webnovel

REINCARNATION [FILIPINO NOVEL]

Istoryang naisulat sa nakaraan Maari bang dugtungan sa kasalukuyan? Isip ay nalilito Sa tinitibok ng puso Pag-mamahalan ay nasa nakaraan Pwede pa bang matuloy sa kasalukuyan ang pag-iibigan? Sina Shana at Christopher nga ba nang nakaraan? O Sina Calla at Dewei ng kasalukuyan? Pag-iibign na namayapa ay muling mabubuhay Nakaraang Relasyon ay muling mabubuo sa pamamagitan ng......... Reincarnation.

Ezekiel_Nicole · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
6 Chs

Chapter 2

"Calla tara bili tayo index card" sabi aya sa akin ni Natalie.

Andito na ako sa school ngayon.

"Bakit kailangan ba naten ng index card?" Tanong ko sa kanya 'di kase ako inform.

"Oo daw sabi kagabi sa GC 'di ka ba kasali doon?" Tanong nya uli sakin. Grabe 'di talaga ako informed na may GC na pala kami, eh hindi rin naman ako nag-online kagabi kasi maaga akong natulog.

"Talaga may GC na? Hindi ko alam, 'di ako kasali do'n atsaka 'di rin ako nakapag-online kagabi."

"Sige sige ipapa-add nalang kita sa admin mamaya bili muna tayo index baka mag bell na eh" Sunod-sunod na sabi n'ya sa akin, tumango naman ako. Buti nalang andito si Natalie whew.

Nag-lakad na kami pababa, papunta sa bilihan ng school supplies. Nakakatuwa lang na may bilihan din pala ng school supplies dito sa loob ng school.

Mabilis lang din kami nakarating at pumila na kami para bumili na kami ng index card. Pabalik na kami at paakyat na ng hagdan nang may nakasulubong kaming kaklase namin na paakyat na rin para pumasok.

"Natalie ano yan? Index? Kailangan ba yan?" Tanong ng isang magandang babae medyo chubby sya at familiar ang mukha nya.

"Ay hindi! Bibilhin ko ba kung hindi kailangan?" Pambabarang tanong sa kanya ni Natalie.

"Malay mo. Minsan pa naman shushunga-shunga ka hehe" Sabi nya sabay ngisi. Para talagang kilala ko na s'ya eh! "Dre! Calla hello! Naaalala mo pa ba ako?" Huh? Naaalala ko pa s'ya?

"Bakit mag kakilala kayo?" Tanong sa akin ni Natalie. Napalingon naman ako sa kanya at parang binigyan ko sya ng di-ako-sigurado-look.

"Di mo ko naaalala? Ako 'toh si Sahara the Majorette Girl! At ikaw si Calla the drummer!" Pag-papaliwanag nya. Ah oo naaalala ko na sya! Kasama ko sya sa Marching band nung elementary.

"Naaalala ko na! Kasama ka sa Marching band" Bigla namang lumapad ang ngiti nya sabay niyakap ako. "Namiss kitaaa!" Masayang sabi nya. Naiilang ako dahil sa yakap 'di ako sanay yumakap ng babae at nirerespeto ko din sila. "Ako hindi mo namiss?" Tanong nya sakin.

"Hindi daw" sagot ni Natalie sa kanya. Napatawa naman ako. Naalala ko dati si Sahara s'ya kase yung pinakamakulit pero pinakamagaling at pinakamatalino sa Banda ganon pa rin kaya s'ya hanggang ngayon? Naalala ko pa dati crush na crush ko s'ya. Tuwang-tuwa ako sa mga naiisip ko dahilan para mapangiti ako.

"Oh ngumiti si Calla! See? Namiss n'ya ko!" Tuwang-tuwa na sabi ni Sahara.

"Hindi ngumiti lang s'ya kase mukha ka nang baliw!" Natatawa-tawang sabi ni Natalie.

"Tara na nga mag lalagay pa tayo ng pangalan sa index card tapos ng mga table kineme!" Sabi ko sa kanila kaya naman sabay-sabay na kaming tatlo pumasok sa room.

