webnovel

23

*RING*

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko.

"Argh.. can you throw that phone away? It's freaking hell"

Naalimpungatan din ako sa tunog no'n pero kunot noo akong tumingin kay Yasy na nasa tabi ko dahil sa sinabi niya.

Sinipa ko siya habang nakakunot noo ako.

Nahulog siya sa kama.

"Crenz?!"

Reklamo niya habang nakaupo na ngayon sa sahig

"Anong itapon? Gusto mong ikaw ang itapon ko?"

Inis siyang napakamot sa ulo niya at saka bumalik sa kama.

Anong oras na sila umuwi ni Nina kagabi.

Siraulo 'to. Gusto pa niyang itapon ko ang cellphone na kabibili ko pa lang dahil sa maingay 'yon?

Pag tingin ko sa upuan naka handa na ang mga gamit ko.

Madaling araw pa lang no'ng umuwi sila inayos na ni Nina ang gamit ko.

Naligo na ako.

"Waaaaah!! Ang lamig!!"

Oo ganito ako araw araw, lagi akong inaaway ng tubig.

Pag tapos ko maligo ay nadatnan ko ang sabog na itsura ni Yasy sa kama. Bahagya pa akong napaatras sa itsura niya.

"Bakit?"

Mapungay na may talim ang tingin niya sa'kin.

"Nagulat ako sa sigaw mo. Hindi pa rin nag bago 'yang ugali mong ganiyan? Sumisigaw ka pa rin kapag nilalamig ka sa tubig"

Pinunasan ko ang ulo ko ng towel at saka nag spray ng pabango.

"Matulog ka pa"

Tumayo siya tsaka lumapit sa'kin

"Patingin ng pasa mo."

Pinaharap niya ang mukha ko kaniya at saka sinuri ang mukha ko.

"Bakit gano'n? Wala ka namang ibang inaapply sa mukha mo pero ang kinis ng mukha mo"

Iniwas ko ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Anyway let me put a concealer again"

Kinuha niya ang bagay na 'yon.

"Alam ko na kung paano, ako na ang mag lalagay"

Sinubukan kong agawin sa kaniya ang hawak niya pero nilayo niya lang 'yon.

Nasa lahi ba talaga namin ang pagiging matigas ang ulo?

Hinayaan ko siyang mag lagay ng bagay na yun sa mukha ko gaya ng ginawa niya kahapon sa'kin. Pag katapos niyang gawin 'yon bumalik siya sa kama.

"You can have my house if you want it"

Tukoy niya sa bahay niyang pinabili niya kela Tito last year.

"Ayos na ako dito"

"Mas malaki space no'n"

"Kung naliliitan ka dito pwede ka namang tumira na do'n sa bahay mo"

Sininghalan niya ako

"Naaah.. mas gusto kong makipag siksikan sa inyo dito kesa tumira sa bahay na 'yon mag isa"

May saltik talaga ang mga pinsan ko.

"Bakit pa kayo bumili ng mga bahay niyo kung hindi niyo titirahan?"

Napansin ko kay Yasy sobrang laki ng pinag bago niya. Naging mataray siya na dati ay hindi naman madalas. Ganiyan ba kapag tumatanda?

Ako kasi simula pa pagka bata hindi na talaga pala kibo eh. Mapag masid lang ako pero hindi ako pala salita.

"Well in case na may ibabahay akong lalaki-"

"Bastos"

Tinawanan niya ako sa sinabi ko. Syempre sino ba naman hindi makakaalam sa gagawin nila doon? Kahit siguro 12 years old mulat na sa gano'ng bagay dito sa Pilipinas.

Hindi ko kabisado ang pasikot sikot ng pag ibig pero hindi naman ako inosente sa kung paano gumawa ng bata. Sino bang hindi nakakaalam bukod sa mga bata?

"Why? Do you want me to bring here some guy?"

"Sige, para mapatay ko kayo pareho. Hindi motel ang bahay ko kaya huwag niyo nang tangkaing gumawa ng milagro dito."

Nag suklay ako at nag blower.

Minsan lang ako mag blower, kapag mahaba pa ang oras ko bago pumunta sa school.

"Just kiddin'"

Patawa tawang aniya.

"May isang buwan nalang ako dito kaya mag si balik na kayo sa mga bahay niyo."

Napanguso naman siya.

"Can I sleep over at your place?"

Napaisip ako.

"Pwede naman"

"Often?"

Hinarap ko siya

"Bakit hindi ka nalang doon tumira?"

Sarcastic na tanong ko.

Kung totoo ang pag kislap ng mata Baka gano'n ko na mailalarawan ang itsura niya.

"Can I?"

Nalaglag nalang ang balikat ko sa tanong niya.

"Hindi. Gusto kong mapag isa next month kaya bahala na kayo sa buhay niyo"

Marami na akong problema next month kaya hindi pwedeng pa easy easy lang ako.

"Mag na 19 ka na sa February, what do you want to have?"

"Peace of mind"

"Pwedeng iba nalang?"

"Huwag ka nang mag tanong kung hindi mo rin ibibigay"

Nginitian niya ako

"I can teach you how to tie your shoes"

Malaking ngiting aniya.

"Kaya ko 'yon matutunan kung gusto ko."

Sinuklay ko ang buhok ko 'pag tapos ko mag blower.

"How about going to amusement park?"

Natigilan ako at saka tumingin sa kaniya.

"Ipangako mo 'yan"

Banta ko sa kaniya

"I promise"

Nakangiting aniya.

"Alis na 'ko"

Paalam ko sa kaniya

"You're so cool, marunong ka nang mag paalam ngayon"

Napangiwi ako sa sinabi niya.

Hindi ko malaman kung papuri ba 'yon o pang aasar.

"Matulog ka na"

Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka lumabas ng kwarto ko.

Pag baba ko sala napa pikit nalang ako sa itsura ng sala ko.

Naka higa doon si Chiggy, Tyro at Daniel.

Pare pareho silang nasa mag kakaibang ibayo ng mundo dahil sa pwesto nila.

"Uh? Morning Crenzy"

Napaihip nalang ako pataas sa buhok ko dahil sa frustration sa kanila.

Nangangamoy alak pa sila.

"Wala kang pasok ngayon?"

