3 PERSONA 2

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the chapter guys!

*

Chapter 2

Eve's POV

"Kayo ba ang grupong nanggugulo sa lugar na 'to?" tanong ko kaya naman napatingin sa akin 'yung mga grupo ng mga lalaki

Armado sila pero walang mga baril or mga weapons na pang far-ranged.

Nice.

It doesn't seem like they have personas. This should be a piece of cake.

"E-eve, tumakbo nalang tayo" nauutal na sabi ng matandang lalaki na kinuhaan nila ng pera... by force

"Tumakbo na po kayo at magtago sa mga bahay niyo. Remind everyone by phone na i-lock ng mabuti ang mga pinto. Please trust me" sagot ko at kahit labag naman sa kalooban niya ay tumango nalang siya saka tumakbo

Hahabulin sana siya nung iba sa mga nanggugulo pero kinuha ko na ang kutsilyo ko saka inikot 'yon sa kamay ko at humarang.

"Don't even think about it," sagot ko kaya naman tinignan nila ako ng masama

"They usually just call the Aegis Force when someone tries to do bad things here. Pero natatakot sila, ibig sabihin you're not that simple to turn away from, huh?" tanong ko

Napa-cross arms 'yung lalaking naka-shades na mukhang leader ata nila.

"Who are you, you piece o' shit?" tanong niya kaya naman natawa ako saka inayos ang mascara ko at hoody

"It may be cliche but I'm your worst nightmare" sabi ko saka ako nag-flying kiss sakanya

"Kill her," pagkasabi non ng lider ay on cue na sabay sabay nila akong inatake

Time to have some fun!

Sinipa ko 'yung isa saka nilabas ang mga knives ko at tinapon dun sa tatlo pang aatake. Bang! Straight to the thigh! 4 down, 16 to go! Naglabas naman ng baril 'yung isa. Sht. Meron palang may baril sakanila. Napangiti nalang ako at hindi nagpatinag, I still ran and attacked him.

A gun like his' can't hurt me. It's only 2x faster than my knives. His panicking face says it all. Hinding hindi niya ako matatamaan.

"Get away from me, you won't live if I take this shot!"

"Dare me" saka ko kinuha 'yung baril ko saka kinasa kaya naman napakasa din siya at binaril ako ng tuluyan pero biglang nag-slow motion ang lahat sa paligid at pati narin ang trajectory ng bala ng baril niya

Gumulong ako, tumayo saka nag-aim at binaril 'yung kamay niyang may hawak na baril.

"Ah!" lumapit na ako sakanya saka ko siya sinipa sa mukha at tinapakan sa tiyan

Sinigurado ko munang unconscious na 'yung lima saka ako nagpamulsa.

Naramdaman ko naming may tumutok ng baril sa likod ko. Tsk tsk.

"Don't move" tinaas ko na 'yung dalawang kamay ko saka humarap sa tumutok sa akin ng baril

"Why? You gonna hurt me?" tanong ko at napalunok naman siya bigla

Nang mag-blink siya ay lumuhod na ako saka sinipa ang paa niya kaya naman na-out of balance siya saka nabitawan ang baril niya. Tatayo pa sana siya pero kumuha na ako ng knives saka in-aim ang ulo niya.

"Don't move" pag-gaya ko sa sinabi niya sa akin. Dahil sa takot ay sumunod siya kaagad kaya naman pinin ko siya sa lupa gamit ang knives ko

Kinuha ko ang baril niya saka pinaikot at tinignan na ang 14 pang natitira. Nagdadalawang isip na silang umatake at mukhang hindi inaasahan ang ginawa ko.

Kinasa ko na ang baril nung lalaki saka in-aim sa boss nila na mukhang sasabog na sa galit.

"I've fired a gun for more than I can't remember. Let me warn you, 'di ako nagkakamali na itama sa target ang mga bala ko" sabi ko saka ako nag-flip ng hair ko

"I-I'll remember this, you puny brat. Babalikan ka namin!" sigaw nung boss nila saka siya tumakbo kaya naman natarantang nagsitakbuhan ang mga alipores niya

Nako nako.