"Calla pili ka number!" Sabi sa akin nung isang babae na medyo maitim. Oy di ako judgemental! Dinedescribe ko lang s'ya!

"23" tipid kong sagot sa kanya. May kasama kase s'yang tatlo pang babae na yung isa medyo makapal ang kilay, yung isa naman sobrang tangkad pinaglihi ata 'toh sa meter stick eh!

"Owemji! Si Dewei lumabas!nako baka tinadhana talaga kayo! Kinikilig ekesh!" Sigaw nung lalaking kasama nila. Jusme mas lalaki pa ata ako sa kanya charot.

"Oo nga Dre atsaka bagay naman sila eh!" Sabi nung babaeng sobrang tangkad na pinaglihi sa meter stick.

"Abigail nga pala!" Sabi sa aken nung babaeng nag-tanong sa 'kin kanina.

"Jazmine!" Sabi nung babaeng makapal yung kilay.

"I'm Diandra!" Sabi naman nung babae na pinaglihi ata sa meter stick. Charot lang. Last na talaga 'toh.

"Teka ba't meron kayong dalang index card?" Tanong ni Abigail

"Para sa TLE tungeks!" singit ni Nicole sa usapan namin.

"Weh? Kailan sinabi?" Tanong ulit ni Abigail

"Syempre kahapon alangan naman nung isang araw diba"  Sagot ni Elle sa kanya. Kahit kailan talaga lagi s'yang nambabara.

Katulad noong nanyari kahapon, hinintay ko lang din na matapos ang araw wala naman kami ganon ginawa. Puro summative test lang.

Pag-katapos ng klase, dumiretso na ako agad sa sakanyan.

10 minutes...

20 minutes...

30 minutes...

Argh shems! Kalahating oras na akong nakikipag-unahan dito para makasakay pero di manlang ako nakatapak sa jeep. Napakadaming tao.

Sasalubungin ko nalang kaya yung jeep bago makarating dito sa sakanyan para ako yung maunang sumakay! Tama tama! Nag-umpisa na ako mag-lakad papunta sa kabilang direksyon para salubungin ang mga jeep pero punuan din. Siguro naisip na rin 'toh ng mga estudyante before. Nag-lakad lang ako ng nag-lakad hanggang sa mayroong pamilyar na boses ang  tumawag sa akin.

"Calla! Ikaw ba yan?" Nilingon ko ang lalaking may pamilyar na boses.

"Zachary?" Ewan ko pero eto lang yung nasambit ko 

"Oo Zachary nga! Bat nag lalakad ka? Saan ka ba nakatira?" Sunod-sunod na tanong n'ya sa 'kin.

"Eh kase galing ako doon sa kanto kaso 'di ako makasakay sa sobrang daming tao. Kaya naisip ko na salubungin yung jeep? Hehe" Pag-eexplain ko sa kanya.

"Ah ganon ba? Akin na yang bitbit mo, mukhang bigat na bigat ka eh!" Pag-aalok n'ya ng tulong sa 'kin.

Aish nakakahiya! Lalake ako! I mean mali AHAHAHA wala pala akong alam mo na hehe...

"Ah ano kase nakaka-"

"Anong hiya hiya? Sabi ko sayo ako na ang boy bestfriend mo kaya! Ako na ang mag bibitbit nyan" Pag papaliwanag nya sa akin.

Nag-lakad kami papunta sa upuan doon sa may gilid ng tindahan. At nakita ko naman si Elle na bumibili. Mag-kasabay pala sila umuuwi? Tapos meron din s'yang kasama na dalawa pang babae.

"Hi Calla ako si Thea!" Sabi nung babaeng maputi na medyo maliit. Ang cute nya. "Ikaw na pre nag pakilala nako ang daya mo eh!" Hirit nya sa katabi n'ya na para bang may pinagkasunduan sila

"Hello Calla I'm Morgaaa-a-aan! HAHAHA" nakakatuwa ang ganda ng pag-kulot nya sa boses n'ya. Bonus pa dahil ang ganda nya. Dre! For real ang ganda n'ya! sobra!