"Aabsent ako para mag linis ng bahay"

Matamlay na nag two thumbs up ako sa kaniya.

"Ang baho ng bahay, mag disinfect kayo at patulungin mo sila."

Turo ko sa mga lalaking naka bulagta sa baba.

"I will"

Masayang tugon niya.

"Si Raffy?"

"Nasa kwarto ni kuya Mil"

"Si Chelsea?"

"Nasa kwarto ko"

Tumango tango ako tsaka pinag hahakbangan ang mga lalaki dahil sa wala akong ibang choice.

Tinawanan lang ako ni Nina.

"Sa labas ka mag bi breakfast?"

Tanong niya sa'kin.

"Ayokong kumain ngayong umaga, nawalan ako ng gana dahil sa baho nila. Alis na 'ko"

Kinuha ko ang susi ko at ang helmet ko.

"Ingat"

Hindi na ako sumagot at binuksan na ang maliit ng gate ko para mailabas ang motor ko at saka sinara ulit nang mailabas ko na ang motor.

Sinuot ko ang helmet ko at saka pina sibad patungo sa school.

Bukas na ang band competition hindi pa rin ako nag papractice kasama ang mga kabanda ko.

Pinalitan na kaya nila ako? Hindi rin kasi pwedeng umalis ako sa banda dahil doon 'yon lang ang pambawi at mapapala sa'kin ni Mr. Principal sa pag pasok niya sa'kin dito.

Hindi ko rin nakausap kagabi si Mama dahil Tulog na siya pag uwi ni Darwin. Lagot talaga ako pag uwi ko.

Papunta palang ako sa parking space ko ay natanaw ko na si Pula.

Pinarada ko ang motor ko sa gilid ng motor niya.

"Good morning Raya"

Nag tanggal ako ng helmet at saka bumaba sa motor.

Kinuha ko sa bag ko ang singsing niya saka binigay sa kaniya.

"Oh"

Taka lang siyang tumingin doon.

"Nasa'n 'yong singsing mo?"

Napapikit ako saglit para iwasang mainis sa kaniya.

Edi wala akong nagawa kundi kunin din ang singsing ko.

"Happy?"

Pinakita ko sa kaniya ang kamay ko.

Tumango naman siya.

"Nag bake ako ng tinapay, diba gusto mong matikman?"

Hindi pa niya kinukuha ang singsing niya sa'kin.

Parang nakakawalang gana namang makipag usap ngayon sa iba.

Nilahad ko lang ang kamay ko.

May kinalkal naman siya sa bag niya at may inilabas na tupperware.

"Ito, kalasang kalasa niyang ang binibake sa'min dati ng Lola ko."

Kumuha ako sa binuksan niyang baunan ng isang tinapay at kinain 'yon.

"Hmm.. masarap"

Tango tangong ani ko.

Nakangiti niya naman akong tiningnan.

Ang sarap ng lasa, tamang tama lang ang tamis at alat at masarap ang flavour niya.

"May pag bibigyan ka pa ba niyan?"

Tumingin siya sa'kin at sa tinapay at umiling.

"Akin na lang ah"

Inagaw ko sa kaniya ang baunan na ikinatawa naman niya ng mahina.

Bakit ba siya tumatawa?

"Isuot mo na sa'kin 'yang singsing."

Sabi niya sa'kin

"Bakit? May nagawa ka na bang matino? Diba sabi ko sa'yo noon na isusuot ko sa'yo 'yan kapag may nagawa kang matino at kapag sumunod ka sa mga utos ko sayo?"

Ngumuso siya sa'kin na parang nag tatampong bata.

"Dati pa 'yon"

Reklamo niya

"Hindi mag bago 'yon at may kanang kamay ka naman bakit kailangang ako pa ang mag suot niyan sa'yo? Asawa ba kita?"

Kunot noong tanong ko.

"Mhalaymosoon"

May binubulong bulong siya pero hindi ko na pinansin at pinag patuloy ang pagkain.

"Hey look how grumpy you are"

Pinakita niya sa'kin ang cellphone niya.

0_0

"Hoy!"

Tinangka kong kunin ang cellphone niya dahil nakita ko ang picture ko doon pero tinaas niya lang ang kamay niya.

Mas matangkad siya sa'kin ng mga tatlong inches kaya hindi ko maabot ng maayos ang cellphone niya.

"Ibigay mo sa'kin 'yan o sasamain ka sa'kin?"

Banta ko sa kaniya

"Kahit burahin mo 'to satingin mo ba wala akong copy?"

Ngising tanong niya.

"Ah gano'n?"

"Gano'n"

Tinuhod ko ang hita niya.

"AH!"

Namilipit siya sa sakit habang hawak niya ang hita niya.

Nilapag ko sa motor ko ang baunan at nilabas ko ang cellphone ko at saka tinutok sa pag mumukha niya.

"1, 2, 3 smile! *Click*"

Kunot noo siyang tumingin sa'kin habang naka yuko na hawak ang binti niya.

"Ikaw na babae ka!"

Sinubukan niya ring hablutin ang cellphone ko pero tumakbo lang ako.

Alangan namang iangat ko rin ang kamay ko gaya ng ginawa niya, mas matangkad nga siya sa'kin diba?

Hinabol niya ako kahit pa ika ika siya.

"Burahin mo 'yan"

Utos niya sa'kin.

Natawa ako sa itsura niya.

Tiningnan ko ang picture niya.

"Mas grumpy ang mukha mo dito.. tingnan mo"

Pinakita ko sa kaniya.

"Akina!"

Tinakbo niya talaga ang kinatatayuan ko kaya ngayon nag aagawan na kami.

"Hoy! Pag nasira cellphone ko ibabalibag kita"

Banta ko.

Kinulong niya ako sa kanang braso niya kaya ang itsura namin ngayon ay naka yakap siya sa'kin.

"Akinayan!"

"Neknek mo! Lumayo ka nga!"

Para kaming kiti kiti sa ginagawa namin.

Sinusubukan niya talagang kunin sa kamay ko ang cellphone ko.

"Uhm? Really? Dito talaga kayo nag yayakapan sa parking lot?"

Napahinto kami ni Pula sa pag aagawan saka lang namin namalayan ang itsura namin.

Mabilis siyang lumayo sa'kin.

"Good morning Nemi"-Pula

Nakangiwing tiningnan kami ni Nemi.

