webnovel

Salamin [BL]

Isang book worm at chatter. Tila sa mga libro lang umiikot ang kanyang buhay niya kung hindi naharap sa kanyang computer upang makipag-usap sa ibang tao. Kayanin kaya niyang harapin ang hamon ng totoong buhay at pag-ibig kung ang mga aklat niyang nabasa ay hindi lahat naituro sa kanya? Mahanap niya kaya ang taong mamahalin din siya balang araw sa chat? Puso or mga mata ba niya ang basehan upang makita niya ang taong nagmamahal sa kanya? Paano niya uunawain at mamahalin ang lalaking may Dissociative Identity Disorder na lalaro sa buhay pag-ibig niya. Ito ang kuwento ni Jasper Gil.

wizlovezchiz · LGBT+
Not enough ratings
46 Chs

Salamin - Chapter 37

Excited si Simon. Minadali niya ako sa aking paghahanda habang ganoon din ang ginawa niya. Tinulungan niya akong magbihis na parang bata. Nakakatuwa ang aming mga sandali. Masasayang harutan, kulitan, at tawanan na parang panaginip lang ang mga nangyari kagabi.

Hindi na kami nag-almusal ni kuya. Nang makababa kami sa ibaba ng bahay ay agad niya akong binuhat at dinala sa loob ng kanyang kotse na parang isang bagahe sa upuang katabi ng kanya. Hindi ko mapigilang tanggapin ang lahat kaya't lubos na kasiyahan ang aking nararamdaman ss piling niya. Pilit nagpakabingi ang sarili sa babala ni Brian na huwag mahulog sa isang taong wala sa sarili.

"Kuya, parang nawala yung sakit ng mga sugat ko. Tapos yung puwit ko okay na. Walang sakit? Ang weird." ang sinabi ko sa kanya habang itinatalbog ang sarili sa upuan matapos niyang pumasok sa kotse. Humarap lang siya at ako'y nginitian.

Paglabas ng Ayala Alabang Village ay nagulat akong patungong daang hari ang kanyang tinahak.

"Kuya? Saan tayo pupunta?" ang ignorante kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot. Halatang abala sa pagmamaneho. Kumambiyo siya at binuksan ang player ng sa kanyang kotse. Bumunot siya ng isang compact disc sa drawer sa aking harapan at ipinasok ito roon. Matapos ang ilang pindot sa mga button sa player ay tumugtog ang 'I Love You More Today Than Yesterday ng Spiral Staircase'.

Pakaliwat-kanan siyang umugoy-ugoy na sumasabay sa indak ng tugtugin. Natawa ako sa kanyang ginagawa. Hindi ko napansin ngunit namumula na ang aking mga pisngi habang pinagmamasdan siya nang sinabayan niya ito ng awit. Kakaiba ang aking pakiramdam. Napakasaya ko. Parang napakaperpekto ng aming sandali. Ayaw ko nang tumigil pa ang aming biyahe. Gusto ko nang magpadala sa kanya sa kayang abutin ng mga gulong ng kanyang sasakyan.

"Ano yung tanong mo kanina?" ang tanong niya matapos ang isang round ng kanta at umulit-uli itong tumugtog. Nakareplay mode pala ang player niya.

"Ang tanong ko kuya bingi, kung saan tayo pupunta. Bakit tayo nandito ngayon sa Daang Hari?" sabay tawa ko sa kanya.

"Sa Fern Brook." ang sagot niya sabay sayaw ulit sa kanyang pinatutugtog. Napapaindak na rin ako pasunod sa kanya.

"Kuya, bakit tayo doon pupunta? May invitation ka ba na nakuha? bakit hindi man lang tayo nagbihis ng maayos kung dadalo pala tayo ng kasal? Anong oras ba?" ang sunod sunod kong tanong sa kanya dahil naka puting shirt lang kami pareho, navy blue na shorts na baston ang cut at sneakers na medyo luma na. Isang tipikal na pambahay lamang ang suot naming dalawa na lagi naming suot tuwing pupunta kami sa mga mall.