"Calla okay ka lang? Yan dre kase ikaw eh pakulot-kulot ka pang nalalaman" tatawa-tawang sabi ni Thea.

"Gagi nagandahan lang s'ya sa 'kin di ba? Calla?" Sabay pumipitik-pitik sa harap ko.

Nakakahiya natameme na pala ako sa harap nya. Ang ganda n'ya kase sobra. Ang bilis ng tibok ng puso at feeling ko nag-iinit na ng sobra yung mga pisngi ko.

"Ha? Oo okay lang ako" sabay nag thumbs up pa para makumbinsi silang okay lang ako. Kahit sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Oy Elle pahingi!" Sigaw ni Thea sabay lumapit kay Elle at sumipsip sa hawak nitong plastic na may coke.

"Oo nga penge nga den n'yang Frutos mo! Masarap ba yan?" Sabi naman ni Morgan sabay inagaw ang hawak nitong Frutos na kulay green sa kabilang kamay.

Nakakatuwa silang tingnan ang kakapal ng mga mukha nila. Never pa ako nag-karoon ng mga ganitong kaibigan sa dati kong school.

"Ang kakapal nyo talaga! Ako bumili nento eh!" Inis na sabi ni Elle. "Diba Thea may modern house ka? May rooftop! May mga maid kayo! Tapos wala kang pambili ng coke?!" Naiinis pa nitong sabi.

"Hindi nga sa amin yon! Pinatira lang kami ng tita ko don!" Pangangatwiran ni Thea.

"Ikaw Morgan! Meron kayong dalawang resort tapos may Modeling Studio kayo sa bahay nyo tapos Frutos na tig lilimang piso wala?!" Naiinis ulit na sabi ni Elle natatawa talaga dahil ngisi nalang ang naisagot ni Morgan sa kanila.

Sa isip-isip ko natatawa ako at napapanganga dahil itong nga taong nasa harapan ko ngayon ay sa public school lang nag aaral! Pero may Modern House! Merong may-ari ng resorts! Pero nakakatuwa kase di sila katulad ng ibang mayayaman na kilala ko.

Iba sila. Masyado silang humble, mabait at ibang-iba talaga. Ibang-iba sa mga kakilala ko.

May 10 minutes na kaming nag-hihintay dito. Pero di paren kami nakakasakay. Marami ding mga estudyante na nag-lalakad at sinasalubong ang mga jeep.

"Pre 'di mo ba crush si Dewei or kahit katiting na pag-gusto man lang wala ka talagang nararamdaman?" Tanong sa akin ni Elle. Dahilan para maituon ng tatlo ang atensyon sa akin at hinihintay ang pag-sagot ko.

"Wala talaga? Ganto ka talaga?" Sabay nag-macho sign. Napasapo naman ako sa noo. Sabay tumango ako sa kanya.

"Owemji Calla? Totoo? Talaga? Final na?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Morgan. Dahilan para matameme na naman ako at dahilan para masapo ni Elle ang noo nya.

"Hmm...Yes?"

"Oh my gosh! Don't worry I'm going to support you parin naman eh! I'm just shookt!" Sabi ni Morgan na para bang ginagaya ang istilo ng pag sasalita ni Kris Aquino.

"Di ko gets? Anong meron?" Singit naman ni Thea.

"Kahit kailan ka talaga Thea ang slow slow mo! Wag ka mag-alala si Calla naman mag-sasabi sayo, diba Calla?" Sabi ni Morgan.

Tumango ako dahil wala na akong masabi grabe.

"Dre tricycle!" Sigaw ni Elle.

Agad namang tumayo si Zachary at pumunta sa may gilid ng kalsada. At nagulat naman ako ginawa nya.

"Yes or Yes! HAHAHAHAH!" Sabay sabay nilang kanta.