Di naman nagtagal ay nagsilabasan na ang mga taga-District. May mga hawak na silang mga tali at kung anu-ano pa man.

"E-eve, delikado na dito"

"Oo nga. Habang mas maaga pa, tumakas ka na"

"T-tama! Kaya na namin ang sarili namin, Eve!"

"Naturuan mo naman na kami eh"

Bumugtong hininga na ako saka binulsa 'yung baril na hawak hawak ko. Sabing magtago lang eh.

"'Yun din naman po ang nasa isip ko. Me aside, kayo po ang iniisip ko" sagot ko kaya naman napaiyak ang iba sakanila

"Eve iha," napatingin naman ako kay Mang Andres

Gamit ang tungkod niya, dahan dahan siyang naglakad papunta sa kung nasan ako kaya naman agad na akong tumakbo para hindi na siya mahirapan pa.

Si Mang Andres nga pala ang pinaka-matanda sakanilang lahat. Siya ang utak ng bayan nila.

"Kulang ng mga malalakas na tao dito kaya naman walang tumatanggol sa amin. Kaya naman nang dito ka tumuloy iha, napanatag ang loob namin. Pero kailangan mo nang umalis, hindi na makakayanan ng konsensya namin kung may mangyayaring hindi kaaya aya sa iyo nang dahil sa amin" pilit nalang ako na ngumiti

"Naiintindihan ko po" sagot ko

Nung inilahad niya na ang kanang kamay niya ay agad ko itong hinawakan.

"Pagdating ng panahon ay mababayaran din naman ang napakalaking utang na loob namin sayo," sabi niya saka siya nakipagkamayan sa akin

"Sapat na po na bayad ang pagaalaga niyo sa mga sarili niyo. Maraming salamat din po sa pagtanggap niyo sa akin dito. Pupunta pa ako sa Headquarters ng Aegis Force para humingi ng tulong para sa inyo bago po ako aalis" sagot ko kaya naman dumiin ang pagkakahawak niya sa kamay ko

"Maraming salamat iha. Hinding hindi namin kakalimutan ang kabaitan ng loob mo"

Hindi naman nagtagal ay nagsipasukan na sila sa mga bahay nila. Napabugtong hininga nalang ako saka pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko palang ay agad na akong humiga sa kama.

Mamayang madaling araw nalang ako aalis. Kapag tulog na silang lahat.

"Damn. Where should I go now? Dalawang linggo palang simula nang mag-stay ako dito. Ba't ba dumadami ng dumadami ang mga krimen?" tanong ko sa kisame

"Ano bang ginagawa ng Aegis Force? Walang kwenta naman ata sila eh" bulong ko saka ako pumikit

"Oh. Are you sure you can say that?" minulat ko na ang mga mata ko saka sinilip 'yung nagsalita

"W-whatthe. Paano ka nakapasok dito?" tanong ko

It's Ate Cashmiere. Bumangon na ako saka umayos ng upo nang makita ko si Ate Cashmiere na casual na nakaupo sa sofa ko.

"Paano? Did you forget that I'm number one when it comes to trespassing?" tanong niya pabalik kaya naman napa-"Hah" nalang ako

"You mean you learned it from me, right?" bulong ko

Nagulat ako nung tinapon niya 'yung isang box sa akin kaya naman agad ko 'yong sinalo.

'Clandestine' nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon.

"Wait, 'wag mong sabihi—"

"Timing na pinaalis ka ng mga taga-Northern Village. Sasama ka na sa akin. Kaysa naman kahit saan ka pumupunta, mas mabuting 'don ka sa Clandestine dahil mababantayan kita" sagot niya saka siya tumayo

"Are you sure you're letting me in there?" tanong ko

"Pack your things. I don't want to hear any more excuses" dagdag niya saka siya lumabas kaya naman napakagat ako ng labi ko

Sht.

Just shit.

avataravatar
Next chapter