webnovel

Perfectly Unique

"Yes I am a rebel but not totally because I have my horns under my halo." She almost had everything. The money, freedom and fame but she's not happy with it. She is looking for love and attention- she just found it in her friends but suddenly figured out that she is just more than friends to them and leaving her confused thinking what would she do and choose.

Purplaxx · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
7 Chs

Chapter 2

Warning: contains words and prases that are not suitable for young readers. Read at risk.

"Hoy Nel! Ano na balak mo? Tunganga? Tumagay ka!" sigaw ni Kara sa mismong harap ko.

"Tangina mo, gago. Anong akala mo sa akin, uhaw sa alak?" sabat ko. Naiinis sa pagsigaw niya sa mismong mukha ko.

"Kung ayaw mong tumagay, sumayaw ka nalang ghurl!" si Mahan nanaman na wala nang ginawa kundi sumaya, gumuling ng gumiling. Kala mo naman magaling, mukha namang bulate. Muntikan pa niyang hubarin ang damit buti at na-out balace kaya hindi natuloy.

"Wala ka sa bar Mahan. Nasa cheap na inuman ka lang. Saka ano ba 'yan?! Talo mo pa uod na nabudburan ng asin sa kagagalaw!" reklamo ko nanaman dahil ako ang nahihilo sa bulateng' to. Jusko!

"LET'S GO CRAZY CRAZY CRAZY 'TILL WE SEE THE SUN!" Si Hannah na akala mo nasusunugan sa pasigaw na pagkanta. Hindi ko nga alam kung paanong nakakaya ng microphone at speaker ang boses niyang iyan ngayon eh. Ugh! Sakit sa tenga!

Wala na akong ginawa kundi barahin at sigawan silang lahat dahil talo pa nila mga taong nakawala sa mental. Sigaw rito, tawa roon, sayaw banda roon at kanta banda rito. Tignan natin kung hindi ka mapapa putang ina ng pagka lutong.

Ano bang kasalanan ko at binigyan ako ng mga ganito kalalang mga nilalang na makakasama sa buhay ko dito sa mundo? Hindi ko kinakaya! Mamamatay ako sa konsumisyon!

Parehong nakaakbay na sa akin si Jezel at Rich. Nakailang beses na akong tanggal sa braso ng mga hinayupak pero pilit nilang ibinanalik. Pilayin ko kaya 'tong mga gagong 'to?

Noong umulan ba ng katinuan, natutulog sila?

Si Clyde ay sinalinan ang baso ko ng basta basta, pinuno pa saka tumatawang tinungga ang bote ng rhum saka ito ipinasa kay Jaime at tumungga din ang uto at loko.

Anak ng- putang ina talaga, wala nang pag-asa.

Napapailing na natampal ko ang noo ko at napahilamos sa mukha gamit ang palad sa inaasta ng mga kasama ko. Buti nalang at kilala ako ng may-ari at walang tao kaya malakas ang loob ng mga gunggong na itong magwala rito. Pakiramdam ko pati ako mababaliw na sa mga pinag gagagawa nilang lahat! Nawa'y manatili ako sa katinuan hanggang malasing silang lahat.

Hinayaan ko lang sila hanggang sa todong malasing ang lahat. Puta, hindi ko alam kung paano ko silang isasakay lahat sa tricycle ng ganito at mag-isa pa ako. Sumakit ang ulo ko sa kaiisip ng paraan at sa huli ay pinanindigan ko na.

Kung alam ko lang na ganito, sana hindi nalang ako punta. Bwiset!

Inis akong tumayo, medyo gumewang pa ang mundo pero kinaya ko at talagang kakayanin ko dahil kailangan nilang mapunta sa maayos na higaan. Mga putang inang 'to.

Pumara ako ng apat na tricycle. Oo apat at ako pa ang magbabayad, hayop. Si Jezel at Rich. Laurel at Clyde. Mahan at Kara. Sorry pero kailangan niyong magsama Jaime at Hannah. Hindi ko alam kung bakit natawa ako. Sumakay ako sa likod kasama ni Hannah at Jaime at natatawang sinabi sa tricycle driver kung saan kami pupunta.

Nang makarating kami sa hotel ay agad akong nagpabook ng studio type room at nagpatulong ako sa mga crew doon na buhatin ang mga gagong kasama ko. May isa pang nasukahan ni Jezel at panay ang paghingi ko ng sorry sa nasukahan.

Nang mailagay silang lahat sa kama at hindi ko alam kung bakit pati ako ay babagsak na. Namalayan ko nalang ang sarili kong nahiga at maya-maya ay nakatulog na.

Nagising ako ng masakit ang ulo. Bumungad sa'kin ang mukha nilang lahat na tinititigan ako, malapit mismo sa mukha ko.

"Ay ang haliparot gising na."

"Yung nanay natin may malay na."

"Siguradong nalasing 'to kanina. Bagsak eh."

