webnovel

QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

Copyright 2023 (Webnovel Version) by HETEROhybrid All Rights Reserved. This is a work of fiction. The following details in this story was based on the author's discretion about names, places, and events. Any resemblance to actual people or settings were just purely coincidence. The plot itself should not be associated with any forms of duplication by any means through electronic or mechanical methods without the author's prior approval to do so. Disclaimer also that Slam Dunk series belongs to Mr. Takehiko Inoue.

HETEROhybrid · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
100 Chs

8.19 Glimpse of Paradise

Tila nahimasmasan ng kaunti si Lizette mula sa mga pangyayaring kinasangkutan nila ni Eiji kanina. Mistulang isang mabilisang transition of events ang tumatak sa isipan ng dalaga nang mga oras na iyon, and it was a great shocker for her na masabihan ng compliment mula sa isang foreign national.

"Pesteng yawa! Nakakaloka talaga!" naiinis na turan ng dalaga habang inaalala ang mga pangyayari.

Magkasalubong ang kilay ni Lizette dahil sa kapusukan ni Eiji kung saan ay ginagawa niya ang anumang naisin niya sa bayan na pinamamalagian nila ngayon kung kaya hindi na siya tumanggi pa na palabasin si Eiji sa bahay dahil wala naman siyang kontrol sa buhay at desisyon ng binata.

{👤Lizette Choi📣}

"Ano bang iniisip niya at bigla na lang siyang naglakwatsa gayong delikado ang lagay naming pareho gaya ng pinapalabas niya?" Napapakamot na lang na lang ako sa sintido dahil sa sobrang pagkabwisit sa ugali ni Eiji.

Minsan talaga ay hindi ko maintindihan kung anong klaseng utak ang naroon sa kalbong Eiji na iyan. He just grab some of his things and left me alone sa tahanang ito. Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawa ang mga gusto kong gawin mula noong nagtagpo ang landas naming dalawa.

Parang mas lalo atang nasasayang ang oras ko sa kakabuntot niya sa akin at mukhang nagdagdag lang ako ng apoy sa sarili kong pasaning problema. He's such a total, spoiled jerk. Iyon naman ata ang totoo tungkol sa kanya unlike sa ikinuwento niya sa aking pangmomolestya kuno ng mga barkada niyang brusko ng walang permiso.

Truth to be told, I'm still longing for Hyun-ji's presence kahit nasa puder ako ng ibang lalaki ngayon. Patunay na siguro dyan ang pagiging hysterical ko noong nakaraan lang. Alam kong isa iyong malaking turn-off para sa isang binata na naghahangad lang ng atensiyon at pagmamahal mula sa akin pero what can Eiji possibly do to eradicate my traumas and sorrows? Wala naman at hindi ako umaasa kaya marahan na lamang akong napadausdos ng pailalim sa aking kinauupuan.

I don't even understand kung bakit nangyayari sa akin ito. Kahit kagigising ko lang sa umaga ay masyado naman ata akong nanghihina para maging matamlay all day. Mukhang tinutuhog ang sikmura ko sa sobrang sakit na hindi ko malaman kung anong ganap ng mga bulate sa loob.

Narealize ko lang na nakakasawa din pala sa puso ang mag-alala ng todo tungkol sa mga bagay na labis kong pinapahalagahan kahit magmumukha na akong tanga sa paningin ng ibang tao. Itanggi man ni Hyun-ji sa akin ang sarili niyang buhay, hindi pa din mawala sa isip ko ang pangambang babalik pa din doon si Dalton at sa kanya pa ibunton ang galit ng pagtakas ko sa kulungan.

Marahil ay sadyang kumakalam na nga ang sikmura ko at maaaring gabihin pa si Eiji sa kanyang pag-uwi dahil sa malayong distansya pa ang kailangan niyang lakbayin para lang makarating sa pamilihang Sunam mula dito sa bahay. Hindi pa din gaanong laganap ang public transportation sa bayan na ito kaya nakatitiyak akong mahihirapan ang kalbo na iyon na makasabay sa takbo ng panahon sa lugar na ito.

───※•☞💉ﮩ٨ﮩ٨ـ📑☜•※───

Sa paglipas ng dalawang oras na paglalakad ay tila hindi maalis ang tingin ni Eiji sa kanyang paligid. In contrast to his first impression about the country, mukhang nakumbinsi siya na hindi lahat ng naibabalita sa internet ay pawang katotohanan ang pinapalaganap.

