webnovel

QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction

Copyright 2023 (Webnovel Version) by HETEROhybrid All Rights Reserved. This is a work of fiction. The following details in this story was based on the author's discretion about names, places, and events. Any resemblance to actual people or settings were just purely coincidence. The plot itself should not be associated with any forms of duplication by any means through electronic or mechanical methods without the author's prior approval to do so. Disclaimer also that Slam Dunk series belongs to Mr. Takehiko Inoue.

HETEROhybrid · Realistic
Not enough ratings
101 Chs

8.18 High Caliber Secret

Sa mga sandaling iyon ay napairap na lang si Eiji sa tindi ng natamo niyang mga pasa na hindi pa masyadong naghihilom. Samantala ay pinagtuunan muna ni Lizette ng kanyang pansin ang sarili niya kaya pumasok muna siya sa isang silid para makapagpalit ng maayos na kasuotan.

Nagpasya na din ang dalaga na gupitan ang kanyang buhok para ikubli pansamantala ang nakagisnan niyang ayos at porma. Matapos ang ilang sandali ay pinakita ni Lizette ang mga dokumento na nagpahamak diumano sa buong angkan nila dalawampung taon na ang nakalipas.

She squat sit in front of Eiji habang nagugulumihanan naman ang binata sa dapat niyang ikilos at maramdaman sa mga oras na iyon. "Ano ba itong kabog sa dibdib ko? Parang sinasapian ng masamang elemento. Ang bigat sa pakiramdam." reklamong bulong ni Eiji sa kanyang sarili habang namumula sa sobrang kaba.

"Ito ang ginawang blueprint nila papa noon. Bata pa ako noong mga panahong iyon kaya hindi pa malinaw ang pagkakaintindi ko sa bagay na iyan; pero kinukwento sa akin ni Hyun-ji ang tungkol diyan noong nasa selda kami. Ito marahil ay ang proposed project nila papa para sa city development ng buong Namnyang-dong." panimulang salaysay ni Lizette at namangha naman ang binata sa kanyang nasasaksihan.

"Ang galing naman nito. Siguro kung natupad sana lahat ito, malamang mauungusan din ng bansang ito ang iba pang developed nations." ani Eiji sa gawa ng ama ni Lizette gayon din sa kasama nitong kaibigan na tumulong sa kanya.

"Doon lang sa parte ng implementation nagkaroon ng problema." pangbabarang saad ng dalaga. Napabuntong-hininga din siya sabay sabing, "Paano ba naman iyan maisasakatuparan kung iyong mismong presidente ang tumutol? Marami daw kasing dunong-dunungan ang nangyari noong naibalita ang tungkol dyan."

"Gaya ng alin?" ani Eiji at naikwento din ni Lizette ang nangyari sa pamilya nilang dalawa ni Hyun-ji sa loob ng prison camp na malapit sa kinaroroonan nila.

"Ang totoo niyan, inaresto kaming lahat ng mga kamag-anak namin nang dahil sa plano na iyan. Nakita mo naman sa blueprint na maraming paaralan, ospital, library, leisure centers, at government agency ang nakalagay dito, diba? Pinakalat ng partido ng first family sa buong bansa ang masamang epekto kuno ng mga plano ni papa dahil nag-uudyok daw iyon ng pag-aaklas ng mga tao laban sa kanila. Sa palagay ko nga eh wala silang balak umasenso ang bawat isang ordinaryong tao dito para lang sa sarili nilang interes sa tinatamasa nilang authority. Alam mo na, nasa kanila na ang lahat samantalang kami naman dito ay sinulit na ang pagdurusa araw-araw na tipong wala kang matinong pagkain sa lamesa. How pathetic fools they are..." sabi ni Lizette habang pinaparinggan ang mga taong nanghamak sa pamilya nila.

He was speechless mula sa mga nalaman ni Eiji tungkol sa babaeng kaharap niya ngayon. Batid nito na hindi maayos ang lagay ni Lizette lalo na sa emosyonal na aspeto kung kaya't hinayaan niya munang ilabas ng dalaga ang lahat ng kanyang sama ng loob.

"Lizette... Pasensya ka na kung naging ignorante ako sa nararamdaman mo nitong nakaraan." sabi ni Eiji. Dagdag pa nito. "Hindi ko alam na malala pala sa inaalala ko ang nangyari sa inyo kaya medyo wala na sa preno ang bibig ko."

"Naiintindihan ko naman kung bakit iba ang asta mo sa gaya ko. Malamang, ngayon ka lang nakarinig ng ganoong klase ng experience kaya nagugulantang ka na lang dyan sa kinalulugaran mo." komento ni Lizette sa tinuran ni Eiji.

"Oo nga pala, kamusta naman ang pamilya niyo doon sa loob ng kulungan?" Nag-aalalang tanong ng binata.