Nag-init bigla ang ulo ko. Ako ba talaga ang nalasing? AKO BA TALAGA? Inis akong umupo at masamang tiningnan sila isa. Mukha naman silang mga inosente sa ipinukol kong tingin. I bet that they didn' t know what they did a few hours ago. I bet. I bet!

"Ako pa talaga ang nasabihan na lasing kanina ha? Seriously?!"

"Oops. Hindi ako lasing kanina. Ni hindi ko nga maaalalang tinungga ko ang bote ng alak eh." si Clyde na umayos ng upo at umastang parang may inaalala.

"Mas lalo naman ako!" si Jaime na katulad ni Clyde ay umayos ng upo at umastang may inaalala rin.

"I don't remember myself shouting at the mic niether." ngayon ay si Hannah na umayos pa ng upo at itinuro ang sarili.

"Nagsuka ba ako kanina?" si Jezel na nagkamot pa ng batok.

"Did I forced you to kiss me?" si Rich na inilapit pa lalo ang mukha sa akin.

"Did I.... Passed out?" si Kara. Ipinapanalangin sigurong sana ay hindi oo ang maging sagot ko.

"Did I strip mg clothes off Nel? Tell me." si Mahan na tila nagmamakaawang magsabi ako ng totoo.

"Nel... We are not that drunk..... right?" ngayon ay si Laurel na tila natatakot na sa biglaang pag aalburoto ko.

Tumayo ako na talagang namumula na sa inis. Bwisit na lumapit sa telepono saka um-order ng makakain para sakto pagkatapos kong sumigaw may pagkain na.

"Malamang walang makakaalala na tinungga ni Clyde at Jaime yung bote ng alak. Si Kara na sisigawan ako sa mismong mukha. Si Mahan, sumayaw ng sumayaw. Muntik pa ngang maghubad. Si Laurel ayun, nahiga sa lamesa. Si Hannah kung makakanta akala mo sumisigaw kasi may sunog, si Rich at Jezel na laylay ang ulo sa upuan dahil lasing na lasing kayong lahat and guess what? Sinukahan pa ni Jezel ang isang crew! Ako ang nag-arkila ng apat na tricy para maipunta kayo dito at ako rin ang nagbayad ng hotel room na ito. Mga walangh'ya! Anong akala niyo sa akin, taga alaga ng nalalasing? Muchacha? Bangko? Aba, gaguhan ba? "

Natahimik silang lahat. Panay parin ang pag-angat baba ng dibdib ko sa bwiset. Aba! Kung ganito silang palagi, bahala sila sa buhay nila!

"Sa susunod hindi ko na kayo aasikasuhin, bahala kayo sa mga buhay niyo kahit humilata kayo sa gitna ng kalsada na tirik ang araw. Putang ina? Iinom kayo tapos hindi niyo kayang dalhin 'yang mga kalasingan niyo? Ano, basta inom ng hindi nag-iisip ganon?"

"Sorry na Ma." si Jaime na nagpacute pa.

"Ulol. Sorry mo mukha mo. Ayaw ko nang maulit 'to. Ako ang mamamatay sa inyo. Jusmiyo!" napahawak nalang ako sa noo sa sobrang sakit ng ulo.

Pagkatapos kong sumigaw, dumating na ang order ko. Tang-ina. Walong super sized cup noodles at sinamahan ng nakahiwalay na chili powder, isang pitcher ng mango juice at walong egg sandwich. Napangiti ako.

"Thank you po." pagkatapos ibaba ang mga iyon sa lamesa ay saka sila lumabas ng kwarto.

"Look at her sudden change of mood bruh. May bipolar disorder ata." dinig kong bulong ni Laurel. Dinig ko dahil sobrang tahimik sa kwarto.

"Mga lintek, kumuha na kayo alam kong gutom kayo. Pakiusap lang, umayos kayo at ayaw kong masasayang nanaman ang pagkain dahil sa katangahan niyong mga gago kayo."

"Ngayon pinakakain na tayo, eh kanina lang galot na galit sa atin, akala mo mapapatay na tayo." Si Jaime.

"Oh sige. Huwag kayong kumain. Ako ang kakain lahat nito. Mga hayop."

"Ikaw naman di na mabiro."

"Love you ghurl."

" Thanks ghurl. "

" Salamat Nel! "

See. Ganiyan ka buraot 'yang mga iyan. Mga hayop talaga.

Matapos kumain ay nahiga nalang ako sa higaan at hinayaan silang magkwentuhansa sofa-bed. Maya maya pa ay tinawag nila at pinilit nila ako para sumali sa usapan kaya wala na akong nagawa.

Umakbay sa'kin si Laurel, humawak sa kanang kamay ko si Jezel. Si Jaime ay nakatingin sa kanang kamay ni Laurel na nakaakbay sa akin. Si Rich naman ay nakatingin sa kanang kamay kong hawak ni Jezel. Si Clyde ay nakaiwas ang tingin sa amin. Ewan ko ba kung bakit ganito itong mga ito. Parang tanga lang.

