webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasy
Not enough ratings
205 Chs

La Vie En Rose Hotel 17

~Umaga~

*FLASHBACK*

"Saan ka tutungo? Hayaan mong samahan ka na namin ni Dahon roon."

Nakangiting sabi ni Dezso kay Paulina nang hindi nito pinansin ang tanong sakaniya ng matandang babae. Hinarap na ng matandang babae ang lalaking Diwata, sinamaan ito ng tingin at saka nag cross arms na. Nang makarating na sila sakanilang destinasyon ay inalalayan ng Diwata pababa sa karwahe at naglakad na papasok sa isang gusali.

"Ano ang iyong sasabihin?"

Mataray na tanong kaagad ni Paulina kay Dezso habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad. Tinignan na ng Diwata ang matandang babae sakaniyang tabi at saka nginisian ito.

"Umaga ng biyernes sa susunod na linggo ay makikita mo ang dalagang iyong hinahanap sa La Vie En Rose Hotel sa pang 914 na kwarto roon."

Nakangising sagot ni Dezso sa tanong sakaniya ni Paulina habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae sakaniyang tabi. Biglang napahinto sa paglalakad ang matandang babae at saka tinignan ang Diwatang kaniyang kasama gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Saan mo naman nalaman ang impormasyon na iyan?"

Gulat na tanong ni Paulina kay Dezso habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang Diwata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Mas lalong lumawak pa ang ngisi ng Diwata sa matandang babae at saka iniwas na ang kaniyang tingin.

"Sa isang maaasahang katulong."

Sagot muli ni Dezso sa tanong sakaniya ni Paulina at nagsimula na itong maglakad muli.

*END OF FLASHBACK*

"Humanda ka nang hulihin ang dalagang iyon."

Sabi ni Paulina kay Patrick habang naglalakad na sila papalapit sa pintuan na mayroong nakalagay na numerong 914. Hindi sinagot ng binata ang kaniyang lola sapagkat ay itinuon na niya ang kaniyang pansin sa pintuan na kanilang hinahanap. Nang makatayo na silang dalawa sa tapat ng pintuan na mayroong nakalagay na numerong 914 ay agad na kumatok ang matandang babae sa pintuan.

"Yvonne!"

Biglang sigaw ni Jervin nang magising na siya at mapaupo sakaniyang kama habang pinagpapawisan ito at hinahabol ang kaniyang hininga. Mabilis niyang inikot ang kaniyang paningin sa kwartong kaniyang kinaroroonan at nakita si Yvonne na nakaupo na sa sofa habang nakatingin lamang sa bintana. Nagpakawala ng malalim na hininga ang binata at saka tumayo na. Maglalakad na sana ito papalapit sa dalaga nang mayroon siyang narinig na katok mula sa pintuan. Tinignan muna niya ang dalaga upang alamin ang reaksyon nito ngunit wala siyang nakitang reaksyon mula rito kaya't nagtungo na ito sa pintuan upang tignan kung sino iyon. Nang mabuksan na ng binata ang pintuan ay nasilayan niya ang isang matandang babae na nakangiti sakaniya at mayroon itong kasamang binata na tumitingin na kaagad sa loob ng kanilang kwarto.

"Magandang umaga saiyo, hijo."

Nakangising bati ni Paulina kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata sakaniyang mga mata. Bahagyang napaatras ang binata mula sakaniyang pagkaka tayo sa pintuan at saka pilit na nginitian pabalik ang matandang babae at napansin na nito na sumisilip-silip na si Patrick sa loob ng kwartong kanilang tinutuluyan kaya't bahagya na niya itong isinara.

"Anong maitutulong ko sainyo?"

Tanong ni Jervin kay Paulina habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae at pinipilit pa ring ngumiti sa harapan nito. Sinamaan ng tingin ni Patrick ang binata at akma na sanang aatakihin ito nang biglang ikinumpas ng matandang babae ang kaniyang kamay, dahilan upang hindi maigalaw ng kaniyang apo ang katawan nito. Agad na nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang ginawa ng matandang babae sakaniyang apo habang palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa dalawa.

"Gusto ko lang malaman kung mayroon bang tumutuloy na dalaga na nagngangalang Yvonne Tamayo sa kwartong ito. Kilala mo ba siya, hijo?"

Nakangiting sagot at tanong pabalik ni Paulina kay Jervin habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang binata sakaniyang harapan. Hindi kaagad naka sagot ang binata sa tanong sakaniya ng matandang babae, dahilan upang dahan-dahang nawawala ang ngiti sa labi ng matandang babae.

"H-hindi, e. Kaano-ano niyo ba siya?"

Nauutal na tanong ni Jervin kay Paulina habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae at si Patrick na hindi pa rin maka galaw. Bumalik nanamang muli ang ngisi ng matandang babae nang matignan na nitong muli ang mga mata ng binata sakaniyang harapan.

"Alam mo, hijo… masama ang magsinungaling. Walang magandang maidudulot iyon saiyo. Kaya kung ako saiyo… sabihin mo na kung saan naroroon ang dalagang iyon."

Sabi ni Paulina kay Jervin habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang binata at dahan-dahan nang inilalapit ang kaniyang mukha sa pintuan. Agad na nagdikit ang kilay ng binata habang patuloy pa ring tinitignan ang matandang babae at biglang isinara ng malakas ang pintuan. Mabilis na tumakbo patungo sa bukas na bintana ang binata at saka tumayo na roon.

"Letivate!"

Sambit ni Jervin at nagsimula nang lumutang sa ere. Mabilis itong lumipad patungo sa rooftop ng gusaling iyon at mayroon siyang nakitang madilim na lilang payong doon. Nang maka lapag na ang binata malapit sa kinaroroonan ng may asul na payong ay nasilayan na niya ang dalaga at ng Bampira na mabilis siyang tinignan at nilapitan.

"Hindi ka ba nila nakita?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin sabay tingin na nito sa likuran ng binata at ibinalik nang muli ang kaniyang tingin dito. Ngumiti lamang ang binata at saka umiling bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga. Tumango lamang si Lyka at nagsimula nang maglakad ng pabalik-balik sa tabi ng binata't dalaga habang hawak na niya ang madilim na lilang payong.

"Sila Dalis at Daisy naman ang i susunod natin. Nasan na ba si Jay? Bat parang ang tagal naman niya?"

Nag-aalalang tanong ni Lyka habang patuloy pa rin ito sakaniyang paglalakad ng pabalik-balik nang mayroong hawak na madilim na lilang payong at tingin ng tingin sa kalangitan. Ilang saglit pa ay mayroong biglang lumabas mula sa fire exit doon sa roof top at mabilis na nagsi tinginan ang tatlo roon at nasilayan si Jay na hingal na hingal.

"Bat ang tagal mo?! Kung mas nauna pa sila Dalis at ng apo niya kesa sayo edi nalagot na ung plano!"

Inis na sigaw ni Lyka kay Jay habang naglalakad na ito papalapit sa binata na nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Lyka, Jervin. Pumunta na kayo sa puwesto niyo at mag-iingat kayo pareho."

~ Let the stars fill your eyes, the sun and the moon fill your mind, and the universe fill your soul. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Brace yourselves kasi malapit na pong matapos ang story na ‘to huhuhu T-T Love you all~!

iboni007creators' thoughts