Inayos ko nalang ang sarili ko dahil sa gusot gusot na ang damit ko.

"Are you two dating?"

Walang emosyong tiningnan ko siya

"Ano 'ko may sira sa ulo?"

Agad naman akong tiningnan ni Pula

"Ang kapal mo. Huwag ka ngang feeling lugi diyan."

Nginisian ko siya at saka kinuha ang kinakain kong tinapay.

"Gusto mo?"

Tanong ko kay Nemi

Ngumiti lang siya ng nakangiwi at saka umiling.

"Walang lason 'to"

Pangungumbinsi ko sa kaniya.

Tinulak ako ni Pula sa balikat

"Ano?!"-ako

"Anong pinaparating mo do'n sa walang lason 'to?"

Kunot noong tanong niya.

"Wala.."

"Parang meron eh"

Para siyang sigang pinaharap ako sa kaniya.

"Mag patayan lang kayo diyan"

Sabi ni Nemi at saka kami iniwan.

"Ang kulit mo, sabing wala"

"Akina cellphone mo"

Tinangka niya na naman agawin ang phone ko.

Ang ending nanaman namin ay nag aagawan na naman kami.

"Hoy! Tigilan mo ko tyansing ka na naman!"

Halos nakaliyad na ko sa motor.

"Burahin mo 'yon"

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko.

"Kapag nabasag cellphone ko ibibigti kita"

Bwiset, halos nasa ibabaw ko na kaya siya.

"Akina kasi"

Nilayo ko talaga sa kaniya ang cellphone ko. Nakakatawa kaya ang itsura niya doon.

*CLAP CLAP*

Sabay na naman kaming tumingin sa pumalakpak.

"What's that? New trend?"

Si Jerick at Mike ang nandoon.

Agad na umayos ng tayo si Pula at gano'n din ang ginawa ko nang umalis siya sa ibabaw ko.

"Lintek.. nabalian ata ako ng likod"

Reklamo ko at saka nag unat

"Pinicture an niya kasi ako. Ang pangit ko doon"

Parang batang nag susumbong siya.

"Ikaw unang namicture ah."

Dipensa ko.

Lumapit sa'min 'yong dalawa.

Kinuha ko nalang ang bag ko at saka sinukbit sa balikat ko.

Bahala sila dito mag usap.

Hahakbang palang ako paalis nang

*BOMB*

Halos kumabog ang puso ko sa kaba nang nakarinig ng pag sabog sa loob ng school.

"Si Sandra-"

Patakbo na sana ako papasok nang dalawang kamay ang pumigil sa'kin sa mag kabilang braso ko.

"Anong ginagawa mo? Papasok ka pa do'n?! Narinig mo nang may sumabog!"-Pula

"Delikado"-Mike

Kumawala ako sa kanila

"Dito lang kayo. Pula huwag kang papasok hanggat hindi ko sinasabi. Siguraduhin mong buo pa kayo mamaya"

Seryosong sabi ko sa kanila.

"It's dangerous!"-Pula

"Kaya nga dito lang kayo!"

Hinagis ko sa dibdib niya ang bag ko at saka tumakbo papasok.

Saan galing ang pag sabog na 'yon?

Please be safe Sandra.

Tinawagan ko sila pero wala ni isa sa kanila ang sumagot.

Tumakbo na palabas ang ibang mga estudyante.

*BOMB!*

Napa yuko ako sa gulat dahil sa pagsabog pa ng isang bomba.

Pumasok na ang mga tauhan ng Royal para rumesponde.

"Papatayin ko ang gumawa nito"

Hindi ko mapigilan ang galit sa loob ko.

Nag madali akong pumunta sa tambayan namin.

"Sandra! Hans!"

Tawag ko sa kanila

Lagi silang maagang pumapasok kaya sigurado akong nandito na sila ng ganitong oras.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang ilang mga katawan sa sahig. Mukhang wala nang buhay at may iilan ding hindi na buo ang katawan.

Tinawagan ko ulit sila Hans

"Y-yara-"

"NASAN KAYO?!"

Wala sila dito sa tambayan.

"J-just get out- akina nga 'yan!"

Nagulat ako nang may ibang boses na kasama siya

"Hello sweetie"

"Sino kang hayop ka?"

Seryosong tanong ko.

"Gusto mong malaman kung sino ako? Ahh.. sige mag papakilala ako sa'yo. Uhmm.. nasa gym kami kasama ang mga kaibigan mo. Isa, dalawa, tatlo, apat.. uh apat lang sila dito. Napaisip tuloy ako kung ilan silang kaibigan mo. Pumunta ka na dito ku'ndi papatayin ko sila isa isa."

May galit sa boses niya.

Pag patay ng tawag ay may tumawag sa'kin.

Si Sandra!

"Sandra"

"Nasa labas kami ni JM-"

"Huwag kayong papasok."

"Kumusta diyan sa loob?"

"Umalis na kayo dito sa school. Pupuntahan kita mamaya-"

Hindi pa rin nawala ang kabang nararamdaman ko nang dahil lang ligtas si Sandra. Nasa panganib pa rin ang mga kaibigan ko.

"Natatakot ako Crenz."

Naiiyak na aniya.

"Nasa parking lot sila Attienza, mag sama sama kayong umalis. Mag tiwala ka kay JM"

Alam kong kaya ni JM na protektahan siya. Pakiramdam ko hindi ito tungkol kay Sandra 'to.

"Please comeback alive"

"Masamang damo 'to Sandra. Mag ingat kayo"

Pinatay ko na ang tawag.

Naaawa ako sa mga estudyanteng namatay na wala namang kasalanan.

Nadudurog ang puso ko sa bawat pag hakbang ko habang nakikita ang lasug lasog na katawan ng ibang mga bata. Ang bata pa nila para bawian ng buhay.

Mag lalakad na sana ako nang may pumigil sa'kin.

Mabilis kong inikot ang kamay at binalibag siya.

"Argh!"

Seryoso kong tiningnan kung sino 'yon.

"Tyro?"

Napahawak siya sa likod niya.

"Ang sakit!"

Tinulungan ko siyang tumayo.

Gumaan ng konti ang nararamdaman ko dahil kasama ko siya ngayon.

"Anong ginagawa mo rito?"

