webnovel

PERSONA: THE FIRST CHAPTER

Persona Series: The First Chapter Persona: You, yourself. Tag: Romance, Fantasy, Teen Fiction JeannPulido's Story line ©Copyright 01-02-18 @All rights Reserved Everything in this story is fictional. NAMES, PLACES and ETC are all part of the author's imagination. From JeannPulido: Dear loud and silent readers, thank you for your support and love! Please continue to show your hospitality. Teehee. PS, PLAGIARISM IS A CRIME! ^.^

_OTACOOL_ · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
14 Chs

PERSONA 3

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the chapter guys!

*

Chapter 3

Eve's POV

"Didiretso na po ba tayo sa headquarters, head mistress?" tanong nung driver

"Sa school tayo," sagot ni Ate Cash kaya naman tumango na ang driver at nagsimula nang mag-drive

Sinilip ko muna 'yung village.

Tsk.

"Don't worry about those people, Eve. I've already sent agents to guard them from any danger" sabi ni Ate Cash kaya naman tumango nalang ako

Nang hindi ako magsalita ay hinawakan niya na ang kamay ko saka tinignan 'yung tattoo ko.

"Too bad, your persona isn't designed for combat" sabi niya kaya naman natawa ako

"I know, right? It's a real pain in the ass" sagot ko

"Anyways, what happened to that village? Matagal na ba silang pinupuntahan ng mga tarantadong 'yon? Bakit 'di man lang nila kami sinabihan?" tanong niya kaya naman bumugtong hininga ako

"They said that all the strong men and women went missing. Wala naman ata kayong ginagawa eh. Prinoprotektahan niyo lang ba ang mga sarili niyo? Tsk" tanong ko saka naman pinalo niya ako bigla

"Aray, ano ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh" dagdag ko

"It's not easy, Eve. After all, we're still humans. Hindi naman namin kayang kontrolin ang lahat eh. Hindi rin namin kayang protektahan ang lahat" sagot niya kaya naman napangiti ako

"Finally. Nagtaray ka na rin. I don't like your 'Headmaster'-mode. Napakayabang tignan" sagot ko kaya naman natawa siya

"You think? Bagay ko daw sabi ni Lucas eh" sagot niya kaya naman natawa nalang din ako

Ate Cash. Her persona? She can see glimpses of the future. It's a terrifying persona to be honest. If you want to know what a persona is, a persona is an ability given to people like us, the chosen people. Sa buong Imperial Capital, 5% lang over a 100 ang nabigyan nito. People with personas are given the responsibility to protect the people of the Imperial Capital.

Well, that's what most people would say. But that's half true. There are people with personas who are good and there are also who are bad.

Anyways, Ate Cash's being calm and collected about her persona but she just happen to control it at the age of sixteen. May fifteen whole years siyang paghihirap sa mga nakikita niyang mangyayari sa hinaharap. Okay lang kung mga magagandang mga pangitain ang nakikita niya pero paano kung ang kabaliktaran?

The worst of all her visions, nakita niyang namatay ang mga magulang niya sa kamay ng mga Underground People, na kung saan ay puno ng mga may persona at ang mga persona 'yun ay ginagamit nila sa hindi magandang paraan. Tulad ng pagnanakaw at.. well, pagpatay maybe.

Kahit na ginawa ni Ate Cash ang lahat ng makakaya niya para pagsabihan at protektahan ang mga magulang niya, wala siyang nagawa dahil ang sabi ni Tito ay itinakda na ang lahat. Nang namatay ang mama ni Ate Cash na si Tita Layla last three years ay dumating din ang itinakdang panahon ng pagkamatay ni Tito Pisces, which was last year, ipinasa ang lahat sa maliit na kamay ni Ate Cash. On the age of twenty-five, siya na ang namamahala ng Clandestine.

Ang Clandestine ay isang paaralan na ginawa ng founder ng Aegis Force ng Imperial Capital. Ang Aegis Force ay isang importanteng parte ng Imperial Capital na tumatanggap ng trabaho na connected sa pagpapahinto ng mga krimen.

Sila ang kinikilalang 'Protectors of Justice'. They are strong and skilled-combat and intelligent fighters that protect the Imperial Capital, ang lugar na kung saan kami nakatira.

Pero sila ang tipo na hindi nagpapakita sa mga tao. They are a group of secret agents. Tumatanggap ng mga missions ang Aegis Force galing sa mga matataas na miyembro ng Imperial Capital at pati na rin sa kahit sinong nangangailan ng tulong. Tumatanggap sila ng mga donasyon at bayad depende sa hirap at bigat ng misyon.

May limang lebel na pinapangalan sa mga misyon dito.

"First Level" ang tawag sa mga misyong pangmadalian. Katulad ng pag-escort sa mahahalagang tao.

"Second Level" ay katulad ng pagligtas ng mga tao sa sunog o kung ano pa mang sakuna.

"Third Level" ay ang mga trabahong kung saan ay buhay na ng napakaraming tao ang nakataya.

"Fourth Level" ay ang mga trabahong confidential na kung saan ay connected sa mga matataas na opisyales ng gobyerno o importanteng errand ng school. Habang ang pang lima naman, ang

"Fifth Level" nama'y mga trabahong... well, let's just call it the "Cleaning Job". Ang level na 'to ay para lamang sa mga black-listed students ng school.