"Oo, may invitation tayong nakuha. Tignan mo yung drawer sa harap mo. Buksan mo." ang malambing niyang sinabi sa akin sabay turo nito ng kanyang mga mata.

Napaisip ako sa sinabi niya at binuksan ang drawer na kaninang hinahalungkat niya para kumuha ng CD. Pagbukas ko ay may nakita akong itim na parisukat na envelope. Agad ko itong kinuha na at isinara ang drawer.

Nasa akto na akong buksan sana ang envelope ngunit agad niya itong kinuha.

"Secret lang kung kaninong kasal yung pupuntahan natin." ang nanunukso niyang sinabi sa akin habang winawagayway ang hinablot niya sa akin. Isinilid niya ito sa kanyang kaliwa at ibinalik ang kanyang mga titig sa kalsada.

"Bakit naman itim ang envelope? Emo o gothic ba ang theme nila? Pero bakit kami naka ganito?" ang tanong ko sa aking sarili at nanaig ang tugtog sa loob ng kotse sa pagitan ng aming katahimikan.

Maabot namin ang daan kung saan abot tanaw na ang Fern Brook, tumigil kami sa kanang bahagi ng kalsada na hindi na konkreto at may kaunting talahib na.

"Kuya, bakit tayo tumigil?" ang tanong ko sa kanya nang maagaw nito ang aking pansin mula sa pagmamasid sa kagandahan ng malapalasyong lugar kung saan maraming kasalan ang dinadaos.

"Naiihi ako. Sandali lang ha?" ang paalam niya at nagmamadaling lumabas ng kotse. Tumakbo siya patawid sa kaliwang bahagi ng kalsada. Doon kasi, mas mataas at malalago ang mga damo upang matakpan siya. Nang matigil siyang nakarahap sa mga talahib ay ibinalik ko ang aking titig sa napakagandang tanawin. Ang parang kastilyo ng mga enkantado na Fern Brook kung saan ang bubong nito ay transparent na may kalabuan na dahil marahil sa araw at mga namumuong kulay brown na lumot dito. Maraming baging ang nagmistulang balahibo mula sa paanan hanggang sa tuktok nito umakyat. Sa baba nito, malayo sa kanyang parking lot ay makikita mo ang magagandang uri ng mga halaman at kaaya-ayang pagmasdan na mga bulaklak tulad ng rosas, gumamela, at iba pang hindi ko alam ang tawag.

Ilang sandali na lumipas at napuna ko na hindi pa rin siya bumabalik. Sinuri ko ang dako kung nasaan siya ngunit hindi ko na siya makita. Nabahala ako ng luba. Napatingin ako sa kanyang upuan at nakita ang envelope na itinago niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung bakit ngunit agad ko itong kinuha bago lumabas ng kotse.

Maingat kong tinawid ang kabilang banda na parang nakikipagpatintero sa mga nadaraanang kotse at trak. Kakaiba, kahit nasa labas na ako ng kotseng nakasara ay dinig ko pa rin ang tugtugin ni kuya na para bang nasa loob pa rin ako ng kotse.

"Kuya! Ang tagal mo! Dalian mo diyan!" ang sigaw ko sa kanya sa talabihan. Pansin kong kakaiba ang ayos at di natural ang tayo ng mga talahib. Parang nahawi siya at mukhang tumungo doon si Simon.

Maingat kong pinasok ang masukal na talahiban. Mas mataas pa sa akin ang mga dahon nito. Sa kitid ng aking madaraanan ay di ko naiwasang mahiwa ng ilang beses sa aking braso at binti sa aking paglalakad. Maya-maya, narinig ako ang nakakikilabot na malademonyong tawa sa dakong aking tinutumbok kasabay ng tugtuging paulit-ulit pa rin na tumutugtog na parang nangagaling mismong dahon ng mga damo na nakalapit sa aking tenga.

Di gaano malayo ang aking ginalugad. Natunton ko ang isang maliit na bakanteng espasyo na pinapaligiran ng talahib at sa gitna nakatayo si Simon at sa kanya nanggagaling ang nakakatakot na pagtawa.

"Kuya?" ang kinakabahan kong tanong sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon.

