~Umaga~
*FLASHBACK*
"Paano ako nakaka sigurong tutuparin mo ang naka ulat sa kasunduang ito?"
Tanong nanaman muli ni Dalis kay Jay habang pinanlilisikan na nito ng tingin ang binata at hawak pa rin ang kontratang iniabot nito sakaniya. Nakangiting inilapat ni Jay ang kaniyang kaliwang kamay sa ere, inilagay ang kaniyang kanang hintuturo sakaniyang kaliwang palad at saka gumuhit ng linya rito, dahilan upang magdugo ang kaniyang palad. Tumango ang matandang babae kaya't inilapag na nito ang kontratang kaniyang hawak at saka ibinalik muli sa binata upang pirmahan na ito.
"Iyan siguro ang dahilan kung bakit ka nagustuhan ng aking apo na si Daisy."
Nakangising kumento ni Dalis kay Jay habang ginaya na rin nito ang ginawa ng binata kanina. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng binata nang marinig ang pangalan ng apo ng matandang babae habang pinipirmahan na nito ang kontrata.
"Kailan mo balak ligawan ang aking apo, hijo?"
Nakangiting tanong ni Dalis kay Jay nang kunin na nito mula sa binata ang kontrata. Hindi kaagad sinagot ng binata ang tanong sakaniya ng matandang babae sapagkat tumingin lamang ito sa kontratang pinipirmahan na ng matandang babae.
"Kapag natupad mo ang kontrata natin."
Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kontrata nang walang emosyon sakaniyang mukha. Nakangiting ibinalik muli ng matandang babae ang kontrata sa binata at saka ginamot na ang kaniyang sinugatang palad.
"Umaasa akong tutuparin mo ang nakasulat sa kasunduang iyan."
Nakangiting sabi ni Dalis kay Jay habang nakatingin nang muli ito sa binata na kinuha na ang kontrata, inilagay sa bulsa, tumayo at saka naglakad na papalabas ng mansion ng mga Sebastian nang hindi man lang tinitignan ang matandang babae.
*END OF FLASHBACK*
"Umayos ka na! Ramdam ko na paparating na sila!"
Pabulong na sigaw ni Jay kay Yvonne habang nakatingin sa dalaga na nakatayo sakaniyang tabi. Biglang sinamaan ng tingin ng dalaga ang binata sakaniyang tabi at napa cross arms na lamang. Ilang saglit pa ay bigla nang bumukas ang pintuang nilabasan kanina ng binata at doon nasilayan ang mag-lolang Sebastian. Agad na inilapat ni Dalis ang kaniyang tingin sa dalaga at nginitian ito ng pagkatamis-tamis, habang si Daisy nama'y agad na tinignan ang binata at nginitian din ito.
"Didiretsuhin na kita, hija… ikaw ba talaga ang tinutukoy sa propesiya?"
Tanong kaagad ni Dalis kay Yvonne nang makatayo na sila ni Daisy sa harap ng dalaga at ni Jay. Nginitian ng dalaga ang matandang babae at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae.
"Sa pagkaka alam ko po ay alam na ng halos buong populasyon ng mga salamangkero't mangkukulam na ako po ang tinutukoy sa propesiya. Hindi po ba nakarating sainyo ung balitang iyon dati?"
Sagot at tanong pabalik ni Yvonne kay Dalis habang tinitignan na nito ang matandang babae gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Napataas ng parehong kilay ang matandang babae dahil sa sinabi ng dalaga sakaniya, habang si Daisy nama'y mabilis na tinignan ang dalaga at saka sinamaan ito ng tingin at si Jay nama'y ngumisi na lamang ng tahimik habang tinitignan na ang dalaga sakaniyang tabi.
"Umayos-ayos ka kung ayaw mong masaktan, ha. Lola ko yang kinakausap mo."
Inis na babala ni Daisy kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ang dalaga na nakatayo sa harapan ni Dalis. Kinagat na ni Jay ang ibabang bahagi ng kaniyang labi upang pigilan ang kaniyang sarili sa pagtawa sa harapan ng mag-lolang Sebastian dahil sa sinabi ng dalaga na nakatayo sakaniyang harapan, habang ang dalaga naman na nakatayo sa tabi ng binata ay tinignan na ang dalagang binantaan siya, tinaasan ito ng parehong kilay at dahan-dahang hinawakan ang kaniyang dibdib.
"Hindi po ba maayos ang sinabi ko sayo, Madam Dalis?"
Tanong ni Yvonne kay Dalis sabay tingin na muli nito sa matandang babae sakaniyang harapan habang hawak pa rin ang kaniyang dibdib. Bahagyang natawa ang matandang babae nang may halong kaba sakaniyang boses at saka hinawakan ang braso ng kaniyang apo.
"Huwag mo na lamang pansinin pa ang aking apo, sapagkat alam niya na mayroon kayong nakaraan ni Jay."
Natatawang sagot ni Dalis sa tanong sakaniya ni Yvonne habang hawak pa rin ang braso ni Daisy at patuloy pa ring tinitignan ang dalaga. Pinanlakihan ng mga mata ng dalaga ang matandang babae at saka tinakpan na ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay habang tumatango-tango bilang tugon nito sa matandang babae. Tinakpan na rin ni Jay ang kaniyang bibig sapagkat hindi na niya kayang pigilan ang kaniyang tawa sa pamamagitan lamang ng pag kagat sakaniyang labi.
"Pumirma na rin si Yvonne sa kontratang ating pinirmahan nitong nakaraan."
Sabi ni Jay kay Dalis habang pinipilit niya ang kaniyang sarili na magsalita ng matino at pigilan ang kaniyang tawa. Mabilis na inilipat ng matandang dalaga ang kaniyang tingin sa binata at saka pinanlakihan ito ng mga mata habang nakataas na ang kaniyang parehong kilay.
"Sumasang-ayon ka talaga na kampihan ang aking angkan?"
Gulat na tanong ni Dalis kay Yvonne habang nakatingin nang muli ito sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at nakataas pa rin ang kaniyang parehong kilay. Nginitian lamang ng dalaga ang matandang babae bilang tugon nito rito.
"Bilisan mo Dric! Hindi tayo pupunta sa mall!"
Inis na sigaw ni Anna mula sa labas ng water station ng mga Acosta habang nakatayo ito sa tabi ni Liyan at nakahawak na ito sakaniyang beywang.
"Nasan na raw ba sila?"
Tanong ni Hendric kay Anna pagkalabas niya mula sa water station ng kaniyang angkan. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang binata, habang si Liyan nama'y tinignan na ang kaniyang orasan sakaniyang pulso.
"Tara na, wag na kayo mag-away. Mahuhuli pa tayo, e."
Sabi ni Liyan kila Hendric at Anna at nagsimula nang maglakad papalayo sa dalawa. Agad na sinundan ng dalaga ang kaibigan sabay alis na ng kaniyang pagkakahawak sakaniyang beywang, habang si Hendric nama'y naiwang nakatayo sa kinaroroonan kanina ng dalawang dalaga.
"Masyadong excited tong mga to na masaktan, e. Ay. May plano pala. Nakalimutan ko un, ah."
Sabi ni Hendric sakaniyang sarili habang patuloy lamang niyang tinitignan ang dalawang dalaga na mabibilis maglakad. Ilang saglit pa ay nag-umpisa nang tumakbo ang binata papalapit sa dalawang dalaga habang nakatingin pa rin sakanila.
"Hintayin niyo ko!"
~ Insanity makes life interesting. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
Brace yourselves kasi malapit na pong matapos ang story na ‘to huhuhu T-T Love you all~!