So bakit ako sa Clandestine papasok? Well, dahil ang Clandestine ay isang tagong school na nagmo-mold ng mga soon-to-be agents ng Aegis Force. To think na doon ako ipapa-stay ni Ate Cash. *sigh

Ate Cash is my father's best friend's daughter while Kuya Lucas is her younger brother. My father's dead while my mother.. I didn't have any memory of her even when I was still just a kid. 5 years ago, nagkita kami ni Ate Cash at tinulungan niya ako financially. Ako lang mag isa eh. At namumuhay lang ako sa paraan ng paghuli ng mga criminal. You can call me a bounty hunter.

Though it's just for earning money to live my daily life. The larger the bounty on the criminal's head, the better chances on earning money. "Catch the biggest head!" 'yan ang motto ko.

Though don't take it literally. I meant the price on their heads. Haha

"Ah. For security purposes, nilagay kita sa team na under kay Law. It's a team composed of only four students. One girl and three boys. All very well-raised and came from families that are internally connected to the Aegis Force" sabi ni Ate Cashmiere kaya naman sumimangot na ako

"Matatalino't napakagaling sa larangan ng pakikipaglaban at pagoobserba. They're the fresh graduates chosen by yours truly," dagdag niya

"Do you expect me to say something?" tanong ko

"Nope. Not at all. Pinapaalam ko lang naman sayo habang maaga pa" sagot niya kaya naman napakagakat ako ng labi ko

"Bakit mo pinapaalam? You're overestimating me. Mahahalata din nilang hindi ako nakapag-aral at wala akong connection sa Aegis Force" sagot ko kaya naman tumango siya

"Then make sure they won't notice. Just act like how you've always been,"

Naturally. *sigh

"Alam mo namang by team ang pagtuturo sa school so not being able to stand out should be easy for you. Pero just to remind you, 'yung apat palang na 'yun ay sapat na para kunin ang lahat ng spotlight ng school. They're just first years but their potentials' exceeds even my expectations" sagot niya kaya naman napairap ako

"Wala naman akong pake eh. Kung makapuri ka naman. Tsk" bulong ko dahilan kung bakit siya natawa saka ako pinalo sa ulo kaya naman sinamaan ko siya ng tingin

"Don't worry, Erie. You're still the best for me," sagot niya kaya naman nabigla ako saka binaling ang tingin ko sa kabilang direksyon dahil nahiya ako sa sinabi niya

Tsk. S-so what?

"Anyways, nabilhan na kita ng mga gagamitin mo. Your uniforms and textbooks. Even new clothes and new fighting gears" tumango tango nalang ako

"Ah. You love to read history books and maps about the Imperial Capital, right? Want me to buy some for you?" tanong niya kaya naman tumango nalang ako

"Pills pa. I can't sleep lately," bulong ko dahilan kung bakit siya natawa at isinulat 'yun sa papel na tinitignan niya kanina

Dahil medyo matagal tagal pa ang byahe, kinuha ko na ang chance na 'yon para kausapin si Cash. We haven't met in a while after all. And besides, her aura and presence is making me anxious.

"So kamusta ang pagiging Headmistress, Ate Cash?" tanong ko dahilan kung bakit siya sumimangot

"Every time, every day, all eyes were on me. It's excruciating but there's nothing I could possibly do. Masakit sa ulo at nakaka-stress, pero all in all, it's worth it" sagot niya kaya naman napangiti nalang ako

"You've changed, Ate Cash" sabi ko dahilan kung bakit niya ako tinignan

"Compared to you, it's not much. Ikaw ang talagang nagbago sa ating dalawa'' sagot niya kaya naman napangiti nalang ako ng pilit

Maybe or maybe not.

"Anyways, paano mo ba ako nahanapan?" tanong ko

"You've been pretty famous in the Aegis Force lately, that's why. The tall girl with a long black straight hair that wears black always and has a crimson and black raven tattoo on her wrist. Kung saan nanggagaling ang mga tsismis tungkol sayo, dun kita pinahanap. Even if you change your address every month, it wasn't that hard to locate you, fortunately" sagot niya kaya naman napatango nalang ako

I didn't know na nakakatulong din pala ang mga tsismis pero for a reason, I seriously hated it.

Why did they gossip about me? Was I being watched every time?

"Alam mo ba ang tawag nila sayo? Black Raven lang naman" natawa ako kaagad

"Black Raven? Ang pangit naman," sagot ko dahilan kung bakit din siya natawa

"They wanted to recruit you immediately to the Agency pero hindi ako pumayag since napakabata mo pa at wala ka pa nag-undergo sa training at learning sa school. Nang malaman nilang alam ko 'yun ay lagi na nila akong ginugulo para magtanong tungkol sayo. Bakit ba raw kita kilala o paano ko nalamang ang bata mo pa. Tsk. It was one heck of a week really. After a week of bothering, I finally made up my mind and immediately sent a group to find you and then here we are now"

Imagining what happened made me chuckle.

Nagtaka ako dahil nakatitig lang sa akin si Ate Cash.

"What?" tanong ko

"Nothing. It's just good to have you back" sabi niya saka niya ako nginitian kaya naman napangiti nalang ako

"Yeah,"