It's true that dictatorship rule does not provide everyone's needs lalo pa at laganap pa din ang kahirapan sa buong kapuluan ng lugar na iyon. Chongjin has a lot of similarities to Kanagawa dahil sa kayamanang lamang-dagat na mahuhuli pa sa araw na iyon.

They have a decent scenery kung saan complementary ang balanse sa pagitan ng kalikasan at industries. People live in harmony gaya ng naipipinta sa imahinasyon ni Eiji but not all is included. Nagulantang na lang ang katawang lupa niya nang may biglang humawak sa paanan niya.

"Kuya, palimos naman po..." pagbati na sabi ng batang lalaki kay Eiji. "kahit pangkain lang ho." dagdag pa nito.

Eiji felt gruesome sa itsura ng bata. His wounds on the back was unbearable to see ngunit sinusubukan pa din ni Eiji ang kanyang makakaya para maasikaso ang bata ng maayos. "Ughmm... Ang totoo kasi niyan eh hindi ako tagarito at wala akong barya." pagdadahilan ni Eiji sa bata at nakatulala lang ang paslit sa kanyang mukha.

"Ang damot mo naman..." naiinis na tugon ng bata sa sinabi ni Eiji.

Tila natahimik si Eiji sa sagot sa kanya. "Hindi mo naman magagamit ang dollars sa lugar na ito. Paano ka makakabili ng pagkain nyan kung ibibigay ko ito sa'yo?" ani Eiji sabay napakamot sa kanyang sintido. Ipinakita niya sa bata na wala siyang sapat at angkop na perang magagamit upang bumili ng nais niya.

"Ipapalalit mo lang naman iyan kuya eh. Tas bigyan mo ako ng pera para matapos na ito." seryoso ang mukha ng bata sa pakikihalubilo kay Eiji at hindi lubos magawang tanggihan ni Eiji ang hiling ng bata.

"Binubudol mo na ata ako, hah?! Kung ganun eh alam mo ba kung saan ang palengke dito? Huwag ka na mag-alala, pakakainin din naman kita kung masasamahan mo ako." ngiting sabi naman ni Eiji sa bata at tila nabuhayan na siya ng loob.

"Sigurado na yan kuya?! Walang bawian." sabi ng bata na tila nangungulit pa at sinukliaan naman iyon ni Eiji ng ngiti sa kanyang labi.

"Sinabi na ngang oo eh!" ani Eiji at sabay silang pumunta sa pinakamalapit na train station papuntang Sunam Market sa Chongjin.

📍Bugayeog Train Station, Namnyang-dong

"Ano nga pala ang pangalan mo kuya?" tanong ng bata sa kanya.

"Eiji. Eh ikaw?" aniya sabay tingin sa kinaroroonan ng bata.

"Teh-dee po para madaling matandaan." ngiting sabi ng bata sa kanya.

"Ang weird naman ng trip ng mga magulang mo sa'yo." birong saad ni Eiji.

"Hindi na po importante iyon kuya eh tutal wala na din naman akong babalikan sa amin." kwento sa kanya ni Teh-dee.

"Pasensya ka na sa akin ah. Sobrang coincidence naman ata na halos lahat kayo dito eh pare-parehong may bad experiences sa bansang ito." Paglilinaw ni Eiji at tila tanggap na ni Teh-dee na sadyang wala siyang mararating hanggat hindi niya nakakamit ang asensadong buhay.

"Gusto ko din po maging basketball player gaya ni Dennis Rodman na bumisita din po sa bahay ng supreme leader noong mga nakaraang taon. Kaya ginagawa ko po ang lahat para makamit ang pangarap na iyon kahit mahirap pa ako sa daga dahil ayaw kong maniwala na hanggang dito na lang ang antas ng pamumuhay ko kuya." pag-amin ni Teh-dee kay Eiji.

Hindi maiwasang maantig ang puso ng binata mula sa kanyang mga narinig na kwento kay Teh-dee. "Tama ka. Hindi mo dapat sukuan ang gusto mong pangarap kahit maraming tao na ang gusto humila sa'yo palayo para maabot ang pangarap na iyon." payo ni Eiji na tila nakakarelate sa sitwasyon ni Teh-dee.

Lumipas ang tatlumpung minuto at narating na nilang dalawa ang ticketing booth ng Bugayeog Train Station. Nakapila sila sa dulo ng linya nang mapansing konti lang ang mga tao na bumabiyahe palabas ng Namnyang-dong.