"Nandito na tayo sa kasalan nila!" ang sagot niya. Bumilis ang tibok ng aking dibdib sa kaba.

"Anong nangyayari sa akin? Saan nanggagaling ang tugtog na iyon? Bakit ganiyan magsalita si Simon? Parang hindi ko na siya kilala. Sino siya?" ang tanong ko sa aking sarili at nakapako ang aking mga titig sa kanya.

"Hindi mo ba binasa yung nasa envelope?" ang tanong niya.

Agad kong binuksan ang aking hawak at nakita ang isang lumang papel na nakasilid dito. Dahan-dahan kong inilabas ito at nakita ang tipikal na mga nakalagay sa isang pormal na imbitasyon para sa isang kasalan. Cursive ang mga letrang ginamit dito ngunit halatang pati ito ay luma na dahil sa medyo kumalat na ang kanyang tinta na parang nabasa at natuyo na lang sa paglipas ng panahon.

Nagimbal ako sa nakasulat matapos kong mabasa ang kasunod ng 'You're presence is much requested'.

"You are invited to attend the wake of Nestor and Vincent" at ang nakasulat na petsa ay ang araw na sila ay natagpuang walang buhay.

Nagbalik sa aking ala-ala ang balitang aking nakita. Ang talahiban, ang mga taong nakikiusyoso, ang mga pulis, and reporter, at ang mga bangkay nilang nakahiga sa damuhan. Parehong-pareho sa lugar kung saan ako ngayon nakatayo na naginginig na sa matinding takot.

"Naalala mo na?" ang tanong niya sabay harap sa akin. Lalong tumindi ang aking takot ng makita siya. Halos lumundag na sa aking ngalangala ang aking puso sa lakas ng kabog nito. Tila lahat ng dugo ko parang naglaho sa panlalamig ng aking mga kamay.

Walang mata si Simon at umaagos ang dugo mula sa butas ng kanyang mga mata. Parang naaagnas na ang pisngi niya habang ang balat naman niya ay ginagapangan ng mga uod. Gusto kong sumigaw sa matinding takot ngunit naudlot ito nang maglakad sa kanyang likuran mula sa mga matataas na talahib ang dalawang naaagnas nang mga bangay na may suot na kapareho ng kina Nestor nang sila'y matagpuan. Nakatayo silang parang buhay lamang ngunit ang ilang bahagi sa kanilang bilad na mga balat ay butas na na parang inanay dahil sa kita ko na ang mapuputi nilang buto at ang mga bahaging kung saan lalabas umagos sana ang mga dugo ay nangitim nang parang may uling na nabasang nakapitan ng mga lupa.

Patuloy ang tugtog na sumunod sa akin mula sa kotse. Nakatayo lang akong tulala at pinaninidigan ng balahibo sa aking nakikita. Tinig nan ko ang mukha nila Nestor at Vincent ngunit malabo ang mga ito. Ang lahat ay malinaw maliban lang sa kanilang mga mukha. Parang di tumatalab ang aking salamin sa kanilang mga mukha.

"Ikaw ang may kasalanan kaya pinatay niya ako!" ang sabay na sinabi ng boses na nangagaling sa bawat isa sa kanila ni Nestor at Vincent.

"Pinatahimik ko na sila! Gustong gusto ni Nestor ang titi ko! Pinuta ko siya tulad ng pagpuputa ko kay Brian! Hindi ko na sana siya papatayin kung di dahil sa iyo at hindi dahil sa Vincent na ito! Bakit ka ba minahal ni Andrew at Simon ng sobra? Ano ba ang meron sa iyo?!" ang nakakakilabot niyang wika ni Simon sa akin at nagsimulang mahulog ang mga hibla ng kanyang buhok ng mabilis.

Hindi ako makapagsalita. Nanigas na rin ang buo kong katawan sa matinding takot.

Lumakad si Simon palapit sa akin. Hindi pa rin ako makagalaw. Naglapit na ang aming mga mukha. Amoy ko ang hindi ko maintindihan na nabubulok na laman. Parang pinaghalong bulok na ipin na hinaluan ng naaagnas na laman na hindi ko malaman. Nakakasuka.

