webnovel

Timotheo Alvanos

Chin up, breast out, fierce look, walk confidently, move with class, and etcetera etcetera... Yan ako dapat sa harapan ng lahat at kahit sa harapan ng sarili ko.

Bawal ngumite kung di naman applicable. Bawal makipag-usap kung kani-kanino. Bawal magkamali sa harapan ng mga tao. Bawal ganito. Bawal ganyan. At marami pa ngang bawal ang itinuro sa akin ni Mommy noon. Memorize ko na lahat yun. Kaw ba naman ang lumaking halos araw-araw ganun ang mga itinuturo sayo? Kaya kinalakihan ko na. Hindi lang naman kasi ako tinuruan, I was mold to be the kind of woman.

"Good morning, Miss Ruru." Sabay na bati sa akin ng may pagyuko ang mga nakahilerang kasambahay.

Hindi ko sila sinagot, dahil amo nila ako. Tinanggal ko ang aviators at inabot ito sa isang maid na nasa kanan ko na mas malapit sa akin. Pagkatapos ang bag ko naman sa kaliwang maid. Kita ko naman ang panginginig nila pareho, waring takot na takot sa akin. Napataas tuloy ang kilay ko. I won't bite you, minions.

"Where's my Mom?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Nasa opisina po nya, Miss Ruru." Sagot ng mayordoma namin. Nakangite pa ito habang nakatingin sa ulo ko.

"Ano?" Tanong ko dito. Actually, kanina ko pa napapansin na waring pinipigilan din ng iba ang mga ngite nila.

"Po?" Napakurap ito bago iniwas ang tingin sa akin. "W-wala po."

"Hmp!" Ismid ko bago tumalikod sa kanila. Wala naman pala pero kung makangite-

Natigilan ako nang mahagip nang paningin ko ang salamin at makita ang sarili doon suot-suot ang isang bagay sa ibabaw ng ulo. It's a headband na bunny ang design. Ibinigay ito sa akin ng isang bata sa Airport matapos ko syang bilhan ng donuts since pinalo daw sya ng ina nya. Basta, long story. And I hate it! Pagtawanan ba naman ako ng mga kasambahay na to?

"Shut up!" Sabay tapon ng headband sa harapan na ikinatahimik nila. "Tss."

Naglakad na ako sa opisina ng ina na sakop parin ng Mansyon namin. Nang makarating sa may pintuan ay huminto muna ako at nagbuga ng hangin.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa akin ang dating theme parin ng opisina. A mixture of brown and white. Isang bookshelf na nakasandal sa dingding. A drawer na mukhang tambakan ng mga files. A glass table kung saan nakapatong ang nameplate ng ina, 'Rugienna D. Fellisteno'. At sa isang swivel chair kung saan prenteng nakaupo ang sofisticated look parin ni Mommy kapiling ang makapal na kulay pula nyang mga labi.

Nginitian ko ang ina, "Mom, I missed you."

Anim na buwan ko rin silang hindi nakita parehas ni Dad dahil doon nila ako pinag-aral sa States. Hindi ko alam kung anong urgent at pinauwi nila ako. I bet, they've misses me too?

"Nasan si Dad?" I asked as I kissed her cheek.

"Cut the crap and sit."

Naiwan sa ere ang paghalik ko sa isa pa nyang pisngi dahil sa utos nya. With her usual cold voice na manginginig ka talaga pag naririnig ito. I just smiled to myself mentally before sitting on the chair in front of her.

Dream on naman kasi Ruru na mamimiss ka nila. Dapat mas e bet mo kung ano na naman ang ipapagawa nila sayo, Rurubot.

"Mom, ano po-"

"Ganyan ba ang tamang pag-upo ng isang babae?" She cut me off.

Napatingin naman ako sa pagkakaupo ko. Close legs naman ah at ang mga kamay ay nakaintertwined sa ibabaw ng mga tuhod ko. What's wrong? Ibang style na ba dapat?

"Sit straight and look at me!" Dumadagungdong ang boses nito sa apat na sulok ng Opisina.

Napaigtad tuloy ako ng wala sa oras dahilan para makapag'sit-straight ako. Kahit nanginginig na ay hindi ko ito dapat ipahalata. I looked at her like her fangs are no effect on me.

"How many times did I ever told you to be classy? You're the only heiress of our very big company so don't do any stupid actions." Bulyaw nya.

"I'm sorry, Mom. Hindi ko na po yun uulitin." I said.

"As if I will let you. Alam mo naman kung saan ang punta mo pagsinubukan mong bigyan ako ng pagkakamali." Tumaas pa ang kilay nito.

Tinikom ko nalang ang bibig. Kahit naman anong irason at ipaliwanag ko, still it will always be a mistake. At ayaw ko ring totohanin nya ang banta nya. I had enough of it.

She sighed, pinapakawalan nya lahat ang frustration sa akin bago nagsalita sa sadya nya.

"I have you transfered to Mountainour West College. Magsisimula ka na bukas. Kaklase mo ang tagapagmana ng MLMN Corporation. Make sure you will be his friend. I will check the progression of your friendship everytime. Kaya wag mo akong biguin." Balita nya.

Ako naman ay gustong ngumanga sa mga sinabi nya ngunit pinigilan ko ang sarili. Kung makapagsabi sya ng lahat para lang nya kong inutusan na balatan ang isang saging. Napakabiglaan naman.

"Are we clear, Ruru?"

Are we clear? Eh panu yung States? Exam na namin next week! Anong mangyayari sa grades ko nito? Panu rin yung mga friends ko dun? I have promised them to go back and bring them my pasalubong!

"B-but what about-" Again, she cut me.

"Who cares? I repeat Ruru, make friends to Timotheo Alvanos or..."

"Yes, Mom." Nakapangalumbaba kong sabi. Yun rin lang naman ang option eh.

Agad nya akong pinalabas sa Opisina. Dapat na raw akong magpahinga dahil bukas na raw ang first day ko sa bago kong magiging School. Gusto ko mang makipag-argue pero alam naman nating hanggang sa isip ko lang kayang gawin iyon.

Sino ba naman kasi ang Timotheo Alvanos na yun? Bakit kailangan pang lumipat ako ng School just to make friend with him? Nakakainis! Why my mother did this to me? What she want at anong meron sa tagapagmana na iyon para kaibiganin ko?

Wag mong sabihing...Fiancee ko yun? Like what the hell? Hindi naman malayong ganun nga! Ganito kaya ang way ng mga mayayaman para manatili silang top sa mga negosyo nila. At makakapayag ba ako? Mamaya, mukhang unggoy ang Timotheo na yun! Ew.

Pero really, ano na naman ba ang plano ni Mommy? Dapat ba akong kabahan?

"Whatever. Kaibiganin lang naman, Ruru. Wag kang advance mag-isip."

- - - - -

U N R C G N Z D