Upon hearing the question, Lizette can't hold back herself anymore. "Wala na akong balita kung buhay pa ang mga magulang namin. Inilipat kasi sila ng selda noong nagdalaga ako doon pero base na din sa oras na ginugugol namin sa pagtatrabaho sa labor camp, baka namatay na din sila dahil sa sobrang katandaan at hirap na dinanas nila. Tapos si Hyun-ji naman..."

"Anong nangyari?" usisang tanong nii Eiji kay Lizette habang tinutulungan niyang pakalmahin ang dalaga sa kanyang mga haplos.

"Sa tingin mo ba duwag at makasarili ako na iniwan ko siya doon sa loob ng kulungan?" tanong ni Lizette kay Eiji habang hindi naman siya sigurado sa kanyang isinagot.

"Hindi ko alam kung makatwiran ba ang sasabihin ko sa'yo. Mali naman talaga sa batas na tumakas ka sa bilangguan pero ramdam ko din na hindi maganda ang pagtrato sa inyo ng mga tao doon sa loob. Naiintindihan ko na gusto mo lang makawala sa karahasang pinagdadaanan mo kaya sinubukan mong makaalis at narito ka na kasama ko. Kung ako naman ang nasa kalagayan ni Hyun-ji, siguro pareho lang din ang magiging sentimento namin tungkol sa'yo. Mas mabuting wala ka doon sa loob ng selda kaysa naman pagdusahan mo ang gawa-gawa nilang kasalanan at ibinintang sa mga magulang mo." paliwanag ni Eiji at tila nilamon ng konsensya si Lizette sa pagiging pabaya niya kay Hyun-ji.

Napatayong bigla si Lizette at tila nangangamba sa magiging kapalit ng kanyang pansamantalang kalayaan kasama si Eiji. "Sabi na nga ba hindi na dapat ako nagpadala sa pangungunsinti ni Hyun-ji sa akin eh!" naiinis na sabi ni Lizette sa kanyang sarili.

"Sandali... Anong ibig mong sabihin?" ani Eiji at sinundan naman si Lizette sa kanyang patutunguhan. Lumabas silang pareho sa kanilang lungga at nagmamadali naman si Lizette na bumalik sa concentration camp kung saan sila nakakulong ni Hyun-ji.

"Teka! Saan ka pupunta?" Hinabol ni Eiji si Lizette para pigilan ang kanyang kahibangan na desisyon.

"Babalik na ako sa prison camp kaya umalis ka na at ayoko pang madamay ka. Kaya ko namang tiisin ang lahat ng ginagawa nila sa akin doon. Hindi ko lang kayang mawala sa akin si Hyun-ji dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko doon." sambit ni Lizette kay Eiji na lalong ikinasama ng loob ng binata.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa akin Lizette?! Paano mo siya itatakas kung malaki ang posibilidad na madadakip ka din ng mga guwardia doon sa loob ng kulungan?" naiinis na sabi ni Eiji na hindi mapakali sa binabalak ni Lizette.

Hindi man sinasadya ngunit malinaw na ngayon sa binata kung ano ang nangyari kay Lizette bago pa man sila nagkita malapit sa bangin. Nakita niya mismo ang mga pulang marka mula sa leeg ng dalaga nang pigilan niya itong lumayo at malabo pa sa reyalidad na iyon ay kagagawan lamang ng isang insekto.

"A-ano?! Ginagahasa ka ba sa loob ng kulungan?" Nangingilabot na tanong binata mula sa katahimikan ng bibig ni Lizette.

Naluluha na lamang ang dalaga sa kahihiyang pinagdaanan niya sa kamay ng mga guwardia sa loob ng prison camp. "Nakikiusap ako sa iyo lubayan mo na ako Eiji." nangangatwirang sabi ni Lizette sa pagiging sunud-sunuran ni Eiji sa kanyang patutunguhan.

"Kung alam din mismo ni Hyun-ji ang nangyayari sa'yo sa loob ng kulungan, pareho lang din ang sasabihin niya sa'yo na tumakas ka habang may pagkakataon ka." paliwanag ni Eiji na tila hindi maarok sa isipan ni Lizette.

"Wala kang mahihita sa akin Eiji. Hindi naman ako karapat-dapat sa pagiging concerned mo sa kalagayan ko eh." pagdadahilan ni Lizette kay Eiji.

"So, totoo nga? Edi mas lalong hindi kita papayagang sumugod doon sa prison camp para itakas siya." ani Eiji at tila hindi na nakapagpigil si Lizette sa kakulitan ni Eiji.