Nanlaki ang aking mga mata nang lalong lumapit ang kanyang maputing mga labi an nahulog ang bandang ibaba nito. Nakalabas ang mga ngipin niya sa ibaba. Gumapang ang mga kamay niya sa aking balakang habang ang isa naman ay humawak sa aking batok. Biglaan niya akong idiniin sa kanya at naramdaman ng aking mga labi ang malamig niyang bibig at ang kanyang ipin at gilagid sa ibaba.

"Kuyaaaa!!!!!" sabay bangon ako sa kama. Wala akong makita kahit halos lumuwa na ang aking mga mata. Puro puti lang ang aking nakikita. Mabilis ang tibok ng aking dibdib. Pamilyar na pinaghalong gamot at alcohol ang nanunuot sa aking mga ilong.

"Jasper, it's okay. It's okay." ang mahinang sinabi sa akin ni Brian at inalalayan akong humiga muli. Naramdaman ko ang matinding sakit sa akin likuran pati na ang sakit sa aking kweba.

Napansin kong parang nakapatong sa karton ang aking kanang kamay. Kinapa ko iyon at nahawakan ang isang gomang tubong maliit. Sinundan ko iyon papunta sa ibabaw ng kamay hanggang sa nakaramdam ako ng kirot ng ito'y aking masangga.

"Nasaan ako, Brian? Ano itong nasa kamay ko?" ang nababahala kong tanong sa kanya.

"Relax lang. You're safe now." ang sagot niya sa akin sabay suot niya ng aking mga salamin sa aking mata.

"Hayan. All better now?" ang sabi niya at mabilis na luminaw ang aking paligid. Muli akong bumangon at nakitang nakaconfine pala ako sa ospital.

"Si kuya?" ang agad kong tanong sa kanya.

"Ayun oh." ang sagot niya sabay turo ng kanyang nguso sa kanang bahagi ng silid kung saan ako naroon. Nakahiga si Simon. Mahimbing na natutulog at napakaamo ng kanyang mukha. Patches lang ng gasa na may kaunting kulay brown sa kanyang noo at kaliwang bahagi ng kanyang ulo ang panira sa kagwapuhan niya. Habang pinagmamasdan koa naman siya ay nanumbalik ang aking panaginip kanina. Matinding takot ang pumalit sa ginhawang nararamdaman ko nang siya'y aking makita.

"Kamusta na siya? Anong nangyari?" tanong ko kay Brian. Napayuko siya.

"It seems one of his persona used his medication on your drinks last night." at napailing siya.

"Hindi napansin ni Andrew na meron yung iniinom namin kagabi? Bakit?"

"I'll give you the details once you're out of here. Right now, you should get well soon. I want to personally talk to you din kasi about some stuff. I know, there's something we need to discuss out of me being his doctor. All I can tell you is, I'm really, really sorry I forgot my place." ang sagot niya sabay bitiw ng isang pilit na ngiti pilit tinago ang malungkot niyang mga mata.

Kinabukasan, nauna akong nakalabas ng ospital kesa kay Simon. Naaawa akong makita siya sa aking paglisan na nakagapos sa kanyang higaan. Isang indikasyon marahil na lumalala na ang kanyang karamdaman.

Sa bahay, pagkauwi ay pinabantayan muna namin si kuya sa ospital sa isa naming kasambahay. Sa kwarto ni Brian, umupo kaming magkaharap sa kanyang kama.

"Jasper, off the record, are you mad at me?" ang nahihiya niyang tanong sa akin.

"Oo."

"Dahil ba dun sa..."

".. Oo."

"Naaalala mo yung mga sinabi mo kagabi? Sorry ha? Nabigla lang kasi ako." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya.

"Are you, like me?" ang dagdag niya. Para akong nasa imbestigasyon na pilit pinaaamin.

"Oo... may problema?"

"Wala. Pero, naaalala mo nga yung mga sinabi mo kagabi?"

"...Oo" ang nahirapan kong sagot sa kanya.