Pilit niyang inaabot ang likod niyang nasaktan habang nakaharap sa'kin.

"Alam mo bang kakasipa lang sa'kin ni Nina kanina dahil nag aalala raw siya sa'yo, hindi ka raw kumain ng agahan kaya pinasunod niya ako sa'yo."

Minsan nakakatulong talaga ang pag aalala ni Nina.

"Ano bang nangyari dito? Nag aalala si Liphyo sa'yo, nakita ko sila kasama ang kaibigan niya sa parking lot."

Tinanaw ko ang paligid. Puro usok bandang gym.

"May nag pasabog. Hawak nila sila Hans ngayon-"

"At pupuntahan mo sila?! Nababaliw ka na ba?!"

Galit na tanong niya

"Anong gusto mo? Manahimik lang ako habang nasa panganib sila Hans?!"

"Ako na ang pupunta sa kanila-"

"Kung ayaw mong samain sa'kin huwag mo akong subukang pigilan."

"Mas importante ka sa'min-"

Kwinelyuhan ko siya

"Wala akong pakealam! Kung nandito ka para lang pigilan ako, umalis ka na!"

Tumunog ang cellphone ko

From: Hans

Tick-tock

~~

Sabay naming tiningnan ang phone ko

"Sino nag sabing pipigilan kita? Masaya kayang makasama ka sa bakbakan"

Nakangiting aniya.

Huwag lang nila pupuruhan ang gwapong mukha ni Handriko, baka mapatay ko sila.

Nag simula na kaming mag lakad.

"Tatawagan ko na ba si Raffy-"

"Huwag mo na subukan. Kung kakayanin ng sitwasyon, susubukan kong hindi makapatay-"

"'yang kabaitan mo ang papatay sa'yo"

Nginisian ko siya

"Sino bang nag sabing hahayaan ko silang patayin ako? Bago pa sila makahugot ng sandata, wala na silang hininga no'n."

Kumuha ako ng kahoy sa nasirang upuan dahil sa pag sabog at binigay kay Tyro.

"Ano 'to?"

"Pang pukpok sa ulo mo"

Pag susungit ko sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo niya.

"Sigurado ka bang hindi natin tatawagan si Raffy?"

"May hang over pa si Raffy, kapag tinawagan mo siya at sinabi mong nasa panganib ako lahat ng makita niyang kalaban dito papatayin niya. Mas mainit ang ulo niya kapag masakit ang ulo niya, magiging madugo lang ang laban kapag kasama siya."

Nakita ko ang mga Royal guard na pakalat kalat sa paligid.

Nilapitan ko sila.

"Kunin niyo ang ibang mga katawan at umalis na kayo dito"

"Pero ma'am Crenz-"

Inis na sinagot ko siya.

"Kapag hindi pa kayo lumabas, mamamatay sila Hans. Hintayin niyo ang 30 min. tatawag kami, kapag hindi kami tumawag saka kayo pumasok."

Nag aalangan man siya pinasunod pa rin niya ang mga kasamahan niya palabas ng school.

"Kunin mo 'to"

Sabi ko sa guard

"Bakit po?"

"Ibigay mo kay Chelsea 'to. Alam niya na ang gagawin diyan."

Nag taka siya pero kinuha pa rin niya ang cellphone ko.

"Sabihin mo kay Raffy na huwag susunod sa'min at huwag niyo na rin tangkaing sumunod sa'min."

Nag aalala ang itsura niya. Leader siya ng mga Royal Guard at kapag may nangyaring masama sa'min alam niyang siya ang mananagot.

"30 minutes lang ma'am ah"

Tinanguan ko siya at kinuha ang baril niya saka siya tinapik sa balikat para umalis na sila.

"Let's go"-Tyro

Tumango ako at saka kami nag lakad papunta sa gym.

Nag ring ang cellphone ni Tyro kaya tumingin kami pareho doon.

"It's Nathalie"

"Huwag mong sagutin"

Alam ko na ang sasabihin ni Nina kaya hindi ko na kailangang marinig pa 'yon.

Nilagay ko ang singsing ni Pula sa bulsa ng pantalon ko.

"Pa'no kung may nangyari sa bahay?"

"Nasa bahay si Chiggy Mil! Nag iisip ka ba? Alam mo naman kung anong sasabihin ng girlfriend mo. Ilang beses ko sinabi sa inyo na bukod ang personal na problema niyo kapag organization na ang usapan!"

Napatanga lang siya

"Calm down Yara"

Sino bang kakalma kung kabado ka na sa pwedeng gawin ng mga hayop na 'yon sa mga kaibigan mo?

"Alam mong tutol ako sa inyo noon dahil bata pa no'ng naging kayo at maapektuhan ang organization kung mag kakatuluyan kayo-"

"I know-"

"EDI PAG HIWALAYIN MO ANG NARARAMDAMAN MO SA GIRLFRIEND MO AT DITO SA TRABAHO NATIN! KUNG PAIINITIN MO LANG ANG ULO KO UMALIS KA NA-"

Tiningnan niya ako ng masama at saka pinatingin sa kaniya.

"Will you please calm down? Lagi mong sinasabing walang mapapala ang galit namin sa sitwasyong delikado at kailangan naming kumalma para makapag isip ng mas magandang paraan."

Pag papaalala niya sa'kin.

"Nang iinis ka pa kasi!"

"Of course it's natural for me to think about the safety of your cousin because I love her, pero hindi ibig sabihin no'n na mag papaapekto na ako sa trabaho ko. Alam mo namang kapag nasa trabaho ako, nasa trabaho lang ang 90% ng utak ko"

Paalala niya ulit sa'kin.

Alam ko naman 'yon. Kapag nasa trabaho siya, wala siyang pakealam kung magagalit o ikatutuwa ba ni Nina ang mga gagawin niya, ang mahalaga nagawa at natapos niya ang mga pinagagawa sa kaniya.

Pinatay niya ang phone niya at saka tumingin sa'kin.

"Happy?"

Ewan! Minsan lang ako kabahan kaya hindi ko rin makontrol ng maayos ang sarili ko. Ibang usapan na kasi kapag mga alaga ko na ang nasa panganib.

Umiling ako at saka binigay sa kaniya ang baril at kinuha ko naman ang kahoy na hawak niya.

