webnovel

Bully-lips

Well, maganda naman ang Mountainour West College. Ano ba naman ang aasahan ko? It's one of the prestigous School in the Philippines. Yung mga sikat at kilalang mayayaman lang ang kayang pumasok dito. Kaya expected ko ng may maraming bratinella at jerk dito.

Second semester na pala ng School. Balita ko ay regular student ako bilang 3rd year. Dapat irregular ako since magiging mess-up sa schedule ko ang pag-aaral ko sa States. Hindi ko alam kung panu yun nangyari, but with my Mom's money- malamang lulusot ako. Just to be a classmate of that MLMN heir huh?

"Wait, who's that?"

"That's Rugienna Airo Fellisteno!"

"But why is she here? I thought she was in States?"

"The heiress of Fellisteno Group of Corporation."

"Grabe. Sa sobrang yaman nya'n, I bet, peke lahat ang ganda nya."

Bulungan, chismisan, inggetera, mga walang magawa sa buhay o ano pang tawag sa mga yan, sanay na ako. Just how I am trained to be a woman of class, chin-up ko lang silang nilalagpasan without looking at them. Pero kung yung ibinubulong tungkol sa akin ay hindi approachable sa pandinig ko, humanda na sya. I was also trained to be a bitch.

Tumigil ako, ilang inches ang layo sa nagsabi na peke daw ang ganda ko. I turned around na as if, daig ko pa ang pag-ikot ni Catriona Gray sa Miss Universe. Dun nagtagpo ang mga mata namin ng impakta. I smirked habang unti-unti syang nilapitan. Kita ko naman ang pagkabahala ng mukha nya. Nang makalapit ay inilahad ko ang kamay ko sa harapan nya.

"Hi?" Binigyan ko sya ng ngiteng matamis. "I'm Rugienna Airo Fellisteno."

Nakita ko kung paanong hindi sya makapaniwala na yun ang gagawin ko. She even looked for her friends first as if she was making sure kung tama bang ang isang Fellisteno ay nag-approach sa kanya despite of what she had said behind my back.

"I'm Sunsh-"

Iniwas ko ng mabilis ang kamay kong inilahad sa kanya nang aabutin nya na sana ito. Natigilan tuloy sya.

"Oops. This is not for intruducing myself." I said as I showed to her my beautiful hands.

"Huh?" Pagtataka nya. "Then for what?"

Mabilisan ko syang sinampal. Hindi malakas at hindi rin naman mahina. Sakto lang para masabing sampal talaga ang tawag sa ginawa ko. At sakto lang para matigilan sya at mahiya.

"For slapping an inggetera. And for your information, natural ang ganda ko. Wag mo kong igaya sa plastic mong ilong at silicon mong boobs at pwet, Miss Sunshine Calez." Ngiti ko sa kanya bago nagflip-hair at tumalikod sa kanila.

Sunshine Calez, huh? Buti nalang aksidente kong nabasa ang information nya na one of the patient na nagparetoke sa Clinic ng Ninang ko. Marami pa naman akong nakita, kaso itong Sunshine Calez ang nakipag-unahan na isiwalat ang alam ko tungkol sa kanya. Kaya go! Mahiya sya.

"H-how dare you!" Sigaw ni Sunshine. Pagkatapos ay ang pagtunog ng mga hakbang ng takong.

Huli na ng marealize kong tinakbo nya pala ang distansya namin at mabilis akong sinabunutan patalikod. D'ef lang. How dare her too?

"Pati ba naman buhok ko, ingget ka?" I said trying to go away of her hold. Napapaatras na ako kasi hinihila nya ako.

"You've messed a bitch- Aww!"

Buti nalang nahawakan ko ang palapulsuhan nya kaya pinilipit ko ito. Kala nya huh. May alam ako sa self-defense uy! Ako naman ngayon ang mabilis na sumabunot sa kanya. But heck, tumulong pa mga friends nya. Four vs. one, ganun?

"Ouch!"

"Aww!"

"D'ef!"

Yang mga daing lang namin ang naririnig sa hallway. Yung mga walang kwentang-tao ay imbes na awatin kami ay nag-uunahan pang kumuha ng litrato. Really, wala bang bouncer dito? Mukhang mga taga pipitsuging bar kasi itong mga kalaban ko.

"Go away!" Sabay malakas na tinulak ang babaeng may bangs na ikinatumba nya kasama ang mga nadaling dawalang kaibigan. "Hmp!"

Babangon pa sana yung tatlo para sugurin ako pero mabilis na akong tumakbo palayo. Buti nalang yung isa ay naapakan ko sa paa gamit itong pamatay kong takong kaya di na nakatayo. Letchon, higit twenty minutes na akong late.

"Duwag!" Sigaw pa nila sa akin.

"May round two pa tayo, mamaya! Gageh. Talk about four vs. one, bitch over flowers lang ang peg? Kayo ang duwag!"

Hayst! Ang buhok ko at ang damit ko, sobrang gulo! Hindi pwedeng ganito ako in front of everyone! Mamaya, ito pa ang maging dahilan na di ako magustuhang kaibiganin ng Timotheo na yun!

Kahit saan na ako lumulusot. Pag may hagdan ay aakyat ako, pag may paliko ay liliko ako. Really, san ang tungo ko nito? I want to know where's the powder room or even my classroom.

"Excuse me." Lapit ko sa isang babaeng nagsusulat sa notes nya sa may railings.