"Do you mean it? Really, really mean it?"

"Ummm... Oo.... mahal ko na yata si Simon ng higit pa sa kapatid. Siya kasi eh."

"So... yung si Andrew na madalas mong makasama, kayo na?" nagulantang ako sa tanong niya.

"H-hindi ah. May boyfriend ako pero hindi siya kundi yung best friend niya." ang tanggi ko.

"Good, because I went through the same thing that's why I can't cure Simon. Pag dating ng mom niyo, she'll have to take him abroad to my colleagues for the treatment. I can't cure Simon lalo na ang true persona niya ay laging tulog. Masyadong malaki na ang lapses na naeexperience niya. Sabi niya, nung una it was hours, then days, then it became a year na. It was hard to call for him. Dominant masyado personas niya at hindi na niya alam nangyayari sa kanya. As for me, I need time to think about what I did na unprofessional." tumango lang ako sa kanya.

"Sorry talaga ha? I'm very sorry." ang malalim niyang sinabi sa akin dama ang kanyang taos pusong paumanhin habang nakatitig sa akin ang mga nahihiya niyang mga mata.

"I'm not the person to tell you this pero because I care for you, please, don't fall for Simon." ang sinabi niyang parang ayaw kong tanggapin.

"Bakit mo ginawa yun sa kuya ko?"

"He reminded me so much of Randy, his elder brother. I gave in sa isa niyang persona." ang wika niya habang umiiling.

"Kung dadalin na siya ni mommy niyo makakatulong din sa akin para sa boyfriend ko na lang ang aking atensiyon."

"Dapat lang. Polygamous ka pala." ang biro ko sa kanya.

"Can't blame me, dear. He's not beside me for a long tima now. Pica-pica lang naman muna ginagawa ko dito. Nasama lang yang si Simon." ang biro niyang sagot.

"Love mo boyfriend mo at huwag mo siya papakawalan. Ako, ipinagpalit man niya ako dati nakipagbalikan ako sa kanya at pinatawad ko siya. Kahit sa araw na naging kami ulit ay umalis siya, hinintay ko siya hanggang sa bumalik ulit siya kahit di na kami naguusap noon. Pero..." at nalungkot ako sa mga susunod kong sasabihin.

"Pero ano?" ang tanong niyang hindi makapaghintay sa susunod kong sasabihin.

Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari. Nagulat siya nang malaman niyang pamangkin pala ako ni Don Amante na aming kapitbahay.

"Grabe ka, martyr ka pala. Are you still hoping he'll return? Tanga niya kung hindi no. Ipinaglaban mo pa siya tapos siya itong lumayo at nakipagbreak. Yaan mo, he'll return one day baka naguguluhan lang siya.

"Sana nga. Sana nga. Dahil sobrang miss ko na rin siya at baka naglaslas na ako kung di lang nadivert attention ko kay Simon." ang sagot ko sa nanghihinayang kong tono na umaasa pa rin na kami'y magkaayusan.

"Anyways, enough of those mushy stuff. The reason I asked you to speak to me is I want to show you my records so far to give you a full picture din about your brother." ang sabi niya sabay tayo sa kama at kinuha ang kanyang voice recorder, ilang casette tapes nito, at ang kanyang laptop at ipinatong ito sa ibabaw ng kama.

"First, I want you to listen to my sessions with each of Simon's persona." ang sabi niya sabay kuya ng voice recorder at pinindot ang play. Nanaig ang saglit na katahimikan sa aming dalawa at hinintay ang pagsimula ng aming pakikinggan.

"Patient, Simon Tiongco. Day one, first session." ang tinig ni Brian at isang saglit na katahimikan nanaman ang nanaig nang ifast forward niya ng kaunti ang casette.

"Anong pangalan mo?" ang tinig ni Brian.

"Simon... Simon Tiongco..."

"Ilang taon ka na?"

"Hindi ko alam, hindi ko alam. Nasaan ako? Bakit ganito na ang room ni tito?" ang tinig ni Simon ay kakaiba. Hindi ko pa narinig na ganito ang kanyang pananalita. Pakiramdam kong ibang binata ang nagsasalita. Hindi si Andrew, Randy, o Miguel ang aking naririnig.