"I'm fine holding that"

Turo niya sa kahoy

"Poprotektahan mo 'ko o poprotektahan kita?"

"Poprotektahan kita"

Tiningnan ko lang siya at saka nag simula nang tumakbo papunta sa gym.

Tama lang na baril ang hawak niya para maback up an niya ako.

Binuksan namin ang pinto ng gym.

Humarap sa'min ang mga lalaki doon.

Armado silang lahat at mukhang wala kaming laban kahit pa marunong kaming lumaban ng suntukan kasi luging lugi kami sa kanila.

"Hello there sweetie!"

Isang mid 40's ang bumati sa'min.

Namumukhaan ko siya.

"Kilala mo siya?"

Tanong sa'kin ni Tyro

"Hindi ako sigurado pero parang nakita ko na siya sa mga family background"

Nasa bleacher ang ibang kasama nila at ang iba naman ay nasa baba lang.

Pumasok kami hanggang sa baba ng basketball ring.

Tinapon ko ang dala kong kahoy kasi lugi pa rin naman kami kung pumalag sila.

"Anong ginagawa mo?"

Tanong ni Tyro sa'kin.

"Ibaba mo na muna 'yan susubukan ko silang kausapin"

Nag aalangang pinasok niya sa tagiliran niya ang baril na hawak niya.

"Nasa'n sila Hans?"

Seryosong tanong ko sa kanila.

"Totoo ngang matapang ka gaya ng sinasabi ng mga anak ko. Mamamatay ka nalang lahat lahat dito nag mamatapang ka pa?"

Anak niya?

Mga anak niya?

Sino naman ang mga pastilang mga anak niya?

Sinenyasan niya ang mga tauhan niya at saka tumango sa kaniya. Pumasok sila sa back stage at nilabas sila Nemi, Hans, Migs at Princess.

May bangas na ang mukha ni Hans at Migs. Nakatali ang mga kamay nila sa likod niya at sapilitan silang pinaluhod sa lapag.

"Sinabi ko nang huwag kang pupunta diba? Ang tigas ng ulo mo-*PUNCH*"

Sinapak si Hans ng isa sa tauhan ng matandang 'yon.

"Tangina! Huwag kang manakit!"

Singhal ni Hans.

Napakamot nalang ako sa ilong ko dahil nagawa pa niyang mag reklamo at mag utos sa kabila ng sitwasyon nila.

Hindi mo makikitaan ng takot ang mga itsura nilang apat.

"Ano bang kailangan mo?"

Tanong ko doon sa matanda.

"Buhay mo at buhay ng boyfriend mo"

Boyfriend? May boyfriend ako? Bakit hindi ko alam?

"May boyfriend ka Yara?"

Bulong sa'kin ni Tyro na parang nang aasar pa.

"Wala ah."

"Bakit sabi niya may boyfriend ka?"

"Meron ba? Hindi ko rin alam eh"

Tumawa ng mahina si Tyro

*BANG*

Nag paputok ng baril paitaas ang lalaking 'yon para siguro kunin ang atensyon namin.

"Attention seeker ba siya?"-Tyro

Ngayon alam niyo na kung bakit sinasabi naming maligalig at makulit si Tyro?

Ganiyan siya tuwing nasa panganib kami, nagagawa pa niyang tawanan ang sitwasyon kahit nasa bingit na ng kamatayan ang mga buhay namin.

At alam niyo rin ba kung bakit ayaw nila Hans at Nina na pag samahin kami sa labanan? Kasi ganito kami..

"Obvious naman diba?"

"Ang tanda na niya pero attention seeker pa rin siya"

"Mukhang magiging ganiyan ka rin kapag tumanda ka"

Bulungan namin

"Maybe, pero hindi ako mang hohostage para lang mapansin ako. Siya kasi pangit kaya hirap makakuha ng attention ako gwapo ako kaya kahit hindi ko kunin ang atensyon nila napapalingon sila sa'kin-"

*BANG*

Bumaril ulit siya at sa pag kakataong ito malapit na sa'min.

"HOY! MUNTIK NA KAMING MATAMAAN AH!"

reklamo ni Tyro.

Huminga ako ng malalim at saka hinarap ulit ang matandang 'yon.

"Wala akong boyfriend kaya huwag ka nang mag aksaya ng laway."

Sabi ko sa kaniya. Nag tali ako ng buhok dahil mukhang mapapalaban ako ngayon eh.

"Hindi ka lang pala mayabang, sinungaling ka rin."

Tinapos ko ang pag tatali ko at saka may nilabas na naman silang isang tao.

"Lintek, artista pala boyfriend mo eh"

Pang aasar sa'kin ni Tyro.

"Mike? Anong ginagawa niya dito? Kasama niya kanina si Liphyo ah?"

Naka tape ang bibig ni Mike at walang malay.

"Surprise!"

Sabi no'ng matanda at saka kami nginitian. Ngiting tagumpay.

"Bakit niyo naman kami gustong patayin?"

Hindi ko na mapigilang mag tanong dahil wala naman akong maalalang atraso mula sa kaniya.

"Buti naman natanong mo na. Una! 'yong bunso kong anak, sinaktan mo siya at pinahiya sa maraming tao. Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal ng magulang mo?"

Nakangiting tanong niya

"Hindi ako nakinig"

Sagot ko sa kaniya.

Ngumiti sila Hans at napatawa naman ng mahina si Tyro.

"Ang lakas ng loob mong sumagot!"

Gigil na sabi niya sa'kin

"Nag tanong ka kaya"

"Pfft.."

Nag pigil ng tawa sila Cess..

"Sino ba kasi 'yang anak mo? Bakit kailangan mo pang pasabugin ang school para lang makausap ako? Pwede niyo naman akong kidnapin-"

Binatukan ako ni Tyro

"Siraulo ka talaga eh nuh? Nag suggest ka pa talaga"

Bulong niya sa'kin pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Nag effort pa kayo mag pa sabog ng school."

Tinawanan ako no'ng matanda.

"Dahil sa'yo nasira ang pangalan kong matagal kong pinag hirapan pabanguhin!"

Ano raw?

"May pabango akong galing sa ibang bans-"

Tinakpan ni Tyro ang bibig ko.

"Hindi 'yon ang ibig niyang sabihin."

Bulong niya sa'kin.