"Yes?" Lingon nito. Head-to-foot pa ang sunod na ginawa nito sa akin.

Napataas tuloy ang kilay ko. Alam kong mukha akong baliw na nakawala sa hawla pero hell, I'm confident, girl. Kaya mahiya ka sa ginawa mong head-to-foot, gageh. Maganda ako.

"Did you know where's 108A?" Tanong ko tungkol sa room ko.

Kunot-noo naman nya akong tiningnan bago itinuro ang bandang likod ko. Nilingon ko ang itinuturo nya at nakita nga ang pintuang may nakasulat na 108A.

Okay, parang tanga ang pagtatanong ko tapos andito lang pala at nasa likod ko lang.

"Eh yung powder room?"

"Nasa dulo nito." Sagot nya sabay baling sa dulo ng hallway.

Err, at ang layo nun.

"Thanks!" Sabi ko nalang at tinalikuran sya.

Hinarap ko ang pintuang nakasarado. Hindi ko alam kung papasok ba ako o tutungo sa powder room. I need to fix myself yet I'm thirty minutes late. Ayaw pa naman ni Mommy na nal'late ako dahil hindi daw yun appropriate. At sa loob ng nineteen years kong existence, isikreto ko man, may tagasumbong talaga ng mga ginawa ko kay Mommy. Now what should I do?

"I'm still beautiful!" Convinced ko sa sarili.

Konting suklay ang ginawa ko at ayos sa damit. I inhaled bago kumatok. Wala pang five seconds ay pinagbuksan na ako ng pinto ng isang Prof ata namin.

"Good morning." Cold kong bati.

"Oh? You must be the new student?" Tapos ay naglakbay ang paningin nya sa buo kong katawan. "Ang gulo naman ng buhok mo at ang dami mong scratches. What happened?"

I rolled my eyes to her. Ano, kailangan ko pa bang ibalita? Di ko sya sinagot.

"Sorry." Buti nakaramdam. "Just wait here until I call you."

Binuksan nya ng malaki ang pintuan bago pumunta sa gitna at inanunsyo na may bagong magiging kaklase.

"Come in, Miss. And please introduce yourself."

Mabilis naman akong tumapak papasok. Narinig ko pa ang sari-saring singhapan at bulungan. Alam ko namang kilala na nila ako. Hindi naman kasi ako katulad ng mga anak ng negosyante na ginawang privacy ang tungkol sa mga anak nila. Me, my mother always want to show me off. Not because she's proud of me but because to train me how to act myself publically.

"Rugienna Airo Fellisteno." Yun lang ang sinabi ko.

Nilibot ko ang paningin. Who should be Timotheo here? Kailangan kong makilala agad sya at kaibiganin. Alam kong makakarating ang balita kay Mommy tungkol sa sabunutan na nangyari sakin kanina. Magagalit yun for sure. But if I tell her na kaibigan ko na ang Timotheo na yun, she would spare me from her anger.

"Ma'am! Can we ask question for her?" May isang lalaki ang nagsabi nun.

"Go on-"

Pinigilan ko na agad ang 'permission' kuno galing sa Prof namin. How dare she? Buhay ko to kaya ako dapat ang tatanungin.

"Shut up!" Bulyaw ko.

Naghiyawan ang buong klase sa ginawa ko. May iba pang sumipol at kung anu-ano ang mga sinasabi.

"Who's Timotheo Alvanos here?" Lakas-loob kong tanong.

Lahat naman sila ay napatingin sa isang lalaking nasa tapat ko lang pala dahil nakaupo sya sa unahan.

So, he is Timotheo? Gwapo naman pala. Pero yung mukha, masasabi kong hindi approachable. Masungit tingnan ang mga kilay nya na binagay sa itim na itim nyang mga mata. The way palang akong tingnan ng Timotheo na to ay parang kakainin na nya ako ng buhay. Kung ibang tao lang to ay inirapan ko na. But because he's Timotheo Alvanos, the heir of MLMN Corporation, the one that my mother wants to be my friend...I gave him my sweetest smile.

"Hi! I'm Regienna-"

But he looked away from me as if hangin lang ako na kinakausap sya. Sumingkit tuloy ang mata ko sa ginawa nya. May attitude sya, Mommy.

"You can now sit, Miss Fellisteno." Sabi ng Prof nang mapansin atang nakatanga lang ako sa harapan ni Timotheo.

Tiningnan ko ang babaeng katabi ni Timotheo, "You."

"H-huh?" Nataranta itong nilingon ako.

"I want your sit. Now, move."

Mabilis namang umalis ang babae. Napangite tuloy ako sa nagawa ko. Ibang klase naman kasi ang kamandag ko. Wala pa nga akong nagagawa ay nanginginig na lahat sa akin.

Mabilis naman akong umupo sa upuang nakalaan para sa akin katabi ang pakay ko. Ngunit imbes na upuan ang dumikit sa pwet ko ay sahig ang tumama dito. D'ef?

"Fvck!" Malutong kong mura.

Wala na akong ibang narinig sa paligid kundi ang mga tawanan ng mga kaklase ko. Heck lang? May humila ng upuan ko kaya ako nasa sahig ngayon! Ang sakit ng pwet ko!

"Who's the fvcking shit did that to me?!" Sigaw ko.

Doon ay lumingon si Timotheo sakin with his bully-lips grinning. So it means...

"Me. Any problem?" He said.

And I was like...what the fvck? Should I smile or should I smack his fvcking face?

- - - - -

U N R C G N Z D