"Sa Sunam Market lang kuya ang pinakamalapit na pamilihan dito. Siguro mga forty minutes na biyahe lang ang kailangan para makarating doon mula dito." paliwanag ni Teh-dee na tila isang tour guide.

"Hmmp... kabisado mo pala kung kailan tayo makakarating doon. Saang istasyon naman tayo bababa kung sakaling sa Sunam tayo pupunta?" paniniguro ni Eiji kay Teh-dee ngunit hindi siya sinagot ng diretcho.

"Hindi ko na po alam eh. Inaabot kasi ako ng kalahating araw papunta doon sa Sunam dahil nilalakad ko lang iyon mula dito kung kailangan kong mamalimos ulit sa mataong lugar." saad pa ni Teh-dee na lalong ikinasama naman ng loob ni Eiji dahil sa dollars niyang walang halaga sa bansang iyon.

It's finally their turn now at hindi na sila makakaatras pa sa napipinta nilang biyahe patungong pamilihan. "Uhh... Saan po ang unloading station kung pupunta po kami sa Sunam Market?" Mahinahong tanong ni Eiji sa kahera ng ticketing booth na medyo may kasungitan ang itsura.

"Sa Sunam-Yeog ang isatasyon niyo at saka na lang kayo maglakad papunta sa pamilihan kapag nakababa na kayo doon."

"Ganun po ba... Osige, pakisuyo na lang po ako ng dalawang upuan para sa amin kaya lang wala po akong ₩ at tanging $ lang ang meron sa bulsa ko." paliwanag ni Eiji sa kahera

"Hindi problema sa amin iyan. Sapat na ang $20 per head patungo sa Sunam Market." sabi ng kahera at hindi ito mapakali na lumilingon sa magkaibang direksyon. "Kung ako sa'yo eh ipapalit mo din ang pera mo doon nang hindi ka namomroblema ng ganyan." dagdag pa nitong pahayag na lubos na ikinasaya ni Eiji.

"Talaga po? Naku! Maraming salamat ho sa tip niyo." Ngiting saad ni Eiji na mukhang nabunutan na ng tinik sa dibdib. 

Kasagsagan iyon ng hapon noong umaandar ang naturang tren. Tila isang masayang biyahe ang nasaksihan ni Teh-dee kasama si Eiji ngunit gaya ng inaasahang paghihigpit sa seguridad, paniguradong sakit muli sa sintido ang kakaharapin nilang dalawa sa mga gawi ng mga taong baliko ang pag-iisip sa pamilihang Sunam.

📍Sunam Market, Chongjin

Eyes of certain individuals would probably sparkle mula sa paligid ng Sunam Market. This is kinda one stop shop para sa mga turista gayon din sa mga local residents sa Chongjin. It was known to be the largest shopping place for all at sinasabi pa ng iilan na mas maraming variety ang makikita dito kaysa sa Pyongyang na tinaguriang capital city ng bansa.

Gayunpaman ay tila isang ordinaryong araw lang iyon para kay Eiji dahil pakiramdam niya'y tinatablan siya ng konsensya at hiya sa pag-iwan niya kay Lizette habang nagpapakasaya naman siya sa piling ng ibang bata. They went shopping for some medical supplies, groceries, and three sets of decent clothes at hindi rin nakalimutan ni Eiji ang panagko niya kay Teh-dee kanina.

"Woah! Salamat naman at nakakain din ako ng masarap." bungad ni Teh-dee sa tulalang binata na kasama niya sa biyahe.

"Aysus. Naubos mo na nga ang buong menu. Hindi mo naman ako sinabihan na masiba ka pala sa pagkain." komento naman ni Eiji na hindi makapaniwala sa kayang ubusin ng sikmura ng bata.

They went on a budget friendly canteen and requested some of their most famous dishes like their own style of Pyongyang Cold Noodles, Pansangi, Gongmiri, Pine Mushrooms, and Talpi. Bagamat binalak ni Eiji na mamili lamang ng sapat na pagkain para kay Lizette ay nagpasya na lang siyang mag-uwi ng ibang natira sa kinain nilang dalawa ni Teh-dee.

"Manong!" pagtawag ng binata sa nakatokang waiter sa mga oras na iyon. "Take out po namin itong lahat ng natira. Salamat po."

"Sandali lang naman kuya. Wala pa akong dessert." pag-angal ni Teh-dee kay Eiji.

"Ano kamo?! Sa dami ba naman ng inorder mo, hindi ka pa busog?" nagugulantang na pahayag ni Eiji sa asal ni Teh-dee.