Sinamaan ko ng tingin si Tyro at saka inalis ang kamay niya sa bibig ko.

Kadiri, wala pa kaya siyang ligo.

"Kilala kita. Senator ka at minsan na ring nadawit ang pangalan mo sa illegal mining at illegal possession of firearms. Ano ba talagang gusto mo?"

Tanong ni Tyro sa kaniya.

"Gusto ko ang buhay niyo dahil sa pag sira ng pangalan ko."

Galit na aniya

Ngayon ko lang naalala ang lahat.

"Ah.. anak mo 'yong Angela na demonyita ng school na 'to?"

*BANG*

Pumutok ang baril sa may paahan namin pero hindi ako natinag. Napaatras naman si Tyro ng kaunti.

"Hindi ka na sana nangialam pa!"

Napangisi ako sa sinabi niya. Alam ko na ang tinutukoy niya.

"Namatay ang isang bata dahil sa kahayukan sa laman ng anak mo! Ni rape ng anak mo ang isang bata at pinatay nila. Nag tago sila ng tatlong taon at binayaran niyo ang mga pulis para pag takpan ang kasalanan niyo!"

Nag iinit ang buo kong katawan sa kaniya.

Gusto ko siyang sunugin ng buhay.

"Wala ka nang pakealam sa bagay na 'yon-"

"May pake ako dahil sinisisi ng kaibigan ko ang sarili niya sa pagkamatay ng bata!"

Tumingin ako kay Hans na umiiling lang na parang sinasabing huwag na akong mag salita.

Ngumisi ang matanda hanggang sa tumawa ng mahina at saka humalakhak na.

"He's a psycho"-Tyro

"Pero hanga ako sa'yo ah. Paano mo naungkat ang kasong matagal nang binaon at nalaman mo pa kung sino talaga ang may pakana. I like it, I like your intelligence. Pero balita ko galing ka raw sa lowest section ah. Mag sasaka ang magulang mo at bodyguard ka ng isang batang babae."

Nginisian niya kami.

"Sige nga, let's make it fair. Fist to fist fight, no guns involved. Deal?"

Nakangiting tanong niya sa'min.

"Nag kamali siya ng hinamon"

Bulong ni Tyro

"Edi hindi na tayo lugi"

Bulong ko sa kaniya.

"Deal!"

Sigaw ko.

May isang lalaki mula sa taas ang balak bumunot niya baril kaya mabilis kong hinugot ang baril sa tagiliran ni Tyro at paikot na lumuhod para paputukan ang taong 'yon

*BANG*

Tinamaan siya sa dibdib na ikinatumba niya agad.

Bumunot naman ang iba ng baril at saka tinutok sa'min.

"STOP!"

Sigaw ng matanda.

"Akala ko ba deal na?"

Tanong no'ng matanda

"Hindi ata marunong umintindi ang tauhan mo. Bumunot siya at muntik na kaming paputukan"

Sabi ko sa kaniya.

Pinababa niya ang baril ng mga alagad niya.

"I'm sorry about that."

Nakangiting paumanhin niya.

Tumayo ako at saka binalik kay Tyro ang baril.

"Ang bilis mo pa rin ah"

Puri sa'kin ni Tyro pero kinindatan ko lang siya.

"Kapag naubos niyo ang tauhan ko, makakalabas kayo ng buhay at kapag hindi naman. Ipag dadasal nalang namin ang kaluluwa niyong lahat."

Sabi niya sa'min.

"Buhay o patay man kaming makakalabas dito, kulungan o kamatayan lang naman ang mapupuntahan mo. Makatakas ka man, mamamatay ka pa rin"-Tyro

"Daming satsat! Simulan niyo na!"

Lumapit sa'min ang maraming lalaki at pinalibutan kami.

"Mag practice tayo, si Raffy lang ang nakapag practice kahapon eh"

Hindi ko maintindihan ang tinutukoy niya

"Kapag natalo ka, hiwalayan mo na si Nina"

Magandang pang motivate 'yon.

"Kapag natalo ka rin hahalikan mo si Attienza"

Asa pa siya! Kelan ba ako natalo?

"Deal!"

Sumugod sa'min ang mga lalaki.

Inilagan ko ang suntok ng dalawa at mabilis na napunta sa likod nila saka tinira ang delikadong parte ng leeg nila.

*2 down*

Inilagan ko ang sapak ng isa at mabilis na umikot pababa para sipain ang likod ng tuhod niya na ikinaluhod naman niya at ginamit kong patungan ang likod niya para masipa ang isa pang lalaking papunta na sa'kin. Tinamaan ang panga no'ng sinipa ko at saka ko siniko ang leeg no'ng lalaking pinaluhod ko.

May sumugod sa'king sisipain sana ako habang naka upo ako pero sinalo ko iyon at tumayo ako kaya nabanat ang hita niya pataas.

"AWWWW!"

Sigaw niya saglit akong ngumisi sa umilag sa suntok naman ng isa pa. Sinipa ko lalaking hawak ko sa hita niya at pwersahang pinadausdos ko papunta sa isang lalaki ang paa ko na ikinatumba niya.

TYRO'S POV

Fortunately, wala pa namang nakakatama sa mukha kong pogi.

Hanggat kaya kong tulungan si Crenz tinutulungan ko siya sa ibang gustong manakit sa kaniya at gano'n din siya sa'kin.

Halos maubos na namin ang mga tauhan ng hayop na 'yon at karamihan si Crenz ang naka patulog.

Naubos namin ang tauhan no'ng matanda pero syempre may iilan pa ring nakatayo sa gilid nila Hans.

Nginitian ako ni Migs.

"Fuck you"

I mouthed to him.

Hingal na lumapit ako kay Yara at sinuri kung ayos lang siya.

"Ayos ka lang?"

Hingal na tanong ko pero hinikaban niya lang ako.

"Inaantok na 'ko"

Sabi niya sa'kin.

Natawa ako ng mahina at saka hinawi ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.

*CLAP CLAP*

"WOW! YOU'RE BOTH GOOD!"

Masayang bati sa'min no'ng hayop

Hinarap namin siya.

Mas delikado na sila ngayon dahil inaantok na si Crenz. Natatakot ako para sa kanila.

