hold on to your boyfriend. Have faith in him. Magkakaayos din kayo niyan someday."

"Para makuha mo si kuya? Ganun ba?" ang mataray kong tanong sa kanya habang nakatingin sa kanya at nakataas ang isa kong kilay.

"Nope, you gave me a wake-up call. Mahina kasi ako sa temptations. I know you can tell. You've met Miguel, right?"

"Sinusumpa kong nabuhay ang Miguel na iyan. Siya gumahasa sa akin noon at kagabi hindi ko alam na hinaluan niya ulit ng Valium ang inumin namin. Inabutan ko kasi kagabi si Randy na yata o si Andrew na. Basta nasa kwarto siya tapos niyaya niya ako. Tapos nalasing ako. Tapos nagising ako ginagahasa na ako. Wasak na vagina ko nanaman." ang may pinanghuhugutan kong sagot sa kanya. Natawa si Brian sa aking nasabi.

"Tama hinala ko eh. Beki ka rin. Vagina talaga?" ang sagot niya sabay halakhak.

"My advice for you, Jasper... and to myself as well, we stick with our boyfriends. He isn't himself and we aren't sure about him. I simply got into him because he really looks and acts like his kuya. Sampalin mo ko kung mahuli mo akong bumibigay.. but I guess it won't be happening anymore since very soon your mom will take him sa US. As a professional doctor in this field, masamang mahulog sa may topak." ang sabi niya na hinabol ng biro.

"Sus! Professional ka diyan lahat ng duktor, Oo. Pero ikaw, hindi." ang agad kong reaksiyon sa aking isipan.

"Tama nga si Brian. Makulit lang talaga ang damdamin ko. Kailangan kong ilipat ang aking pansin at ipako na ito kay Rodel." ang sabi ko sa aking sarili.

"Hindi ka na ba babalik dun? Akala ko si Simon lang dahilan kung bakit nandito ka?"

"Pinapaalis mo na ako?" ang mataray niyang sagot sa akin.

"Hindi naman. Nagtatanong lang. Oo na nga, tutulungan ko sarili kong kalimutan itong para kay Andrew." ang malungkot kong sagot sa kanya.

Nasa ganoon kaming lagay ng pag-uusap ni Brian nang biglang humawak sa akin si Simon sa aking likuran. Agad ko siyang nilingon at nakita ang kanyang napakatamis na ngiti at namumungay na mga mata. Umunat siya at naghikap at bumalik muli ang kaaya aya niyang mukha na bumabati sa akin.

"Bakit ka nakadiaper? Ang dami mong patches ng gasa sa likod para ka nang dalmatian." ang tanong niyang pabiro.

Lumipat ang aking tingin sa aking sarili at nabigla nang makitang may suot akong adult diaper. Nakalimutan kong wala pala kaming saplot kagabi. Hindi kami binihisan man lang.

Yumuko ako at itinaas ng tama ang kumot na nabalot pa rin kay Simon. Sinilip ko ito at nakita ang kabuuan ng hubad niyang katawan.

"Hoy! Ano sinisilip mo diyan bunso? Tuklawin ka ng ahas diyan." ang biro ni Simon. Natawa kaming pareho ni Brian sa kanya.

"Tawa ka diyan Brian. Hindi ikaw ang kausap ko." ang galit niyang hirit kay Brian na napatigil bigla sa pagtawa.

"Bunso, labas tayo mamaya ha? Pero tabi ka muna kay kuya. Halika dito sa tabi ko." ang sabi niya sa akin sabay pagpag ng bahagi ng kama kung saan ako nakahiga kanina.

Nagmamadali akong sumunod sa kanya at humiga ng masyadong nakadikit sa kanyang tabi. Nakapatong sa kanyang dibdib ang kaliwa kong braso at niyakap siya ng mahigpit.

"O? Ano tinitingin-tingin mo diyan, Brian? Lumabas ka nga ng kwarto! Hindi kami palabas para panoorin mo." ang seryosong sinabi ni Simon sa kanya.

"Kuya naman. Huwag ka nga ganun sa duktor mo." ang sabi ko sa kanya habang si Brian ay naglalakad na palabas ng kwarto. Nang magsara ang pinto.

"Bunso, sorry ha? Hindi ko naalam ang nangyari kagabi. Kung buhay si Randy o si Simon kasi nakikita ko pa mga nangyayari at mga ginagawa nila pero minsan nagdidilim na talaga ako at di ko na alam ginagawa ko." ang nagmamakaawa niyang sinabi sabay haplos sa aking pisngi.

"Galit ka ba sa akin?" ang tanong niya.

"Hindi. Kalimutan na natin iyon kuya. Basta promise mo sa akin gagaling ka na ha?" ang tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Basta ako lang ang mahal mo magpapagaling ako." ang sabi niya.

"Sigurado ka ha?"

"Oo. Sigurado ako pero gusto kong marinig muli yung mga sinabi mo kagabi eh."

"Ano iyon?" ang gulat kong tanong sa kanya na patay malisya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Nagtatalo ang aking damdamin.

"Nakalimutan mo na."

"Ang alin? Ang dami natin pinag-usapan kagabi eh." ang parang bata kong sagot sa kanya.

"Mas mahal mo ako kay Rodel di ba?"

"Oo naman." kahit nagdadalawang isip na ako sa mga oras na iyon.

"Sigurado ka diyan ha? Kasi may pupuntahan tayo mamaya."

"Date? Teka, alam mo bang nakipagbreak ka kahapon kay Alice?!" ang naguguluhan kong tanong sa kanya na kanya din ikinabigla.

"Naku! Teka, mamaya na natin yan pag-usapan. Bakit? Masama ba lumabas ang magkuya?" ang tanong niya.

"H-hindi siguro kung wala namang ibig sabihin." ang sagot ko habang napapakamot sa aking ulo.

"Bakit? Gusto mo magkaroon ng ibig sabihin?" ang tanong niya habang nakatitig sa akin ang mga nakakaloko niyang tingin at abot tenga ang pilyo niyang ngiti.

"Hindi. Ayoko nga." ang nagmamaktol kong sagot sa kanya.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan yang sinasabi mo. Kala ko pa naman kagabi seryoso ka na sa mga sinasabi mo sa akin. Lasing ka lang yata nung sinabi mo na 'Akin siya! Kuya! Mahal na mahal kita!," ang nang-aasar niyang sagot sa akin. Para aking tinamaan ng bato sa sobrang hiya sa pagkakasabi niya ng mga salitang aking binanggit.

"Saan ba tayo pupunta mamaya?"

"Basta, magugustuhan mo na pumunta tayo doon"

"Ano gagawin natin doon?" ang kinakanakabahan ngunit excited kong tanong sa kanya. Hindi ko maintindihan pero matinding kilig ang aking nararamdaman sa daloy ng aming usapan.