"Sorry na kuya pero buhay kasi ang mga bulate sa tiyan ko eh. Hehehehehe..." walang hiyang saad ni Teh-dee sa kanya at napabuntong-hininga na lang si Eiji sa mga narinig nitong pangangatwiran.

Napagkasunduan nila ang isang bagay matapos iuwi ni Eiji ang sobra sa kanilang mga kinain ni Teh-dee. A mouthful servings of ice cream will be their last bucket list to fulfill sa araw na iyon at saka na sila magpapaalam sa bawat isa. Madali lamang iyon sabihin kung tutuusin ngunit hindi nila inasahan ang paraan ng kanilang pamamaalam.

Matapos iabot ni Eiji ang vanilla ice cream ni Teh-dee ay tuluyan na silang naghiwalay ng landas. Abala noon si Eiji sa pamimili ng bisikleta na kakailanganin niya pansamantala upang makarating sa bahay nila Hyun-ji ng mas mabilis mula sa Bugayeog train station hanggang na nagkumpulan ang mga tao sa sentrong bahagi ng pamilihan at nasaksihan ang kalupitan ng ilang kasapi ng mga awtoridad.

"Waah!!! Sorry po..." Agaw atensyon ang paghagulgol ni Teh-dee sa paanan ng mga sundalo, wari nito'y mga tauhan ng prison camp na nanghahagilap ng mga pugante sa labas ng selda.

"Magiging paralisado ang batang iyan kapag tinuloy mo pa ang pananakit sa kanya, Dalton." Paalala ng kasama nitong si Myeong na pawang nakaangkas sa sasakyan ni Dalton pabalik sa Chongori prison camp na pinangangasiwaan ng binata bilang warden sa kasalukuyan.

"Hay naku! Manahimik ka na nga lang dyan. Hindi ko aakalaing ikaw pa ang binigay nilang katuwang ko sa pangangasiwa ng buong prison camp. Tadhana nga naman." nakukulitang pahayag ni Dalton na hindi pa sanay sa ugali ng babaeng kasama niya.

"Makinig kayong lahat. Mula sa susunod na linggo ay isinasakatuparan muli ang lockdown sa buong siyudad dahil sa pinaghihinalaang pagtakas ng mga bilanggo sa prison camp at mga dayuhang nagpapalaganap ng sakit sa ating bansa. Kung kaya't ihanda niyo na ang mga kailangan niyo dahil magkakaroon pa din ng inspection sa inyong mga bahay para sa inyong kaligtasan. Muli ay maraming salamat sa inyong kooperasyon mga kababayan." anunsyo ni Myeong sa mga tao mula sa punong tanggapan ng partido ng first family.

Nilapitan ni Dalton si Teh-dee na pawang may halong nakakasindak na aura dahil sa pagiging sutil ng bata. "Law never excuses anyone including you. Alam mo namang may kasalanan kayo ng mama at papa mo diba? Hinayaan niyo lang masunog sa bahay niyo dati ang portrait ng mga taong pinakaimportante sa lugar na ito at hanggang ngayon eh hindi pa din kayo nagsisisi?" Pagsasariwa muli ni Dalton sa kanyang inmate na si Teh-dee na pawang pinakabata sa henerasyon niya.

Ayon pa kay Dalton, "At anong ginagawa mo dito sa lugar na ito gayong nakaduty kang tumulong sa pagpapakumpuni ng ilang bahagi ng prison camp? Sinong kasabwat mo?" pag-uusig na tanong ni Dalton sa mga panahong iyon.

"Wa...Wala po." ani Teh-dee na mugto na ang mata sa kakaiyak. Nainis naman si Dalton mula sa narinig niyang tugon.

"Hindi nga sapat sa'yo ang basta lang pinapalo parang lang madisiplina ng maayos..." panimula ni Dalton sabay kinuha ang baril at itinutok sa mukha ng bata.

"Maraming salamat po sa lahat, kuya Eiji. Hanggang sa muli nating pagsasalo sa lamesa." dasal ni Teh-dee habang nakakasilaw sa mata nito ang dulo ng nozzle.

*Bang* A bullet caused by an accident was fired from the warden's gun. Hawak ni Teh-dee ang kamay ng warden kung nasaan din hawak ni Dalton ang kanyang baril.

Samantala ay hindi na naabutan ni Eiji ang buong pangyayari at nasaksihan na lamang nito ang malared-velvet na ganap sa itsura ni Teh-dee na puno ng pulang tubig sa kanyang kinauupuan mula sa pag-agos nito sa kanyang ulo.