"Pakawalan mo na sila"

Sabi ni Crenz

"I'm sorry, I play dirty"

May tumakip sa ilong namin. Sinubukan naming man laban pero wala na, hindi ko na alam ang nangyari.

HAN'S POV

"GAGO KA! ANONG GINAWA MO!"

Parehong tulog na si Crenz at Tyro sa sahig matapos niyang patulugin.

"Just chill kid, pinatulog ko lang sila kasi mukhang pagod na sila. Tumutulong lang ako."

Bigla akong natawa. Napahalakhak talaga ako ng tawa.

"Nababaliw ka na ba Hans?" Bulong sa'kin ni Nemi

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"Thank you"

Nakangising sabi ko doon sa matanda.

Nginisian niya ako saka

*PUNCH*

"ARAY! NAKAKAILAN NA KAYO AH!"

reklamo ko sa kaniya

"May kabutihan pa naman ako kahit papaano. Pakawalan niyo 'yang dalawang babae, isasama natin 'yang apat na 'yan sa mansion. KUMILOS NA KAYO!"

Sa'kin ayos lang kung isama nila kami, mas gusto kong siguraduhin ang kaligtasan ni Tyro at Yara.

Pinakawalan nila si Nemi at Princess.

"Umalis na kayo bago ko kayo barilin."

Sabi no'ng matanda at saka itinutok sa kanila ang baril na hawak niya.

Tumingin sa'kin si Nemi at Cess, tinanguan ko lang sila.

Tumakbo sila palabas ng gym. Sinenyasan no'ng matanda ang tauhan nila na parang sinasabing sundan ang dalawa at patayin.

Tumango naman ang apat na lalaki.

"ANONG GAGAWIN MO?! DEMONYO KA! HUWAG MONG SASAKTAN ANG MGA BABAE!"

Mapapaos na 'ko kaka sigaw ko sa hayop na 'to.

"Huwag kang mag alala, hindi na sila mahihirapan pa sa buhay"

Galit na tiningnan ko siya

"Sisiguraduhin namin na mamamatay din ang anak mo sa kulungan."

Nawala ang ngisi niya sa mukha at tinangka niya sana akong sapakin ulit pero yumuko ako.

"Tigilan mo na kakasapak mo sa'kin, wala akong puhunan kapag niligawan ko si Sandra!"

Sinipa niya ako pero hindi naman gano'n ka lakas.

"Gago mo pre"

Natatawang bulong sa'kin ni Migs.

Kung hindi ko sinabihan si Migs na huwag sagutin ang mga hayop na 'to kahit anong mangyari, baka pareho kami ngayong sinasapak.

Mas gago kasi sumagot 'tong hayop na 'to, Baka barilin na kami pareho dito.

"Hindi ka na makakapang ligaw dahil sisiguraduhin kong mamamatay ka matapos kong makuha ang anak ko sa kulungan"

Nawala ang ngisi ko sa sinabi niya.

"Hindi nila pakakawalan ang hayop na 'yon sa kulungan para lang sa'min! Huwag ka nang umasa"

Gigil na sabi ko sa kaniya.

Kinakabahan ako para kina Nemi.

"May natuklasan akong organization sa likod niyo. Gagawin nila ang lahat para mailigtas kayo-"

"Ano bang sinasabi mo!"

Nagulat kami nang tatlong beses na sunod sunod ang pag putok ng baril.

Nasundan pa ng dalawang sunod sunod na tatlong putok.

Natawa kami pareho ni Migs.

"Lintek talaga gumamit ng baril si Cess"

Bulong sa'kin ni Migs.

Tumango ako dahil sangayon ako sa sinabi niya.

Iyon ang tanda ni Cess, tatlong sunod sunod na putok sa isang tao o di kaya tatlong sunod sunod sa mag kakaibang tao.

Sinabihan na namin siya noon na huwag siyang titigil sa pag putok kapag nasa labanan na. Matapos kasi ng tatlong putok humihinto siya tapos napapakamot siya kamay niya. Sabi niya kapag hindi niya kinamot iyon parang nangangati ang kamay niyang paputukin iyon ng sunod sunod na walang naiisip na susunod na plano.

Ibig sabihin lang, nag iisip siya ng plano matapos ng tatlong putok.

Sumunod pa ng dalawang mag kasunod na putok. Ibig sabihin lang no'n tapos na sila at buhay pa sila.

Tinuro sa'min 'yon no'ng nag titraining kami.

"Anong nginingisi ngisi niyo diyan? DALHIN NA 'TO!"

Sapilitan kaming pinatayo at tinulak palabas.

"Saglit! Hayaan niyo akong buhatin 'yong babae"

Ayoko ngang sila ang humawak kay Yara. Hindi sila mapag kakatiwalaan.

"Huwag kayong mag alala, sasama kami. Paano ako makakatakbo kung may bitbit ako?"

Sinusubukan ko silang pa sang ayunin.

Sinenyasan lang ng matanda ang mga lalaki para ibigay sa'kin si Yara.

"Salamat boss"

Inalis nila ang pag kaka tali ng kamay ko.

Sumaludo ako gamit ang dalawang daliri ko saka nila binigay si Yara.

Binuhat ko siya sa dalawang bisig ko.

"Oh ano na? Tara na"

Paanyaya ko sa kanila.

Tinulak ako no'ng isang lalaki parang sinasabing lumakad na ako.

"Gago mo Hans"-Migs

Natatawang aniya.

Lumabas kami ng gym at sa labas no'n may naka handa nang Van.

Pina pasok nila kami.

Sa dulo ko pwinesto si Crenz kung saan ako lang ang makakatabi niya.

Tinali nila ulit ang kamay ko at piniringan kami.

"Wala naman akong balak na kabisaduhin ang daan-"

"Busalan niyo nga yang hayop na 'yan. Napaka ingay"

Tinakpan nila ang bibig ko.

Bwiset tong mga 'to!

TYRO'S POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.

May sumisipa sa'kin para gisingin ako.

Tumingin agad ako sa paligid ko.

Nakita ko sa tabi ko si Yara at sa tabi ni Yara si Hans at Migs.

Gising silang lahat.

"Good morning Pre"

Masayang bati sa'kin ni Migs, si Hans kasi may tape sa bibig.

"Bakit naka naka tape 'yan?"

Tanong ko sa kanila.