Hinayaan ko lang iyon dahil kumportable naman ako. Hindi naman sa gustong-gusto kong parang nilalandi ako, magaan lang kasi sa pakiramdam. Hindi ko rin alam kung bakit pero feeling ko sobrang safe ako, yung tipong may masasandalan ako sa oras ng pangangailangan tuwing ganiyan sila kalapit sa'kin.

"Guys, natatandaan niyo pa ba kung pano tayo nabuo?" si Hannah na natatawa sa iniisip.

"Hindi ko alam. Hindi ko nakita pa'no ginawa nila eh. Kung paanong posisyon o kung sino ang nasa ibabaw at gumagalaw. " pamimilosopo ni Jaime. Natawa naman ako.

"Tangina mo. Hindi iyon ang ibig kong sabihin bobo."

"Ayusin mo kasi tanong mo, tanga." - Clyde.

"Ano ba 'yan. Ang ibig kong sa paano tayong lahat nagkakilala."

"Yung mag-isa si Nel sa inuman tapos nakita kong nilapitan siya ni Laurel tapos umakbay. Natawa pa nga ako kasi nakita ko kung paano niyang pinilay daliri ni Laurel." natatawang kwento ni Hannah.

"Oo. Ang arte eh siya na nga nilalapitan ng pogi choosy pa." nakangusong sabi ni Laurel.

"Aba! Ikaw ba naman akbayan ng hindi mo kilala."

Napatingin ako sa kaniya, nagulat pa nga ako nang paglingon ko eh ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko kaya ibinalik ko kaagad ang baling ng mukha kay Hannah.

"Pero sinamahan parin namin si Nel noon na uminom tapos kumuha pa siya ulit ng panibagong beer para sa aming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit ang gaan kasama netong taong 'to."

"Hindi ko nga rin alam kung bakit nagkwento ka tungkol sa pagiging broken mo nun tapos umiyak ng umiyak eh. Akala mo naman namatayan."

"Tapos diba nagpalitan pa tayo ng number tapos tumatawa pa ako kasi ilang beses kang kinulit ni Laurek na ibigay number mo pero hindi mo binigay kaya lagi siyang nag-aabang sa inuman. Tapos nung nakilaka natin si Jaime at Clyde saka niya lang ibinigay number niya kay Laurel kasabay kay Jaime at Clyde. "

"Pano na ba natin nakilala iyang dalawang ungas na 'yan?"

"Diba kasi napaaway si Laurel nun? Sa boyfriend nung kinana niya eh tinulungan namin. Ewan ko nga kung bakit tinulungan namin 'yang fuckboy na 'yan eh." sabi ni Clyde.

"Tanga' tol. Kasi nakita natin yung kasama nung kaaway niya eh sasaksakin siya diba? Agkabaw ka na." Si Jaime.

"Tapos dumagdag sa alagain iyang si Mahan at Kara. Sa bar, sobrang lasing muntik marape. Tang-ina kasing suotan, parang wala nang naitago." lumukot ang mukha ko sa naalala.

"Tapos si Jezel at Rich ang laging uwak HAHAHAHA." Ngayon ay si Clyde na ang nakaalala.

"Diba noong tinamaan tayo tapos magbubook sana ulit ng hotel eh nakita natin silang nagsusuka sa likod ng kubo? Tapos bumalik ulit sa kubo para matulog. Kaya ayun, pinasama na ni Nel." natatawang kwento ni Clyde.

"Tangina nga tol si Rich noon eh. Iyak ng iyak, puro sabi ng 'ibinigay ko naman lahat, ako ang nakapatong lagi pero bakit ako ipinagpalit' ulol. HAHAHAHA akala mo naman na devirginize ng isang fuckboy amputa." tumatawang sabi ni Laurel pero masama na tingin lang ang nagawa ni Rich sa kaniya.

"Palibhasa hindi mo pa kasi nararanasan magmahal at iwan."

"Naranasan ko na magmahal pero hindi ako minamahal pabalik."

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa pisngi ko pero pinabayaan ko nalang. Sanay naman na ako sa kaniya, laging ganiyan kadikit kaya minsan napagkakamalan akong dagdag sa koleksyon ng gagong 'to.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Jezel sa kamay ko ng kaunti pero hindi ko nalang din iyon pinansin.  Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa mauwi nanaman sa inuman pero muli akong nainis.

Jusme, eto nanaman ang alak. Pasensya na atay ha? Kapit ka lang ha, mahal naman kita eh. Sadyang ang sarap lang kasi ng alak.

Agad din nawala ang inis dahil naalala kong nasa hotel na pala kami.

Ganito lang kami. Open at sanggang dikit ang isa't isa. Pero mas malapit sa akin ang boys, hindi ko nga alam kung bakit, minsan nga nagseselos yung tatlo kasi ako lagi ang inuuna nitong lima pero agad naman silang nakakabawi. Puno ng saya ang lahat ng moments namin, puro katatawanan. Akala ko magtatagal pero hindi pala. Hindinko lubos akalain na sa isang iglap guguho ang binuo naming saya at tawanan dahil hindi nila naiwasan ang kaisa-isang patakaran ng samahan.

Bawal mahulog sa tropa.