Bakla ba s'ya? Grabe sumayaw s'ya ng Yes or Yes ng Twice. Bigla namang tumigil yung tricycle.

"Saan kayo?" Tanong ni kuyang Driver.

"Saan ka ba Calla?" Tanong sa akin ni Morgan.

Nataranta naman ako. Ano ngang pangalan ng subdivision namin? Sunnies? Oo ayun sunnies!

"Ah doon sa Sunnies." Sagot ko kay Morgan.

"Sunnies kuya!" Sagot ni Zachary kay kuyang driver.

"Ah sige sakay na!"

Pinasok ni Zach ang mga gamit namin. Sabay pumasok na kaming tatlo ni Morgan at Thea. Sila na ang pinaupo ko doon sa may upuan. At ako nalang ang nag baby sit. Tapos sila Zachary at Elle naman sa likod.

Sa byahe puro kanta lang ang ginawa ni Thea at ni Morgan. Mga 20 minutes yung byahe kaya mga 20 minutes din akong nakatameme kay Morgan. Sobrang ganda ng boses nya. Lalo na yung kinanta nya Tonight ng FM static ba? Di ko sure basta sigurado akong maganda yung boses nya.

Di ko namalayan na nandito na pala kami. Nagulat nalang ako kase biglang tumigil ying tricycle tapos bumaba si Thea.

"Libre na kita Calla." Mahinhin na sabi ni Morgan. Grabe talaga s'ya.

"Saan ka ba nakatira Calla?" Tanong sa akin ni Elle.

"D'yan mismo sa sunnies dire-diretso tapos sa pang-apat na street tapos pang-seven na bahay. "

"Ah kayo pala yung bagong lipat! Mag-ka-street tayo pero doon kami sa may bandang bukana yung may parang maliit na grocery store sa gilid sa amin din yon." Sabi naman ni Elle. Grabe mag-ka-street pala kami!

"Ako naman d'yan kami ni Thea" sabay turo may medyong malaking iskinita sa gilid ng Sunnies. "Sa dulo nyan doon yung bahay nila Thea yung pinakamalaki kaya hinahatid ko sya, tutal mag kalapit naman kami" pag-eexplain sa akin ni Zachary.

"Ay bat' mo sinabi wala na tuloy akong makukwento!" Sabi ni Thea sabay nag-pout.

"Ikaw Morgan saan ka nakatira?" Tanong ko sa kanya. Argh nakakahiya.

"Dito!" Sabay tinuro ang bahay na nasa likod namin.

Pag-lingong ko. Grabe ang laki! Sobra.

"Ang laki 'noh? Pero walang pambili ng Frutos yan!" Pang-aasar ni Elle.

"Echos 'toh sige na nga babush na!" Tumawid na kaming apat sabay si Morgan binuksan na ang gate nila saka pumasok na alangan namang akyatin nya diba?

Humiwalay na sila Zachary sa amin ni Elle. Sabay naman kami pauwi sa bahay.

"Alam mo Calla ang swerte mo kase kahit ganyan ka? I mean you know? Mag- katambal paren kayo ni Dewei."

"Ano namang meron kay Dewei?" Pagtatakang tanong ko.

"Basta makilala mo naman s'ya eh. Pag-nakilala mo na sya malalaman mo na kung bakit ka swerte."

Bigla namang sumakit ang ulo ko. Kaines kung kailan pauwi na saka pa nag kaganito nandito palang kami sa bukana. Hindi pa nga kami nakakalagpas sa first Street. Argh! Ang sakit.

Napapikit ako at parang may mabilis na pang-yayari na lumitaw sa utak ko. Ano yon? Parang ang sakit lalo!

"Dre? Calla okay ka lang?"

"Oo d-"

"Calla!" Nanlabo na ang paningin ko at naging dilim na ang lahat.

....

____________________________________________________________________

This story is UNEDITED. Sorry sa mga Typographical Errors at sa mga Wrong grammar hehe. Di po ako isang professional writer. Thanks for reading! Lovelots <3