"Ang daldal kasi, nairita 'yong mga kidnapper"

Natawa ako ng bahagya.

"Ayos ka lang Yara?"

Tumango si Yara.

Mabuti nalang makatulog siya. Isa lang 'yon sa dahilan para ma trigger siya.

"Walang masakit sa'yo?"

"Wala"

Nakahinga ako ng maluwag.

Yung dalawa naman nag tutulungan kung paano ma tanggal ang tape sa bibig ni Hans.

"Ngii"

Ani ko nang kagatin ni Migs ang tape para maalis 'yon sa mukha ni Hans.

"Kadiri"-Crenz

Siraulong babae 'to. Na hawa na ata sa mga pinsan niyang maaarte.

Natanggal na nila ang tape.

"Kadiri ka pre bakit dinilaan mo 'yong dulo?"

"Para may makagat ako. Gago, di tayo talo"

Asaran nila.

"Anong plano?"

Tanong ni Hans.

Panandalian lang kaming natahimik at bumaling kay Crenz.

"Wala"-Crenz

Tumango nalang kami ni Hans

"Teka? Wala?"

Natigilan kami at saka tatlo kaming dumungaw kay Migs sa tanong niya.

Nag tatakang tumingin lang siya sa'min na naka taas ang balikat na parang sinasabing 'bakit wala?'

Naaawa ako sa kaniyang napa sama pa sa'ming mga wirdo kapag nasa panganib.

"Matulog ka nalang muna bata"

Sabi ko sa kaniya.

"Anong bata? Matanda ka lang sa'kin ng dalawang taon 'no"

Tinawanan ko lang siya.

20 years old na pala ako. Hindi ko namalayan ang panahon.

CASSANDRA'S POV

Nasa meeting area kami, 'yong para sa'min lang na New generation.

Mag kaiba ang ginagawa naming mga bata sa matatanda. Naka focus kami kung paano nakukuha sila Hans habang ang matatanda ay naka focus kung paano ma huhuli ang mga kidnapper.

"Bwiset na Angela 'yon. Criminal pala ang pamilya kaya pala masama ugali"

Inis na sabi ko habang tinitingnan namin ang monitor para hanapin ang kinaroroonan nila Crenz.

"Hindi niyo pa ba nahahanap?"

Kalamadong tanong ni Raffy.

Hindi ba dapat nagagalit na siya ngayon dahil nasa panganib si Crenz?

"Almost done"-Chelsea

Lumabas saglit si Raffy bitbit ang pakete ng sigarilyo niya.

"Kinakabahan ako kay Raffy"-Nina

"Bakit ka naman kakabahan doon, kalmadong kalmado kaya siya."

May awa at takot ang itsura ni Nina nang harapin niya ako.

"Mas nakakatakot ang pagiging kalmado niya kapag nasa panganib ang mahahalaga sa kaniya, minsan kabaliktaran ang kinikilos niya"

Sinundan ko ng tingin ang nilabasan niyang pinto.

"What happened?!"

Nag madaling lumapit sa'min si Jigs at saka tiningnan ang monitor.

Tumingin ako kay Jigs at Yasy.

Kakaibang atmosphere na naman 'to.

Halata sa kilos ni Jigs ang pag aalala at pagiging balisa.

"Ako na"

Pinalitan niya ang pwesto ni Chelsea at sa loob ng tatlong minuto na detect namin kung nasaan sila Crenz.

Umayos ng tayo si Jigs at doon niya lang nakita si Yasy pero tiningnan niya lang ito at saka tumingin sa'kin.

"Sasamahan ko si Raffy at Daniel. Ipaalam niyo na kung nasa'n ang location nila."

Tumakbo siya papunta sa taas habang naka sunod sa kaniya si Dan paakyat.

Kinakabahan ako. Hindi ako makapag isip ng maayos.

"Chelsea ikaw na ang kumausap kay Mr. Tan about sa location. JM, ikaw naman ang mag bigay ng tip sa mga pulis at Yasy, kailangan natin ng sniper"

Tumango sila sa utos ni Nina.

"Sandra, huwag kayong lalabas dito at tulungan niyo kami sa mga update, dating gawi."

Tumango rin ako sa kaniya.

"Kilos na"

Nag si kilos na ang lahat

So mag kasama silang lima?

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari Hans.

"Si Liphyo nga pala?"-Nemi

Hindi ko nakita si Attienza kanina.

"Pinauwi ko muna kasama ang mga kaibigan niya. Lagot tayo kay Crenz kapag nalaman niyang pinabayaan natin ang alaga niya"-Cess

Naaawa ako sa sitwasyon ni Crenz but at the same time kinikilig din ako sa kanilang dalawa.

Haist! Masyado pa akong bata! Pero anong magagawa ko? Gusto ko si Ryker hehehe..

Maya maya lang bumalik si Chelsea at JM.

"Ano nang nangyari?"

Sinusundan namin ang kinaroroonan nila Raffy.

"Nasa daan na sila. May kalayuan din ang old mansion na 'yon."

Nakasubaybay lang kami sa galaw nila. Hindi rin naman namin makikita ang loob ng mansion.

"Tama lang na sila ang pina sama niyo, pero natatakot pa rin ako sa pwedeng magawa ni Rafflesia. Masakit pa ang ulo niyo at gaya ni Crenz, nagiging padalos dalos din ang galaw niya kapag masakit ang ulo niya."

Bakit parang mas kilala pa niya si Crenz kesa sa'min?

Wala pang ilang buwan nang makilala nila si Crenz. Nag tataka na talaga ako sa mga kinikilos nila.

'liban kay Hans, lahat kaming kasama sa student council hindi sobrang kilalang kilala si Crenz.

"Ang galing lumaban ni Tyro at Crenz kanina. Parang synchronized ang bawat galaw nila. Para silang duo sa labanan at alam na alam nila ang pwedeng magawa nang isa't isa"-Nemi

Hindi ko pa nakikitang lumaban si Crenz. Lagi akong inuuna dalhin sa safe place at maiiwan lang si Crenz, Hans at ang kambal.

"Gano'n pala siya lumaban? Ang galing ni Crenz"

Nakangiting inalala ni Cess ang ginawa ni Crenz.

"Hindi ko pa rin nakikitang lumaban si Crenz pero nambalibag madalas kong makita"-JM

Siraulo