"Oo! Tama ang lahat ng hinala mo sa akin. Masaya ka na?" Hinanakit ni Lizette sa binata dahil wala siyang balak pagsabihan ang kahit sinuman tungkol sa kanyang masalimuot na karanasan ngunit nabasa lamang ni Eiji ang buong sitwasyon mula sa mga palatandaan na nasa kutis ng dalaga.

Nagpatuloy lamang si Lizette sa paglayo matapos nun hanggang sa, "Pwede bang pakinggan mo naman ako, huh?! Paulit-ulit na lang eh." Nakukulitan na tugon ni Eiji kung kaya't napalingon muli si Lizette sa kanya at huminto sa paglalakad.

"Tumatakbo ang oras. Huwag kang magsayang ng laway kung wala ding kwenta iyang sasabihin mo. Ano ba iyon?!" naiinis na sabi ni Lizette kay Eiji.

"Sa'yo ko lang din sasabihin ito pero sa palagay ko mahal na ata kita Lizette." Bulalas na sabi ni Eiji at napakamot na lang siya sa kanyang sintido kung kaya naman ay hindi siya sineryoso ni Lizette sa mga narinig niya.

"Ata? Hahahahaha... Bakit? Ngayon mo pa lang ako nakilala tapos mahal mo na ako agad?! Okay, linawin nga natin. Bilang kaibigan ba o baka naman isang manika na madaling paglaruan at madalas niyong pagsawaan mga lalaki?" tanong ni Lizette kay Eiji na naghihintay ng sagot.

He suddenly walked towards her and gave her a big hug. Nagulat naman si Lizette sa naging gesture ni Eiji at sa mga rebelasyon nito sa kanya. "I know what your pain feels like. Danas ko din iyan mula nang pinagpasa-pasahan ako at minaltrato ng mga inaakala kong kaibigan sa basketball team namin sa America. Sa katunayan eh gusto ko na ngang magpakamatay noong panahong iyon dahil sa sama ng loob na hindi ko masabi kahit kanino ang pananamantala nila sa akin. Noong nakita kita doon sa bangin at ikinuwento mo sa akin ngayon ang nangyari sa'yo, parang higit pa sa pagkakaibigan ang ninais kong makuha mula sa'yo Lizette dahil hinahangaan ko ang katapangan mo; that finally, I'll have someone na maiintindihan ako."

"Pero hindi naman ako ang babaeng karapat-dapat para sa'yo Eiji. Una sa lahat, halos malapit na din akong magtrenta anyos. At isa pa manlalaro ka pala sa koponan niyo at ano na lang ang magiging reaksyon ng mga tagahanga mo kapag nalaman nilang may kasintahan kang gaya ko?" nag-aalalang sabi ni Lizette ngunit hindi sumusuko si Eiji sa kanyang argumento.

"Masyado kang advance mag-isip Lizette pero matagal na akong hindi kasama sa team na iyon kaya huwag kang mag-alala. Sino naman ba ang may pakialam kung malayo ang agwat ng edad natin at paano mo naman nasabi na hindi tayo ang para sa isa't isa?" ani Eiji at tila manhid na sa mga salitang nangangahulugan ng rejection.

"Sinasabi mo lang iyan sa akin dahil naaawa ka sa kalagayan ko." sabi ni Lizette bilang pag-iwas niya sa tanong ni Eiji sa kanya.

"Marahil may punto ka sa sinabi mo. Hindi naman tayo sigurado tungkol sa pag-ibig na iyan kaya marami ang sumusugal. Lizette, kaya kong maghintay. Liligawan kita kahit ilang beses para lang mapatunayan ko sa'yo na totoo ako sa mga salita ko hanggang sa pumayag ka na isuko ang sarili mo sa akin." He suddenly broke the silence through his truth.

"Pareho tayong pinagsamantalahan ng masamang karanasan kaya naiintindihan ko kung hindi mo pa matanggap ngayon sa sarili mo na may tao pang pwedeng magmamahal sa'yo ng totoo." bulong ni Eiji sa kanyang sarili as he assures Lizette about his true intentions after knowing the whole story.

Tila hindi naman makapaniwala si Lizette sa nangyari sa kanila ni Eiji sa gitna ng kagubatan dahil tahimik lang siya habang nakapatong siya sa balikat ng binata pabalik sa kanilang lungga. "Pasensya ka na kung pinag-aalala kita Eiji." sabi ni Lizette na parang lalagnatin sa sobrang overwhelmed ng kanyang pakiramdam.

"Ayos lang iyon at salamat din naman dahil nahimasmasan ka na." sabi ni Eiji bago sila makauwi ng bahay. Dagdag pa nito, "Dito ka muna sa bahay at ako na ang bahala sa lahat." ngiting sabi ni Eiji noong iniwan niya si Lizette sa bahay nina Hyun-ji para magpahinga at maging ligtas laban sa mata ng mga authorities ng prison camp.