Nagpatuloy si Simon sa pagsasalita ngunit papalit-palit ang kanyang boses at ugali sa kanyang tono ng pananalita.

"... Tito? Tito huwag po! Tama na tito! Masakit tito!" pamilyar na boses na ni Randy na ngayon ko lang narinig na nahihirapan.

"... huwag kang maingay, Randy. Saglit lang ito. Masarap naman di ba? Masarap di ba?"

"Huwag po... huwag..." at nasundan ito ng daig na parang nasasaktan siya.

Hininto ni Brian ang player. Napatingin ako sa kanya.

"It was clear fromthe conversation na he may have recorded seeing his kuya being abused by his tito rin. I can help but shed a tear as I listen to the whole thing during the session. My late boyfriend was his first victim." ang may galit na sinabi sa akin ni Brian. Nalungkot ako sa kanyang sinabi at napatingin muli sa player nang palitan niya ang casette. Agad niyang pinapunta ito sa isang bahagi na gusto niyang iparinig.

"Ano pangalan mo?" ang tinig muli ni Brian.

"Andrew Tiongco. Ano nanaman gusto mo Brian?" ang masungit niyang sagot kay Brian.

"Ilang taon ka na?"

"Eighteen. Tanga ka ba?" ang masungit pa rin na sagot niya. Hindi ako magkakamaling si Andrew nga iyon dahil sa tono niya lalo na kung si Brian ang kausap niya.

"Kasama mo si Simon ngayon?"

"Bakit? Ano kailangan mo sa kambal ko?"

"Ano ka ba sa buhay niya?"

"Tinutulungan ko siya. Ako nabubuhay para sa kanya. Ako nagtitiis ng pagpalit-palit namin sa katawan niya. Ako nanonood sa mga pinaggagawa nila."

"Sinong sila?"

"Eh di alamin mo." ang masungit niyang sagot kay Brian.

Agad na tinigil muli ni Brian ang player at napangiti.

"Alam mo? Tingin ko lang ha? Siya yung persona ni Simon na nagseselos sa akin. Seloso kasi yun para sa kuya niya. Ayaw niya lagi kami nakikita na naglalambingan gusto niya sa kanya lahat ng attention ng kuya niya." ang binahagi sa akin ni Brian na aking nginitian.

Pinalitan muli ni Brian ang laman ng player at dinala ulit ito sa isang bahagi kung saan ang gusto niyang iparinig.

"Miguel." ang parang adik na boses ni Simon na urong ang dila.

"Ilang taong ka na?"

"Does age really matter to you? I like you." ang nanunuksong sagot niya.

"Ano ka kay Simon?" ang tanong ni Brian.

"Bakit? Ano mo ba si Simon? Ayaw mo sa akin? Gusto mo siya?" ang deretsahan niyang sagot.

"Gusto mo ko. Kita ko sa mga mata mo. Gusto mo, jowain kita?" ang dagdag pa niyang tukso kay Brian.

Inabante bigla ni Brian ang tape. Napailing siya.

"Let's skip some of that. He was a hooker I tell you. Baka masaktan ka lang sa maririnig mo because that time he was already rubbing his hard tool." ang nahihiya niyang sinabi sa akin. Napangiti lang ako sa kanya.

"Galing mo pala sumuso. Akin ka na ha?" ang tinig muli ni Miguel.

"Ano yung tanong mo kanina?" ang tanong bigla niya kay Brian.

"Ano ka ni Simon?"

"Ako yung kasama ng tito niya sa kama. Ako yung nagpapatira sa puwet pero lalaki ako ha. Gusto ko kasi tupadin yung gusto ni daddy na mag-asawa balang araw kaya as much as possible nagpapractice na ako gumawa ng bata. Masarap din kasi lalo na yung mga mapuputi mapababae man o bakla. Pareho kami ni Randy pero siya kasi galit sa bakla ako gustong gusto ko pumatol sa bakla. Sarap din kasi sa puwet tumira, hindi lumuluwag at mas masikip pa sa lungga ng babae. Isa pa sa kaibahan namin, papatay ako para lang makuha ang gusto ko." ang sagot niya habang sumisinghot singhot na parang siga. Naalala ko ang aking masamang panaginip. Nalungkot ako sa aking narinig at napailing.

Pinatay muli ni Brian ang player at nagpalit ng bala. Napuna ni Brian ang lungkot ng aking mukha.

"Bakit?" ang tanong ni Brian sa akin.

"Dalawang beses kasi niya akong ginamit. Parehong paraan. Tapos, may hinala pa ako na.." ang natigil kong sasabihin sa kanya.

"What?" ang tanong ni Brian.

"Wala. Play mo na ulit." sagot ko.

"Yaan mo na. Choosy ka pa. Sarap kaya ng narerape!" ang pabirong pilit niyang pagpapasaya sa akin.

"Eto, matutuwa ka dito." ilang sandali lang matapos niya ulit itong paandarin.

"Ay! Kuya Brian ikaw pala iyan. Hindi mo po kasama ngayon si kuya Randy?" ang malambin na tono ng batang si Simon.

"Ikaw pala yan mon-mon!"

"ihihhihihi... kuya... hungry." ang sabi ni Simon sa kanya sa maliit na boses. Humalakhak si Brian sa aking harapan at pinigil ang player.

"Alam mo ba? Hinihimas niya tummy niya habang kausap ko siya niyan. Saglit lang usapan namin kasi nagutom siya kaya sinama ko siya sa kitchen para kumuha ng ice cream." ang kwento niya na aking tinawanan din.

Pinaandar ni Brian muli ang player.

"Mamaya baba tayo para kumuha ng ice cream."

"Talaga? I love you kuya Brian! Pero mas love ko sa iyo si kuya Randy ko." at parang kumuskos ang bandang mic ng player ni Brian dahil garbled ang sumunod na mga tunog.

"Simon yan! Simon yan!" ang pamimilit ng tinig ng munting bata.

"Kuya Brian will buy you one later. We'll go to the mall. Kuya Brian needs that now. Pahiram lang muna si kuya." ang tinig ni Brian at parang makipag-agawan siya kay Simon sa mga sandaling iyon dahil makulit na tawa nilang dalawa ang aking sunod na narinig at parang naghabulan pa sila.

Napatingin ako kay Brian at naabutan siyang pinipigilan ang kanyang pagtawa ng kanyang bibig. Nakapikit na ang kanyang mga matang naluluha.

"Ang kulit talaga! He's the little Simon I know back then. Whenever I talk to him it's as if Randy was still alive and was just somewhere around the corner!" ang nasabi ni Brian sabay tigil sa player.

"Brian, so.. technically, si Alice, maaaring hindi sineseryoso ni Randy or si Miguel pala all along ang gising sa mga sandaling kasama siya ni Alice? Sorry, naguguluhan na ako." ang malungkot kong pakikipagusap sa kanya.

"Not yet certain on that, dear. It's best if we don't get involved with him intimately. I can't tell your friend na ganun ang gawin niya dahil mukha siyang dalit sa bakla at ang taray ng itsura niya. Intimidated ako." ang sagot ni Brian na aking tinawanan.

"Sira, ganun lang yung pamangkin kong iyon. Mabait yun. Siya nga unang straight na nakaalam ng tungkol sa akin at tinanggap naman akong maayos."

"Pamangkin mo?! She is your niece?!" ang gulat niyang tanong sa akin habang nanlalaki ang mga mata niya. Natawa akong lalo sa kanya.

"Technically, oo. Pinsang buo ko mommy niya. Weird no?" ang paliwanag ko sa kanya.

"But at least, you're life is getting better and better. Lalo na pag dumating na ulit ang boyfriend mo. Girl, ang haba ng buhok mo!" ang nabakla niyang sagot sa akin.

Matapos ang ilang sangali naming halakhakan at bangkaan habang pinakikinggan pa ang ilang casette tapes.

"Brian, pwede ba akong humingi ng pabor sa iyo?" ang tanong ko sa kanya.